Chapter 1

1137 Words
“Ang anak ko Agusto! Nasaan si Ana?” umiiyak na wika ng asawang si Diana habang nakahiga sa stretcher sa loob ng isang ospital sa Quezon Province. Ngayon lang io nagkaroon ng malay. Sakay sila ng bus na byaheng Maynila kanina ngunit nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa zigzag road na hinala niyang may kinalaman ang kapatid sa ama na si Octavio. Kahit ang aksidente sa minahan na pag-aari ng pamilya sa Camarines Norte ay hinihinala niyang kagagawan din ng kapatid – though he still needs to prove his claims. “Hahanapin ko si Ana, Diana. Ipinapangako ko.” Mabilis namang tumango ang asawa habang panay pa rin ang pag-iyak. Iniwan niya ito at pinuntahan ang ilang mga nasagip pero wala doon ang anak. Panay ang dasal niyang hindi sana kasama ang anak sa mga bangkay na nakuha. Hindi rin mawala ang pag-aalala dahil mula nang magkagulo ang mga tao at mabitawan ang anak ay hindi niya na ito muling nasilayan. Hindi naman dapat sila sasakay sa bus dahil bagong bili pa nga niya ang Ford Expedition na dapat nilang gagamitin. Pero may hinala na talaga siyang may balak na masama ang kapatid sa pamilya niya. Iniligaw niya ang mga tauhan ni Octavio nang magpahatid lang sila sa bus station sa driver niya kaninang madaling araw. Nasa sitenta katao ang lulan ng bus na iyon kaya’t nahihirapan siyang hanapin ang anak ngayon lalo at may mga kamag-anak na a ng iba na nagdatingan. Lumabas siya sa ospital at naroon naman ang ilang katawan na ideneklara nang patay. Panay ang tahip ng dibdib niya habang isa-isang sinisipat ang mga naroon. Ang huli niyang nakita ay ang isang bangkay ng isang babaeng halos kasinggulang ng kanyang anak. Nakakatwang pati ang haba ng buhok nito at kulay ng kutis ay kapareho ng anak niya. Lalong tumaas ang takot sa dibdib niya. “Anikka..” Panay ang iyak ng isang may kabataan babae na marahil ay ina nito habang hawak ang kamay ng bata. Hindi niya kinaya ang tagpong iyon dahil naiisip niya ang anak at hindi niya kayang isiping ganoon din ang kinasapitan nito. Hindi niya kayang mawala ang kaisa-isa niyang anak. “Ana…” mahina niyang usal habang gusto nya nang panghinaan ng tuhod. “Iligtas niyo po siya, Panginoon. Ilalayo ko siya rito at hindi na siya kailanman masusundan ni Octavio.” Muli siyang nag-ikot para patuloy na hanapin si Ana pero bigo siya. Hindi rin niya kayang harapin ang asawa dahil lalo itong mag-iiyak. Sandali siyang umupo sa waiting area ng emergency habang iginagala pa rin ang mga mata. “Papa…” wika ng isang maliit na tinig na agad nagpalakas ng kabog sa dibdib niya. “Ana?” Inilibot niya ang tingin kung saan nanggaling ang tinig ng anak at nakita niyang hawak iyon ng babae na kanina lang ay umiiyak hawak ang bangkay ng isang batang babae. “Ana!” Agad siyang yumakap sa anak at nakahinga ng maluwag. Hindi na napigilan ang paglandas ng luha niya sa pisngi na kaagad niyang pinahid. Tumingala siya sa babae. “Maraming salamat,” wika niya dito. “Ikinalulungkot ko ang nangyari sa…” Tumango naman ito sa kanya habang lukob pa rin ng lungkot ang mukha. “Kung may maitutulong ako sabihin mo lang.” “Kailangan ko lang maiuwi sa amin si Anikka,” sagot nito sa pagitan ng paghikbi. Dama niya ang sakit na nararamdaman nito. “Tutulungan kita. Saan ba kayo nakatira?” “Sa Nueva Ecija...” Muli itong napaiyak at hinayaan niyang ilabas nito ang pighating nararamdaman. “Iuuwi ko na sana siya roon. Sana hindi na lang pala kami umalis…” “Ako na ang bahala sa lahat. Hintayin mo ako dito, kailangan ko lang puntahan ang asawa ko dahli nag-aalala na siya kay Ana.” Tumango naman ang babae. “I’m Agusto Mondragon. And you are?” “Lucila Merced,” sagot nito. Tumango siya bago nagpaalam sandali dala ang anak. Pagkatapos niyang madala kay Diana ang anak ay agad niyang tinawagan ang isang kaibigan na tutulong sa kanila para makaalis sa lugar na iyon. Hindi kailangang malaman ni Octavio kung ano ang kalagayan nila ngayon. Kailangan niyang mailayo ang pamilya niya sa kasamaan ng kapatid. “Hindi ko kayang malayo sa anak ko, Agusto,” wika ng asawa nang ilahad niya ang balak na paglalayo kay Ana sa Rancho Mondragon. “Kailangang mapalabas nating nawawala si Ana, Diana. Hindi titigil si Octavio hangga’t hindi siya nakakaganti.” Hindi na sumagot si Diana dahil alam nito kung bakit ganoon na lang ang galit ng kapatid sa kanila. Si Octavio ang unang kasintahan ni Diana at nabuntis noong mga bata pa sila. Pero dahil nananakit ito ng babae ay nagpasya si Diana na lumayo dito. Nang malaman niya ang nangyari sa dalawa ay inalok niya ng kasal ang babae at panagutan ang dinadala nito. Noon ay nagsisimula nang umusbong ang pagkagusto niya sa dalaga. Labis na ikinagalit iyon ni Octavio na lalong nagbigay ng dahilan para saktan muli si Diana na naging sanhi ng pagkakalaglag ng bata sa sinapupunan nito. Ipinangako nitong hinding hindi sila matatahimik dahil sa pagtataksil sa kanya. Isa lang iyon sa mga galit na kinikimkim ni Octavio sa kanya kung tutuusin. Isa pang mabigat na dahilan nito’y ang pagkawala ng mana nito sa Rancho Mondragon. Ang lupang iyon ay pag-aari ng inang si Manuela Mondragon, at nang maunang mamatay ang Papa niya’y tiniyak ng ina na walang karapatan si Octavio dahil anak ito ng Papa Roman niya sa ibang babae. Isang taon nang namatay ang ina at doon nagsimula ang paunti-unti nitong paghihiganti matapos malaman ang testamento mula sa abogado ng pamilya. “Ipangako mong walang makakaalam sa lahat ng ito, Diana. Kaligtasan ni Ana ang nakasalalay dito. Hindi mo gugustuhing mawalan ng anak sa ikalawang pagkakataon, hindi ba?” Isang marahang tango ang pinakawalan nito. Inakay niya palayo ang asawa sa ospital na iyon nang hindi kasama ang anak na si Ana. Tinawagan niya ang isang malayong kamag-anak para siyang mag-alaga kay Anikka habang inaayos niya ang problema nilang magkapatid. Hahanap lang siya ng ebidensya na ito ang may kagagawan sa aksidente ngayon at ang pagpapasabog sa minahan. Dinala niya sa Nueva Ecija si Ana at ipinaayos sa abogado ang mga papeles para sa paglilipat ng lahat ng ari-arian niya sa pangalan nito. Idineklara niyang nawawala ito sanhi ng aksidente. Walang nagawa si Diana sa mga plano niya. Ang nakapagtataka ay hindi na ito nagpakita ng interes na dalawin ang anak nila nang palihim sa mga sumunod pang taon. Hindi niya alam kung bakit. Pero naging pabor iyon dahil lagi lang nakabuntot si Octavio sa asawa niya na hinihinala niyang may lihim ulit na ugnayan ang dalawa. Ang mahalaga ay ang kaligtasan ni Ana ngayon. Ito na lang ang dahilan kung bakit siya nabubuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD