Overtime Biyernes ng gabi at napilitan akong mag-overtime. Kasama ko ang grupo nila Kathy na tinatapos ang mga reports at summary of interviews. Marami-rami na rin namang mga kliyente na nagtitiwala sa aming agency. Kasama na ang TSB na sobrang dami ng manpower needs. Kahit hindi na kami magkandaugaga sa tambak na trabaho, hindi pa rin maialis sa isip ko si Jery. Nagtatanong ang aking utak kung kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Ano nang nangyayari sa kanya pati na sa kanyang kapatid na ang huling alam ko'y nakalabas na ng ospital. Si mama na mismo ang nagbalita sa akin. Ewan ko ba. Ganoon yata sila ka-close ni Jery. Pero ang sabi lamang niya, nakalabas na nga ng ospital ang kapatid ni Jery. Iyon lang. Tuwing umagang napapadaan ako sa labas ng gate ng malaking bahay ay palagi

