Chapter Five

1170 Words
"Ano ba naman Hestia ang tagal mo!"   Lihim siyang napairap nang makita na naman niya ang mukha ni Rhea. Na-late siya dahil ginawa niya buong magdamag ang mga assignment at re-search na hindi naman kanya! Halos hindi na nga niya maasikaso ang report na gagawin niya dahil inuna niya ang mga mangkukulam na 'to!   "Tinapos ko pa kasi ang mga kailangan kong gawin." Walang emosyon na sabi niya dito. Inirapan naman siya nito saka binato sakanya ang bag na agad naman niyang nasalo.   "C'mon,  pupunta pa 'ko sa club mamaya. Hindi na kasi ako tinatawagan ni Clifford." Sabi nito saka naunang naglakad. Napangisi siya...   "Goodluck, siguradong sawa na 'yon sayo..." Bulong niya saka sumunod dito. Hindi sila halos nakakalayo ng lakad nang makita niya sila Eros kasama ng mga kaibigan nito. Nasa likod nito si Clifford ang iba naman ay hindi niya kilala. Tumingin sakanya si Eros at bumaba ang tingin na 'yon papunta sa kamay niya na hawak ang bag ni Rhea.   "Honey!!"   Napairap siya sa hangin nang marinig na naman ang sigaw ni Rhea. Tumakbo ito kay Clifford saka yumakap sa leeg ng lalaki. Pero ang ikinatuwa niya ay wala man lang reaksyon ang lalaking 'yon compare noon na sa tuwing magkikita ang dalawa ay parang tuko!   "Ba't hindi mo 'ko ni-replyan kagabi?" Kunwaring nagtatampo na sabi nito. Napatingin siya kay Eros nang lumapit ito sakanya. Nagulat siya nang bigla niyong hablutin ang hawak niya at saka binalibag 'yon sa sulok.   "Sayo ba 'yan?" Baling nito kay Rhea. Nanlaki ang mata ni Rhea,  kahit siya ay nagulat sa ginawa nito.   "Kunin mo kung ayaw mong sunugin ko 'yan." Banta ni Eros.   "No! not my gucci!" Tili ni Rhea saka kumalas kay Clifford at nagmamadaling kinuha ang shoulder bag. Inakbayan naman siya ni Eros.   "Wala kang karapatang utusan ang babaeng 'to maliwanag ba?" Sabi pa nitp kay Rhea. Mabilis namang tumango si Rhea. Napairap siya sa hangin saka akmang kakalas sa akbay nito.   "Good. Beacause that is my job. Let's go." Sabi ni Eros at saka hinawakan ang kamay niya at hinila palayo kina Rhea. Nang mapansin niyang nasa garden an sila ng school ay hinila niya na ang kamay dito.   "Pwede mo na 'kong bitawan!" Sabi niya dito. Binalingan naman siya nito.   "Ikaw ang sama talaga ng ugali mo. Ikaw na nga pinagtatanggol don." Nakasimangot na sabi nito.   "Huh! sino kayang mas masama ang ugali satin?" Nakairap na sabi niya dito. Naiiling na umupo naman ito sa ilalim ng puno.  Nang libutin niya ng tingin ang buong paligid ay napansin niyang sila lang dalawa doon. Kinuha naman niya ang binder sa bag saka 'yon inabot dito.   "Oi tapos na...." Sabi niya dito. Tiningala naman nito ang hawak niya saka hinablot 'yon. Tinatamad na hinagis naman nito 'yon sa gilid. Nanliit ang mata niya sa ginawa nito.   Nakaka-highblood talaga ang lalaking 'to!   "Huwag ka ngang tumayo lang diyan na para kang may gagawing masama sakin. Umupo ka kaya dito." Utos nito. Sinipa naman niya ito sa paa.   "Kapal mo! Umupo ka mag-isa mo, aalis na 'ko." Mataray na sabi niya at akmang tatalikuran ito.   "We have a deal right?" Narinig niyang sabi nito. Bumuga muna siya hangin saka nanalangin na sana ay humaba ang pasensya niya at hindi siya makapanakit ng tao. Nakasimangot na umupo naman siya ngunit nilagyan  niya ng espasyo ang pagitan nila. Naramdaman niyang umusog ito papalapit sakanya. Hindi na lang siya umimik.   "Mukhang pagod ka ha?" Sabi niya dito nang makita niyang nakapikit ito habang nakasandal sa puno. Nakatukod sa isang tuhod nito ang siko nito. Napatingin siya sa ilalim ng mata nito.   "Mukhang puyat ka rin...." Komento niya pa. Dumilat naman ito saka tumingin sakanya. Iniwas naman niya ang tingin dito saka siya umayos ng upo. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang may kinuha ito mula sa bag.   "Here..." Inabot nito sakanya ang isang string ng headset. Binalingan niya ito. Nakita niyang sinasalpak nito ang isang headset sa tenga.   "Anong gagawin ko dito?" Tanong niya pa dito. Pumalatak naman ito saka kinuha ang headset sakanya at sinalpak 'yon sa tenga niya.   "Share tayo para hindi ka ma-boring..." Nakataas ang sulok ng labing sabi nito saka pumikit. Napatitig siya sa maamong mukha nito. Totoo nga siguro ang sinasabi nila no? looks can be deceiving. Kabaliktaran ng ugali nito ang maamong mukha nito. Halos hindi niya makitaan ng mali sa mukha ang lalaking ito, napatitig siya sa nunal nito na maliit. Naka-pwesto 'yon sa kanang kilay nito. At minsan pa ay nakikita niya ang malalim na dimple nito sa magkabilang pisngi. Naglakad naman ang mata niya sa buhok ng binata. Bahagyang kulot 'yon ngunit bumagay dito. Naiiling na iniwas na lang niya ang tingin dito dahil baka kung ano pang isipin nito. Pumikit siya at isinandal ang likod ng ulo sa puno.   I've been waiting for you All my life for somebody who Makes me feel the way I feel when i'm with you baby Have you been waiting too...'cause i've been waiting for you..   Seryoso?! Ito ang pinatutugtog niya?!   Napangiti na lang siya ngunit agad ding napalis 'yon nang maramdaman niya ang pagpatong ng kung ano sa balikat niya. Dumilat siya para alamin kung ano 'yon. Bumungad sa pang-amoy niya ang buhok ni Eros. Niyugyog niya ang balikat.   "Oi umayos ka nga." Sabi niya dito. Hindi siya nito pinakinggan. Huminga siya ng malalim saka hinila ang buhok nito paalis sa balikat niya.   "Umayos ka nga sabi baka may makakita sati---   Nilingon naman siya nito. Napatitig siya sa namumulang mata nito.   "Don't worry walang magtatangkang pumunta dito." Naramdaman niya ang pagod sa boses nito. "And please.... just let me sleep. I'm f*****g tired." Sabi pa nito saka muling humilig sa balikat niya. Napatitig siya sa mukha nito partikular sa mahahabang pilik-mata nito. Napailing na lang siya at hinayaan ito.   Now that I found you I just can't let you go.... No, no,... no, no... (Ohhh)   Naramdaman niyang mas lalo pa itong sumiksik sakanya.   Oh there's just one thing..... I want you to know...   Girl, I love you so....     ------***     UNTI-UNTI dumilat si Eros nang maramdaman niya ang malalim na paghinga ng katabi. Umayos siya ng upo saka nilingon ang dalaga.   "Tulog na." Bulong niya. Nagkaroon siya ng layang titigan ang mukha nito. Bahagya pang nakaa-awang ang labi nito. Pretty but not his type. Ordinaryo lang ang mukha nito, ito ang babaeng sa unang tingin ay hindi mo lilingunin. Napangiti siya nang maalala ang mukha nito sa tuwing nagagalit sakanya. At 'yon ang gustong-gusto niya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka kinuhanan ito. Nakangising umayos uli siya ng upo saka kumuha ng ibang anggulo. Pigil ang tawang tumingin siya sa larawan nito. Natatawang tinabi niya 'yon saka binaligan ulit ito.   "Hindi ko ginawa 'yon sa ibang babae, kaya swerte ka." Sabi niya dito, natigilan siya nang may maisip siyang paraan. Kagat-labing hinanap niya sa bag ang pentel pen saka maingat na bumaling kay Hestia. Dahan-dahan niyang sinulatan ang mukha nito.....   Lumawak ang ngisi niya nang makita ang itsura nito....   "Tignan natin ang pasensya mo." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD