Tagasilbi Nanghihina akong napaupo sa kama. Naihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha. Nakagat ko ang aking labi upang hindi tumulo ang nagbabadyang pagdaloy ng aking mga luha. "Harapin mo sila, anak. Harapin mo ang ginawa mo." Basa ng luha ang mga mata ni mama na nilapitan ako. Hinagod niya ang likod ko. Si papa ay galit na iniwan kami. "Masakit sa akin ito, anak. Pero may kasalanan ka..." Humagulgol si mama. Masakit din para sa akin ang nakikita kong ito. Pero ano ang magagawa ko? "Ikaw ang dahilan ng pagkakaaksidente ng kapatid ni Jery. Bakit sa dinami-rami ng babae, ikaw pa, anak?" May panunumbat ang tinig ni mama kahit hindi niya ako tingnan. Nanginig ang aking katawan at gusto nang sumabog ng aking dibdib. "N-Naniwala kayo agad sa kanya?" pigil ang hiningang tanong ko. Natatak

