Bridge Napatingin akong muli kay Jery at para bang umiilag naman siya. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Nakita kaya niya sa hospital record ko? Mabilis akong bumaba. Gusto ko nang magsalita. Ngunit nagulat pa ako nang patalong bumaba rin siya mula sa sasakyan. Inihahagis pa sa ere at sinasalo ang hawak na susi ng kotse. Nauna pa siyang nagbukas ng tarangkahan namin at iniwan akong nakapako ang mga paa sa lupa. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa nakabukas naming main door. Mabilis ang mga lakad niya at parang alam kung saan patutungo. Para akong tinuklaw ng ahas. Nasa loob na ng bahay namin si Jery Murray. Anong ihip ng hangin ang lumukob sa katauhan ng Chief Business Officer ng TSB at ngayon ay nasa pamamahay ko? Nakagalaw na ako pasunod sa kanya. Baka magulat si Mama na sigu

