Kabanata 9 : Lucky
Celestia's Point of View
I rolled my eyes heavenward for the nth time. Nabibingi na ako dito, simula nang manggulo at umalis iyong Xavier kasama ang grupo ni Zacchaeus.
“Assuming!” parinig ng mga babae sa room. They're all gossiping about what happened earlier.
“Feeler huh?” nakangising wika ni Mia bago lumakad sa harapan ko. Hinawakan niya ang pisngi ko nang mahigpit saka pinaharap sa kaniya.
“Stay away from them.” galit na saad niya bago itapon ang mukha ko. Napahawak ako sa aking pisngi ng maramdaman ang pagbakat ng kuko niya.
“You don't have to say it.” malamig kong saad. Tumayo na ako bitbit ang aking bag.
Now where should I go? Walang klase kaya walang masamang mag-stroll. Pero saan ako pupunta?
Napadaan ako sa gym at nakita ang ganda ng pagkakagayak nito.
Pumunta ako sa likod ng Academy. Nandito ang isa sa malalaking garden. Nang makarating ay wala masyadong tao kaya naman naupo ako sa bench na nasa ilalim ng isang puno.
Iginala ko ang paningin ko. It's very calm here! The fresh air hit my face kaya napapikit na ako.
Calm.
“Hi!” napatalon ako nang lapitan ako ng isang babae. She occupied the seat beside me while smiling sweetly.
She looks familiar.
“I'm Suran Dewitt. What's your name?” napalunok ako ng may maalala. Dewitt din ang apelyido ni Soren.
“I'm Celestia Morgan.” naglahad ako ng kamay sa kaniya at mas lalo akong naguluhan nang makita ang isang familiar na braceclet. Kaparehas nito ang braceclet na pinili ko para kay Zacchaeus!
“I know...” ngumiti sa akin ang babae at nag-iwas ng tingin. “I'm Soren's older sister.”
Napatango ako bago nag-iwas ng tingin at yumuko sa kaniya. Damn! She's a Royal Family.
“No...no...no...wag kang yumuko sa akin.” natataranta niya akong pinatunghay kaya nagtaka ako.
“Uh. Royal Family po k-kayo.” utal kong sabi sa kaniya. Umiling siya habang nakangiti.
“You're so cute! Sana—” naputol niya ang sasabihin niya ng tawagin siya ng isang lalakeng nasa mid-40 ang edad.
“Madame, pinapatawag na po kayo.” the man said then bowed at Suran.
Napakamot si Suran sa kaniyang batok bago ako yakapin.
“See you! Bilisan mo—” naputol ulit siya ng tawagin at lapitan na ng lalake. “Bye!”
I waved at her kahit na nagtataka ako. They really are weird!
Tumayo na ako at nagpagdesisyunan na pupuntahan ko na lamang si Geordi sa cookery room. Nang pagdating ko doon ay nakaupo siya sa stool habang nakapangalumbabang nakatingin kay Aramis.
They're laughing at something kaya naman agad akong nahiya nang bigla silang tumigil at tumingin sa akin.
“Hey...uh Geordi? May sasabihin lang ako saglit.” namumula siyang lumapit sa akin habang ako ay nakangisi sa kaniya.
“Istorbo ka bes.” inirapan niya ako nang makalabas kami. Agad ko siyang tinawanan habang tinutusok ang tagiliran. “Ano ba ahe!”
Humagalpak ako sa tawa dahil sa kaniya.
“Wait. May sinabi sa'kin sina Tyrio.” tumaas ang kilay ko at humalukipkip.
“What?” I asked. Ngumisi siya nang mapanukso saka nagsalita.
“Since medyo tahimik at parang wala ka daw sa mood. Sa akin na lang nila pinasabi na they're inviting you after lunch. Meet and greet with their family. You're so lucky!” tumili siya at bahagya akong hinampas. Nalaglag ang panga ko.
Lucky my ass.
Gusto kong tumanggi pero inunahan agad ako ng kaba. Hindi alam ni Geordi na may gusto ako kay Zacchaeus at hindi rin niya alam na iniiwasan ko sila. f**k, ganito pala kahirap magmove-on lalo na at wala ni isang dahilan para sabihin kong kailangan kong magmove-on kase hindi naman naging kami ni Zacchaeus.
Yeah right. I'm doomed!
“Uh...” I shooked my head at her pero agad niya akong inakbayan.
“Sama ka na tsaka invited din ako. Gusto daw nilang ma-acknowledge yung tulong natin sa kanila kaya gusto nila tayong ipakilala bilang kaibigan sa mga magulang nila.” napabuga ako ng hangin bago tumango.
Saglit lang naman 'yon diba? Siguradong madali lang iyon. I'm sure... or not? Whatever aalis na lang ako pag nagatagal na.
Nagpaalam na ako at umalis para maggala sa buong M.A, ayaw paistorbo ni Geordi. Pag-ibig nga naman. Tsk.
Dinala ako ng paa ko sa malawak na field. Marami ang nandito at nag-eensayo. May nakita akong nagpalipad ng mga bag kaya natawa ako. I sate on the bench and took out my wand.
Nagbasa ako ng mga spell at sinubukang i-cast ito pero walang nangyari. I'm very disappointed lalo na at halos isang buwan na ako dito sa Magthonous Academy pero wala pa ding improvement sa akin.
I sighed at itinago ang wand sa bag ko. Pinagmasdan ko na lang ibang wizards at enchanters sa pag-eensayo nila.
May presensya akong naramdaman na papalapit kaya naman ay bigla akong napalingon doon at naabutan si Xavier na nakangiti sa akin habang papalapit.
I frozed and suddenly a familiar feeling started to grow inside me. Ang pamilyar nang presensya niya.
“You're here...” saad niya at umupo sa tabihan ko. “Bakit ka mag-isa?”
Hindi ako umimik dahil masyado akong kinakabahan sa isasagot ko lalo na at isa siya sa miyembro ng Royal Family.
“Cad did an amazing job. Hindi ko alam kung paano ka niya natagpuan pero...” napatingin ako sa kaniya nang biglang mabasag ang boses niya.
“B-bakit ka naiyak?” nauutal kong tanong sa kaniya. Umiling siya habang natulo ang luha napatingin ako sa paligid at nakitang marami na ang nakatingin sa amin.
I started to panic inside. Hindi ko alam kung ano ang gagawin! Ang alam ko lang ay ang aluin ang nakakabata kong kapatid na si Dayle. Bibigyan siya ng lollipop at tatahan na agad iyon. Pero hindi naman pwedeng bigyan ko din nang lollipop si Xavier. Malaki na siya!
“I'm so happy.” saad niya habang nakatingin sa akin. May ibinulong pa siya sa akin bago tumayo at umalis. “I should go now. May nanonood.” aniya at nagpakawala ng mahinang tawa.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ano bang meron? I'm f*****g confused! Really confused. What's going on? Bakit alam nila kung sino ako? Bakit parang bawat salita nila ay may ibang kahulugan? At bakit ako nilapitan ng isang dark enchanter para lang sabihing 'I will be destroyed'?
Napailing ako ng sunod-sunod at agad natigil nang biglang dumaan si Zacchaeus sa harapan ko. Tumingin siya sa akin at pinaikutan ng mata bago magtuloy sa paglalakad.
What was that? Ano ba talagang problema sa akin nang lalaking iyon? Tsk. Naiinis ba siya kase nakikita niya ang isang weak na katulad ko?
I sighed. Tumayo na ako at bumalik sa may room. Pagkapasok ko ay agad natigil sa pag-uusap ang mga kaklase ko pero maya-maya lang ay umirap din.
Pumunta na ako sa upuan ko at agad na nagbasa. Pero hindi pa ako nakakatagal sa pagbabasa ay pumasok si Sir Cad na serysoso ang aura.
“Geordi, Celestia, Branwen, Sean, Vito, Zac, Noe, Beau, Tyson, Sage, Aramis, Tyrio, Soren and Zacchaeus go to the office... now.” kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa kaba.
“Sir wala dito sina Zacchaeus.” saad ni Zac.
“Call them.” maikling wika ni Sir bago lumabas.
Napabuntong hininga ako at agad na tumayo para lumabas. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila Sage kaya naman huminto ako at inantay sila. Inakbayan agad ako ni Tyrio at Beau bago maglakad.
“Ang bigat...” bulong ko dahil dalawang braso ang nakapatomg sa balikat ko.
“Syempre maraming muscles ang braso ko kaya mabigat.” mayabang na sabi Beau habang natawa. Binatukan siya ni Tyson na nasa gilid niya
“Muscle your ass. Wala ka nga ni isa no'n!” humagalpak sa tawa sina Tyson habang nakanguso naman si Beau.
Umiling ako habang natawa nang bigla na lang magsalita si Branwen.
“Bakit kaya tayo pinatawag?” seryosong tanong nito. The boys stop laughing.
“Sigurado akong tungkol 'to sa nangyaring aksidente sa mall.” saad ni Sean. The others nodded.
“Lagi ba silang umaatake?” kuryosong tanong ko. Tumingin sila sa akin bago nanlaki ang mga mata.
“H-hindi... I think ito ang unang pag-atake nila matapos ang huling pagsalakay nila years ago.” I looked at Zac who's seriously talking.
“Oo nga! How foolish of us. They attacked without even giving signs.” saad ni Soren.
“Biglaan... paniguradong biglaan ang pag-atake nila. They didn't even brought many of them to attacked.” humalukipkip si Vito pagkatapos niya iyong sabihin.
“Then bakit? Anong pakay nila? Did they just do that para manggulo?” naguguluhang tanong ni Tyrio.
“They have another reason.” we all looked behind at nakita namin doon si Zacchaeus na malamig ang tingin. Kasama niya si Noe.
“Let's go.” saad ni Noe. We all walked to the headmistress' office.
Pagtapat pa lamang namin sa malaking pintuan ay biglang bumigat ang aura maging ang pakiramdam ko.
Maging sina Sage at Tyson na tatawa-tawa kanina ay nagmukhang kabado. Sina Sean, Zac at Vito naman ay mukhang serysoso. While Zacchaeus well he always looked calm.
“Ikaw na magbukas.” Bulong ni Soren sabay tapik kay Tyrio. Tyrio shooked his head and pushes Sage infront.
“B-bakit ako?” Utal na tanong niya sabay tingin kay Beau. Umiling si Beau bago itulak si Noe.
Noe looks confused as always kaya naman umiling sina Vito sa ginawa nila. Pumunta si Sean sa may pintuan at marahan itong binuksan.
Nanlaki ang mata namin nang diretsong pumasok doon sina Zacchaeus kasama sina Zac.
Nagkatinginan kami nina Tyson bago sumunod sa kanila.
Hilera ang pagkakaupo nila mula kay Sean hanggang kay Zacchaeus. Umupo ako sa tabihan ni Sean na nasa dulo.
Walang tao ang nandoon kundi kami. Kaya naman nagawa pang maghagikhikan nina Tyson at Sage.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Aramis at Geordi na may pagtataka sa mukha. Agad akong ngumisi nang nakitang namula ang pisngi ni Geordi.
Umupo siya sa tabihan ko habang si Aramis ay naupo sa tabi ni Soren.
“Bakit tayo pinatawag?” Tanong ni Aramis na siyang bumasag nang katahimikan sa buong kwarto.
“Obviously tungkol ito sa pag-atake ng dark enchanters sa mall.” Saad ni Soren. “Saan ka ba galing?”
“Kusina.” He answered shortly. Napahagikhik naman sina Sage.
“Kusina? You really did cook?” Gulat na tanong ni Beau. Tumango naman si Aramis.
Naputol ang tingin ko sa grupo nila nang bigla na lang pumaling ang ulo ko sa pintuan. Nagulat si Geordi sa ginawa ko at maging ako! Ni hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong tumingin dito. Instinct siguro.
Ilang segundo din lang ay pumasok na dito sina Sir Cad kasama ang Headmistress. Natigil ang mga lalaki sa pag-uusap at napatingin sa dumating. Agad silang tumayo at nagbow. Ginaya namin sila ni Geordi.
“Please sit.” Saad ni Sir Cad. Naupo kami at agad akong yumuko dahil sa hiya.
That feeling when you're different from them. Embarrassment filled me.
“I called all of you to discussed about the incident in the mall.” Simula ng Headmistress. Tumingin ito kay Sir Cad.
“Hindi lang ang panggugulo ang pakay nila...” Saad ni Sir. Umubo siya at itinago ang ngisi siniko siya ng Headmistress kaya muli siyang nagseryoso.
“We found out that their main objective is to divert all your attention.” Saad ni Headmistress Hail.
“I'm right...” Bulong ni Zacchaeus napatingin ako sa kaniya kaya naman nagtagpo ang mata namin.
Namumula kong iniwas ang paningin ko. Damn!
“Pero bakit naman po nila gagawin yun?” Tanong ni Zac.
“May plano ba silang kunin kami? Oh s**t! Wag ako please.” Mahina akomg natawa sa sinabi ni Tyson.
“Shut up.” Pagpapatigil sa kaniya ni Soren. Tyson stopped and giggles.
“No. Wala silang planong kunin kayo. May gusto silang iparating...” Tumigil sa pagsasalita si Headmistress Hail at tumingin sa akin. Napabaling lahat ng atensyon sa akin.
“B-bakit po?” Nautal ako at namula. Bakit ba? Anong problema nila sa akin?
“Tell me iha. Did they say something to you?” Alalang tanong ng Headmistress.
Kumunot ang noo ko at inalala ang nangyari ng araw na iyon sa mall. Umatake sila at nag-aalala ako kay Geordi kaya...
“Pumasok po ako sa elevator para sana puntahan si Geordi pero bigla na lang pong nagpatay sindi ang ilaw—”
“May multo?!” Naputol ang pagkekwento ko ng biglang sumigaw si Tyrio habang nanlalaki ang mata. The others frowned and shut him up.
“May lumitaw na isang dark enchanters...i can't see his face pero ang sabi niya i will be destroyed soon.” Saad ko. Agad na sinuntok ni Zacchaeus ang pader sa tabihan niya bago malamig akong tiningnan.
“Yun lang?” Malamig na tanong niya. Tumango ako at muling binalingan ng tingin sina Headmistress.
“Why didn't you tell me?” I froze on the spot nang marinig ko ang sinabi ni Zacchaeus.
My heart beats rapidly. Why should i tell you, huh? When you all did to me is call me stupid and i***t. Act to me like i'm some sort of trash.
Bumuntong hininga ako at binaliwala si Zacchaeus. Umubo si Branwen bago ngumisi at umiling.
“Enough. I'll call you guys kapag may itatanong ulit kami.” Saad ni Sir Cad. Tumayo na kami at lumabas doon.