Chapter Two

1734 Words
What the!!   Mabilis na tinulak ni Hestia ang lalaking nakayakap sakanya at malakas niya itong sinampal. Ang walanghiya ninakaw nito ang first kiss niya! Nanlilisik ang matang tinignan niya ito. Nanlalaki naman ang mata nito habang hawak ang pisnging sinampal niya.   "What....." Parang hindi makapaniwalang sabi nito saka unti-unti siyang nilingon. "...the f**k is that?!" Galit na sigaw nito.   Aba! ito pa ang may ganang magalit?!   Dinuro niya ito.   "Ang kapal ng mukha para halikan ako! Hinawakan mo pa ang pwet-an ko at ikaw pa ang may ganang magalit sakin ngayon ha?!" Tinuro niya ang sarili.   "....ni wala kang pahintulot mula sakin!" Gigil na dugtong niya. Inismiran siya nito.   "look lady, hindi ka mabubuntis dahil lang hinalikan kita, kung makapag-react ka kala mo naman ginahasa kita."   Aba't talagang!   Nilusob niya ito at muli sanang sasampalin ito nang mahawakan nito ang kamay niya. At sa isang kisap lang ay muli na naman siya nitong hinalikan.   "One slap, one kiss..." Nakangising sabi nito. Hinila niya ang kamay at buong lakas na tinuhuran ito.   "AW f**k!!" Nag-echo ang boses nito sa buong pasilyo. Nakita niya mula sa gilid ng mata na bumukas ang pinto ng library. Bahagya siyang umatras nang madilim ang mukha na humakbang ito papalapit sakanya.   "Hey Eros..."   Napalingon siya sa nagsalita na 'yon mula sa likuran niya. Nakita niya si Rhea at ang boyfriend nito. As usual kasama din ang alagad ng bruhilda. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na 'yon mula sa tenga niya.   "Babalikan kita." Banta nito. Nanayo ang balahibo niya nang maramdaman ang labi nito na dumapo sa ilalim ng tenga niya. Natulala siya sa ginawa nito... kahit pa nang tumalikod na ito ay hindi pa rin siya nakagalaw. Mabilis niyang hinamig ang sarili saka hinabol ng tingin ang papalayong bulto nito.   Langyang lalaking 'yon!   "Nagbanta kapa kapal ng mukha mo!" Sigaw niya dito. Naiinis na pinahid niya ang labi gamit ang kamay saka patakbong lumayo sa lugar na 'yon nang maramdaman niya ang titig ng mga nasa paligid niya.      -----***      "WHAT happened Eros?"   Sumandal siya sa puno saka pinagbubunot ang damong nasa gilid niya.   "Hon sino siya?" Narinig niyang tanong ng kasama ni Clifford.   "Ah, siya 'yung kini-kwento ko sayo na  kaibigan ko na bagong transferri satin."   "Oh... he's handsome huh."   Tinigil niya ang ginagawa at matiim ang matang tinitigan ang babaeng kasama ng kaibigan.   "Get out of my sight."   Nagulat ito ngunit hindi naman kumibo. Nilingon nito si Clifford.   "Ah sige na, may pag-uusapan lang kami."   Hindi man lang natinag ang babaeng kasama nito.   "Do you wanna die huh?" Naiinis nang sabi niya. Nagulat naman ito saka mabilis na tumalikod. Bumuga siya ng hangin saka tumingala. Naramdaman niya ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya.   "Mukhang badtrip ka ngayon ha? Teka ano ba 'yung nangyaring 'yon kanina?"   Muli na naman siyang nakaramdam ng inis nang maalala ang babaeng 'yon.   "Sabi ni Grey may darating na babae sa library. Welcome gift daw niya sakin 'yon ngayong nakabalik na 'ko dito. Pero hindi naman niya sinabing maarte pa sa pusa ang ibibigay niya." Naiinis pa ring sabi niya. 'Yun ang kauna-unahang nasampal siya ng kung sino lang. Kinuha niya ang isang stick ng sigarilyo sa bulsa ng katabing bag saka 'yon sinindihan. Humithit-buga siya.   "s**t dude, dala mo ba ang cellphone mo?" Tanong sakanya ni Clifford. Nagsalubong naman ang kilay niya.   "Iniwan ko sa condo bakit?"   "Hindi mo ba na-receive ang text msg ni Grey? magkasama kami nang mabalitaan namin na naaksidente ang babaeng ipapadala niya sayo na nag-aaral din dito."   Natahimik naman siya. Kahit na, basta maarte pa rin ang babaeng 'yon...   Pumikit siya at isinandal ang ulo habang nakatukod sa isang tuhod niya ang siko.   "Man, don't tell me hindi mo pa rin patatahimikin ang babaeng 'yon?" Natatawang sabi nito. Napangisi siya sa sinabi nito saka muling dumilat.   "What do you think? Sinampal niya 'ko at kulang ang isang araw para pagbayaran niya 'yon. No one messed up with me."   Napailing na lang 'to saka namulsa.   "Okay, basta ayoko ng kalat dito. Malilintikan ako kay daddy." Sabi nito. Hinithit niya ang natitira pang sindi ng hawak na sigarilyo saka 'yon binato sa damuhan. Tinatamad na tumayo siya, kinuha niya ang bag saka 'yon sinampay sa balikat.   "What the f**k man! kasasabi ko lang!" Sigaw nito. Hindi niya ito pinansin, kinuha niya ang isang karatula na binato niya lang sa kung san at saka 'yon muling tinusok sa damuhan.   'Keep off the grass.'   "Oh Great!"      -----***      "FRAGMENTATION- These grenades are used to produce casualties by high-velocity projection of fragments---   "Busy ka masyado ha?"   Sinara niya ang librong hawak saka nilingon ang may-ari ng boses na 'yon. Nakita niya si Matet na papalapit sakanya. Umupo ito sa tabi niya. Halos ito lang naman ang kaibigan niya dito simula nang mag-aral siya dito. Kagaya niya ay isa rin itong scholar.   "Ba't pala hindi ka pumasok sa isa nating subject?" tanong nito. Tinabi niya muna sa bag ang librong hawak saka siya tumingin sa malayo.   "Inayos ko pa kasi muna 'yung mga kailangan na tela ni mama. Alam mo naman may sakit siya ngayon."   "Oo nga eh. Hayy, sayang no? kung hindi lang sana nawala ng maaga ang papa mo maayos sana ang kalagayan niyo ngayon."   Parang may pumiga sa dibdib niya nang maalala ang ama. Naaksidente ito no'ng araw mismo ng graduation niya. Hit and run. Kukunin kasi nito ang regalo na binili nito para sakanya, pina-iwan ng ama niya ang regalo sa tita Lourdes niya ngunit hindi niya alam na 'yon na pala ang huling araw na makikita niya ito. Nang mawala ito ay pinilit nilang maging matatag ng mama niya. Tinulungan niya ang kanyang ina sa pananahi, minsan ay ume-extra siya sa  canteen ng isa sa mga kamag-anak niya. Mabuti naman at kahit papano ay may naipundar sila.   "Halika na baka ma-late tayo sa subject natin ngayon." Ani ng katabi niya. Saglit niya itong tinapunan ng tingin saka na siya umayos ng tayo. Bitbit ang bag na magkasabay silang naglakad ni Matet.   "Ay bess babayaran ko na pala 'yung kuha ko kahapon sayo. Ito oh..." Inabot nito sakanya ang fifty peso. Nakangiting tinanggap niya 'yon saka binulsa, buti naman at hindi na niya po-problemahin ang pamasahe bukas. Nagpapasalamat nga siya at kasama nya si Matet atleast hindi siya mukhang timang na nakikinig sa payabangan ng mga studyante sa room nila.   Nang makarating na sila sa room nila ay mangilan-ngilan pa lamang ang studyante sa loob. Ang iba ay may mga sariling mundo kaya hindi napansin ang pagpasok nila. Sabagay, wala namang pakialam ang mga ito sakanila. Sabay nilang tinungo ni Matet ang upuan nila, sa bandang dulo sila naka-upo dahil wala silang balak pakinggan ang payabangan ng mga nasa paligid nila. Sinilip niya ang orasang pambisig. Five minutes na lang at darating na ang prof nila.   "Hirap talaga kapag hindi mo ka-level ang mga kaklase mo no? etchapuwera ka lang." Bulong sakanya ni Matet.   "Sinabi mo pa.." Bulong niya rin dito, tumawa naman ito ng mahina. Sakto namang pumasok ang tatlong kalalakihan ata, ngunit mas nakatawag ng pansin niya ang lalaking nasa unahan. Kumunot ang kilay niya.   "Yung lalaking hambog!" Inis na bulong niya, hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito sakanya!   "Oh? bagong transfer ata 'yan." Sabi ng katabi niya. Binawi niya ang tingin sa mga ito dahil wala naman siyang pakialam. Kinuha niya ang binder saka 'yon binasa. Hindi niya pa halos nasisilip ang binder nang makita niya mula sa gilid ng mata niya ang dalawang pares ng paa. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Nakangisi ito sakanya, bahagya pa itong tumingkayad habang ang kamay nito ay pinatong sa likod ng upuan niya. Hindi sana niya ito papansinin nang bigla naman itong  nagsalita.   "Tsk, tsk, tsk.... tignan mo nga naman." Sabi pa nito. Inirapan niya ito. Sinenyasan nito ang katabi niya. Naramdaman niyang tumayo agad si Matet. Akmang tatayo na rin siya nang bigla nitong hawakan ang balikat niya at pinabalik siya sa upuan. Tinignan niya ito ng masama.   "Ano bang problema mo?" Gigil na bulong niya dito. Halos ibato naman nito ang bag sa upuang inalisan ni Matet saka ito umupo don. Napairap siya sa hangin.   "So how are you my Angel?" Sabi nito. Hindi niya ito pinansin, binuklat na lang niya ang binder na hawak saka siya nagkunwaring nagbabasa.   "Tsk, tsk.... ibang klase." Narinig niyang sabi nito. Nararamdaman niya ang mga matang nakatitig sa direksyon nila. Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito na gumagapang papunta sa balikat niya at marahang pinisil 'yon. Naiinis na siniko niya ito.   "Ouch!" Narinig niyang sabi ng isang boses sa likuran niya.   Mukhang masisira na naman ang araw ko ha!   "Ikaw sumusobra kana sakin ha? Hindi mo ba ako kilala ha?"   Binalingan niya ito.   "Wala akong balak kilalanin ka naiintindihan mo naman siguro 'yon diba?" Mataray na sagot niya dito. Mahina itong natawa saka umiling.   "I'm Eros Thanatos Moreau at tito ko ang isa sa nagbigay ng malaking discount para sa mga scholar dito."   Natigilan siya.. mamalasin ka nga naman oh!   "How 'bout you? What's your name?" Tanong pa uli nito saka dumako ang tingin nito papunta sa dibdib niya.   "Hmmm... Hestia Isolde Dimaculda." Basa nito sa I.D niya. Palihim naman niyang tinago ang I.D niya dito.   "....unique pero ang pangit." Dugtong nito. Aba't!   "Ang kapal ng mukha mo, ikaw nga maganda nga pangalan mo. Eros The God of love pero sumunod Thanatos The God of Death. Ba't hindi na lang Hades ang pinangalan sayo?!" Pagkasabi niya non ay pinitik niya ito ng malakas sa mata.   "AW f**k!!"   Mabilis siyang kumaripas ng tayo saka siya tumakbo palabas ng room.  Bahala na kung absent siya ngayon ang mahalaga makatakas siya dito!   "s**t! s**t! s**t! HABULIN NIYO ANG BABAENG 'YON!!"   Bahala siya! bwisit siya!      -------****      "OKAY ka lang Eros?"   Matalim ang matang binalingan niya ang nagsalita na 'yon.   "Do I look i'm okay huh?! Inuubos talaga ng babaeng 'yon ang pasensya ko!" Galit na sabi niya dito. f**k! mukhang napuruhan nito ang mata niya ha?   Namumula ang mukhang tinignan niya uli ang direksyon ng tinakbuhan nito. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga inutusan niya para habulin ang babaeng 'yon.   "Eros, hindi namin alam kung san na napunta eh. Ang bilis kasi niyang tumak----   Hinampas niya sa mga ito ang bag niya saka 'yon sinabit sa balikat.   "Stupid." Pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya ang mga ito.   Pag nahawakan talaga kitang babae patay ka talaga sakin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD