Chapter 3
“Dito na tayo miss…” Sabi sa akin ng driver ng taxi na sinasakyan ko.
“Eton a po ba yong address sa calling card?” Tanong ko. Tumango ulit si kuya , agad-agad ko namang hinugot sa pitaka ang pambayad ko at umibis na ako sa sasakyan.
“This is it Angela….simula na ito sa pagbabago sa buhay mo..”Mahina kong saad sa sarili ko habang napangiti.Pumasok na ako sa gusali at tinunton ang front desk. Nagtanong ako sandal sa magandang babae doon ilang sandal pa sakay na ako sa elevator. Nakapanibago talaga ang siyudad buti na lang mahilig akong manood ng mga shows sa telebisyon kaya di na ako masyado naiignorante sa mga nakikita ko. Parang yong mga napanood ko lang dati ngayon ay nakikita ko na talaga ng actual.
Bumukas na ang pinto ng elevator. Agad akong lumabas at hinanap ang room number ng opisina ni Mark. Agad ko naman itong Nakita.Marahan akong kumatok.
“Come in” sabi ng isang boses sa loob. Pinihit ko ang pintuan.
“Please sit down”You must be Miss Reyes?”tanong nito.
“Opo.”Mahina kong sabi.
“Akin na po ang folder niyo at iifoforward ko kay boss.Wait lang po kayo dito.”Ako pala si Miss Ann, secretary ni Boss M.”sabi nito at hinagod ako ng tingin. Napaupo ako sa isang silya doon sa may tabi. Umalis na si Miss Ann at nagtungo sa isa pang silid. Maya-maya ay bumalik na ito sa kinauupoan kanina.
Busy na kaagad ito sa mga papeles sa mesa nito.
“Miss Ann nandito na ba yong pinapunta ko dito..???” Humahangos na tanong ng bagong dating na lalaki.
“Ah yes po Sir..ayan po siya.”sagot nito.Napatingin ako sa dumating ganon na lang ang tuwa ko ng makitang si Mark ito.
“Hey!!!Ang aga mo ah…”Kumindat kindat pa ito sa kinaroronan ko.”Lika magmeryenda muna tayo”Aya nito at inakay ako palabas sa opisinang yon.
“Sir,…este Mark, matatanggap kaya ako doon?Mukhang ang sosyal naman ng opisinang iyon.”Nag-aalangan kong sabi. College level lang kasi ako di ko na nagawang tapusin ang kurso kong Education kasi ayaw kong tumanda sa lugar namin.
“Oo naman, bakit hindi,eh malakas ata ako kay boss!Hahaha”Natutuwa nitong sabi. “Kong di ka matanggap doon eh sa akin ka na lang magtrabaho.Hahahaha”
Doon kami nagpunta sa isang cafeteria sa ibaba lang ng opisina.Maya-maya pay may tinawagan naman si Mark. “Yes,andito siya kasama ko ngayon, so ano dalhin ko na sa inyo?” sabi pa nito,agad naman akong kinabahan sa sinabing iyon ni Mark.
“Sino yon?”tanong ko ng ibaba niya ang telepono.
“Si Boss M iyong Angela,pinasasabing tanggap kana raw.Diritso na tayo sa penthouse niya.Tara hatid n akita”.Yaya ni Mark.Sunod-sunuran lang ako sa lalaki.Ano kaya ang trabahong naghihintay sa akin.Hindi ko maiwasang mag-isip.