Kabanata 24

1973 Words
Kabanata 24 : Don't move Georgiana's Point of View “Kamusta ka na?” I asked my niece. She smiled and looked at me. Kamukhang kamukha ka niya Germia! “Ayos lang naman T-Tita.” She shyly answers. I chuckled and put my hands on her shoulder. “Don't be shy, Geordi. Tita mo ako, we're blood related. Ako ang kapatid ng Mommy mo.” “Hindi ko po alam ang tungkol sa magulang ko e-eh.” Yumuko siya kaya bumuntong hininga ako. “You're mom...she's very warm and gorgeous like us.” I chuckled while telling her. “I remember you crying when your Dad carries you after you were born. You're like a blessing on our family, the first grandchild of the well respected wizards, sadly hindi na iyon nasundan. Ang pamilya natin ang tumutulong sa mga Royal Family at sa Enchanted World para mapanatili ang kapayapaan nito. Pero di nagtagal ay nagkaroon ng mga batang may major enchants na nagmula sa iba't-ibang kingdom. That was Sean and the others. At that time nagpaplano na ang Dark World para mapatay ang mga batang ito na siyang pinaniniwalaang makakabura ng buong Dark world sa kasaysayan. Then they reached their limit ng ipanganak ang isang F.E.W mula sa Kingdom Incotien. Ang pagsilang kay Zacchaeus Smith ang siyang nagtulak sa Dark World para magsimula ng laban sa pagitan ng dalawang pwersa.” I paused and gently brush her hair. “That was also the time we're planning to push you out of the scene. Sinabihan ako ni Germia na ilayo ka upang hindi na madamay sa gulo. I was conflicted at first pero ng makita ko ang maamo at inosente mong mukha ay pumayag ako. Papatakas na tayo noon ng lumapit sa amin ang isang bata...isang lalaking Royalty. Umiiyak siya at panay ang bigkas ng mommy. Tinanong ko siya at agad niya akong hinigit sa isang bahay. Doon nakita ko ang isa sa anak ng hari ng Nendrosian na si Lestal. She was bleeding and crying hard habang nakahawak sa tiyan niya at nagmamakaawa sa akin.” I smiled remembering that moment. “The whole Enchanted World was in the middle of a war ng isilang ang isa sa magiging tagapagligtas nito balang araw. Isinilang ni Lestal ang Enchantress. Nakangiti siya habang karga-karga ang batang babae habang ang ang anak nitong lalake ay hindi magkamayaw sa pagngiti.” Nawala ang ngiti sa labi ko at panandaliang yumuko. “Binati ko sila at nagbigay galang ngunit umiling siya sa akin...tiningnan ka niya na nasa kamay ko at malungkot na ngumiti.” “Tatakas kayo?” Tumango ako sa prinsesa ng Nendrosian. “Paumanhin po pero kailangan ko pong ilagtas ang aking pamangkin.” Saad ko at tiningnan si Geordi sa kamay ko. Humikab siya at minulat ang isang mata bago pumikit. I smiled at her actions. “Hihingi ako ng malaking pabor sa iyo...” Maya-maya ay bigkas ni Pinsesa Lestal. Lumapit ako sa kaniya bago ilapag si Geordi sa tabi ng enchantress. Agad akong dumalo sa prinsesa upang patahanin ito. “Alam nila...alam nila na nagsilang ako ng isang malakas na bata! Kung hindi ko siya mailalayo ay baka kunin ng mga dark enchanters ang anak ko...” She said crying i pat her back. “Pakiusap Georgiana alam kong sapat ang kapangyarihan mo upang maprotektahan ang anak ko at mailayo dito. Isama mo siya sa inyong pagtakas...” Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa bata. Mahimbing ang tulog nito. “P-Pero—” “Pakiusap...ilayo mo rito ang anak ko. Maari siyang mapahamak lalo na at umaatake ang Dark World sa iba't-ibang kingdom upang kitilin ang mga nakatakda sa propesiya. Dalhin mo siya sa mundo ng mga tao.” “Ngunit prinsesa paano kung...kung hindi ako magtagumpay. Paano kung hindi na makabalik rito ang enchantress?” Tanong ko habang nanginginig. “Nakatakda sa propesiya ito...magbabalik siya kapag tama na ang panahon. Magbabalik siya kasama ng nag-iisang dugong bughaw ng mga wizards upang wasakin ang buong Dark World.” Nakangiting saad nito bago tingnan ang pamangkin ko at anak niya. Dugong bughaw ang pamangkin ko?! “Binibiyayaan kita ng sapat na lakas upang makatakas at mamuhay kasama ng mga batang ito sa mundo ng mga tao.” Ipinatong ng prinsesa ang kamay niya sa aking balikat at ngumiti. Binalingan niya ang anak niya at umiiyak na niyakap at hinalikan ito sa noo. “Celestia...Celestia ang ipangalan mo sa kaniya.” Saad ni Prinsesa Lestal at ibinigay sa akin ang munting sanggol. Kinuha ko si Geordi at kinarga ito sa kanan habang sa kaliwa naman ay si Celestia. “Mag-iingat kayo.” May lumitaw na portal sa harapan ko at agad akong tumango sa prinsesa bago pumasok dito. Akala ko ay ligtas na kami sa mundo ng mga mortal ngunit doon kami nagkamali ng prinsesa. Nasundan ako ng isang dark enchanter. Lumaban ako ng buong lakas ngunit hindi ko kinaya buti na lamang ay dumating ang isa sa mga Royal Family upang tulungan ako. Nagpatama siya ng isang napakalaking bola ng liwanag sa kalaban. Nawalan ako ng malay ngunit nasisiguro kong ligtas ang dalawang sanggol. Nang magising ako ay wala na ang dalawang sanggol. Bumungad sa akin ang isang lalakeng nakaputi. “Wag kang mag-alala. Ligtas ang dalawang sanggol.” Saad niya. Mas ligtas daw kung hindi kami magkakasamang tatlo para hindi agad maramdaman ng kalaban ang pwersang nagmumula sa amin. Napag-alaman kong napunta sila sa magkaibang pamilya. Gumawa ako ng para matupad ang kahilingan ng prinsesa. Celestia Morgan. Iyan ang pangalan ng enchantress, hindi ko na din binago ang apelyido niya. Habang ang pamangkin kong si Geordi ay ginawan ko ng paraan upang manatiling Lopez ang apelyido. “I-Ibig sabihin...si C-Celestia po ang nawawalang enchantress?” Tanong ni Geordi sa akin. Ngumiti ako at tumango. Napangiti siya sa akin. “All this time...kaya pala parang may mali.” “Ang totoo niyang ay side effects lamang ang madalas niyang pagkawala ng malay. Nangyayari ito kapag nailalabas niya ang kapangyarihan niya.” Ngumiti siya at halatang nanggigigil sa tuwa. “Eh paano niyo po nalaman?” “Hindi nagkakalayo ang itsura nila ng Prinsesa Lestal. At nakita ko rin ang marka niya sa bandang dibdib.” “Alam po ba ito ng Enchanted World? Tsaka naguguluhan po ako! Ang alam po ng nakakarami ay kinuha ng dark enchanters ang Enchantress?” Tanong niya. Umiling ako. “Ang tanging may alam lang nito ay si Cad at Hail maging ang mga Royal Family. At iyon lang ang pinalabas ni Prinsesa Lestal para na din sa kaligtasan ni Celestia. Wag mo munang sasabihin ang nalalaman mo dahil humahanap sila ng tiyempo kung kailan maiilabas ni Celestia ang lahat ng kapangyarihan niya. At kapag nailabas niya ito ng buo ay doon lamang nila ito pormal na ipakikilala.” Tumalon siya sa saya. “Kaya pala...sa palagay ko po ay ang battle day ang napili nila. Kaya pala sila pinaghiwalay ni Zacchaeus!” I sshed her. Tumawa siya at lumapit sa akin. “Diba po ay may nakasulat din tungkol aa Enchantress at sa F.E.W?” Tumango ako at ngumiti. “Damn! Ang alam ni Zacchaeus ay tao si Celestia.” “Kahit na ano man ang pagkakakilala ni Zacchaeus kay Celestia. Magugustuhan at magugustuhan pa din nila ang isa't-isa dahil sila ang nakatakda...sila ang para sa isa't-isa.” Saad ko. Kinikilig na ngumiti si Geordi. “Kaya po pala...” Saad niya at humagikhik. Tumawa ako sa kaniya. Germia, tingnan mo ang anak mo. Ang laki na niya at manang-mana sa iyo. Nakuuu! Kung alam mo lang na umiibig din siya sa isang major enchanter ay ibibida mo na naman sa akin ang istorya niyo ng asawa mo! Sana ay masaya ka sa taas kasama ang asawa mo, Germia. Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa maganda mong anak. Celestia's Point of View I remained silent and mentally hurt myself. Sobrang stupid mo! Bakit mo pinapaiyak ang taong mahal mo? “Zacchaeus...” I called. Nakaubob pa rin siya sa may leeg ko pero wala na akong nararamdamang basa dito. “I'm sorry. Am i that weak?” He asked. His warm breath touching my neck giving me shivers down my spine. “Zacchaeus,” I called again. Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang mapula nitong mata. “I-I'm sorry.” “You don't have to say sorry baby. Masyado lang akong nagseselos. You can like other men like you...and I'm scared that someday you'll get tired understanding our differences.” Umiling ako at pinigilang umiyak. Damn! Zacchaeus i would never do that. Sa sobrang lalim ng pagkakahulog ko sayo ay malabong makabangon pa ako. “Baby...” I whispered to him. He smiled at me sweetly. “That's the first time you called me baby.” Nasaktan ako sa sinabi niya. Totoo, ito ang unang pagkakataon na tinawag ko siyang baby. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya. “I'm sorry.” I said ang kissed his lips. “I'm sorry that I'm always saying sorry to you.” Then i kissed him again. “And...I'm sorry if I'm being possessive over you.” He said. I smiled and blushed before licking my lips. “No...i like it when you're being possessive.” He licked his lips too and cussed. “Damn baby. You're so hot, stop teasing me.” “Huh?” “f**k you're very innocent.” He mumbled. He hugged me. My head resting on his chest. “I love you, baby.” “I love you too...baby.” He kissed my hair and brushed it gently. “God. You don't know how deep i've fallen for you. You're making me crazy, Celestia.” “The same for me, Zacchaeus.” I smiled and closed my eyes. Iginalaw ko ang binti ko at agad siyang nagmura. “s**t. Don't move, Celestia!” I looked up to him with innocent eyes. “Huh? What are you talking about? And...what's that? Bakit may matigas?” I asked him. Agad siyang namula at niyakap ako ng mahigpit. “Just don't move. It's your fault for making me hard.” He said huskily ang kissed my head. “Hard?” Agad na nanlaki ang mata ko at hinampas siya. “Pervert!” “Shhh. Stay still let me calm myself first, okay?” Nag-init ang pisngi ko at inirapan siya. Tumawa lang siya sa akin. Kaya pala may matigas! Manyak talaga kahit kailan si Zacchaeus. In the other hand, i felt proud for making him hard—damn! Ang bastos. Umirap ako at ngumisi. Nahahawa na ako ng kamanyakan sa kaniya! Crap. “So...babalik na ba tayo sa Enchanted World?” Tanong ni Beau habang kumakain. Tumingin kaming lahat sa kaniya bago kay Tita Georgiana. “Kailangan. Just like you said, kailangan ako sa mundo natin.” Sagot ni Tita Georgiana. I smiled and looked at them, eating happily. Ako na lang. Ako lang ang naiiba sa kanila. Isang normal na taong napasama sa isang grupo ng mga makakapangyarihan. Nagulat ako ng madaanan ng tingin ang nakakunot na noo ni Branwen habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Don't think like that.” Saad niya at iniwas ang tingin. Napalingon ako sa katabi ko ng may pumulupot na kamay sa aking bewang. “I told you, don't think too much. Baka di kayanin ng isip mo.” Zacchaeus said while smirking. Agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya. Ngumisi siya sa akin at pumikit habang iniinda ang kurot. Yan! Mabuti nga sayo lalaking hangin. Tsk. Maliitin ba naman ang kakayahan ko? Tch. I rolled my eyes at pinagpatuloy ang pagkain habang nagpaplano sila Tita Georgiana at sina Zac kung paano kami makakabalik sa Enchanted World ng hindi nalalaman ng mga Dark Enchanters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD