"Eros Thanatos Moreau, my friend from France welcome back dude..."
Ngisi lang ang ginanti ni Eros kay Clifford. Ininom niya ang natitira pang alak sa basong hawak saka siya tumayo.
"So, how's the life?" Tanong ng pinsan niyang si Grey.
"Sucks..." Tipid na sagot niya dito. Wala naman siyang balak pang bumalik sa Pilipinas. Sa loob ng ilang taon niyang pananatili sa France ay hindi na sumagi sa isip niya na bumalik pa sa bansa. Ngunit nang mabalitaan niya na ikinasal na ang isang pinsan niya na si Sebastian ay wala siyang ibang nagawa kundi ang umuwi para sabihan ito. That man! sinabi nito sakanya na kahit kailan ay hindi ito magpapatali kahit kanino at wala sa linya nito lulugar sa tahimik. But look at him now! mukhang masaya na sa buhay-asawa.
Naiiling na kinuha niya ang isang itim na necktie na may disenyong tribal. Isinabit niya 'yon sa leeg at saka tumingin sa mga taong nasa harap niya.
"Anong balita dito?" Tanong niya sa mga ito, ang tinutukoy niya ang undergound nila. Hawak nito noon ni Sebastian, ngunit dahil nga nag-asawa na ito ay binitawan na rin nito ang organisasyon. At ngayon ay hahawakan niya ang organisasyon na ito na noon pa lang ay pinapangarap na niya simula nang itayo ito ni Grey. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa isiping siya na ang magiging pinuno ng grupo.
Bago pa makasagot sa tanong niya si Clifford ay tumunog naman ang isang cellphone sa kung sino. Nakita niyang nagmamadaling tumayo si Grey saka sinagot ang tawag.
"Hello? hon! ah... sorry na-lowbat kasi ako eh. No! hon naman wala akong babae ano kaba. Hon naman eh..."
Napapailing siya habang nakatingin dito. Malayo ito sa Grey na kilala niya noon.
"Under." Bulong ni Clifford. Maya-maya pa ay bumalik na si Grey sa harap niya.
"Ahm guys i have to go. Hinahanap na 'ko ng asawa ko, may ipinabibili kasi siya sakin eh." Sabi nito.
"Kailan kapa naging under?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya dito. He jus rolled his eyes.
"Understanding lang po." Sabi nito saka tinapik sila isa-isa sa balikat. Nang tumalikod na ito ay nagsalita si Delifico. Pinakilala ito sakanya ni Sebastian na bagong miyembro daw ng grupo.
"Maayos naman ang lugar na ito. Mas dumadami ang bumababa dito kumpara noon. You know, the teenagers party-goers mga naghahanap ng thrill."
"Pero kailangan niyo pa ring mag-ingat sa mga taong ibinababa nito dito. And especially the drugs, mahirap na baka ang iba tinitiktikan lang tayo. Kahit pa may kapit tayo sa itaas ay marami pa rin tayong kalaban." Matiim na sabi niya dito. Ngumisi naman ito.
"Copy."
"At Ellifard tawagan mo ang iba pang miyembro, may mga pag-uusapan tayo." Utos niya sa isang lalaki na nasa sulok at nakasandal sa pader. Tinaas nito ang kopitang hawak bilang sagot sakanya. Nakita niya ang pag-iling ni Clifford.
"Hindi kapa rin nagbabago Eros." Komento nito. Alam ng mga ito ang ugali niya simula pa lang.
"Pero sabi ni Donya Bendita kailangan mo daw ipagpatuloy ang pag-aaral mo diba? How's that?" Tanong ni Maxeau.
"I can handle that, kaya kong pagsabayin ang pagiging pinuno niyo at ang pag-aaral ko." Sabi niya. Tumango-tango ang mga ito.
Isang taon na lang naman at matatapos na 'ko.... at pagkatapos non. Mas lalo kong palalawakin ang organisasyon na ito. Sa isip niya.
"Pero ingat ka, baka madali ka kagaya ng nangyari kay Sebastian at Grey." Nakangising pananakot ni Maxeau.
"Va te faire voir!" Singhal niya dito (Go to hell)
Tinawanan lang siya nito. Tumalikod na siya at tinungo ang isang itim at may kalakihang upuan. Sa itaas nito ay nakaukit ang simbolo ng oraganisasyon nila. Undying organization. Umupo siya don at hinarap ang mga kasamahan. Sa wakas, ang ilang taong inasam niya na mapapasakanya ay hawak niya na. Hinaplos niya ang gawa sa bakal na upuan.
"The new King of the Dark Society.... Eros Thanatos." Sabi ni Cliffor at itinaas ang kopita.
"HOY! Hestia Isolde Dimaculda! Tawag ka ni Rhea!"
Nanliliit ang matang nilingon ni Hestia ang taong tumawag sa buong pangalan niya.
"Ay? kailangang isigaw talaga?" Naiinis na sabi niya dito. Lumapit naman sakanya si Senida. Ka-klase niya sa isang subject. Inayos niya ang suot na malaking salamin.
"Nagmamadali kasi siya, halika na sigurado malilintikan ka na naman don." Sabi nito saka tumalikod. Sumabay na siya dito. Hindi naman niya alam kung anong kailangan sakanya ng babaeng 'yon, sa totoo lang wala naman siyang kasalanan dito pero ganon na lang ang galit nito sakanya. Palagi siya nitong pinag-iinitan. Ngunit para manahimik ito sa pang-gugulo sa buhay niya kailangan niyang sundin ang mga utos nito kahit pa labag sa loob niya. Kung hindi ay hindi siya nito patatahimikin hanggang sa maka-graduate siya.
Third year na siya sa kursong Business Management. Gusto niyang makapag-negosyo pagdating ng panahon, kaya konting tiis na lang at makakatapos na rin siya. Mabuti na nga lang at napapangalagaan pa rin niya ang scholar niya ngayon. Kung hindi, siguradong pinagta-trabuhan niya ang pag-aaral niya ngayon. Mabuti sana kung mag-isa lamang siya ngunit may dalawa siyang kapatid na nag-aaral pa sa highschool at ang tanging ina lang niya na isang mananahi ang tumataguyod sakanilang magkapatid. Matagal ng patay ang kanilang ama.
"You're late!"
Naputol ang iba pa niyang iniisip nang marinig niya ang boses ni Rhea. Tinignan niya ito. Nakataas na naman ang kilay nito sakanya.
"Sorry ha? kasi ginawa ko pa ang mga assignment ko eh." Sarkastikang sabi niya. Hindi niya alam kung napansin nito 'yon. Binato nito sakanya ang shoulder bag na agad naman niyang nasalo.
"Let's go, hinihintay ng boyfriend ko." Nagmamayabang na sabi nito. Nanliit ang mata niya, mabuti na lamang at mahaba ang pasensya niya kung hindi ay pinatulan niya na ito. Nang tumalikod na ito kasama ng iba pa nitong alipores ay sumunod na rin siya.
"I was suprise talaga sa gift ni dad. Hindi ko alam na halos kalahating million pala ang halaga ng golden necklace na bigay niya. Well, i know naman na hindi ako bibigyan ni dad ng cheap." Daldal ni Rhea. She rolled her eyes...
Kahit kailan talaga....
"Arham niyo guysh @sdskfbce." Pangga-gaya niya dito. Bigla siya nitong nilingon.
"Are you say something?" Mataray na tanong nito sakanya. Ngumiti siya, 'yung halatang peke.
"May narinig kaba?"
Inirapan siya nito saka muling tumalikod. Napairap na lang siya sa hangin saka maayos na sinukbit sa balikat ang bag.
"Love ka talaga ng daddy mo Rhea no?" Sabi ng isa nitong kaibigan na halatang plastikada. Nag make-face siya.
"Yeah I know, actually lahat naman ata ng boys na napapatingin sa magandang mukha ko minamahal agad ako eh. At sigurado akong 'yun ang nakita sakin ni Clifford." Ngiti-ngiting sabi nito. Natawa siya ng mahina.
Ano daw?
"Honey!!" Sigaw nito, nakita niya ang isang lalaki na papasalubong sakanila. Patakbo itong tinungo ang kinaroroonan ng lalaking 'yon. Umikot ang mata niya sa hangin nang mismong sa harap nilang lahat ay naghalikan ang mga ito. Hindi niya alam kung anong nagustuhan nito sa lalaking 'yon samantalang mukha namang hindi seryoso. Napailing na lang siya. Nilingon siya ni Rhea habang parang sawa itong nakakapit sa leeg ng lalaking 'yon.
"My bag." Maarteng sabi nito. Lumapit naman siya sa mga ito at inabot ang shoulder bag dito. Ningisihan siya ng kasama nitong lalaki.
"Be nice to her hon.." Sabi ng Clifford na 'yon at kinindatan pa siya. Inirapan niya ito.
"Kahit 'wag na." Bulong niya saka binalingan si Rhea.
"May kailangan kapa?" Nakakabwisit ang ngiting sabi niya dito. Inirapan siya nito.
"You may go now." Mataray na sabi nito saka yumakap sa braso ng lalaking 'yon. Tumalikod na lang siya saka naglakad palayo. Pagkatapos niyang manilbihan sa impaktang 'yon tumutuloy agad siya sa library. Hindi niya alam kung bakit sa bawat eskwelahan hindi pwedeng hindi mawala ang mga bully.
Ilang sandali pa ay malapit na siya sa library nang makita niya ang isang lalaki na nakasandal sa gilid ng pinto ng library. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa sahig. Hindi na sana niya ito papansinin nang bigla naman itong lumingon sa direksyon niya.
Natigilan siya nang mapatitig siya sa maamo nitong mukha. Napakalambot ng bukas ng mukha nito, may kakapalan ang kilay nito na binagayan ng manipis na labi. Matangos din ang ilong nito at mas hinangaan niya sa kabuuan ng mukha nito ay ang mata nito. Mukhang dito rin ito nag-aaral base sa suot nitong uniform. Napakurap siya nang bigla itong umayos ng tayo saka lumapit sakanya.
"Are you ready?"
Ha? ano daw?
Bago pa siya makapagtanong ay walang sabi-sabing hinapit nito ang bewang niya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay pinisil ang pang-upo niya. Nanlaki ang mata niya....
"Maganda mamili si Grey.." Bulong nito. Umawang ang labi niya.. lalong nanlaki ang mata niya sa sakupin nito ang labi niya.
What the!!