Chapter 7

2007 Words
“Sir, kanina pa po tumatawag si Mr. Mondragon,” wika ng sekretarya ng ama habang nasa opisina siya ng Daddy Zane niya. “Tell him I will call him back,” tila patamad namang wika ng ama sa sekretarya. “Akala ko ba’y hindi pa nahahanap si Uncle Agusto?” Kumunot ang noo niya. “Hindi pa nga. That was his brother, Octavio.” “Anong kailangan niya sa’yo?” “Gusto niyang ituloy ang pakikipagkasundo ko kay Agusto na ipakasal ka sa anak niyang si Ana. Pero gusto kong si Agusto mismo ang makausap sa mga bagay na ‘yan. At hindi rin magandang habang nawawala pa si Agusto ay magkakaroon na ng okasyon sa Ranchong pag-aari niya.” “You know that I am not marrying his daughter, Dad. Hindi ako susunod sa yapak niyo na hinanapan pa ni Lolo ng babaeng pakakasalan. At sa mga ora na ito’y wala pa akong balak mag-asawa. I don’t even know if that word is for me.” “Hindi naman kita pinipilit, Jayzee. In fact, ang usapan naming iyon ay isang taon na mahigit pero hindi kita inobliga kahit man lang makita ang sinasabi niyang anak niya. But I still want you to get married. Gusto kong maranasan mo ang klase ng pag-ibig tulad ng sa amin ng Mama mo. Your brother Ethan already found his love with Marga, I hope you’ll find your own too.” “I’m fine with my life, Dad.” “Na kung sino-sino ang babaeng nakakasama sa club?” agad na sala ng ama. “Believe me, son, hindi ‘yan ang tunay na magpapasaya sa’yo. I’ve been there. Kung hindi ka titigil sa ganyang gawain ay mapipilitan akong kausapin na si Octavio para ipakasal ka kay Ana,” banta ng ama. Napilitan siyang huwag na lang itong salungatin dahil mas lalo lang nitong ipipilit ang gusto. Hindi sya mananalo sa ama. “Nakita n’yo ba ang kalagayan ni Ethan ngayon?” pag-iiba niya ng usapan. “He was devastated. Ni hindi niya gustong lumabas ng silid niya.” Nalulungkot siya sa kinahantungan ng pag-ibig nito kay Marga. Nawalan ito ng ganang mabuhay mula ng mamatay ang kasintahan nito matapos dukutin ng pinsan ni Ethan. Hinala din nilang may kinalaman ang sektretarya ng kompanya sa mga nangyari. Almira. His former secretary na inirekomenda din mismo ni Ethan. Noong mga panahong iyon ay nabighani din siya sa kasimplehan nito. They had a short-lived affair. Pero matapos ng ilang linggo ay napagtanto niyang hindi talaga siya para sa pangmatagalang relasyon kaya’t tumigil din siya sa pakikipagkita dito. Hanggang isang araw ay naging suspek na lang ito sa pagkawala ni Marga kung saan nakita ang bangkay nito sa isang bangin sa Quezon Province. Now, Ethan was miserable for the lost of his love – na lalong nagpatibay sa paniniwala niyang hindi niya kailangan ang umibig. His life right now is just fine being the CEO of Albano Airlines. “Dalawin mo ang kapatid mong iyon, Jayzee. Nag-aalala ako sa labis niyang pagdaramdam sa pagkawala ni Marga,” bilin ng Daddy niya bago siya umalis sa opisina nito. Tumango naman siya bago lumabas sa pinto. Nang dalawin niya ang kapatid ay tulog na ito dala ng kalasingan. He hates to see him like this. Sabay silang lumaki ni Ethan at iisa sila ng eskwelahan mula elementary hanggang college. Later they found out that he is his half-brother. Nalaman nilang nabuntis ng ama ang dati nitong sekretarya na si Haley na pumanaw dahil sa sakit sa kanser. Haley was his Auntie Hannah’s stepsister na ngayon ay asawa naman ngayon ng Uncle Ezekeil niya. Kaya’t hindi rin niya gustong makita ang kapatid sa ganitong kalagayan – wasted and broken. Pagkatapos niyang dalawin ang kapatid ay sa club ng ama siya tumuloy. Halos isang linggo din siyang hindi nakapunta dito dahil sa sunod-sunod na problema sa opisina, dagdag pa ang hindi pagpasok ni Ethan sa trabaho. Though his brother handles the Albano Hotel and Casino, ini-extend niya ang sariling schedule para magampanan ang posisyong iniwan pansamantala ng kapatid sa ama. Hinihiling lang niya na sana’y bumalik na ito sa huwisyo at ipagpatuloy na lang ang buhay ng wala na ang pinakamamahal nitong si Marga. “Hey, handsome.” Napangiti siya agad nang mabosesan ang nasa likod niya. Lolly is one of his recent ‘girlfriend’ pagkatapos kay Roxanne, bagama’t wala naman silang commitment sa isa’t-isa. They enjoy each others company. Isa itong Half-Brazilian-Half-Pinay na nagsisimula na sa mundo ng pagmomodelo. Isa sa mga nagustuhan niya sa babae, bukod sa katawan at mukha, ay hindi ito nagde-demand ng relationship status. May balak kasi itong pasukin ang showbiz kaya’t hindi nito gusto ang magkaroon ng commitment. And that was a favor for him. “How are you, babe?” Ipinaikot agad niya ang isang braso sa baywang nito. Kinuha naman nito ang hawak niyang kopita at uminom doon. That turns him on. It was like kissing him through that glass. Ibinaba niya ang hawak nitong kopita at hinalikan ito mismo sa labi. “Matagal kang nawala dito,” puna nito sa kanya. “Meaning, you were here every night. Sino ang kasama mo?” tanong niya. Inubos niya ang natitirang laman ng kopita at tumingin muli sa nakapulupot sa kanyang babae. Kahit paano’y hindi naman niya gusto na ang babaeng nakakaulayaw niya ay suma-sideline sa iba kapag wala siya. Not unless it was just a one-night-thing. Pero sila ni Lolly ay linggo na rin ang itinagal nang kung anuman ang tawag sa kanila. “I was with Dex the other night dahil galing kami sa isang photoshoot. Kagabi ay mag-isa lang ako,” sagot nito. Hindi na siya sumagot dahil wala naman siyang karapatang pagbawalan ito kung tutuusin. But he was disappointed. “Sa mga susunod na araw ay magiging abala na ‘ko. I’m just glad that I get to see to tonight,” dagdag pa nito. “Are you saying that you’ll stop seeing me? May boyfriend ka na?” magkasunod niyang tanong. “May isang show akong nakuha at sa Batangas ang shooting,” paglilinaw nito bago nito sinimulang paglandasin ang kamay sa dibdib niya. That was a cue for him to take her to one of the VIP rooms. Katulad ng dati. “You were lame tonight,” pansin nito sa kanya pagkatapos ng maiinit na sandali. Nagsindi ito ng sigarilyo sa kabila ng bilin niyang hindi niya gusto ang usok ng yosi. “Is something bothering you?” “Just tired. Maraming trabaho sa opisina dahil dalawang departamento ang inaasikaso ko.” Ang totoo’y hindi rin niya alam kung bakit tumabang siyang bigla sa kasama ngayon. If she was seeing that Dex guy, he should disappear in the picture. Aaminin niyang naiinsulto siya kapag may ibang lalaking umeeksena. Nawawalan siya ng gana at sa huli ay hindi na siya nagpapakita sa babae. “Are you leaving?” tanong niya dito nang makitang nagsusuot na ito ng pantalon bagama’t wala pa rin itong damit pang-itaas. “I don’t think you want me to stay. At kilala kita, Jayzee, you don’t want women to swaddle after you have s*x,” nakangiti nitong wika na tila ba maliit na bagay lang ang binanggit nito. Tuluyan na nitong naisuot ang lahat ng damit at sinuklay na ang buhok tanda na aalis na ito anumang sandali. “And you don’t want to swaddle either,” he smiled lazily. “Mag-iingat ka pag-uwi.” Pahabol niyang wika bago ito tuluyang nakalabas ng pinto ng VIP room. Nagpasya na rin siyang umuwi para makapagpahinga nang maaga. Pagbaba niya’y si Cindy naman ang nabungaran niya kasama ng mga kaibigan nito. Minsan niya nang naka-date ito pero hindi na nasundan dahil nagpakita ito ng pagka-clingy. She was young and inexperienced when he took her, pero hindi sapat para seryosohin niya ito. “Hi, Jayzee!” matamis nitong bati sa kanya na kinahiyaan niya nang hindi pansinin. “Hi!” ganting bati niya dito. “You are with your friends.” Ipinakilala naman siya nito sa dalawa pang kasama. “Can I offer you anything?” tanong niya. “Your company will do. Matagal na rin kitang hindi nakasama,” sagot nito sa malagkit na tingin. Ang kasama nito’y nakangiti rin at nakatingin sa kanilang dalawa. “Actually, paalis na nga ako.” “Oh, c’mon. Dati ay inaabot ka ng madaling araw dito, halos alas diyes pa lang ngayon,” tila naiirita nitong wika. “Can’t you stay an hour more?” Pinilit niyang ngumiti at inisip na pagbigyan na lang ito. Regular naman itong guest sa club na ‘yon. “Sure,” pagpayag niya. Agad namang lumabas ang ngiti sa mga labi nito. Nang magsimula itong magkuwento ay naramdaman niya ang paminsan-minsan nitong pagpatong ng kamay sa hita niya. Dahil panay ang kuha niya ng inumin sa bawat pagdaan ng waiter ay nalasing siya nang kaunti. Halos alas dose na nang magyaya ang mga kasama nito para umuwi na. Nagpahayag si Cindy na wala itong kotse at magta-taxi na lang pauwi. Hindi naman niya maatim na umuwi ito nang mag-isa lalo sa suot nitong hapit na hapit sa katawan. Nagpresenta na lang siyang ihatid ito. Let’s have coffee, Jayz,” yaya nito nang marating nila ang parking lot ng condo nito. Napilitan siyang kunin ang susi sa sasakyan at sumama dito. Nang marating nila ang unit nito ay tumuloy ito sa kusina para gumawa ng kape. Naupo siya sa sofa at pinagmasdan ang mga gamit na naroon. Umupo ito sa tabi niya pagka-abot ng tasa ng mainit na kape sa kanya. Ipinagkrus nito ang mga hita na halatang inilalapit sa kanya. Pilit naman niyang pinaglalabanan ang nararamdamang init sa katawan dahil hindi niya gustong ma-involve ulit sa babaeng kaharap. But temptation was hard to resist when you’re drunk and the woman beside you started to kiss you on your shoulder. Nang inilapag niya ang tasa sa center table ay awtomatiko niya nang sinalubong ang halik nito. Lalo naman itong naging agresibo at agad dinama ang nasa pagitan ng mga hita niya. He lost all his control and took her clothes off in a matter of a minute. Nakalimutan niyang kanina lang ay si Lolly ang kasama niya sa VIP room. Tunog ng sunod-sunod na tawag sa telepono ang nagpatigil sa kanya para tuluyan itong angkinin sa sofa. Bakas naman ang inis sa mukha ni Cindy nang tumayo siya para kunin ang telepono sa bulsa ng pantalong maong. “Yes, Dad?” mabilis niyang sagot. “Maaga ka sa opisina bukas, Jayzee. Nagpatawag ng emergency meeting si Margaux at importanteng naroon ang lahat.” Ang tinutukoy nito ay ang ina ni Margaux na isa sa mga stockholders sa Albano Airlines. “Yes, Dad,” wika niya bago ibinaba ang telepono. Paglingon niya’y naroon pa rin si Cindy at nanatiling walang suot at naghihintay sa kanya. “I have to go,” wika nito dito at isa-isang pinulot ang mga damit. “I never knew you as a selfish lover, Jayzee. Don’t drop me here like a hot potato,” naiinis nitong wika. Tila naman siya napahiya sa sinabi nito. Ang boses ng ama ang nagpawala sa kalasingan niya kanina at tila narinig niyang muli ang sinabi nitong ipakakasal siya kay Ana kapag hindi siya tumigil ng pakikipaglaro sa mga babae. But being a selfish lover wasn’t one of his attributes. Lumapit siya at minasahe ang dibdib nito at mabilis namang pumikit si Cindy at ninamnam ang pagdama niya sa dibdib nito. Bumaba ang labi niya para pagbigyan ang pananabik nito sa kanya. Tuluyan na rin siyang nagpatangay sa init nang paglandasin nito ang mga kamay hanggang umabot sa pagitan ng mga hita niya. Sa loob ng kalahating oras ay ungol at anas ang maririnig kay Cindy hanggang sa maibigay niya ang pangangailangan ng kanilang mga katawan. Pagkatapos ng mainit na sandali ay agad din siyang nagbihis at mabilis na nagpaalam bago pa ito makaapuhap ng sasabihin. He didn’t want to give her the chance to cuddle and believe in false hope.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD