"ANG tigas talaga ng ulo mo Eros, kapag may gusto ka talagang gagawin mo." Sermon sakanya ni Sebastian habang nagmamaneho. Nakasimangot na tumingin siya sa labas ng sasakyan. "Gusto ko lang naman siyang kausapin eh." Sabi niya. "Ang tindi ng tama mo dude." Natatawang sabi ni Delifico sa likuran. Hindi niya ito pinansin. "Pero sabi niya wala naman daw kayo ha?" Sabat ni Maxeau. Marahas na nilingon niya ito. "Sinabi niya 'yon?" "Oo.... sabi pa nga niya." Umayos ito ng upo saka ginaya ang boses ni Hestia. ".....Ano ba kayo? wala lang sakin 'yon, kaibigan ko lang si Eros walang kami" "Bagay kulot ha?" Natatawang sabi ni Clifford. "Pero sinabi niya kay Jenny na---- "Nanligaw kaba?" Putol ni Sebastian sa sasabihin niya. Natigilan naman siya saka tumingin

