Babae Totoong nais kong kalimutan ang araw ng biyernes na siyang nagtulak sa sarili ko na maging makasalanan din. Hindi ba't kaya ako nagrebelde noon ay dahil sa natuklasan kong pagtataksil ni papa? Ngunit mukhang sinusundan ako ng mga sitwasyong gusto kong takasan. Ano ang gagawin ko? Magpapakita ba ako kay papa? Kung tatalilis ako at magkukunwang hindi ko sila nakita, sigurado bang hindi niya ako mapapansin? Natampal ko ang sariling noo. Tiim bagang na napapikit. Kitang-kita ko ang malapad na ngiti ni papa. Nagpalakad-lakad ako sa loob ng CR. Sumilip sa labas at tama nga ang nakita ko. Ang aking ama na dikit na dikit na nakatabi sa isang babae. Sobrang sweet ni papa nang makita kong umu-order siya ng pagkain nila. Parang 'pag magkakasama kami at lumalabas na buong pamilya. Pumasok a

