CHAPTER 45

1503 Words

Torture Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha pagkalabas ni mama. At napagmasdan ang napakaamong mukha ni Jery na ngayon ay nakahiga sa kama ko. Nakabalot ng kumot hanggang leeg niya. Bahagyang nakabuka ang bibig at mabilis ang paghinga. Dinama ko ng aking palad ang kanyang noo. Mainit pa rin siya.  Sana hindi na lang siya nagpumilit kanina. Nakipagtalo pa ako sa kanya. At nasampal ko pa! Nagsisisi ba ako ngayon? Nakagat ko ang labi ko. Dahil lang may sakit siya? Naawa na ako sa kanya? May sumungaw na luha sa aking mga mata. T*ngina bakit ganito? Ang sakit pa rin. Gusto kong magalit sa kanya... Pero ako ang nasasaktan. Ako rin ang nahihirapan.  Pinahid ko ang mga sumungaw na luha at marahang tumayo. Tama naman si mama. Kinakain ako ng galit ko, alam ko. Dapat lang akong magalit 'di ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD