Kabanata 12

2674 Words
Kabanata 12 : Surprised? 3rd Person's Point of View Inis na ibinato ng lalaki ang hawak niyang wine glass. Umingay ang paligid nang mabasag ito. Humarap siya sa lalaking nakayuko at tiningnan ito ng masama. “Tell me bakit sila nandoon?!” Galit na sigaw nito. Pumikit siya ng mariin at sa isang iglap lamang ay naging abo na ang lalaki sa harap niya. Bakas sa bawat nakakita ang takot. Lumapit ang isang lalaki sa kaniya. “D-dad! Why did you kill him?” Nauutal na tanong nito. Ngumisi ang ama niya at hingaisan siya ng isang kutsilyo. “Kill the girl or i'll kill your f*****g mother.” Nanlambot ang lalaki ng talikuran siya ng kaniyang ama. Nagaalangan man ay umalis siya sa kanilang palasyo at nagtungo sa isang gubat. Nagpadala siya sa isang uwak nang mensahe. Hindi nagtagal ay dumating ang babae. “Bakit hon? Why did you call me? Alam mo naman na may nagaganap na event sa Academy diba?” Sunod-sunod na tanong babae. “Wala. I just wanna see you.” Saad ng lalaki at itinago ang kutsilyo sa likudan niya. “Anong ganap sa event?” “Wala namang mahalaga eh'. Nagpakilala lang yung mga Royal families tapos ang sabi ay tuwang tuwa sila.” Saad ng babae. “Hala! Baka hinahanap na ako ni Arya. Wala kase siyang kasama eh.” Aalis na sana ang babae ng hatakin siya ng lalaki para sa yakap. Napangiti ang babae pero agad din iyong nawala ng may tumusok na kung ano sa likuran niya. “I'm sorry. You're being useless to us. Alam na nang kalaban ang ginagawa mo.” Saad ng lalaki bago bitawan ang babae. Napasalampak sa lupa ang babae bago magsalita. “F-flint b-bakit?” Tanong nito bago malagutan ng hininga. Umiling lamang ang lalake at naglakad na paalis doon. Bye Kisha. “Kung hindi ka sana nila nabuking. At isa pa ay buhay ni ina ang kapalit nito.” Bulong nito sa sarili. Bumalik siya ng palasyo at hinarap ang kaniyang ama. “Dad, nagtitipon para magsaya ang mga Royal families.” Saad niya habang nakayuko. “My spectaculactions was all right!” Saad nito habang nanginginig sa galit. “Sige, papayagan natin silang magsaya. Kailangan ay manahimik muna tayo lalo na at natuklasan nila ang plano at ang pageespiya.” Tumango ang lalaki bago bumuntong hininga. Nagtungo siya sa isang kwarto at agad na nanlumo ng makita ang kaniyang ina. Celestia's Point of View “Mom!” Sigaw ni Sage. Hinila nila ako paakyat ng stage. Lumapit ang mga naroon sa amin at agad kaming tingnan ni Geordi. Damn! Ang swerte namin. Sabi nila ay hindi naman daw ganitong ka-attached ang mga kumag na ito sa babae. At isa pa ngayon lang sila nagpakilala ng kaibigan sa magulang nila! “Mommy, Daddy, Tita and Tito. This is Geordi and Celestia kaibigan po namin.” Nakangiting pakilala ni Beau. Nahihiya naman kaming ngumiti. Lumapit sila sa amin isa-isa at nginitian kami...i find them creepy though. “Mom! Sila yung tumulong na pumili ng regalo namin sa inyo.” Saad ni Zac. Mas lalong ngumiti ang mga matatanda. “Maraming salamat iha. Hindi ka ba inaaway ng mga lalaking ito?” Tanong ng mommy ni Tyson. Actually po lagi nila akong pinagkakaisahan. “H-hindi naman po.” Sagot ko at agad na yumuko nagtawanan naman ang mga ito. “No need to be shy iha. Geordi?” Agad namang nagulat si Geordi at utal na sumagot. “Please take care of my son.” Saad ng Mommy ni Aramis sinaway siya ni Aramis at namumulang umiling. Paniguradong parang kiti-kiti na ngayon ang puso ni Geordi! Maya-maya ay lumapit sa akin ang mga nanay nila. Nilapitan ako ni Mrs. Morgan. “You're surname is Morgan right?” Saad nito. Taka akong tumango pero naputol ito ng yakapin niya ako. “Omg I've been waiting for this!” “Honey, calm down.” Saad ng asawa nito. Nakita ko naman si Xavier na nakangiti sa amin. “Uhh...” Wala akong mahanap na salita lalo na at may komportable akong naramdaman sa yakap niya. I've been longing for a mother's hug. Funny that i found it here. “We really mis—” Bigla na lang tinakluban ni Mr. Morgan ang bibig ng asawa kaya naputol ang sasabihin nito. “Ah' iha don't mind her...” Bago sila umalis ay madarama nila akong niyakap. “Ang ganda mo naman iha! I didn't know na lalaki kang ganyan. Naku bagay na bagay kayo ni—” “Mom!” Sigaw ni Zacchaeus sa Mommy niya. Kumaway sa akin ang Mommy niya habang hinihila siya palayo ni Zacchaeus. Uso ba ang higitin ngayon? Tsaka parang ayaw nila ipatuliy ang sasabihin ng mga nanay? Siniko ako ni Geordi nang maka-alis sila. “Ano yun?” Tanong niya. Nagkibit balikat ako. I don't really know! Seriously kagaya ng kay Xavier ay ngayon ko lang din sila nakita. What's wrong with these enchanters? Lumingon ulit ako doon at nakita ko si Sage na binabatukan ng ate niya. Umalis na kami doon ni Geordi at bumalik sa table namin. Masasama ang tingin sa amin ng mga babae lalo na ang grupo ni Mia. “Weird din nila no'?” Tanong ni Geordi tumango ako at tumawa bago siya batukan. Weird daw pero kinikilig naman siya! “Marinig ka.” Sabi ko na lang. Nagpaalam ako sa kanya na kukuha ako ng marshmallow na may chocolate agad naman niya akong sinamahan. “Takaw kaya nananaba eh!” Asar niya sa akin nginitian ko lang siya para mas lalo siyang maasar. Inirapan niya ako bago batukan. Kumuha ako ng ilang marshmallow at idinip sa fountain. “Ayaw mo?” Alok ko sa kaniya. Umiling siya at parang diring-diri na iniwas ang mukha niya. “Hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko kasama ang marshmallows na yan!” Umarte siyang parang kinikilabutan. “No thanks. Ayoko na ulit matikman yan. Ikaw ba naman ang pakainin ni Aramis ng tatlong pack niyan? Magkakadiabetes ata ako eh'.” Umiling siya at umarteng nasusuka. Umismid ako at akma na sanang babalik nang may humigit sa kamay ko. Here comes trouble. “Sumama ka sa akin.” Saad ng isang babae. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Geordi umiling siya sa akin pero hinigit na ako ng babae. Sumunod na lang ako para hindi na makaagaw ng atensyon. Dinala nila ako sa comfort room ng girls at nakita ko doon si Mia na pulang pula. Nang makita niya ako ay agad niya akong sinampal. I'm done. “Ano ba?!” Sigaw ko at agad na itinulak ang dalawang babae sa gilid ko. Fuck them! Punong-puno na ako sa mga katarantadahan nila. Hindi naman ako anghel para mag-paapi na lang habambuhay sa kanila. Napaatras sila pero agad ding lumapit sa akin. “Matapang ka na ngayon? Porket ba malapit ka na sa Royal Families?” Kumunot ang noo ko pero agad din akong napangiwi ng hawakan ng isa ang buhok ko. “Bitawan niyo ako!” Sigaw ko. Mas hinigpitan nila ang kapit sa buhok ko kaya naman napadaing ako. “Kapal din naman ng mukha mo no? Una si Zacchaeus, pangalawa si Xavier sunod naman si Noe?” napairap ako. “Bakit ako ba yung lumalapit? Kasalanan ko bang lapitan nila ako?” Tanong ko sa kaniya. Mas lalong nag-alab ang galit niya kaya nakatanggap ulit ako ng isang sampal. “b***h! Alalahanin mo tao ka lang. Kaya kitang patayin kahit anong oras ko gustuhin.” Ngumisi siya at muli akong sinampal. “Patayin mo.” Matapang kong saad. Ngumisi siya at sinenyasan ang mga babaeng ilabas ako ng CR. Hinila nila ako sa buhok habang kinakaladkad sa labas, dinala nila ako sa likod ng gym. Sisigaw na sana ako ng hawakan ni Mia ang panga ko ng mahigpit. “Ngayon mo ipakita ang tapang mo.” Saad niya. Pinakawalan ako ng alipores niya kaya umayos ako ng tayo. Lintek ang hapdi ng pisngi ko! Patay lang sila sa akin kapag nabawasan na ang kagandahan ko. Nagpalabas si Mia ng isang kutsilyo at itinutok sa akin. I didn't know ma ganito siya kabaliw lara kay Zacchaeus. Saksak niya sa baga niya! “Come here b***h!” Sinugod niya ako kaya naman umiwas ako. Agad ko siyang sinipa sa likuran niya. “Maawa ka sa sarili mo. Kahit tao ako hindi ako tanga para hindi matutong lumaban.” Saad ko. Nagulat ako ng may humawak sa buhok ko at hilahin ito. “Talaga lang?” Saad ni Mia. Pinanood niya akong sabunutan ng mga kasama niya. Tinatanggal ko ang kapit nila sa buhok ko pero masyadong mahigpit ang kapit nila. Mga tuko nga naman! “Bitaw.” Sinipa ko ang isa sa gilid niya pero hindi ito tinablan. Takte sumaket lang ang paa ko dahil bigla na lang may lumitaw na kung anong matigas sa gilid niya. Natigil ako sa pagpalag ng may pumulupot sa magkabilang kamay ko. “Nice one.” Saad ni Mia sa isa sa mga thread controller na si Janet. Mayroon na ngayong tali ang magkabilang kamay ko. “Duwag!” Sigaw ko. Lumapad ang ngisi ni Mia at lumapit sa akin agad niyang tinadyakan ang tiyan ko kaya napabaluktot ako sa sakit. “Last warning. Layuan mo si Zacchaeus.” Saad niya. Sinampal niya ako ng sobrang lakas kaya naman napapaling ako sa kabilang side. “Kaya na bahala...pahirapan niyo.” Pero bago nila ako madampian ng kamay ay dumating si Geordi na madilim ang mga mata. “Bitches bitaw sa kaibigan ko.” Saad niya. She's very angry! Tiningnan niya ako nang may pag-alala bago lumapit sa amin. “Another human? Or would i say another flirt? ” Tanong ni Mia bago tumawa. Umiling si Geordi at tumawa. “Human? Ako?” Tumawa siya na ikinainis naman ni Mia. “Really? Ano bang ipagmamalaki mo? Yang wand mo?” Tanong ni ni Mia. “Di ko kailangan ng wand.” Sabi ni Geordi. May binanggit siya at bigla na lang lumipad ang hawak na kutsilyo ni Mia. “How come?” Tanong ni Mia. “Surprised?” Saad ni Geirdi bago sumugod sa kaniya. Agad niya itong itinulak. Gulat naman ang mga kasama ni Mia. Kaya agad akong nilapitan ni Geordi at bigla na lang lumuwag ang pagkakatali ko. “Tsk. Lumaban ka dapat! Ang tapang tapang mo sa akin eh.” Sabi ni Geoddi bago ako batukan. Napa-aray naman ako. Tumayo si Mia at ngumisi. “Wizard to wizard?” Tanong ni Mia. Ngumisi si Geordi at umiling. “Wag na. Ayokong mapagod sa wala.” Saad niya at inalalayan ako. Tumalikod na kami ni Geordi habang akay niya ako. Pero sa hindi inaasahan ay bigla na lang sumigaw ang mga kasama ni Mia na siyang nagpalingon sa amin. “Mia please no!” Saad nila. Nagulat kami nang palipad na sa amin ang kutsilyo. Sinubukang kontrolin ni Geordi ito pero agad siyang natumba. Natigilan ako at napatitig sa kutsilyo. Pumikit ako sa takot. Please, tumigil ka. “What?!” Sigaw ni Mia. Pagmulat ko ay nakita ko sila na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa harapan ko at nakitang bumagal ang pagbulusok at tumigil ang kutsilyo bago nalaglag. Lalapitan ko sana si Geordi nang muling umikot ang paningin ko at bumagsak. “Na naman Celestia!” Saad niya habang nilalapitan ako. Napatawa ako ng mahina. Tumingin ako kina Mia na ngayon ay gulat pa din. “Umalis na kayo! Paniguradong padating na dito sina Zacchaeus.” Saad ni Geordi. Tumakbo sina Mia pero halata ang takot sa mukha nila. “Ayos ka lang?” Umiling ako bago ngumisi. “Galing mo napatigil mo yung kutsilyo. Patay na dapat ako kung di dahil sayo.” Sabi ko Umiling si Geordi at nagtataka akong tingnan. “Hindi ako 'yon. Tsaka bigla na lang bumagal yung oras nung papalapit na sayo yung kutsilyo tapos pagmulat bigla na lang tong tuluyang tumigil at nalaglag.” “Edi sino?” Tanong ko. Nagkibit balikat siya. “Baka si Tyrio? Diba kaya niyang kontrolin ang oras? Tapos si Branwen kaya niyang makontrol ang isang bagay.” Tumango ako sa kaniya. Di nagtagal ay dumating si Noe kasama niya si Sage, Tyson, Zac, Sean, Vito at Beau. My eyes roamed around kahit na malabo na ang paningin ko. “Ayos lang kayo?” Tanong ni Zac. “Anong ayos diyan Zac? Sige nga pakisagot.” Sakristikong sabi ni Sean. “Zac talaga, tumatanda na!” Asar ni Tyson. “Hoy! Tulungan niyo kami.” Sigaw ni Geordi. Nagawa ko pang matawa bago igala ang paningin sa mga lalaki. Wala siya...i thought he's going here? Nevermind. Baka doon siya pumunta sa selosa at marahas niyang girlfriend. Nakaramdam ako ng panghihinayang bago kainin ng dilim ang paningin ko. Nagising ang diwa ko ng may marinig akong nag-uusap. “Di nga? Wala talaga kayo do'n?” Boses ni Geordi ang narinig ko. “Hmm...magkakasama kami nina Branwen at Tyrio sa may boys dorm. Nakalimutan daw kase nila yung regalo nila kaya ayun.” Boses naman ni Aramis. “Eh sino ang may gawa no'n?” Takang tanong ni Geordi. I heard a sighed. Pinipigilan kong buksan ang mata ko dahil nangangati itong makita ang mukha niya. Damn Celestia! Kailan ka ba titigil sa kakahabol sa lalaking yon? “Tsaka isa pa ay bigla na lang kayong nawala. Akala namin ay nasa banyo lang kayo.” Boses naman ni Soren. “Nagpasama na dapat kayo sakin. Aray!” “Manahimik ka nga.” Saad naman ni Sean. “Hindi kaya...” Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi nila dahil biglang nawala ang pandinig ko. Napamulat ako ng wala sa oras at biglang nag blurred and paligid ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga! “Aaah!” Sigaw ko. Sobrang sakit ng katawan ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at napabaluktot. Unti-unti ay bumalik ang pandinig ko at narinig ko silang nagkakagulo. “Tawagin niyo yung nurse!” “Omg! Celestia.” “Anong nangyayari?” “Hawakan niyo!” “Bakit siya nagkakaganyan?” “Hala baka maging Zombie siya!” “Tumigil ka nga Tyson!” Images suddenly flashed in my mind. Lahat ng nangyari mula pagkabata ko. Kung saan nahulog ako mula sa second floor dahil sa pagtulak sa akin ng kalaro ko. Nangilabot ako lalo na ng mapansin na imbes na sobrang bilis ng pangyayari ay biglang bumagal ang galaw ng bawat bagay at dahan dahan akong bumagsak sa lupa ng hindi man lang nasasaktan. “Celestia!” Bumalik ako sa kasalukuyan at nakitang hawak nila Zacchaeus at Xavier ang magkabilang kamay ko habang hawak naman ni Geordi at Aramis ang paa ko. “A-anong nangyari?” Nanghihina kong tanong. Pinilit kong bumangon pero para akong lantang gulay ng bumagsak sa kama. “Don't force yourself.” Saad ni Zacchaeus habang nakaalalay sa akin. “May masakit pa ba sayo?” Tanong ni Xavier. Nagtaka ako ng makitang halos lahat sila ay parang takot. “Anong nangyari? Bakit kayo nandito?” Tanong ko. Lumunok si Xavier bago ako sagutin. “Nagwawala ka habang sumisigaw.” Saad niya. Nagulat ako at hindi nakagalaw. “Ano bang nangyayari sakin?!” Sigaw ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko namalayang umiiyak na ako na parang bata. “Hindi ko na alam! Kung ano-ano na lang ang nangyayari sa akin. Bigla na lang akong mahihilo, hindi makakadinig, lalabo ang paningin, matutumba at mawawalan ng malay. What the hell is happening to me?” Saad ko at mahinang ibinulong ang huling tanong. Umiiyak kong tiningnan sila. They looked at me worriedly. Hagulhol ko lang ang naririnig sa buong kwarto hanggang sa yakapin ako ni Xavier. “Hush, Celestia. Malapit na.” Saad niya. Tinapik niya ako at naramdaman kong nabasa na din ang balikat ko. He's also crying. Nakatulog akong muli sa pagod. At ang huli ko lang natandaan ay ang pag-uusap nila tungkol sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD