"One hundred seventy six million pesos ang nakuha ni Geralt Monro kay Sante the king, tatlong araw ang nakakaraan, bago siya umalis ng bansa. Wow! napapabilib mo na din ako ah" sinabi ni "Black hawk" sa kabilang lenya. "Salamat, utos lang iyon. Tanong ko lang, may balita ka na ba kay Jonathan?" tanong ko kay "Black hawk" Si Jonathan o may code na Eagle, ang matagal ko ng hinahanap upang maghiganti sa ginawang pagpatay sa aking kaibigan noon sa "safe house" na si Lilly. Katulad ko, hinubog din siya sa Isla ng Siargao upang gawing assassin ni Geralt Monro. Ngunit sa paglipas ng panahon, na silaw siya sa pera at kapangyarihan mayroon si Geralt Monro. Sa isip niya, ay kaya niyang higitan ang kayamanan ni Geralt Monro, ngunit nagkamali siya dahil naging katunggali ko siya. Naiingit siya tuwin

