Chapter 10

1363 Words
TEN PRISTINE My first month in school went well. Marami akong naging kaibigan sa mga kaklase ko ngunit madalas ko pa ring kausap ang mga friends ko sa Remorse. Dad always talk to me as if he's a freaking virtual bodyguard. Para bang gusto niyang inirereport ko ang lahat ng ginagawa ko. Kung hindi pa siya sinuway ni Mum baka hindi pa niya binawasan ang pagka-paranoid niya. Uncle Rouge, thou Dad doesn't want me to learn how to drive, taught me. Tuwing weekends at wala akong ginagawa ay dinadala niya ako sa isang parte ng village na hindi masyadong nadaraanan ng mga sasakyan. Tinuturuan niya akong magmaneho para raw kapag natuto na ako ay magamit ko iyong kotse ni Aunt Jenah kapag papasok. I really am thankful for having them. Uncle Rouge and Aunt Jenah are very supportive. Nang lumipas ang mga buwan at nagkakaroon ng events sa school na kailangan ng parents, imbes na tawagin pa sila Daddy, sila na mismong dalawa ang nagpi-prisintang umattend. They treated me as if I really am their child. Inilapag ko ang pen sa mesa saka ko sinandal ang likod ko sa backrest ng silya. Patapos na ang semester kaya naman halos tambak na ang aming mga gawain. Hinilot ko ang aking sintido saka ako huminga ng malalim. I shut my eyes and tried to reach someone. Nang hindi ko pa rin magawa ay nakagat ko ang ibaba kong labi. He really blocked the connection. Matapos niyang sabihin na nagseselos siya kay Knight, blinock niya ang connection naming dalawa. Bumuntong hininga ako saka binuksan ang aking laptop. Dumiretso kaagad ako sa messages para tignan kung may mensahe na ba siya pero wala pa rin. Two weeks ago pa ang huli naming pag-uusap at sa totoo lang, aaminin kong dumadagdag lang sa sama ng loob ko iyon. Chad's been really busy with his new role. Two months after I got here, Alpha Pearce turned over his role to Chad. Siguro ay iyon ang rason kung bakit ganoon na lang ang pagka-abala niya. Kung minsan, nagkakausap kami sa chat at tawag pero ilang minuto lamang iyon. Madalas nangangamusta lang siya kung ano na ang nangyayari sa akin. Kapag siya naman ang kakamustahin ko, puro na lang "huwag ka nang magtanong. Hindi rin naman masusulusyunan ng pangangamusta mo ang problema." Napaka-sungit. Kapag itatanong ko kung anong problema niya, ang isasagot, "umuwi ka nang matapos ang problema ko." Paulit-ulit lang na gano'n. Minsan pakiramdam ko ako ang problema niya. Para bang ako ang rason kung bakit madalas mainit ang kanyang ulo. I let out a sharp sigh then typed a message for him. Kinamusta ko ang kanyang araw at sinabi ko ang nangyari sa buong linggo ko. Hindi na ako umaasang sasagot siya. Two weeks ago na simula noong huli niyang binuksan ang kanyang account. Siguro nga ay ganoon na katindi ang pagka-abala niya at wala na siyang panahon para sa mga ganitong bagay. Chadler is an Alpha now. The first one of the new generation. Balita ko ay ilang buwan na lang, mapupunta na rin kay Knight ang Aslaine. I'm happy for them. They are the new beginnings of their packs. Ang Astrid ay maghihintay pa sa paglaki ni Reigver. I hope Dad could prepare him for his role. Kahit ganoon ang kapatid ko, mahal ko iyon. Seeing him facing a difficult situation would hurt me. Parang sa paningin ko, siya pa rin iyong paslit na malakas mang-asar. Matapos kong mai-send ang chat kay Chad ay mensahe, isinara ko ang laptop ko saka ako dumiretso sa banyo. Mag-gagabi na. Siguradong pasado alas onse na ng gabi sa Remorse ngayon. Bilog na bilog ang buwan at pilit lumalabas ang wolf ng lycans. Mabuti na lang ay pinabaunan ako ni Daddy ng restrains para hindi ako mahirapang kontrolin ang sarili ko. Kailangan ko itong isuot mamaya bago sumapit ang dilim. Matapos kong maghilamos ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ng mga kaibigan ko mula sa Remorse, may nagbago raw sa akin. Parang nag-mature ang aking itsura at nag-improve ang pananamit ko. Siguro ay dahil natuto na akong gumamit ng make ups. The university requires us to dress like professionals in a certain subject. Tinuturuan din kami ng ilang mahahalagang bagay para magmukhang propesyunal. Nag-eenjoy ako sa subject na iyon. Marami akong natutunang nagamit ko naman sa sarili ko. I stroked a few strands of my hair. Mas maikli na ito ngayon. Mula sa boring na hanggang baywang, pinagupitan ko ito ng hanggang sa aking balikat kaya siguro nanibago rin ang mga nakakita sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha ko. Wala akong make up pero kung sakali kayang makita ako ni Chad, ano na kaya ang sasabihin niya? Would I look beautiful in his eyes? Papasa ba ako sa standards niya? Hindi na kaya bata ang magiging tingin niya sa akin? Sa totoo lang, nag-aalangan ako. We can connect with each other thru mind link. Isa lang ang ibig sabihin noon. Our knots are tied to each other...but I don't think Chad likes the idea of us being mates. Pakiramdam ko ay bata ang tingin niya sa akin. This semestral break, I'm turning nineteen while he's already twenty three. Maraming magagandang babae sa Galum. Mga kaedaran niya at siguradong mukhang mga dalaga. Balita ko ay malapit siya sa anak ng Uncle Zon niya. Halos kaedad ko lang din naman iyon pero kung mag-ayos ay parang dalaga na talaga. Napasimangot ako nang maalala ang picture na naka-tag kay Knight. That was taken a month ago. Kasama ni Knight si Zari, ang anak ni Tito Zon, si Phyam, si Sorchia at Zydler, tsaka ang bestfriend ni Knight...si Chad. I think that was taken on Zydler's birthday. Zari was seated beside Chadler. May litrato pang nakatingin silang dalawa sa isa't-isa na tila may masayang pinag-uusapan. I have to admit. I envied her. I want Chad to look at me that way. I want his attention on me. I want him to smile at me the way he smiled at Zari. Napahilamos ako ng aking mga palad sa aking mukha. Ano ba itong mga naiisip ko? Saan nanggagaling ang lahat ng iyon? Was it because of the bond? The bond. What if...what if Chad doesn't want me to be his other half? I heard being rejected is really painful. It could kill you if you're not strong enough. Bigla akong natakot. Malayo ako kay Chad. The bond is like a rubber band. It could stretch and falter. Masakit kapag naputol iyon, baka mas malakas ang pitik na matanggap ko. Would I survive such pain? Natatakot akong hindi ko kayanin. I clutched the cloth on my chest. Sumasakit ang dibdib ko sa mga naiisip ko. Thinking about it is not healthy. Baka ma-praning lamang ako dahil sa mga iniisip ko. Lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kama. Parang hindi ko na kakayaning maghapunan. Bagsak na bagsak na ang katawan ko dahil sa dami ng ginawa ko para sa requirements sa school. Kaya pa ng katawan ko pero kapag ang utak ang napagod, babagsak ka na lang. Maybe that's the reason why those who have corporate jobs are paid more than those who do heavy works on a construction site. I lied down and shut my eyes. Ilang minuto ko nang dinarama ang lambot ng kama nang bigla kong maramdaman ang matinding kirot ng dibdib. Napabalikwas ako ng bangon at lumalim ang aking mga paghinga. Minulat ko ang mga mata ko. I saw myself in the mirror. My eyes turned burning golden yellow and my breathing became heavier. Hindi ko nasuot ang restrain. Pinilit kong tumayo para maglakad patungo sa drawer kahit na hirap na hirap ako ngunit nang bubuksan ko na ang drawer ko'y bigla kong narinig ang pamilyar na tinig. "H-Hope..." He mumbled hoarsely as if he's in so much pain. "Chad?" My brows furrowed. "Anong nangyayari sayo?" His breathing were heavy. Kung ganoon, it is his pain that I am feeling right now. Why is he in pain? Napalaban ba siya? "Y-You have to...you have to come home...p-please." He sighed sharply. "I...I need you..." Umawang ang aking bibig sa narinig. Kailangan niya ako? Kailangan ako ni Chad? "Ano bang nangyayari? Napalaban ka ba? Bakit ganito katindi ang sakit na nararamdama mo?" Nag-aalala kong tanong. "B-Basta...Please...Umuwi ka na..." Untag niya sa paos at hirap na boses. "Umuwi ka sa'kin..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD