Kabanata 11

2881 Words
Kabanata 11 : Meet them Celestia's Point of View Terrible. Very terrible i thought I'm going to die! After the black place disappeared i just saw myself at the center of a very wild crowd. Napaatras ako nang bigla na lang akong tingnan ng masama ng mga tao. They're clothes are very dirty. Faces are covered with muds while eyes are very red! Napalunok ako bago kumunot ang noo. Panaginip lang ito diba? Sinampiga ko ang sarili ko pero agad ding kumunot ang noo ko. How the hell should i wake myself up from this dream?! Kumuyom ang kamay ko dahil sa takot. Sobrang daming pulang mata ang ngayon ay nakatitig sa akin...para bang gusto nila akong patayin. I shouted pero walang boses na lumalabas sa bibig ko! Wala akong nagawa kundi ang mataranta tumakbo ako ng mabilis palabas aa gitna. They all looked like zombies! Binilisan ko pa ang takbo lalo nang makitang sinusundan nila ako. I breathed heavily as exhaustion took over me. Napaatras na lang ako dahil masyado silang marami. Malapit na sila sa akin! Sinubukan ko ulit tumakbo ngunit dahil sa sobrang pagod ay agad akong bumagsak. Napaupo ako at takot na tiningnan ang mga tao. They're nearing! Agad nila akong nilapitan, nagpumiglas ako pero marahas at mahigpit ang pagakakapit nila sa akin. Napaaray ako ng may tumusok na kung ano sa kamay ko. Isang kutsilyo! Hindi na ako nanlaban dahil baka sugatan lang ulit nila ako. Napatingin ako sa kaliwa kong kamay na may malaking hiwa. Napalunok ako lalo na nang balutin na ito ng dugo. Dinala nila ako sa isang nakakatakot at madilin na lugar. Nang magliwanag ay mayroon naman akong nakitang isang...nakakakilabot na nilalang. Hindi ko alam kung ano iyon! Umingay ang paligid parang bang nagpupustahan sila. Lumapit sa akin ang malaking dambuhala na punit-punit ang damit. Mayroon itong maraming mata at nakakatakot na naglalakihang ngipin. Panay bahid ng dugo ang mukha. Nang ilibot ko ang paligid na pinagdalhan sa akin ay nakita ko ang napakaraming patay! Naalarma ako nang sumugod ang halimaw. Kumunot ang noo ko at umiling. How can i escape? Tumakbo ako at sumigaw pero gaya nang inaasahan ay walang lumabas na boses. Tumakbo ako ngunit agad akong nadampot ng halimaw gamit ang malalaki niyang kamay. Napadaing ako nang humigpit ang kapit sa akin. Naiipit na ako at hindi na rin makahinga. Sinubukan kong pukpukin ang kamay nito ngunit masyado akong mahina. Tama si Zacchaeus. I really am weak. Nanlulumo kong tiningnan ang paligid. Ang sakit...may bumabaon na kung ano sa tagiliran ko! Napatingin ako sa halimaw at agad na nanlaki ang mata ng bigla na lang akong ihagis nito. Bumagsak ako sa lupa. Sobarang lakas nang pagkakahagis sa akin para atang nabalian ako ng buto. Tumakbo ang dambuhala sa akin. Tatapakan niya ako! Sobrang lapit niya na sa akin, sa takot ko ay pinilit kong umupo. Itinuon ko ang kaliwa kong kamay para makaupo ang isa naman ay isinangga ko sa direksyon ng halimaw. “Stop please!” Buong lakas kong sigaw. Naubos ang lakas ko nang biglang may lumabas na maraming pwersa sa aking katawan at literal na nagliyab ang paligid. Nasunog ang halimaw bago pa man ako nito matapakan. There's fire everywhere! Napabangon ako sa isang malakas na tili. Pumikit ako at pagmulat ko ay napapalibutan ako nina Geordi. Sinubukan kong igalaw at tingnan ang kamay ko pero ang nakita ko lang ay ang kamay ni Zacchaeus! He's holding my f*****g hands for Pete's sake! Bumitaw ako at agad na nag-iwas ng tingin. Paniguradong namumula na naman ako! Agad naman kaming tinukso ni Zacchaeus kaya umalis siya. “Good afternoon everyone!” Bati nang isa sa mga faculty. Simula na nang event at narito kami ngayon sa isang malaking mesa. Magkakasama kami nina Geordi, Aramis, Noe, Sage, Soren at Tyrio. Katabi ko sa kanan si Geordi na katabi si Aramis. Sa kaliwa ko ay si Noe na katabi naman si Sage. Pabilog ang lamesa kaya katapat ko si Soren at sa gilid niya ay si Tyrio. Sa kabilang table naman ay ang iba. Nagsimulang magbigay ng speech ang isa sa mga faculty. Lumutang ang isip ko lalo na nang maalala ang panaginip. I laughed at myself. Pati ba naman sa paniginip inaasam kong isa ako sa mga enchanter? At hindi pa iyon ha, isa pa sa mga major enchanter! Napahagikhik ako sa katangahan ko. Stop it already Celestia. Masyado kang patay na patay kay Zacchaeus. Tigil na. Move on na. Napanguso ako at tumingin na lang sa unahan. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya kaya naman pinaglaruan ko na lamang ang flower na nasa table namin. “Ang boring naman.” Saad ni Sage na pinaglalaruan ang isang bottled water. “Ano bang sinasabi niya?” Nagtatakang tanong ni Noe. “Sa akin ka pa talaga nagtanong ha?” Ngumuso ako at tumingin sa kaniya. “Wala rin akomg maintindihan eh',” Napahagikhik ako maging siya kaya naman napatingin sa amin ang mga nasa kabilang table na sina Zac kasama ang iba. “Meant to be pala tayo eh',” Bulong ni Tyson habang mahinang tumatawa. Kumunot ang noo ko at namula. Meant to be?! “Alam mo ba yung meant to be?” Tanong ko. Hindi sa minamaliit ko si Noe. Pero wala akong tiwala sa mga words niya lalo na at inosente siya at hindi ang mga kasama niya “Hmm.” Tumango siya at ngumiti na labas yung dimple. “Lagi yung ginagamit ni Soren kaya sabi niya gamitin ko na din.” Napanganga ako at mahinang umiling. Babaero talaga to! “Wag kang makinig kay Soren ha? He's a flirt at isa pa gago yan.” Sabi ko pero agad akong nakatanggap ng tig-iisang pitik sa mga nasa table. “Celestia isa pang mura mo papahalikan kita kay...” Humina na yung huking sinabi ni Sage kaya naman ipinagkibit balikat ko na lang iyon. “Ang bad ng mouth mo.” Ngumuso si Tyrio habang nakatingin sa akin. Ngumuso din ako at tumingin kay Soren. “Wag mo ngang turuan si Noe nang mga words mo. Masyado siyang inosente at isa pa mabait si Noe.” Tumawa lang at ngumisi si Soren sa akin bago kurutin ang pisngi ko. “You're so cute.” Saad niya. Tinampal naman ni Sage ang kamay niya at may inginuso. Inirapan ko lang sila at muling itinuloy ang pag-uusap namin ni Noe. May sapak ata ang mga lalaking ito. Si Geordi at Aramis naman ay nagpatuloy sa kanilang pagmomoment. Ang harot talaga nang dalawang ito. “Aramis pwede na bang kumuha nang pagkain?” Tanong ko. Tumingin sila sa aking dalawa ni Geordi. “Tingnan mo 'to. Si Aramis lang ang tinawag lumingon na agad yung isa.” Biro ni Sgae kaya naman namula silang dalawa. “Aramis, I'm hungry. Pwede na bang kumuha na ng pagkain?” Tanong ni Tyrio. Tumango naman si Soren sa kaniya at humawak sa tiyan niya. “Gutom na kami...” Pagrereklamo ni Noe. “Pwede na ata. Look at the others kanina pa sila nakuha nang pagakain.” Tumango kami at agad na tumayo pero hinigit kami ulit pabalik ni Geordi at Aramis. “Mahiya nga kayo. Dalawa na lang ang kumuha.” Saad ni Geordi. Nagkatinginan kaming lima at agad na nag-uyuhan. “Kayong dalawa na Tyrio.” Saad ni Soren sabay tulak sa balikat nina Sage. Umismid sila at umiling. “Kapag ako ang pinakuha niyo akin lang talaga ang kukunin ko.” Saad ni Sage binatukan naman siya ni Soren at sinamaan ng tingin. “Kayo na nga lang Celestia at Noe.” Tinuro kami ni Aramis. Tumango kami at tumayo. 'Di ako maka-angal nakakatakot kase yung tingin niya eh. Nadaanan namin ang table nina Zacchaeus. Masyadong seryoso ang table nila. Kawawa naman sina Beau at Tyson doon, puro seryoso ang kasama. Tumingin ako kay Zacchaeus na walang emosyong nanood habang nakahalukipkip. Damn! Para lang siyang nagpopost para sa modelling eh'. “Look at Beau and Tyson. They looked so sad.” Itinuro ni Noe sina Beau at agad kaming humagikhik. Kung meron mang akong papangarapin na maging kuya sa grupo nila ay si Noe ang pipiliin ko. Nagpunta kami sa may buffet at kumuha muna na nang para kina Aramis at Geordi. Dumaan ulit kami sa may harapan nang table nina Zacchaeus para madala ang pagkain sa table namin. Nagapasalamat sila kaya bumalik ulit kami sa may buffet. “Maya ka bumalik may titikman lang ako.” Saad ko kay Noe. Tumango siya at inilapag muna ang pinggan na para kina Tyrio at Soren. Naglakad ako patungo doon sa may chocolate fountain. Kumuha ako ng marshmallow pero bago ko iyon maisawsaw sa fountain ay agad na isnulong ni Noe ang kamay ko kaya nalagyan din ng chocolate pati ang daliri ko. Inis ko siyang tiningnan. Humahagikhik naman siya pabalik sa may buffet. Inirapan ko siya at kinain ang marshmallow. Padabog akong bumalik sa table namin. Bitbit ng isang kamay ko ang pinggan samantalang yung isa naman ay nakaaangat ng kaunti para hindi kumapol ang chocolate sa palda ko. Sinundan ako ni Noe na natawa. Nalagpasan namin uli ang table nila Zacchaeus at agad akong inasar ni Tyson. “Ano yan? Masyado ka namang mahilig sa chocolate Celestia.” Humagikhik silang dalawa ni Beau. Umirap ako at sinamaan ng tingin si Noe. Tumawa lang siya at inilapag sa table namin ang pinggan. Kinuha niya ang pinggan sa kamay ko at hinigit ako para maupo. Pinunasan niya ng panyo niya ang kamay ko kaya naman napangisi ako. “Yan kase...” Asar ko sa kaniya ngumiti lang siya sa akin kaya naman namula ako. I swear sobrang gwapo niya! Pero mas gwap—...nevermind hindi ko na dapat isipin si Zacchaeus. “Mukha ka kasing bano doon sa fountain.” Humagikhik siya. Umirap lang ako at nakihati ng pagkain kay Geordi. Ako pa tuloy ang nawalan ng pagkain. Tumayo si Noe at pumunta sa table nila Vito. May ibinulong siya kay Vito habang tumatawa. Ngumiti naman si Vito at tumingin kay Zacchaeus habang sumisipsip ng juice. Pagkatapos noon ay nilingon sila ni Zacchaeus na masama ang tingin. Tiningnan niya ako kaya naman nagulat ako pero agad din iyong nawala nang irapan niya ako. Napaka sungit talaga! Kung hindi ka lang gwapo naisaksak ko na sa iyo ang tinidor na hawak ko. Natapos magspeech ang Headmistress at ipinapakilala na ang mga Royal Families na nasa unahan. Bumalik na si Noe sa upuan at tumingin na rin kami sa stage. “Everyone please give around of applause for the Walther family!” Pumalakpak kami. Tumingin ako kay Sean na pumuntang unahan. Tamad siyang naglalakad dahil pinilit siyang umakyat ng stage. Nandoon ang mommy at daddy niya at nag-iisang anak lang siya. Sunod na tinawag ay ang mga Reed. Tumayo sa upuan ang mag-asawa at pumunta naman sa kanila si Vito na pilit ang ngiti. Kagaya ni Sean ay isa lang ring anak Si Vito. Tumayo si Branwen sa unahan nang tawagin ang apelyido niya na Martin. Nagpatuloy sa pagtawag ng mga Royal families at ang isinunod ay ang Collins. Tumayo si Zac at ngumiti habang paakyat sa stage. “Grabe talaga si Zac.” Rinig kong bulungan nina Tyson sa kabilang table. Mag-isa lang ring anak si Zac. Ang alam ko lang na may kapatid ay si Sage, Beau, Tyrio at Soren. Tinawag ang William at agad na tinapik ni Noe ang balikat ko bago tumayo. Umakyat siya sa stage at yumakap sa magulang niya. Siya lang ata yung pinaka sweet sa lahat. “The Lynwood family.” Nagpalakpakan ang lahat at nakangusong lumakad si Beau sa unahan. Pumunta naman din si Deau doon at nakangiti na naman siya ng pa-box. Inakbayan niya ang kuya niyang nakasimangot at tumabi sa magulang nila. Nakarinig ako ng impit na tili mula sa mga babae. Can't blame them though. Gwapo nga ang magkapatid. Sunod na tinawag ay ang Zackery. Proud na tumayo si Tyson habang kumakaway kaway pa. Napailing kami habang si Beau naman na nasa unahan ay umirap. Kagaya ng nauna ay tumabi ito sa kaniyang magulang. Mas lalo akong nagulantang nang tapikin ni Tyson ang daddy niya at nagfist bump pa sila. Marami ang natawa sa ginawa nila. “The Clinton family.” Tumayo ai Sage habang namumutlang naglakad sa unahan. May nakita naman akong isang magandang babae na kamukhang kamukha niya sa unahan. Nang makarating siya sa unahan ay ngumiwi si Sage nang pasimple siyang kurutin nang kapatid niya. Ngumiti siya sa magulang niya bago ulit ipakilala ang sunod na family. “Romwell family.” Tumingin muna si Aramis kay Geordi bago tumayo at pumunta doon. Sinundot ko naman si Geordi. “Meet your in laws.” Bulong ko sa kaniya. Inirapan naman niya ako pero nakangiti pa rin siya habang nakatingin kay Aramis na naglalakad paunahan. “Mag-intay ka nandyan yung sayo.” Ganti niya sa akin. Inirapan ko siya bago ngumiwi. Tinawag ang Harris kaya tumayo na si Tyrio takot siyang tumingin samin bago nagsalita. “Patay ako kay ate,” Nag dad face pa siya bago umalis. Tinawanan naman siya ni Soren bago umayos ng upo. Nakita ko si Tyrio at ang ate niya. Magkamukha rin sila pero mas maputi ang ate niya. Nagmano siya sa magulang niya. “Galang no?” Tumawa si Soren saka inayos ang buhok. Umismid kami sa kaniya bago siya tawanan. “Dewitt family.” Tumayo siya at ngumiti. nang makrating siya sa unahan ay kumindat siya sa magulang at ate niya. “Loko talaga yun.” Sabi ni Geordi. Tumango ako sa kaniya. Inginuso niya ang kabilang table at nakita ko doon si Zacchaeus na nag-iisa. He's still shining. Walang kupas kahit na medyo dim ang lights ay litaw pa rin siya! Napangiti ako pero agad akong siniko ni Geordi. “Matunaw yan.” Asar niya sa akin. Umiling ako at muling tumingin sa harapan. “Smith family.” Tumayo si Zacchaeus habang pumalakpak naman kami. Pumunta siya sa stage at tinanguan ang magulang niya. Napailing ang daddy niya habang ngumuso naman ang mommy niya. “Grabe ang ganda ng mommy 'no?” Tumango ako bilang pagsangayon kay Geordi. “Lastly, Morgan family.” Napatingin sa akin si Geordi bago pumalakpak. Morgan? Kaapelyido ko. I shooked my head. Naalala ko ang sinabi ni Mommy. Iba ang apelyido nila sa akin. Ang gamit nilang apelyido ay Lioenel at ang sa akin ay Morgan. That explains kung bakit malamig ang trato sa akin ni Mommy. Ang sabi niya ay anak ako ni Daddy sa ibang babae. Ayaw ipagamit ni Mommy ang apelyido ni Daddy sa akin kaya ang sa Nanay kong hindi ko kilala ang ginamit kong apelyido. Umiling ako at naguguluhang tiningnan si Xavier na umakyat sa stage. Ngumiti ito at tumingin sa table namin. Nagulat ako nang makitang nakatingin din sa akin ang magulang niya habang nakangiti pero...bakit parang sobrang saya ng mata nila? Dumaan ang tingin ko sa mga lalaki sa unahan at nakitang taka rin silang nakatingin sa akin. “Kaapelyido mo? How the hell...akyat ka rin kaya sa stage?” Tumawa ako sa biro ni Geordi. She shooked her head at tumawa rin. Matapos iyon ay nagspeech si Mrs. Morgan. Errr...ang awkward para sa akin. “First of all thank you for acknowledging us here in Magthonous Academy.” Tumigil siya at ngumiti. “I would like to congratulate all of you for doing all of these. It's very sudden right? Masyadong biglaan ang pagbisita ng lahat ng Royal Families dito. Gusto lang namin ipaalam sa lahat na masyang masaya ang lahat dahil sa pagbabalik niya.” Pinutol niya ang sasabihin at umupo habang nagpapahid ng luha. Marami ang nagbulungan kaya naman kinuha ng mommy ni Zacchaeus ang mike. “Please spre her. Masyadong madarama si Lestal dahil tumatanda na.” Nagtawanan ang lahat sa biro niya. “Sa totoo lang ay hindi talaga ang pagbisita namin ang dahilan kung bakit may event. Regalo namin ito sa lahat ng estudyante ng Magthonous Academy. Hindi ito para sa amin para sa inyo lahat ito. You can now enjoy the party!” Masayang sabi nito at nagsigawan naman ang mga estudyante. Kami naman ay nanlumo. Nagkatinginan kami ni Geordi. “Pakshet. Sayang yung effort natin. Manloloko si Sir.” Saad niya habang nakanguso. Tumawa ako at binatukan siya. “Okay lang din. Atleast dalawang araw walang klase diba?” Tumango siya at tumawa. Dalawang araw dapat ang event na ito para sa Royal family pero dahil nga sa amin naman ito ay dalawang araw mawawalan ng klase. “May dumi ba ang mukha ko?” Tanong niya. Umiling ako sa kaniya. Marami na ang nagkakainan tapos may music na din medyo nagiba iba ang kulay ng ilaw. Parang party! Kaso nga lang ay lahat kami ay naka-uniform. “Omg!” Sigaw ni Geordi nang higitin siya ni Aramis. “Pakilala na namin kayo bilis.” Saad niya. Umatras ako at akmang tatakas nang harangan ako nina Sage at Soren. “No more excuses baby.” Saad ni Soren at hinila ako papuntang unahan. Oh s**t! Kabado akong nagpahila sa kanila. Nakakahiya isang tao ang naging kaibigan nang nagwagwapuhan na mga major enchanter. At isa pa...bakit ako kakabahan? Eh pakshet ipapakilala lang naman diba? Hindi naman ako siguro kakainin ng mga pamilya nila...right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD