Banyos Itinulak ko siya. Malakas. Hindi na ako dapat magpaapekto sa kanya. Sa mga halik niyang akala ko ay totoo. Akala ko ay may ibig sabihin. Si Jade. Iyong petite na babaeng sinasabi ni Doc Leo. At ako. Kasama ako sa mga listahan niya. Bakit ba hindi ako naniwala? At ang masakit, ako ang pinakanaloko niya sa lahat! Nagulat siya nang padapuin ko sa kanyang pisngi ang palad ko. Malakas na alam kong magmamarka sa mukha niya. Kitang-kita ko ang pamumula niya. I know! He never expected this. Dapat noon ko pa ito ginawa! Dapat noon pa ako lumaban. Hindi sana ganito ang nararamdaman ko. Hindi sana AKO ang nasasaktan kapag gusto kong magalit sa kanya katulad ngayon. "Don't you dare kiss me again, Jery!" Matigas kong tinuran. "M-Mylah, I'm sorr--" "Stop!" Pinigilan ko kung anoman ang sas

