NAKANGITING tinignan muna ni Eros ang mga pinamili saka siya lumabas sa sasakyan. Nakita niya si Jepoy, ang pangatlong kapatid ni Hestia. Lumapit siya dito. "Nasan ang ate Hestia mo?" Tanong niya dito. Abala ito sa paglalaro ng bola. "Nasa kwarto po niya, umiiyak." Natigilan naman siya. "Umiiyak?" Nagtatakang pumasok siya sa loob saka dumeretso sa sala. Hindi niya nakita doon ang ina ni Hestia kaya dumeretso na siya sa taas. Papalapit pa lang siya sa pinto ng kwarto nito nang marinig niya ang hikbi na 'yon. Mabilis niyang binuksan ang pinto. "Hey babe..." Tawag niya dito, naka-upo ito sa gilid ng papag habang nililigpit ang ilang gamit niya.Tumingin naman ito sakanya. "E-eros..." Lumapit siya dito at akmang hahawakan ito. "H-hindi diyan ka lang.." Matigas n

