CHAPTER 3: Before The Accident

1504 Words
SYVEN's POV Ilang araw din ang nagdaan ay nakahanap din ako ng paraan kung saan ako hahanap ng pambayad. "Ma'am maraming salamat po ng marami. Sobra po ang inabot niyo po sa akin." Nahihiya at nakayuko kong sabi kay Ma'am Annie. Class Advisor namin. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Naglakas loob akong lumapit sa kanya para humingi ng pwedeng e-sideline sa kanya. Nakakahiya man ay nilunok ko na lang iyon basta kailangan ko talaga ng pera. Laking pasalamat ko talaga na tinanggap niya ang paghingi ko ng sideline. Gusto niya sanang bigyan na lang ako ng pera pero di ako pumayag dahil mas nakakahiya iyon kaya wala siyang nagawa kundi bigyan ako ng sideline. Binayaran niya ako ng sobra, syempre tinanggihan ko rin yon kasi sobrang nakakahiya talaga pero pinilit niyang ibigay yon sa akin. Pang allowance ko na lang daw ang sobra. HUHUHU...kabait talaga ni Ma'am! Kaya love na love siya ng boung class namin! Pinaglaba ko sila ng kanyang asawa ng kanilang mga damit. Naglinis pa ako sa kanilang bahay at pinaliguan ko na rin ang kanilang aso na may breed. Bago pa ako umuwi ay pinakain muna ako ni Ma'am. Halos maiyak pa ako sa sinabi niya na wag daw ako mahiya sa kanya lalo pat ang turing na niya sa boung class ay para na rin niyang anak. HUHUHUHU. Love you po ma'am. Pauwi na rin ako nang matapos ko bayaran through online ang lahat ng dapat bayaran at mga dapat hulugan. Ang perang pinaghirapan ko ay sa isang iglap lang ay bigla na lang naglaho. Nang dahil lang sa mga utang, at mga dapat bayaran. Hayysstt... Nakakapang hinayang pero ganun talaga. Pag ako talaga yumaman aytsssss! Libre ko kayo lahat! Swear! Habang naglalakad ako sa kalagitnaan ng sikat ng araw ay napahinto ako at napatingin sa isang pusa sa gilid ng isang sikat at mamahaling coffee shop. Napangiti ako at nilapitan ito, nag squat ako upang bigyan ng cat food ang pusa. Isa siyang stray calico cat. Napatayo ang calico cat, medyo napatawa pa ako ng medyo nagsway sway pa ang kanyang mahabang buntot sa ere. Nakataas ito ng tuwid. Nanlaki mga mata ko at mas lumawak ang mga ngiti ko nang mapansing may tatlong kuting na lumabas mula sa likod ng mga halaman. Maliliksi itong pumunta sa kanilang mommy cat. Kaya dinagdagan ko na rin ng cat food para kasya sila. Di ko inaasahan na mommy pala itong calico cat. Wowww ang cucute talaga ehhhh..hinimas ko muna ang mga ulo nila pero di ko napigilan ang sarili ko na hindi buhatin ang isang kuting tsaka ko ito pinanggigilang halikan. Binaba ko naman agad ito para matapos na niya makain ang cat food. Tumayo na ako at tinignan ang kanilang pinage-stayhan. Mula rito sa labas ay makikita mo ang nasa loob. Mga rich kid na masayang ninanamnam ang kani-kanilang mga mamahaling kape at tinapay. Sana all talaga, pakape kape na lang. Ako hanggang 3in1 lang. Okay na yon. Basta kape. Tinignan ko ulit ang stray mommy cat at mga kittens niya. Mukhang safe naman sila rito. Balikan ko na lang ulit sila para pakainin ulit sila. Kung pwede nga lang sila i-uwi eh. Napabuntong hininga ako at napailing, hirap ng walang kumportableng matutulogan. Tsaka ako napatingin sa orasan na sout ko. May isang oras pa ako para sa next part time job ko. Napangiti naman ako. Okay! Syven another income to come na naman!! Yohooo!! Pagkarating ko sa restaurant kung saan ang workplace ko ay agad akong dumiretso sa fresking guard para mag time in. Binati ko naman si Kuya Guard na agad niya naman akong kinamusta. After non pumunta na akong locker room para magpalit ng uniform. Ikinabit ko na rin ang name tag ko sa kaliwang dibdib ng uniform ko. Tsaka ako lumabas para pumwesto sa counter. Kahit madami akong ganap sa buhay ay iniisip ko na lang na magenjoy while working kasi at the end of the work ay may sahod naman. Iyak nga lang pag bayarin na. HUHUHU. Habang nageenjoy ako mag punas punas sa counter ay napansin ko ang chikahan ng mga kasama ko rito sa counter. Kaya naki marites na rin ako. Mukhang nakakaintrega eh. "Ang ganda talaga niya ano?" "Mala diyosa ang kanyang kagandahan te!." "Ang swerte ng mapapangasawa niya! Sobrang yaman na, ang ganda pa!." "Maswerte rin naman siya, pogi at mayaman ang napangasawa niya." "Nge...ang alam ko ay kasal na siya diba?." "Ay oo nga pala. Nasa news pala yon." "Yap. Parang mga one year na ata silang kasal?." "Pssstt...ate Belle!." Di na ako nakatiis at lumapit na sa kanila. Nginitian nila akong tatlo. Si ate Belle ang cashier, at kaming tatlo nila ate Sherlyn at kuya Juls ay mga waiter/waitress. "Sino po ba pinaguusapan niyo diyan?." Takang tanong ko. "Nako wag ka na makimarites Sy, bawal iyon sa mga bata." Ngising sabi ni Kuya Juls. Napanguso naman ako. Di kasi ako makarelate sa pinaguusapan nila eh. Tinawanan naman nila ako. Hinila naman ako ni ate Belle. Tsaka pasimpleng tinuro ang isang direksiyon. Napatingin naman ako sa tinuro niya Sa direksiyong tinuro niya meron isang babaeng nakaupo sa isang table na nakaset na at may kaunti nang mga foods. Nakatalikod ito mula sa amin. Napakunot-noo naman ako napatigilid ang ulo ko. Don ko lang napansin na walang ibang customer ang restaurant. Hindi naman madalas walang tao. Katunayan nga ay dinudumog ng maraming customer ang restaurant na ito. "Asawa niya ang nag pareserve nitong buong restaurant, diba ang sweet?." Paliwanag ni ate Belle. Napa -ooohhh naman ako at tumango. Kaya pala... Napatingin ulit ako sa babae. Mag -isa lang siya ron. Kinuha niya ang kanyang wine tsaka niya ininom. Kilos palang niya ay makikita mo ang pagiging elegante nito. Kahit nga nakatalikod ang babae ay mahahalata mong nakakaangat siya sa buhay. Mula sa kanyang buhok na golden brown na mukha nang blonde dahil sa reflection ng ilaw ng restaurant. Ang ganda. Parang anlambot hawakan. Parang ambango tignan. Napakagat labi ako at napailing. Napahaplos ako bigla sa dibdib ko nang bigla itong kumirot. "Parang ang lungkot naman po niya. Asan nga po pala asawa niya?." Iniwas ko na lang ang tingin ko sa babae tsaka bumalik sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagpupunas don. "Hindi pa nga sumusulpot...o kung susulpot man, mag iisang oras na ata siyang nagaantay diyan eh. Tulad nong nakaraan." Sabi ni ate Sherlyn parang may bigat sa kanyang tono. Napatigil ako sa pag pupunas. Tulad ng nakaraan? "Uhmm..di lang isang beses yan nangyari diba? Tanda ko nong nakaraang buwan ay di rin siya sinipot ng kanyang asawa eh....oo tama. Kahit pa ang asawa niya ang nagpapareserve." Sabi pa ni ate Belle. Napakunot noo ako at napailing tsaka ako ulit napatingin sa babae. "Gaga, alam mo namang sobrang busy ng asawa non sa company nila. Ikaw ba naman na isang CEO ang asawa mo sa isang sikat at mayamang company." "Kaya nga eh. Pero tignan mo naman kahit gaano kabusy at wala nang time ang asawa niyang CEO ay nagagawa parin siyang asikasuhin ng asawa niyang CEO. Ikaw ba namang ipagreserve ka ng boung restaurant diba?." "Oo true ka diyan. May asawa ka na ngang pogi! Maalaga! Mabait at magalang, isa pang CEO! Mapapasana all na lang tayo nito eh." Napatango naman ako. Parang ako lang din pala yong asawa nong babae. Wala na rin ako time at busy para sa aking pamilya at mga kaibigan, sa kakahanap ng pera pero yon nga lang di ko kaya magpareserve ng boung restaurant. Napatingin ulit ako sa babae. Pero napakunot noo ako nang wala na siya ron sa kanyang kinauupuan kanina. Hanggang sa mapatingin ako sa exit ng restaurant. At don ko siya nakita. May kasama siyang lalaking naka black suit. Inalalayan siya nito palabas ng restaurant hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang magarang sasakyan. Mukhang mamahalin nga ang sasakyan na yon. Gawa kasi sa salamin ang boung dingding ng boung restaurant kaya kita mula rito ang labas. Mukhang hindi naman niya asawa yong lalaking kasama niya kasi nagbow muna ito pagkatapos niya maisara ang pinto ng kotse sa bandang hulihan tsaka siya pumasok sa unahan ng kotse kung nasan ang pwesto ng driver. "Ano ngang company ang pagmamay-ari nila?" "Hmm...yong DCC yon. Sikat yon eh." "Ah! Tanda ko na, di naman kasi ako masyadong nanonood ng mga news. Sana all talaga ano? May Personal Assistant pa oh." "Kayang dalawa. Oy, magtrabaho na lang kayo kasya puro kayo sana all." Sita pa sa kanila ni Kuya Juls natatawa pa ito at umiiling bago pumunta sa pinagpwestohan nong babae para linisin niya. May dala pa itong tray at pang linis sa table. Napabuntong hininga na lamang ako. May mga tao talagang pinanganak na maswerte sa katayuan ng buhay. Kung tawagin pa nila ay 'Born with a golden spoon' Pano kung pinanganak din akong may marangyang buhay? Pano kung nasa marangyang pamumuhay din ako? As in ibang iba sa dinadanas ko ngayon? Pano kung ganun ang naging buhay ko ngayon? Maghihirap pa ba kaya ako ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD