CHAPTER 6

1618 Words
CRUSH "WAIT for me." Nakatitig siya sa mga mata ko na parang may gusto pang sabihin. Napalunok ako. May kakaibang dating sa akin ang tinuran ni Mr. Murray. Iniwan niya ako at dumiretso sa loob ng admission office. Naupo ako sa isa sa mga silya na naroon. Maghintay daw. Sana, huwag naman akong patagalin sa ospital na ito. Maayos naman na ako at siguradong wala namang nabaling buto sa aksidenteng pagkaka-atras ng sasakyan niya sa akin. Ilang sandali pa ay nakita kong papalabas ng pinto si Mr. Murray habang may kausap. Napansin kong patingin-tingin sa akin ang dalawang lalaking nag-uusap. Kinamayan pa niya ang nakaputing lalaki saka sabay na naglakad pabalik sa puwesto ko. "Okay na. You're discharge." Nakangiting sabi ni Mr Murray na inalalayan pa ako na makatayo. Parang napaso na naman ako sa simpleng inasal niya. "Ms. Cortez, your laboratory results were all perfectly fine. We are about to tell you the outcome kaso sinabi ng mga nurses na nawawala ka. Kasama mo lang pala si Jery." Tatawa-tawang sabi ng lalaking kanina lang ay kausap ni Mr. Murray. Kapansin-pansin ang pangalang binanggit niya. Jery. Iyon marahil ang pangalan niya. Jery Murray. At tingin ko ay matagal na silang magkakilala dahil na rin sa mga kilos nila. Bago pa man makapagsalita, gayon na lamang ang hiya ko nang sa aking pagkakatayo ay biglang kumulo ang tiyan ko ng malakas at dinig na dinig iyon ng dalawa. Napatingin tuloy sila ng sabay sa akin. Noon ko lamang naalala na maghapon nga palang walang laman ang tiyan ko. s**t! Nakakahiya. Matapos naming magpaalam sa lalaking nasa admission office kanina, ngayon ay sakay kaming muli ng kotse ni Mr. Murray. Aniya ay may malapit na kainan dito. Gusto ko sanang tumanggi pero totoong nagugutom na ako. Isa pa, para akong basang sisiw na wala man lang kapera-pera sa bulsa. Ni hindi ko alam kung paano makakauwi mag-isa. Bago bumaba ng sasakyan, nakita ko na hinubad at inihagis ni Mr. Murray sa likod ng kotse niya ang suot na suit. Nasulyapan ko ang isang kainan na puno ng tao sa loob. Kumunot ang noo ko. Dito kami kakain? Ang nasa isip ko ay sa isang fancy at cozy na restaurant ako dadalhin ng kagalang-galang ang hitsura na kasama ko. Ngunit nandito kami ngayon sa mainit at masikip na lugar na mukhang dinudumog ng maraming parokyano. Dahilan upang tanggalin ko rin ang suot na blazer at iwan sa inupuan. Siguradong mainit sa loob ng kainang ito. Halos walang mapuwestuhan pagpasok namin. Nabigla ako nang hawakan niya ang aking braso. Napatingin ako sa kanya. "You might get lost," aniyang tila nagpapaliwanag habang isinisiksik ang sarili sa gitna ng mga mesa. Sumunod na lamang ako at nakakita kami ng bakanteng mesa na agad namin pinwestuhan bago pa may mauna sa amin. "I should have bring you somewhere else but I like the food here," sabi niyang naghila ng silya para paupuin ako. Napansin kong marami talagang kumakain dito. At sa amoy ng mga bagong lutong ulam mas lalo akong nakaramdam ng gutom. Hindi ko napigilang magpalinga-linga sa bawat mesa na may mga kumakain at sarap na sarap sa mga inorder. Mabilis siyang tumawag ng serbidora. Lumapit ang babaeng naka-apron sa amin. Medyo may edad na at abot tenga ang ngiti kay Mr. Murray. "Aba Sir, long time no see. Kasama mo 'ata girlfriend mo ngayon ah. Anong order natin?" ani ng babae na may dalang ballpen at maliit na pad na marahil ay pagsusulatan ng mga order. Base sa galaw at reaksiyon ng serbidorang lumapit, dati nang kumakain dito si Mr Murray. May rumehistro agad sa isip ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Dalawang beses nang napagkakamalang mag-kami. Itatama ko ba ang inaakala ng serbidora? Sasabihin ko bang hindi naman ako ang girlfriend ng lalaking tingin ko ay mayroon nang ibang nobya? "Oo Manang. Gaya ng dati pero dalawang order," masayang sabi niya na tumingin pa sa akin. Naglayo naman ako ng tingin at napahiya dahil nakita ko ang pagngisi niya. Sa isip ko ay parang nababasa niya sa mga ngiti ko na masaya akong mapagkamalang kami nga. Parang ginatungan pa niya ang akala ng  babae. Hindi man lang siya tumanggi. At ang sarap pa ng ngisi. "Drinks sir?" tanong muli sa kanya. Umangat ang kilay niya at hinuli ang aking tingin. Parang ibinabalik niya ang tanong sa akin. Naunawaan ko iyon at masayang tumingin sa waitress. "Ice tea na lang po,"sabi ko. "Dalawang ice tea, manang," ulit niya. Masayang isinulat ng babae ang mga order at tumalikod na. Ano kaya ang dating ino-order niya? May kumakain ng tapsilog sa katabi naming mesa. May grupo ng mga kababaihan na ang ulam ay menudo at tortang talong. Mga babaeng unipormado na pandalas ang tingin sa puwesto namin. Partikular sa kasama ko. Parang siya lang, si Mr. Murray ang nag-iisang rosas sa buong paligid na gustong pitasin ng mga kababaihan. Hindi siya bagay sa lugar na ito. Maingay ang lahat ngunit tahimik kami na magkaharap habang naghihintay ng order. Napapatungo ako tuwing tititigan niya ako. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masimulan kung paano. Baka gusto niya akong kumprontahin? Naisip kong mali naman talaga na umalis ako ng ospital at hindi man lang nagpaalam. "I'm sorry..." Pareho kaming natigilan. Sabay na lumabas sa aming mga bibig ang paghingi ng paumanhin. Pinigilan ko ang maunang magsalita at hinayaan siya. Kinagat ko ang aking labi at nagbaba ng tingin. "I'm sorry for causing you all these troubles. At least nakahinga na ako now that I know that you're okay." Hindi ko alam kung ano ang ekspresyon ng mukha niya dahil nahihiya akong magtaas ng tingin. "Pasensiya ka na rin. Hindi ako dapat umalis ng walang paalam kanina sa ospital. I really have to go. Or else baka mawalan ako ng trabaho." Nakababa ang mga mata at kamay ko. Hindi ko man siya nakikita dahil nakatingin ako sa sariling mga kamay, naisip kong tumatango-tango siya. "I'm Jery Murray." Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko siya. Nakita kong nakalahad ang palad niya at pormal na nagpapakilala. Napakagat-labi ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Marami na’ng lalaki ang nakipagkilala sa akin ngunit hindi ganito ang reaksiyon ko. Para akong teen-ager na kaharap ngayon ang crush niya. Dahil kaya masyadong mataas ang estado niya sa buhay? At ako ay ganito lamang? Nai-intimidate ba ako sa kanya? O nae-excite? Nakipagkamay ako at kiming nagsalita. "I-I'm Mylah Cortez, Sir." Gusto kong tuktukan ang sarili. Hindi ko maintindihan na parang bigla akong nahiya sa kanya lalo na at hawak niya ang kamay ko. "Remove the ‘sir’." "H-Ha?" nalilitong tanong ko. "Call me Jery. Please?" May sumungaw na ngiti sa mga labi niya. At para akong namamalikmata sa napakaguwapong lalaking nasa harap ko ngayon. "O-Okay. Jery." Parang bumubulong kong sabi nang masulyapan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin niya. "That's better." Saka pa lang niya binitiwan ang kamay ko. Bakit may kakaibang epekto siya sa akin? Matagal na akong hindi nakakadama ng ganito. Kailan nga ba? Noong high school ako? Sa harap ng teacher na crush ko? Nagkaka-crush na ba agad ako sa lalaking kaharap ko ngayon? Bakit napakabilis naman? Natawa ako sa sarili. Ang tanda ko na para makaisip ng ganitong mga bagay. Isa pa, wala akong karapatang makadama ng mga ganitong damdamin dahil sa mga pinagdaanan ko. Hindi na ako isang high schooler. Mas matatawag pa ngang isa akong babaeng eksperto na. Hindi nga ba't naibigay ko na ang sarili sa isang lalaki na ni hindi ko alam kung ano ang pangalan o kahit man lang sana hitsura? Ipinilig ko ang ulo at binura ang mga saloobin. Dumating ang order namin. Umuusok na sisig na may nakapatong pang binasag na itlog. Bigla akong naglaway. Nasabi ko sa sarili na wala nang hiya-hiya. Uubusin kong lahat ng nasa plato ko. Talagang gutom na ko. Hindi ako makapaniwalang nauna akong natapos kumain. Ngumunguya pa siya at nakangiting tinitingnan ang plato ko na tila nanapnap ng pusa. "Isang order pa?" tila nagbibiro niyang tanong na ngayon ay umiinom ng ice tea. "No thanks. Busog na 'ko. Ngayon ko lang na-appreciate ang pagkain ng ganito," sabi ko na pumapalagay na ang loob sa kanya. Panay kasi ang ngiti niya sa akin. Totoo ang sinabi ko. Ngayon lamang ako muling nakaramdam na maging ganito kagaan. Mula nang nalaman ko ang pambababae ni Papa ay nawalan na ako ng gana sa pagkain. Kahit kasama ko sila sa bahay at sabay-sabay kami sa hapag ay nakakaramdam ako ng kawalan ng gana. Mabilis niyang nilagok ang ice tea at agad na tumayo. Nakita kong tumungo siya sa counter at nagbayad ng kinain namin. Napansin ko pang masayang sinulyapan kami ng mga taong naroon.  Magaan ang pakiramdam ko na sumakay muli ng sasakyan ni Jery. Siguro ay dahil nagkalaman na ang tiyan ko. At nais ko rin na mapalagay sa kanya. Hindi na ako mahihiyang magpahatid pabalik sa opisina. Wala naman akong ibang choice. "Salamat sa pagkain." Nakangiti kong sabi habang isinusuot ang seat belt. "Puwedeng magpahatid sa office namin?" Ewan ko kung napansin niyang may halong paglalambing ang aking tinig. "You're on official business with me, remember?" sabi niya habang isinusuot din ang seat belt. Pinaandar niya ang makina. "I'll decide where we should go next." Kampante at buo ang tono na pagkakasabi niya. Umaandar ang sasakyan at hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko malaman kung ano ang dapat isagot sa sinabi niya. Saan na naman kaya kami pupunta sa mga oras na ito? Hindi na muna ako umimik. Ilang beses ko rin siyang sinulyapan habang nagmamaneho na pasipol-sipol pa. Nais kong itanong kung saan pa kami pupunta. Ngunit may kung ano yata sa dila ko na nagpapaumid sa akin. Napansin ko na lamang na binabagtas namin ang kalye na pamilyar na pamilyar sa akin. Ito ang daan pauwi sa bahay namin! Hindi ko na talaga naiwasan na tingnan si Jery. Gustong magtanong ng aking mga mata. Ngunit hindi man lang niya ako sinulyapan. Nagulat ako nang huminto ang sasakyan. Dahil nandito kami ngayon sa tapat mismo ng tarangkahan ng aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD