"Si Alas?... Ang kanang kamay ni Sante the King?" gulat niyang tanong sa akin. "Huwag kang mag aalala, this time hindi ka papatay ng tao, epakukulong mo lang siya sa pamamagitan ng impormasyon na ibibigay ko sa iyo." sinabi ko sa kanya sa mababang boses, sapagkat may isang grupo ng mga kabataan ang dumaan sa aming harapan. Halata sa kanilang mga kasootan na galing pa sila ng paaralan. Dahil weekends, inaasahang dadagsa pa ang mga taong namamasyal dito ngayon sa central park. "Malapit ako kay Sante the king, baka mahihirapan ako sa ipapagawa mo." "Ako ang magba-back up sayo. Nasa likod mo lang ako." sinabi ko sa kanya. "Pa-bunos ko na lang siya sayo. Hindi na ako magpapabayad, pero isa na lang ang hihilingin ko sayo." paliwanag ng ahente ko. Ngunit dumaan ang isang matandang lalaki na

