MADILIM ang mukha na binalingan ni Eros ang babaeng nakaaway ni Jenny ngunit 'yon ang pagkakamali niya dahil hindi kung sino lang ang taong 'yon. Nabitawan niya si Jenny. "Hestia.." Nilapitan niya ito at akmang hahawakan niya ito nang kabigin nito ang kamay niya. Walang emosyon ang mukha na inayos nito ang suot na uniform saka ito tumayo. "Hestia hindi ko sinasadya..." Kinabahan siya sa klase ng tingin nito. "Sa susunod bantayan mo ang babae mo kung ayaw mong mapaaway 'yan. Bigla na lang kasing nananakmal eh." Malamig na sabi nito. Fuck! Hindi na bago sa pandinig ko ang ganong salita pero bakit pagdating sakanya hindi maganda sa pakiramdam! Nilapitan niya muli ito ngunit pinitik nito ang mata niya. "Ouch!" Napaurong siya habang hawak ang isang mata. "At isa pa

