Medicine Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatalikod. Dahil kung hindi ko gagawin ito, makikita ni Jery ang pagpatak ng mga luha ko. Mahirap pigilan dahil nasasaktan ako. Mabilis kong pinahid ng aking mga palad ang mga luhang iyon na tila may sariling pag-iisip na kahit pinipigilan ko ay ibig kumawala mula sa aking mga mata. Marahan niyang pinihit ang seradura. Pigil ang aking hiningang gumalaw. Pakiramdam ko, bawat kilos ko ay de-numero. Na kahit anong hakbang ay maaari akong magkamali. At magiging dahilan iyon para lalo akong kamuhian ng taong katabi ko. "He's still asleep." Seryosong boses ni Jery. Hindi ako sumagot dahil baka mahalata niyang umiiyak ako. Inilang hakbang niya ang gitnang silid at binuksan ang pintuan. "This is Tita Sol's room. But you will be staying here from n

