CHAPTER 2: Before The Accident

1994 Words
SYVEN's POV Bago ang trahidya ito muna ang ganap sa buhay ko. "Grade 12- ABM - C1. That's all for today, class dismiss." After ng announcement ni Sir ay kanya kanyang daing ang mga classmates ko. Daing na parang nabunutan sila ng tinik. Sa wakas after ng whole day na class ay makakauwi na rin. Nauso rin kasi ang Senior High eh. But anyway, sino ba naman ako para magreklamo sa systema ng Pilipinas. Agad kong ipinasok ang mga gamit ko sa bag ko at nang makaalis na ako. May work pa ako need puntahan. "Hoy Sy! Tara sa night market!." Kalabit sa akin ng katabi ko. Si Apple. "Oo nga Rosario, tara sama ka sa amin sa downtown. Sabado naman bukas eh." Gatong naman ng isa ko pang classmate. Sa harapang upuan siya nakaupo. Nakatayo na ito at nakasukbit na ang bag sa likod. Si Jessa. Minsan talaga surname ang tawag sayo rito sa classroom ano? Di ba pwedeng first name na lang?? Isinara ko na ang bag ko after ko ipasok ang mga gamit ko. "Ahh...ano kasi-----" Naputol ang sasabihin ko "Oy! Mag na-night market kayo? Sama kami ni Angelo! Tara Sy!." Biglang sabi ni Jhon Mark na seatmate ko rin, sa bandang kaliwa. At si Apple naman ay sa kanan ko. Naka sukbit na rin ang bag nito. Napatingin ako kay Angelo, nakatingin na rin pala ito sa akin, nginitian ako nito. Bigla akong napaiwas ng tingin sa ngiti niya. Ene beeeyyy...HIHIHIH Talandz. Wag niya ako bigyan ng ngiti na ganyan! Tsk tsk tsk. Tumayo ako mula sa aking upuan at napakamot sa batok ko. "Guys. Di ako pwede ngayon----" Napanguso ako nang putulin na naman nila ang sasabihin ko. "Eh?! May part time job ka na naman ba beshy?." OA na hinawakan ako sa braso ni Christian na nasa likuran ko nakaupo na ngayon ay nakatayo na habang nagbubukas ng kanyang kulay pink na pamaypay. Nakasukbit na rin ang kanyang bag sa kanyang balikat. "Huh? Kahapon ay di ka rin sumama sa amin sa park para maggala dahil sa work mo." Naka ngusong sabi ni Apple nakatayo na ito. "Kaya nga Sy. Pwede namang ipang liban mo muna yang work mo. Lagi ka na lang busy sa buhay." Sabi pa ni Jhon Mark, inayos niya ang kanyang upuan at naglakad paatras para makalabas sa row ng upuan namin. Nakatayo na rin si Angelo at nakasukbit na rin ang kanyang shoulder bag sa kanyang balikat. Nakasout na rin siya ng kanyang bonnet. Napaiwas na lang ulit ako sa kanyang mga tinging binibigay sa akin. "Try mo rin kaya mag enjoy tulad ng ibang kabataan Rosario. Hindi yong puro ka subsob sa work after class." Bigla kaming napatingin sa nagsalita. Si Class President pala, Si Loyd, bakla rin.. Nasa unahan ng room, nagbubura sa blackboard. Nakikinig pala siya sa amin. "Sige ka Rosario, maaga kang jujungit niyan sa sobrang kasipagan mo. Tsk tsk tsk " "Oy Pres! Sama ka?! Libre mo si Sy sa Night Market!." Napalingon ako kay Jhon Mark tsaka siya hinampas sa braso. "Dimasigan! Kahit hindi na hoy! Dinamay mo pa si baks!." Nahihiya kong sabi rito. Tumawa naman sila. Ang iba naming classmates ay nagsilabasan na. Ang iba ay nakatingin sa amin. Inaaya pa nila kung sasama ang iba. "Waley me money Jhon Mark! Ubos na sa kakaload noh." "Sus, kakaload mo yan sa mga lalaki mo." "Woy hayof ka! Wapakels!." Napakamot na naman ako sa batok ko at napatingin sa orasan na sout ko. Ala sais ang pasok ko sa work at 3:30 na. "Guys!! Sorry talaga. Bawi ako sa susunod na gala natin ha? Need ko talaga pumasok ngayon sa work!." Nagmamadali kong sabi at lakad takbo ang ginawa ko palabas ng room. "Owright Sy. Next time ha!." "Oy ingat ka Rosario!." "Ingat ka Syven! Bye!." Sunod sunod nilang sabi sa akin kahit alam kong mga nagtatampo sila. Ilang aya na kasi ang natanggihan ko gawa ng need ko kumita ng pera araw araw. Di bali babawi na lang ako sa susunod pag mayaman na ako. HEHEHE. Cross finger! I claim it! Wooohh! "Wait lang Syven!." Bigla akong napatigil sa kalagitnaan ng hagdan pababa ng building namin. At napatingin sa taong humawak sa akin sa braso. Parang nagkaron ng slowmo ang lahat. Di joke lang. Nanlaki mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng pagiinit sa magkabila kong pisngi. "Ahmm..magkano ba ang sinasahod mo sa isang araw sa pag pa-part time job mo Syven?." Si Angelo. Di agad ako nakapagsalita at napatingin sa kamay niyang nakahawak parin sa braso ko. "Syven? Bayaran ko na lang araw mo. Sama ka na sa amin. Magpahinga ka muna sa araw araw mong work. Time naman para mag enjoy ka....ka...kasama na..namin." Napatingin ako sa kanya. Nagiwas siya ng tingin sa akin. Medyo di ko na naintindihan yong sinabi niya sa bandang huli dahil pabulong na niyang sinabi iyon. Kung bigyan lang ako ng mahabang oras para titigan ang kanyang poging mukha ay ginawa ko na pero baka malate pa ako sa work ko. Naghihinayang man...I mean ..nahihiya. Labag sa kalooban ko na tanggalin ang kanyang kamay sa braso ko. Naappreciate ko ang kanyang intensiyon. Lahat sila naappreciate ko naman. Pero masyado na akong nakakaabala sa kanila. Simula pa Grade 11 kami ay sila na itong tumutulong sa akin. Mga classmates ko ang nagmalasakit sa akin. Masaya ako na andiyan sila para sa akin. Gusto ko tuloy umiyak! "Gu-gustohin ko man A-Angelo...pero..wag mo nang aksiyahin allowance mo para sa akin...ano----" Tumalikod na ako sa kanya dahil di ko kinakaya na harapin siya! Ang pogi kasi! Baka bumigay ako! No! "Wag mo na isipin yon Syven. Gusto ko lang na---." "Ah..sige bye Angelo! Maraming maraming thanks! Mauna na ako! Promise babawi ako ha?!." Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Nilingon ko pa siya bago ako kumaway sa kanya. Tuluyan ko nang nilisan ang school. Napabuntong hininga na lamang ako nang makasakay ako ng jeep papunta sa workplace ko. Kung di pa ako umalis baka bumigay na ako sa kapogian ni Angelo. Ehhhhh...ano ba!!! Wag kang ganyan Syven! Napatakip na lamang ako sa mukha ko gamit ang aking bag para pigilan ang aking kilig. "Miss!." Ay! Napaangat ako ng mukha at napatingin sa harapan ko. Sa harap ko nakaupo ang isang matandang babae. Nakakunot na ang noo nito at parang inis na nakatingin sa akin. "Ba-bakit ho?." "Kanina pa kita tinatawag eh!" Masungit niyang sabi sa akin. "Oh! Sabi nang paabot ng pamasahe ko!." Inis na inaabot niya sa akin ang kanyang pamasahe. Eh?! Don ko lang napansin na dalawa lang pala kaming pasahero ni kuya Driver. At pareho pa kaming nasa pintuan ng jeep. Bakit di siya ang magabot ng kanyang pamasahe?! Kapal naman ng mukha nitong matandang to. "So-sorry po." Pagsosorry ko rito bago ko inabot ang kanyang pamasahe. Inis niya pa itong binitawan at inirapan pa ako ng matanda bago siya tumagilid at tumingin sa bintana. Napakamot na lamang ako sa pisngi ko at di na nagsalita. Umurong na lang ako papunta sa harapan sa likod ng driver. Inabot ko na rin ang pamasahe ko. Hayyssty...nanlumo ako nang makitang barya na lang pala laman ng wallet ko. The rest ay mga sapot na ng gagamba. - - - - - - - - - - - - - 10:45 pm Ganyang oras ako nakakauwi sa amin. Saktong 10 ang labas ko sa work. Nagwoworking student ako sa isang sikat na fast food. Buti kamo at natanggap sila ng mga working student. "Ate may pera ka ba? May group project kami sa isa kong subject." Yan na agad ang bungad sa akin ng pangatlo kong kapatid na si Shannie pagkapasok ko palang ng bahay. Na isang Grade 9 student. Nakaupo ito sa maliit naming mesa. Puro libro niya ang nakapatong doon at mga iilang notebook. Kasipag naman nitong kapatid ko. Very good very good. Pero not very good dahil waley na me pera! Sinarado ko muna ang pintuan namin after ko mahubad ang sapatos ko. Tsaka ako naglakad papunta sa kanya. At pagod na umupo sa upuan naming gawa sa pinagtagping kahoy. "Ate wag kang umupo diyan!" Pero huli na dahil sumalampak ang cute kong pwet sa malamig naming sahig. Errrkk... Sira pala ang upuan na ito! Pinagtagpi-tagpi nga diba?! Nakalimutan ko na ako pala ang nagrerepair sa upuan na yan sa tuwing nasisira. Mukhang need ko pa e-repair siya ng mas matibay. E-note ko na lang sarili ko na damihan ng pako ang mga paa niya. "Magkano ba ang kailangan mo?." Sabi ko na lang habang tumatayo at hinihimas ko ang nasaktan kong pwet. "150 ate Sy. " Nakangiwing sabi ni Shannie na para bang siya itong nasaktan sa pagkabagsak ko. Tumango-tango ako. Tsaka ko kinuha ang wallet ko. Buti na lang kamo ay nakahiram ako ng pera sa isa kong kaworkmate kanina. Napatingin pa ako sa bandang TV stand. At napangiti nang makitang mga tulog na ang mga alaga naming pusa. Lima sila kung bibilangin. Nagkukumpulan sila sa baba ng TV stand. Mga puspin sila na inampon namin. "Kumain na ba kayo? Sila Totoy at Carlo?." Tukoy ko sa dalawa pa naming kapatid. Si Totoy ang pangapat naming kapatid at bunso si Carlo. Inabot ko sa kanya ang 200 pesos pang baon na niya ang 50. "Kumain na po kami ate, tulog na po sila sa taas at ahhmm...inutang muna ni Kuya ang pang kain natin ngayon." Tumango tango ako. Kinuha niya sa akin ang 200 tsaka nagpasalamat siya. Sapat na yon sa akin basta magaral siyang mabuti... I mean silang tatlo. Magaral silang mabuti. Si Kuya Benji, panganay naming kapatid. May-asawa't anak na rin. Yeahhhh...may pamangkin na akong cute na 1 year old. Utang na naman, at pangalan ko na naman ang nakalista! Wala rin naman ipangbabayad don si Kuya. Weather weather din ang work non. As of now, tambay siya. Dito rin sila ng kanyang mag-ina sa bahay. Buti kamo ay may work kahit papano asawa niya. Kaya ending ay si Kuya ang kadalasan nagbabantay sa anak nila. Baliktad noh? Ayses..Basta importante ay busog! At ako naman daw ang magbabayad. Kaya ako? Bawal mapagod sa kakahanap ng work, yes, note to myself. Hinubad ko ang suot kong jacket at tinali ang buhok ko. "Nga pala ate, pumunta kanina rito si Manang Tishya. Naniningil na naman ng bayad sa upa ng bahay at hinahanap si Mama." Napatigil ako sa paglalabas ng mga notebook ko. Gagawin ko kasi lahat ng mga assignments ko before ako matulog. Then don ko lang naalala. Oh noooo...nagpaparamdam na naman si Judith. Judith sa bill ng kuryente! Judith sa bill ng tubig!! Judith sa bayarin sa mga utang!!! MAY HULUGAN PA SA MICROFINANCE COMPANY! Tapos yong wallet ko ay nanghihingalo na! RED ALERT NA NAMAN! HUHUHUHUHU... Wait....nasan na naman kaya ang mudra namin? Saang lupalop na naman ng Earth yon ngayon? "Si Mama nga pala? Asan na naman daw siya?." Takang tanong ko tsaka ko kinuha ang ballpen ko. Naka upo na rin ako sa maayos na upuan although nerepair ko lang din tong inuupuan ko. Buti matibay ang pagkakarepair ko. Nagkibit-balikat lang si Shannie sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Minsan lang umuwi rito si Mama sa bahay. Minsan ay nauwi ng lasing. Minsan ay pilit na nanghihingi sa akin ng pera pang sugal niya or minsan pambayad sa utang niya na talo sa pagsusugal. Or minsan pang yosi niya. Tas minsan di siya nauwi ng tatlong araw. Hanggang tatlong araw lang yon nawawala tas bigla na lang susulpot. Hayyssstt .. Di niya rin mahingian ng pera si Kuya dahil sa wala ngang work lagi at di niya rin mahingian asawa ni kuya gawa ng nagkakaaway sila ni Kuya. Minsan pa ay di mapigilan ni Kuya na hindi masaktan si Mama dahil sa galit ni Kuya. Napabuntong hininga na lamang ako. Sinabi ko na lang kay Shannie na gawan ko na lang ng paaran kung saan ako hahanap ng pambayad. Nanahimik naman ang kapatid ko pero alam kong ramdam niya kung gaano kabigat pinapasan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD