“So Angela…right?” Saan ka sa Maynila…”tanong kaagad ng lalaki ng makaupo na sila at mahinang humihigop ng kape. “Ahhhh sa ano sir sa Montalban po..”sagot ko naman. “Medyo malayo pala, agad niyang turan. Anong trabaho mo Angela..?tanong na naman nito.
“Ah eh…maghahanap pa po…” Hindi mo maiwasang mapabuntung-hininga.
“Lalim non ah!!!” medyo nakangiti na ang lalaki habang mataman siyang pinagmamasdan. Medyo nailang naman ako sa mga tingin ni Sir Mark. “ Kong gusto mo tulungan kitang maghanap ng trabaho.”Wala sa loob na turan nito.
“Talaga po???” Napalakas ang pagkasabi ko kaya napalingon ang mga dumadaan sa amin. Hindi ko maikakailang isa itong magandang balita para sa akin dahil sa totoo lang nalilito pa talaga ako kong saan at ano ang gagawin sa bagong lugar na susuongin.
“Yessss.of course sa isang kondisyon. Sabi nito.
“Ano po iyon?” inosente kong tanong.
“Tigilan mo na ang ka po po at kakasir sa akin”. Hindi naman ako ganon katanda eh”.Napakamot pa ito sa batok bago tumawa ng mahina.
“Ay ..hihihi sorry po..ok po Sir..este Mark…pala.”
“Actually doon ako galing sa probinsiya namin.Naghahanap kasi ako ng personal assistant para sa boss ko, kaso wala akong makita doon. Sabi nito.
“Bakit po, mahirap po ba ang trabaho at wala kayong makita?” Tanong ko na medyo kinakabahan.
“Hindi naman….overqualifed lang sila masyado.tsaka di ko sila type”.Hahahahaha.Bigla itong napatawa. Ganoon na lang ang pagtataka ko sa sinabi ni Mark.Ano kayang klasing trabaho ang papasukin ko kong sakali.Napaisip ako bigla. Nag-usap pa kami ni Mark sa ibang detalye sa lugar kong saan ako pupunta. Para daw personal kong makita at makausap ang bago kong boss.Panay tango lang ako.
“Hey..are you nervous??Relax..sure ako makukuha mo ang trabahong ito. Cheer up!!” sabi ni Mark. Lihim naman akong nakadama ng kasiyahan. Salamat at may trabaho na akong mapupuntahan. Inihatid ako ni Mark sa aking upoan kanina at nagpaalam na siya kaagad,magpapahinga daw muna siya. Iniwan niya sa akin ang kanyang calling card.Pagkabalik sa upoan ay nakadama naman ako ng pagod kaya nagpasya akong umidlip sandali.