Chapter Four

1581 Words
"Hoy bess kalat na kalat na dikit na ang pangalan mo kay Eros ha?"   Kumunot ang noo ni Hestia sa sinabi ni Matet. Kinuha niya ang isang biscuit at softdrinks na binili niya sa canteen. Yun na lang ang bibilhin niya.   "Sinong nagsabi?" Tanong niya dito. Naghanap sila ng mesa nila.   "Maraming nakakaalam niyan dito." Sabi pa nito nang makaupo na sila. "Narinig mo na ba 'yong underground? Yung Dark Society? Alam mo ba na kung pahirap sayo si Rhea araw-araw mas lalo na si Eros."   "Pake ko don?" Sabi niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit niya dito. Napakasama ng ugali!   "Tsk! Makinig ka. Alam mo ba 'yung Club na pinupuntahan ni Rhea sa malabon? Yung Dark Society club." Sabi pa nito sakanya at nilapit ang mukha sakanya.   "May underground don, at balita pa eh na si Eros ang bagong namamahala sa ilalim non simula ng mag-asawa na ang dating pinuno non. At alam mo ba? na ang ilalim non ay hindi basta-basta, you can do what you want. Lahat ng illegal dito satin ay posibleng mangyari don." Bulong nito.   She rolled her eyes. Ano bang bago? Sa panahon ngayon hindi na malabong sakupin na ng masasama ang mundo. At hindi na siya nagulat sa lalaking 'yon dahil halata naman sa ugali nito. Ang gaspang!   "Edi siya na magaling..." Sabi niya saka uminom ng softdrinks.   "Ano ka ba naman Hestia... i'm your bestfriend and as your bestfriend binabalaan lang kita na hanggat maari 'wag kang sasangga sa landas ni Eros." Gigil na bulong ng kaharap pero napahinto ito at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa likuran niya.   "Speaking of the King of the underground... he's here." Sabi pa nito. Hindi niya pinakinggan ito.   "Bess.. lumalapit siya." Pasimpleng bulong nito saka tinuon ang tingin sa pinggan. Don na nagsalubong ang kilay niya.   "Ohhh.. poor."   Nagtaas siya ng tingin sa nagsalita. Nakita niya ang binata na nakatayo sa tabi niya habang bitbit nito ang isang tray. Tumaas ang kilay  niya nang basta lang itong nakisalo sa mesa nila. Binalingan nito ang kaibigan niya.   "Go.... find your own table."   Aba't!   Nang tumayo na si Matet at naghanap ng sariling mesa ay tumayo na rin siya.   "Hey? where are you going?" Tanong nito.   "Maghahanap ng sariling mesa." Mataray na sabi niya dito at akmang aalis na nang bigla nitong hawakan ang braso niya.   "Sit Hestia." Utos pa nito. Ang kapal! hinila niya ang braso mula sa pagkakahawak nito.   "Hindi mo ako alila ha?"   "Okay fine..... pero idadamay ko ang kaibigan mo dito." Banta  nito. Nanlisik ang mga mata niya.   "Ano bang gusto mo?!" Gigil na bulong niya dito. Ayaw niyang mag-eskandalo lalo't marami na namang nakatingin sakanila.   "Ba't hindi ka muna umupo para malaman mo ang gusto ko?"   Naku naman bwisit!   Nanggigigil na bumalik siya sa upuan at tinignan ito ng masama.   "Sabihin mo na sakin ngayon kung anong kailangan mo." Matigas na sabi niya dito. Ngumisi lang ito saka natitigilang tumingin sa hawak niya.   "Yan lang pagkain mo?" Sabi pa nito. Kumunot ang noo niya nang ilapit nito sa harap niya ang isang pinggan na may lamang spaghetti at isang basong tubig. Tinawag nito ang isang studyante at binigay dito ang tray.   "Bigyan mo 'ko ng bago." Utos nito. Umalis naman agad ang inutusan nito. Nanliit ang matang binalik niya dito ang pinggan.   "Hindi mo 'ko madadaan sa ganyan Eros, diretsuhin mo 'ko. Ano bang kailangan mo sakin? Kung sasabihin mo lang na umalis na kami don 'wag kang mag-alala naghahakot na kami." Sabi niya dito. Hindi naman ito nagsalita, basta lang itong tumitig sakanya.   Hindi niya alam kung anong iniisip nito.   Magsasalita pa sana siya nang bigla namang dumating ang inutusan nito. Si Eros na mismo ang kumuha ng pagkain sa tray. Napansin niyang nakatitig sakanya ang studyante na 'yon kaya tumingin din siya dito. Napansin ata 'yon ni Eros kaya tumingin din ito sa studyante na 'yon.   "What's your name?" Tanong ni Eros dito. Umiwas naman ng tingin sakanya ang lalaking 'yon.   "A-ah.... Roy."   "Try to look at her again....i will rip your f*****g eyeballs out of your skull."   Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Namumutlang umalis naman ang lalaking 'yon. Sa sobrang gulat niya ay nasampal niya ang gilid ng bibig nito.   "Ouch! what the f**k---   Sinampal niya ito.   "Magmura kapa!" Pinandilatan niya ito ng mata. Nakangiwi ito habang hawak ang pisnging sinampal niya. Nagulat siya nang bigla itong tumayo.   "Walang sino man ang pwedeng mag-utos sakin!" Galit at madilim ang mukhang sabi nito. Nakita niya ang tinaas nito ang isang kamay kaya mabilis siyang pumikit.   Ilang minuto ang hinintay niya ngunit wala pa ring dumadapo na kamay sa pisngi niya. Unti-unti naman siyang dumilat, nakita niyang nakatayo pa rin ito at nakatitig na sakanya.   "Ano? ba't hindi mo tinuloy?!" Mataray na sabi niya dito kahit pa kinakabahan siya. Hindi siya nito pinansin. Bumalik lang ito sa upuan at nag-umpisa ng kumain, hindi niya pinansin ang pag-uusap ng mga nasa paligid niya. Napatitig siya sa namumula nitong pisngi. Makinis at maputi kasi ang pisngi nito kaya kita niya ang halos bumakat na kamay sa mukha nito. Bigla tuloy siyang nakonsensya..... hindi naman kasi siya sadistang tao.   "Eat up Hestia. Mamaya na tayo mag-usap." Malamig na utos nito saka muling tinuon ang tingin sa pinggan. Niyuko naman niya ang pagkain at kahit pa ayaw niyang tanggapin ang pagkaing galing dito ay napilitan na lang siyang galawin 'yon dahil sa konsensya niya.   "Pasalamat ka..." Narinig niyang bulong nito. Nagtaas siya ng mukha at tumingin dito.   "Anong sabi mo?"   "Wala... kumain ka na lang diyan." Sabi nito na hindi siya tinitignan. Inirapan niya lang ito saka tinuloy niya ang pagkain.   Kung mabait lang sana siya magugustuhan ko pa siya eh! Bonus na lang ang mukha kaya lang ugaling impakto!     -----****    "ANO 'to?" Nagtatakang tanong ni Hestia nang tambakan siya ni Eros ng limang binder sa harap niya. Lumabi lang ito saka nagkibit-balikat. Akala niya ay kung saan siya dadalhin nito 'yon pala sa library lang. May gusto daw kasi itong ibigay sakanya at may rules pa itong nalalaman kapalit ng pananatili nila sa bahay. Ang sama talaga ng ugali!   "Ikaw na ang bahalang sumagot ng mga assignment ko. Yung iba naman diyan galing sa----   "At bakit ko naman gagawin 'yon?" Nagtatakang sabi niya pa dito. Kahit pa nangangalay siya katitingala dito. Nakatayo lang kasi ito sa tabi niya. Huminga naman ito ng malalim saka tinukod ang isang kamay sa mesa habang ang isa naman nitong kamay ay nasa likod ng upuan niya. Bahagya itong yumuko.   "Ayaw niyong umalis sa bahay niyo diba?" Nakangising sabi nito nang magpantay ang mukha nila.   "Oo." Sagot naman niya.   "At gagawin mo naman siguro ang lahat para hindi mawala sainyo 'yon hindi ba?" Dugtong pa nito.   "Oo! Kaya nga deretsuhin mo na ako eh!" Naiinis na sabi niya dito.   "Okay. Then you're my slave from now on..." Nakangising umayos na ito ng tayo.   Ano?! Ano siya hilo! Kay Rhea pa nga lang hirap na hirap na 'ko dadagdag pa siya?!   "No way?!" Tutol niya at akmang tatayo.   "Tsk! Sandali.... sandali...." Pero pinigilan nito ang balikat niya at sapilitang pinabalik siya sa upuan. Matalim ang matang tiningala niya ito.   "Sabi mo lahat gagawin mo para hindi kayo mapaalis don diba?"   "Oo, pero hindi ibig sabihin non susundin kita no?! Ang sama kaya ng ugali mo baka mamaya i-take advantage mo ang pangangailangan namin." Sabi niya pa dito. Nakita niyang natigilan ito. Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba siyang nabasa sa mata nito. Walang emosyon ang mukhang namulsa ito.   "Ikaw na nga pinagbibigyan ng pagkakataon diyan, ikaw pa namimintas." Bulong nito. "Look, kung ayaw mo edi 'wag. Madali lang naman akong kausap. Maluwag ang pinto ng bahay na 'yon, kagaya ng sabi mo naka-empake na kayo. Pwede na kayong umalis." Matiim na sabi nito pero ramdam niya ang galit nito. Nanahimik naman siya....   "Just take it or leave it Hestia." Anito. Tinitigan niya ito.   "Hindi naman habang-buhay siguro pagsisilbihan kita?" Sabi niya dito. Tumaas ang sulok ng labi nito.   "Yep. Pagtapos ng graduation natin. 'Pag tapos non, another five years uli ang bibilangin niyo para kunin namin ang bahay sainyo. Siguro naman paglipas ng limang taon na 'yon, kaya mo ng humanap ng bahay na malilipatan niyo?"   Mas lalo siyang natigilan sa sinabi nito. Pwede rin... hindi na masama.   "So Ms. Goddess of hearth do you accept my offer or not?"Tanong pa nito nang hindi siya makakibo.   "Ano bang gagawin ko?" Tanong niya pa dito.   "Ang gagawin sundin lang ang lahat ng utos ko. Ganon kadali. Don't worry Hestia, mabait naman ako hindi ka lugi." Nakangising sabi nito. Inirapan niya ito.   Mukha mo! Ngayon pa nga lang nakikinita ko na ang mahahabang sungay mo!   "So...." Naiinip na sabi nito. Huminga siya ng malalim.... one year..... malapit na.   "Fine." Sagot niya saka tinitigan ito. "....pero mapapasa-amin pa rin ang bahay namin." Matatag na sabi niya dito. Ngiting-tagumpay naman ang damuho!   "Sabi mo eh...." Malawak ang ngiting sabi nito saka tinapik ang binder na nasa mesa kaharap niya.   "...pagtapos mo nito pumunta ka sa gym at may iuutos ako sayo Okay?" Nakangising sabi nito saka tumalikod. Nang makalabas na ito ng pinto ng room nila ay nasapo niya ang noo.   "Kainis na buhay 'to!" Naiinis na pumadyak siya saka kinalat sa mesa ang mga binder. May dalawa pang makapal na libro na nasa gilid na galing kay Rhea. Muli siyang tumingin sa pintong nilabasan ni Eros.   You're badass asshole! May araw ka rin sakin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD