CHAPTER 1 : PROLOGUE

1379 Words
SYVEN's POV *Tiit* *Tiit* *Tiit* Arghhh.... Ano yong naririnig ko?? Sinubukan kong igalaw ang ulo ko patagilid ngunit parang may bakal or kung ano mang nakapalibot sa leeg ko para di ako makagalaw. *Tiit* *Tiit* *Tiit* Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Malamig sa pakiramdam. Parang nakahiga ako sa isang malambot na kama? At yong weirdong tunog na maririnig sa paligid. Kaya sinubukan ko na lang imulat ang mga mata ko. Pero agad akong napapikit ng bigla akong masilaw sa nakakabulag na liwanag. Ano ba....ano ba nangyari sa akin?? Sinubukan ko ulit imulat mga mata ko. This time ay nakapag adjust na ang mga mata ko sa liwanag. Napakunot noo ako pero nagtaka ako bat ang hirap ikunot ang nga noo ko? Don ko lang naramdaman na parang may nakabalot na kung ano sa ulo ko na tumatakip sa buo kong ulo na halos matakpan na ang dalawa kong kilay. Napansin ko rin ang kakaibang lugar kung nasan ako. Nasa isang silid ako na kulay puti. Napansin ko ang isang malaking flat screen TV sa di kalayuan sa pwesto ko. Napatingin ako sa kabuohan ng silid. Malawak at may magarang sala set ang nakalagay kaharap ng TV. May bar counter pa na may tatlong high stool. Sa likod non mukhang isang kusina. May mga display din na mga mamahaling vase at mga halaman. Sa kaliwang side ko naman ay may mahabang kurtina. Magara at malinis tignan. Hagip din ng aking mga mata ang nasa gilid ng aking uluhan. Parang isang machine? Wait...don nanggagaling yong tunog! Te...teka....nasan ba ako?? Bakit nandito ako sa isang silid na pang mayaman?! Nakahiga nga ako sa isang kama. At nakatakip ang katawan ko sa isang malinis na puting kumot. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan. Ngunit di ko maigalaw. Bakit ganito?! Ano meron?! Ano nangyari?! Wala akong matandaang pumasok ako rito sa kwartong ito para lang makitulog or ano pa man. Shiiiiissshhh....binabangungot ba ako?! Kung bangungot man ito. Bakit ang ganda ng bangungot ko? Nasa isang yayamaning room lang naman ako. "Gadly you're awake." Isang malamig at sexyng boses ang pumukaw sa akin. Bigla kung anong pakiramdam akong naramdaman sa loob ng tiyan ko nang marinig ko iyon. Napatingin ako sa biglang nagsalita. Bigla akong napatulala sa aking nakita. Isang babae na mukhang kakapasok lang ng silid. Naka formal attire na hapit na hapit sa kanyang sexyng katawan. Na sobrang bumagay sa kanya. Napakaganda niyang nilalang. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa gilid ng ulo ko kung nasan ang machine. Kaya di ko masyadong maaninag ang kanyang expression. Bakit...bakit napaka perfect ng mukha niya? Naramdaman ko na lang ang pag iinit ng magkabila kong tainga at naramdaman ko rin ang pagrambulan ng kung ano sa loob ng tiyan ko. Nagugutom ba ako?! Hindiiii ehhhh! Saan siya galing?! Isa rin ba siya sa bangungot ko?! Wait....hindi na ito bangungot kundi nasa dreamland na ako!!! Isang diyosang anghel ang ngayon ay nakatayo sa gilid ko! Pero bakit naka formal attire siya kung isa siyang anghel?? "Im gonna call the doctor." Malamig niyang sabi bago siya tumalikod. Bigla akong nakaramdam ng dismaya ng hindi niya ako tinapunan ng tingin. Bakit ako nakaramdam ng ganun??? Teka...tama ba pagkarinig ko?! Call the doctor?! NASA HOSPITAL AKO?! Hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang isang di kalakihang salamin na nakapwesto sa gilid ng bar counter. Hindi ko iyon napansin kanina. Pero ganun na lang ang pagtataka ko nang makita ang isang lalaki na nakahiga sa isang kama. Nakakumot ng puting kumot. May benda ang buong ulo. May nakalagay din na neck brace sa leeg niya. Nakatingin din ito sa akin....I mean nakatitig na rin ito sa akin. Kahit may pasa pasa ang kanyang mukha at benda ay di maikakailang pogi siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba pagnatingin ako sa salamin ay nakatingin din ito sa akin! Waaaahhhh!!!!! Minumulto ata ako!!!! Nanlaki mga mata ko nang makitang nanlaki rin ang kanyang mga mata! Si-sino ang lalaking iyon?! Kahit pogi siya di ako papayag na ganyan siya tumingin sa akin!!! Si Angelo lang ang pinapayagan kong tumingin sa akin ng ganyan!!....pero sige na nga. Pogi naman siya eh. Peroooooo--- sino kang lalaki ka!! Napatingin ako sa mga taong nagsipasukan. Dalawang babae at isang lalaking nakasout na puting lab gown. Te-teka...nasa na yong anghel kanina?! Napatingin ulit ako ss may salamin at ganun na lang panglalaki ng mga mata ko na andon din sa salamin yong tatlong taong nagsipasukan. Waaahhh!!! Anong nangyayari!? "Doc. Tumataas ang kanyang heart rate." Rinig kong sabi nong babae. Napatingin ako sa lalaki na nakatingin na ito sa akin at parang kung anong sinasabi sa akin. Ano raw?! Ang naintindihan ko lang ay 'How's your feeling?' Hindi ako sumagot. Kaya may kung ano pa silang ginawa sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lang na parang kaya ko nang igalaw ang katawan ko. Gumilid sila sa isang tabi at parang kausap na kung sino man. Di ko makita dahil hindi ko maigalaw ang leeg ko. Napatingin ulit ako sa salamin at nanlaki ulit mga mata ko nang nakatingin din ang lalaki sa salamin at nanlalaki rin ang kanyang mga mata. Waaahh!!! Nakatingin na naman siya sa akin?! Bigla tuloy akong nauhaw! "Tu..tubig.." Mahina kong sabi pero sapat na para marinig nila. Nagtaka ako nang maramdaman ko at marinig ko na parang kakaiba ang boses ko. Hindi naman siya paos pero bakit ang lalim ng boses ko?! Bakit kakaiba? "Aaahh---" Halos mawindang ako nang mapagtanto kong panglalaki ang boses ko. Aaahhh!!!!!! Naigalaw ko ang katawan ko kaya napaupo ako at napahawak sa ulo ko. Napatingin ako sa salamin, ganun din ang kanyang ginawa. Halos mamutla ako dahil don. Wait...wait ..... Wag mong sabihin??? "Sir Daven! Please wag ka munang kumilos! Your body is still recovering!." Kita ko ang pagkataranta ng tatlong taong nakaputi. Agad silang lumapit sa akin. Ang dalawang babae ay sa kaliwang side ko at yong lalaki ay sa kanan ko. Ano?!! Sir Daven?! "Sinong Sir Daven?!!---ah...ahhh!!! Bat...bat ganito...bakit iba ang boses ko?!." Puno ng takot at pagkalito kung sabi. Nagpapanic na ako. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Rinig ko rin ang paglakas ng tunog ng weirdong tunog mula sa machine. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng tatlo sa magkabila kong braso at paa. Anong nangyayari?! Literal na bang binabangungot na ako?! KUNG OO PLEASE!!! PAKIGISING NA AKO!!! "Sir Daven! Please calm down!." "What's happening to him?." Bigla akong napatingin nang marinig ko ulit ang boses na gusto kong marinig ulit. At nandon nga nakatayo sa gilid at nakatingin sa akin. Pero blanko ang kanyang ekspresiyon. Bigla na naman ako nakaramdam ng ano sa tiyan ko. Noooo! Binubulate na naman tiyan ko! Naramdaman ko na lang na nahiga na ulit ako sa kama. At mukhang nakahinga na ng maayos yong tatlong nakaputi. Biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kaming lahat sa dalawang taong pumasok. Isang babae at lalaki na nasa 40 plus na ang edad base sa itsura nila. Mukha silang mayaman base sa suot at itsura nila. Puno nang pagaalala ang makikita sa kanilang mga mukha. Ang babae ay umiiyak na tumakbo papalit sa akin. "Oh my goodness! My son! My Daven!." Umiiyak na yumakap sa akin yong babae na ikinalaki ng mga mata ko. Huh?! Son Sino? Ako?!!!! Sino ba tong babaeng to?! Sa pagkakatanda ko ay hindi ganito ang itsura ni Mama! At hindi ganito umasta si Mama sa amin! "Si-sino po kayo? Sorry..po..hi-hindi po ako ang anak niyo. Lalong lalo na po na hindi ako isang lalaki. Isa po akong babae." Mahinang sabi ko. Hindi ko na rin pinansin ang kakaiba kong boses. Biglang napahiwalay ang ginang sa akin. Rinig ko rin ang OA nilang pagsinghap. Except lang don kay ate na mukhang anghel. Di ko siya narinig na suminghap. Tinignan niya ako at di makapaniwalang napailing-iling na para bang nasapian ako ng isang cute na espireto. Napaiyak ulit siya sabay takip sa kanyang bibig. "Hon!." Agad siyang nilapitan nong lalaki nang bigla itong mahimatay. Nanlaki rin ang mga mata ko dahil don. Lahhh...anong nangyari?! "What are you talking about Daven?! You are Daven! Our son!." Gulat na tanong sa akin nong lalaking kasama nong ginang na yumakap sa akin. Yakap yakap na niya ang ginang na walang malay na inalalayan nong dalawang nurse. "HIIIIIINNNDIIIIII!!!!" HINDI ITO TOTOOO!!! ISA ITONG BANGUNGOT!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD