Nakatanaw si Anikka sa isang babaeng natagpuan ng Tatang ni Gabriel na sa ngayon ay walang maalala. Fears were in her eyes. Halos gabi-gabi din itong dinadalaw ng masamang panaginip na nagpatibay sa hinala nilang galing ito sa isang malagim na sakuna o may nagtangka sa buhay nito. Tila nakikita niya ang sarili sa kalagayan ng babae ngayon pero ang pagkakaiba lang nila ay siya ay gising na gising at alam niya ang lahat ng panganib na pilit niyang tinatakasan. Minsan naisip niyang sana’y maging katulad na lang siya ng babaeng na walang maalala.
Mula nang maganap ang pag-ambush sa mga magulang niya halos dalawang buwan na ang nakalipas ay dito sa tumuloy sa kamag-anak ng Nanay Lucila niya. Noong high school pa sila huling nakapamasyal dito ng ina-inahan. Ipinagpasalamat niyang hindi naman natunton ni Octavio ang kinaroroonan ng ina-inahan dahil hindi nag-iwan ng bakas ang ama sa kung saan siya lumaki. She wanted Lucila to be safe at all times. Hindi ito dapat madamay sa gulo ng pamilya niya. Tama na ang naging ina siya nito sa mahabang panahon ng kanyang buhay. She can’t afford to lose two mothers in her lifetime.
Kay Benedict siya nakikibalita sa mga nangyayari sa Rancho matapos magtago. He was her support and pillar and source of strength. Nalaman niyang tuluyang binawian ng buhay ang ina na labis din niyang ikinalungkot. Idineklara na ring patay ang ama niya matapos itong mawala at pinaniwalaang nahulog sa bangin. She mourned for that lost. Kung sana’y sinunod na lang ng ama ang kagustuhan niyang lumayo at mamuhay ng simple lang, buhay pa sana ito ngayon.
Sa ngayon ay tiyak niyang nagpapakasasa ang Uncle Octavio niya at si Ana sa Rancho at sa iniwan niyang kumpanya. She didn’t care. Sa mga iniwan namang kayamanan sa kanya ng ama tulad ng trust fund niya ay mabubuhay na siya ng maayos. Mula pa naman noong una’y hindi niya gusto ang ganoon kadaming kayamanan. Pero alam niyang isang araw ay kailangan niyang bumalik doon at bawiin ang nararapat na sa kanya.
Ilang beses na gustong makipagkita ni Benedict pero tumanggi siya. Hindi niya gustong madamay ito lalo at alam niyang may gusto si Ana dito. Pero hindi niya gustong putulin ang ugnayan nila dahil dito siya nakikibalita sa mga nangyayari sa Rancho. Mula nang magpasya siyang lumayo ay ilang beses na rin siyang nagpapalit-palit ng number para hindi siya matunton. Benedict proposed to bring her to Palawan and start a new life together. Pero gusto muna niyang pag-isipan ang suhestiyon nito. Sa ngayon ay magulo ang isip niya at hindi niya gustong magpasya sa ganitong kalagayan.
"Handa ka na ba?" tanong niya sa babae. Marahan lang ito tumango. Ngayon nila napagpasyahang dalhin ito sa bayan at ipagtanong ang nangyari dito at umaaasang makahanap ng lead kung saan ito maaaring i-surrender. Uunahin nilang magtanong sa police station dahil may kakilala naman ang pinsang si Gabriel doon.
Mas matangkad ito sa kanya ng kaunti kaya't halos hindi umabot sa tuhod ang ipinahiram niyang sunday dress na binili sa bayan. Lalong lumitaw ang angkin nitong ganda at napansin niya agad ang paghanga sa mga mata ni Gabriel. Mas panatag na ang mukha nito kaysa dati, pero ngayon ay bumalik ang takot na mababanaag sa mukha nito. Iniwan niya ito sandali at pinuntahan ang pinsan.
"Tama ba ang gagawin natin?" tanong ni Gabriel sa kanya.
"Tinatanong mo ba 'yan dahil sa nakikita mong takot sa kanya ngayon? O dahil mas gusto mong nandito siya sa poder mo?"
"Paano kung pareho?" sagot naman nito sa kanya.
"Then, the more that we need to send her home. Minsan na lang kita makitang umibig masasaktan ka pa." Umiwas ng tingin si Gabriel pero napako naman ang tingin nito babae.
"Ikaw ang haharap sa mga pulis, Gabriel, I don't want too many exposures,” paalala niya. “Hindi ko alam kung hanggang saan ang lawak ng paghahanap sa akin ni Uncle Octavio."
"Malulungkot kami ni Tatang kapag pareho kayong umalis sa bahay na ito, Anikka."
Kahit siya ay nalungkot sa sinabi ni Gabriel. Hindi man niya balak pa ang bumalik sa Rancho sa ngayon ay kailangan niyang maghanap ng trabaho at ituloy ang buhay nang hindi natatakot.
"Malulungkot din ako, Gab. Pero kailangan naming harapin ang tunay naming mundo. If you care for her, you'll help her find her way back home. Then, you will decide from there."
Muli niyang tinitigan ang babae na nakatayo sa silong ng puno ng acacia. Alam niyang sa kaibuturan ng puso nito'y tinatanaw nito ang pabalik sa kanyang pinagmulan.
"I saw flashes again this morning, Anikka. Someone gave me a ring but someone also took it away from me. Then I saw myself running, trying to save my life."
"Hanggang diyan pa lang ba ang bumabalik sa alaala mo?"
"Iisa lang lagi ang laman ng panaginip ko, kung hindi ang mga taong humahabol sa akin ay ang lalaking iyon na naglalakad palayo."
"Hindi kaya asawa mo siya? Or boyfriend?"
Napapikit ito at tila pilit inaalala ang nakaraan. "Marga..." usal nito.
"Who is Marga?"
"I guess that's my name. Tinawag ako ng lalaking iyon sa ganoong pangalan."
"May iba ka pang naaalala?" Umiling na ito.
"Mas makabubuti nga na maibalik ka namin sa pamilya mo. It seems that you need to see your real world and see the people you're with to help you regain your memory."
"Natatakot ako." Humawak ito sa kamay niya at nabanaag niya sa mukha nito ang sinasabi.
"Kukuha pa lang tayo ng impormasyon ngayon sa mga pulis. Hindi ka namin iiwanan hangga't hindi namin nasisiguro na ligtas ka."
Tila napanatag naman ito at lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Habang naglalakad sila papuntang tulay at nagsisimula na itong manginig. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito para ituloy nito ang paglalakad. Pero pagdating sa tulay na tatawirin ay sumigaw na ito.
"No!!!"
Umupo ito at itinakip ang mga kamay hanggang umiyak ito ng tuluyan. Napatingin siya kay Gabriel na agad ding nag-alala sa reaksyon ng babae.
"You have to face your fears, sweetheart," wika ni Gabriel na agad namang tumayo at nagkaroon ng pagkalito sa mukha.
"Someone called me that in my dreams."
"He maybe your boyfriend," wika niya dito at binigyan ng warning look si Gabriel. "Kailangan nating matawid ang tulay na iyan. Can you make it?"
"No," madiin nitong sagot at tumangging ihakbang ang mga paa.
"Ipikit mo ang mga mata mo, huwag kang didilat hangga't hindi ko sinasabi," wika naman ni Gabriel. "Will you trust me, sweetheart?"
Ipinikit nito ang mga mata at agad namang binuhat ni Gabriel at itinawid sa hanging bridge. Makalipas ng halos tatlong minuto ay natawid nila ang tulay ng maayos. Nilingon ng babae ang tulay at naroon pa rin ang sindak sa mga mata nito.
"Let's go?" Hinawakan niya ang kamay nito at lumakad sila papuntang pampang kung saan puwedeng sumakay ng banka papunta sa bayan.
"Hindi ka ba matatakot sumakay sa bangkang iyan?" tanong niya ulit, umiling ito at nahimasmasan siya. Wala siyang alam na ibang paraan para makaalis sa lugar na iyon kung tumanggi itong sumakay ng bangka.
Halos kalahating oras silang nakasakay ng bangkang de motor hanggang marating ang bayan ng Pagbilao. Naging payapa naman ang mukha nito kahit marami itong nakikitang tao. Sa isang hindi mataong restaurant sila naghintay habang si Gabriel ay nagpunta sa police station para makakalap ng impormasyon sa babae. Halos kinse minutos lang ang nakalipas ay bumalik na ito dala ang isang maliit ng papel.
"So, they think you're dead? Sino ang kasama mo sa kotse?" tanong niya dito gayong alam niyang hindi pa nito masasagot ang mga tanong niya. Ayon kay Gabriel ay tinapos na ng mga magulang nito ang paghahanap matapos may matagpuang bangkay sa isang bangin. Gusto niyang umasang tulad ng babae ay mailigtas ng ama ang sarili. Basta na lang idineklara ng Uncle Octavio niya na patay na si Agusto pero tumatanggi ang puso niya na tanggapin iyon.
"Hindi ko alam. Wala akong maalala kundi mga lalaking humahabol, at bigla ang ilaw na sisilaw sa akin hanggang mapasigaw ako."
"Paano natin masisigurong ligtas siya kapag bumalik siya sa dati niyang pamilya?" nag-aalalang tanong ni Gabriel.
"Nakuha mo ba ang buong pangalan ng relatives niya?"
"Here." Iniabot nito ang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan at numero doon.
"Margaux Mortel?"
"Kilala mo siya?" tanong ng pinsan.
"Isa siyang modelo noon, Gab. At kahit itong Ezekeil Albano ay kilala ko sa pangalan." Bumaling siya sa babae na tahimik lang nakikinig sa kanila. "It's true, your name is Marga. And you are rich. Oh, not just rich, you are a billionaire."
"Are you sure?"
"That explains the way you talk and your gestures. I believe your family is good people, Marga. Kailangan na natin bumalik sa mga pulis para tawagan ang pamilya mo."
"Are you sure? Hindi ba natin 'to pag-iisipan muna?" pigil naman ni Gabriel.
"I think she was kidnapped," paliwanag niya sa pinsan dahil sa pagtutol nito. Hindi maaaring lumalim ang pagtingin nito sa babae dahil alam niyang ikakasal na ito. "Maaaring pinag-interesan ang singsing mo kaya wala sa'yo," sabi naman niya kay Marga. "But you are getting married. Laman kayo ng fashion magazine nitong nakaraang buwan. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko naalala ang mukha mo, but I know your mother used to be a fashion model."
Nakita niya ang sandaling pagkabigla sa mukha ni Gabriel, pero kailangan nitong malaman ang totoo para hindi na ito umasa pa.
"Tara na, Marga. Kailangan na nating makausap ang pamilya mo."
"Puwede niyo ba akong samahan hanggang doon? Hindi ko sila kilala sa ngayon at hindi pa rin nawawala ang takot ko."
"Sure. Gusto rin naming masiguro ang kaligtasan mo." Hinawakan niya ang kamay nito saka sila naglakad papunta sa police station.
Si Gabriel ang nakipag-usap sa mga pulis at tinawagan naman ng hepe si Margaux Mortel. Sinabi sa kanila na dadating ang mga kaanak ni Marga at maghintay lang doon. Nakita niya ang larawan nito sa mga pulis at hindi maikakailang mas maganda ito sa personal sa kabila ng mga bakas ng sugat na tinamo nito sa pagkahulog sa bangin.
“Ano ang plano mo pagkatapos nito?” tanong ng pinsan sa kanya habang naghihintay sila sa waiting area.
“Gusto kong maghanap ng trabaho sa Maynila,” sagot niya. Ang totoo’y pinangarap niya ang maging broadcaster noong bata pa siya kaya Mass Communication ang kinuha niyang kurso. Pero ngayong kailangan niya ng katahimikan ay hindi niya gustong i-expose ang sarili niya sa madla na maaaring makapagbigay ng lead kay Octavio kung nasaan siya. “Gusto ko munang mamuhay ng simple at malayo sa gulong kinalalagyan ko.”
“Bakit hindi ka na lang bumalik kay Ate Lucila? Hindi naman alam ng Uncle mo kung saan ka itinago ng Papa mo noon, hindi ba?” tanong nito. Mabilis naman siyang umiling.
“Hindi ako nakatitiyak doon, Gab. Sa ngayon ay ayokong madamay pa siya o kayo sa problema ko. Kailangan ko ng mga taong malalapitan sa mga panahong kinakain ako ng takot at pangamba. Sapat na ang nakakausap ko si Nanay sa telepono.”
“Basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sa’yo, Anikka. Puwede kang manatili sa bahay anumang oras at kahit gaano katagal. Kung hindi ko lang maiwan si Tatang ay sasamahan kita sa Maynila at doon na rin ako maghahanap ng trabaho.”
“Thank you, Gabriel. Napakabuti mong tao. Masuwerte ang mapapangasawa mo,” nakangiti niyang wika. Ang pinsan naman niya’y hindi sinasadyang napatingin sa magandang mukha ni Marga. Alam niyang may lungkot at paghihinayang itong nararamdaman.
Nag-iisang anak ito ni Wilfredo at ng namayapa nitong asawa. Pag-aari nila ang lupaing iyon sa gitna ng gubat. Si Gabriel ay nakapagtapos sa tulong ng ina na si Lucila dahil na rin sa perang ipinapadala ng Papa niya sa pangangailangan nila na sobra-sobra para sa kanilang dalawa. Noon ay nasa kabayanan din naninirahan si Gabriel dahil nag-aaral pa at hanggang sa makatapos at makapagtrabaho. Pero nang mamatay ang Nanang nito ay napilitan itong bumalik sa piling ng Tatang nito para masamahan ang ama na nag-iisa na lang namumuhay doon. Ang mga kapitbahay nila’y kilometro ang layo sa isa’t isa dahil wala na halos naninirahan sa parteng iyon ng Quezon Province.
Muli niyang tiningnan si Marga na hindi mapakali ng mga oras na iyon. Ginagap niya ang kamay nito para bigyan ito ng suporta. Agad naman itong ngumiti nang bahagya at kahit paano’y naibsan nang kaunti ang pag-aalalang nasa mukha nito. Masuwerte ito dahil babalik na ito sa sarili niyang pamilya samantalang siya’y mag-isang susuungin ang buhay na walang katiyakan.
“I miss you, Papa…” saad niya sa sarili habang nilalamon ng lungkot ang buo niyang pagkatao.