CHAPTER 18

1401 Words

Plastic Mabigat ang loob ko na humarap sa hapag-kainan. Nandito na si papa at mama at naghihintay sa akin upang sabay-sabay kaming maghapunan. Hapong-hapo ang aking katawan. Ilang araw na akong nag-o-overtime. Ayaw ko sanang makasabay si papa sa hapag ngunit espesyal daw ang araw na ito kung kaya't hinintay pa nila ako bago maghapunan. Ipinatong ko sa mesa ang dala kong cellphone. Mula nang magtagpo kami ni papa kasama ang babae niya ay hindi na ako sumasabay sa hapag kapag nandito si papa. Kung hindi ako kakain sa kwarto ay lumalabas ako ng bahay. Nagpapagabi sa opisina upang hindi ko makaharap si papa na napakaplastic ang pakikitungo sa amin. Napakabait at maalalahanin katulad pa rin ng dati, lalo na kay mama. Alam ko namang naghuhugas ng mga kasalanan niya kaya sobrang bait kay mama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD