"f**k! Hindi mo ba alam ang ginawa mo ha Eros?!" Hindi pinakinggan ni Eros si Sebastian. Akala niya ay mapupuruhan siya sa puno na 'yon ngunit hindi niya alam kung bakit himalang nakaligtas pa siya. Mababaw na sugat sa ulo at mga galos lang ang nakuha niya... bago siya nilamon ng dilim ay nakita niya ang isang lalaking nakaputi sa tabi ng kotse, nakangiti ito sakanya na parang bang may gustong sabihin sakanya. Kung hindi siya nagkakamali ay papa yon ni Hestia. Tumingin siya sa pinto nang bumukas 'yon. "What the f**k are you doing man?!" Sabi ng bumungad na si Clifford, hindi niya alam na sumunod pala sakanya.Tumingin siya kay Sebastian. "Bakit hindi pa siya pumupunta kuya? hindi na ba talaga niya 'ko mapapatawad?" Walang buhay na sabi niya. Hindi siya sinagot nito. Napapikit si

