ELEVEN
PRISTINE
Mahigpit akong napahawak sa tela ng aking damit sa tapat ng aking dibdib nang madama ko na naman ang matinding kirot. Mariing sumara ang mga mata ko habang kagat-kagat ko ang ibaba kong labi.
"Chad, sandali na lang." I whispered thru mindlink.
I can hear his heavy breathing. Ilang araw na ito. Damang-dama ko rin ang sakit na pinagdadaanan niya habang hinihintay ako. Kung hindi lang tumapat ng examination week ay baka napagbigyan ko siya. Kailangan ko pang patapusin ang exams bago ako makakuha ng ticket pauwi.
I heard footsteps towards me. Mayamaya'y naramdaman ko na ang pamilyar na kamay na tumapik sa aking balikat. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ang nag-aalalang tingin ng professor ko.
"Miss Grimmerson, are you alright?" Tanong ni Mrs. Hudson.
I forced a smile. Itinango ko ang aking ulo upang sabihing ayos lang ako. Nang umalis siya sa aking harap, doon lamang ako bumuga ng hangin.
"Chad, matatapos na ko." I mumbled.
"M-make it fast, p-please...I n-need you so bad." He muttered. Bakas ang matinding sakit sa kanyang tinig.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa exam papers ko upang subukabg mag-focus. Bahala na. I have to finish this as soon as possible. He's been in pain for days.
I know it has something to do with the connection. The bond pulls us together more. Ang alam ko, kapag naging Alpha ka na, mas maghahanap na ang wolf mo ng mate. It will crave for the other's scent.
Napalunok ako nang may naisip. Chadler's wolf is craving for me right now. H-Hindi kaya? Oh God. Handa na ba ako para sa bagay na iyon?
Napahawak ako sa gilid ng aking leeg. Paano kung hindi na siya magdalawang-isip? Paano kung mawalan siya ng kontrol sa pagkakataong ito?
What if I get his mark this early? Baka magwala ang tatay ko. Bilib siya sa kakayahan ni Chadler pero hindi maganda ang reputasyong mayroon si Chad kay Dad pagdating sa pakikipag-relasyon. Isa pa, wala kaming opisyal na label. We are mates but we are not lovers. Paano kung sa loob ng limang buwan, nagkaroon na siya ng iba?
Napakurap ako sa mga naisip. Ang dibdib ko ang sumasakit sa mga naiisip ko. This time, it is my own pain that I'm feeling. Ang hirap pala kapag hindi mo talaga alam kung ano ang lagay mo sa buhay ng isang tao. You will question everything. You will feel bad for something he's not aware of. You will self-pity because the things you shouldn't have think of in the first place.
Marahas akong bumuntong hininga. Pinilit ko na lamang ibalik ang atensyon ko sa exam papers. Binilisan ko ang pagsagot upang makalabas kaagad ako. Ito na ang huling parte ng exam ko kaya naman pwede na akong dumiretso ng uwi pagtapos.
Isinara ko ang booklet saka ako tumayo at naglakad patungo sa mesa ni Mrs. Hudson. Hinintay kong matatakan niya ng logo ng school ang aking pirma sa dulong pahina saka ko kinuha ang student pass. Hindi pa man niya tapos iabot ay kinuha ko na ito saka ako pilit ngumiti sa kanya at tumakbo na palabas ng examination room.
Pagkalabas ko ng school ay naghihintay na si Uncle Rouge. Alam niyang didiretso na ako ng airport pagtapos ng exam ko. Alam kong nagtaka siya ngunit inisip na lang niyang masyado ko nang nami-miss ang Astrid kaya kahit pagod sa byahe ay nagpasya siyang payagan ako.
"Thanks for doing this for me, Uncle Rouge." I mumbled.
Matipid siyang ngumiti saka ako inakbayan habang naglalakad kami patungo sa kotse.
"Tell your Dad we'll try to go home this holiday." Untag niya.
"Sige po." Tugon ko.
Nang marating namin ang sasakyan ay dali-dali akong pumasok sa shotgun seat. Mahina na lamang siyang natawa. Mukhang nahalata niyang nagmamadali na talaga akong umuwi.
Halos hindi ako mapakali nang nasa eroplano na ako. Panay ang sulyap ko sa aking relos para tignan kung gaano pa katagal bago namin marating ang Remorse. Sigurado akong nasa airport sila Dad para salubungin ako. That just added up on my excitement. Nami-miss ko na rin sila at gusto ko na silang makita.
The trip took almost six hours. Pagdating ng airport sa Averida ay halos takbuhin ko na ang daan palabas.
I saw Mom and Dad waiting for me at the arrival area. Halos pigain ako ni Daddy nang tuluyan ko silang marating ni Mom.
"We missed you, honey." Mum muttered. Hinaplos niya ang aking buhok saka siya humalik sa aking pisngi.
I smiled at them. "I missed you, too Mom."
Inakbayan ako ni Dad habang hila-hila niya ang aking maleta. Nang marating namin ang kotse, huminto ako at pinanood si Dad na ilagay sa compartment ang maleta. Nang isara niya ang compartment ay huminga ako ng malalim.
"D-Dad? I know you want me to go home with you now but uhm, c-can I go somewhere first? Pangako po uuwi kaagad ako ng Astrid. I just really need to go visit someone." Nag-aalangan kong sabi.
Kumunot ang noo ni Dad dahil sa sinabi ko. "Saan?"
"U-Uh I, I'd tell you later." Pinagsalikop ko ang aking mga kamay. "Please, Dad. I promise you uuwi rin ako kaagad. Just please let me."
Nagkatinginan si Mum at Dad. Mayamaya'y mahinang piniga ni Mum ang kamay ni Dad saka siya mahinang tumango. "Payagan mo na. Hindi naman susuway sa utos ang anak mo."
Napabuntong hininga si Dad. "Fine. Just be home early, please?" He mumbled in a defeated tone.
Malawak akong ngumiti saka ako mabilis na yumapos sa kanya. "Opo. Promise." Kumalas ako sa yakap at mabilis na tumakbo patungo sa paradahan ng mga cab. "Bye, Mum, Dad!"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Sumakay ako sa sunod na cab at sinabi kung saan ako bababa.
Nagwawala ang aking dibdib habang nasa byahe. Nang ibaba ako ng cab driver sa bungad ng Galum, halos dumoble pa ang t***k nito.
Sa bungad ng Galum ay nakita kong nakaabang ang isang hindi pamilyar na lalakeng tantya ko ay kaedaran ni Chad. Itim at malinis ang gupit ng kanhang buhok. Simpleng pulang polo shirt at itim na pantalon ang suot niya ngunit dahil sa singkit niyang mga mata at magandang hulma ng panga, nagmukha siyang modelo.
"You're Pristine Hope?" Untag niya.
Tumango ako. "Ako nga."
He nodded. "I'm Quen. Chadler's Beta. Ihahatid kita kat Alpha." Untag niya saka niya ako pinagbuksan ng pinto sa backseat.
Tumango na lamang ako at mabilis na pumasok sa kanyang itim na sasakyan. Nang maisara niya ang pinto ay dumiretso siya kaagad sa driver's seat saka pinabarurot ang sasakyan paalis.
Kumunot ang aking noo nang mapansing patungo ng quarters ang kotse. I've been there before dahil katabi lang nito ang stadium kung saan ginaganap ang Nexus.
"Sorry, aren't we supposed to go to Chad?" Kunot-noo kong tanong.
"Sa kanya tayo pupunta." Untag nito sa malamig na tinig.
"Bakit tayo patungo ng quarters? Is he working right now?" Untag ko.
"No, Miss. He's been locked on one of the cells there for about two and a half weeks now." Tugon niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?! Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
Sinulyapan niya ako sa rear view mirror saka siya matipid na ngumiti. "Mas mabuti kung kayo na lang ang mag-uusap." Sagot niya saka niya ipinarada ang sasakyan sa gilid ng quarters.
Bumaba siya at pinagbuksan ako. Nang makababa ako ay iginiya niya ako papasok sa quarters. The place looks like a normal police station minus the uniformed in blue men with guns. Dito ay normal ang pananamit ng Deltas. The headquarters has off-white and gray paint with brown stripes carpet.
Dinala ako ni Quen sa underground cell. Sa tuwing may nadadaanan kaming selda ay lalong nagwawala ang dibdib ko. Anong ginagawa ni Chadler sa lugar na ito?
I can hear people baging the metal door. Some are even growling that just made my chest rise and fall more violently.
Narating namin ang dulong selda sa kaliwa. Pinagbuksan ako ni Quen ng pinto saka siya matipid na ngumiti sa akin. "Go ahead. He's inside."
Lumunok ako at mahinang tumango. Nang tuluyan niya akong iwan doon ay saka lang ako pumasok.
Nangatog ang mga tuhod ko nang masilip ko ang lalakeng nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader habang nakayuho. Nakapatong ang magkabila niyang braso sa kanyang mga tuhod. Nakakadena ang binti at mga kamay niya dahilan para mangilid ang mga luha ko.
I gulped and tried to get a hold of myself. "C-Chad?"
Inangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang aming mga mata. His burning golden yellow eyes seem so tired. Mapungay na ang kanyang mga mata at tila hirap na hirap siya dala ng sakit na pinagdadaanan.
Pinilit niyang tumayo kahit na halatang nanghihina ang mga tuhod niya. Marahas siyang bumuntong hininga saka niya iniangat ang isa niyang kamay.
"Come here, Hope..." He mumbled in a husky tone.
Tumango ako at lumapit sa kanya ngunit hindi ko pa man siya tuluyang nararating ay hinatak na niya ako saka mahigpit na niyakap. Sumandal ang likod niya sa pader at dumausdos ang dulo ng kanyang ilong sa gilid ng aking mukha.
Mahigpit akong yumakap pabalik at hinayaan siya. He breathed my scent while hugging me tight. Mayamaya'y sinalat niya ang aking baba upang iangat ang aking mukha. Nang magtama ang aming mga mata ay kusang nagbago ang kulay ng aking mga mata.
My arms curled on his neck as I felt the heat building up inside me. My wolf wants him as bad as he wants me.
Mahigpit na humawak sa aking baywang ang kanyang mga kamay. He lifted me up and made me curl my legs on his waist. Umikot siya at idiniin ang aking likod sa pader saka niya ako siniil ng halik. It was rough and needy. I can feel his desire for me, like a wildfire he never intend to kill.
My eyes shut as I responded to his kisses. My hand gripped on his hair, pushing his head down to deepen our kisses. His lips are so soft and sweet that I want to beg for more.
I groaned when he bit my lower lip. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg. Nang tuluyang lumandas ang kanyang mga halik sa aking panga at patungo sa sensitibong bahagi ng aking leeg, pakiramdam ko nangatog lalo ang mga tuhod ko.
Chad roughly kissed a certain spot. I can almost feel his canines touching it as if he's ready to put his mark on me but before he could even do it, he suddenly stopped kissing me. Marahas siyang bumuntong hininga saka niya ibinaon ang kanyang mukha sa aking balikat habang ang kanyang mga braso ay mahigpit na pumulupot sa aking maliit na baywang.
I gulped. "W-What's wrong?" Untag ko sa paos na boses.
He let out another sigh then kissed a certain spot. Inangat niya ang kanyang ulo para dampian ng halik ang aking noo.
"Hindi pa kita pwedeng markahan." He muttered in a disappointed tone.
Kumunot ang aking noo. "Bakit?"
He forced a smile at me. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok saka niya hinaplos ang aking pisngi.
"You still got a lot of dreams to chase. Marking you means forcing you to stay by my side and rule with me. I can't take the life you want away from you. You might just end up hating me." He mumbled. Bakas ang lungkot sa kanyang tono.
Ngumiti ako at yumakap ng mahigpit sa kanya na tinugunan din naman niya. "Thank you, Chad." I murmured.
He kissed the side of my head then breathed in front of my ear. His hot breath sent shivers down my spine. Siya lamang talaga ang nagpapawindang sa aking sistema ng ganito.
"It kills me so bad, Hope. The distance is killing me damn much." He whispered. He reached for my hand and intertwined our fingers. "So promise me one thing..."
Lumunok ako at pinagmasdan ang kanyang pagod na mga mata. "Ano 'yon?"
Hindi niya ako sinagot kaagad. Itinapat niya ang likod ng aking kamay sa kanyang mga labi saka ito hinalikan habang nakatitig sa akin.
"Akin ka lang." He murmured.
Hinawakan niya ang aking pisngi saka inilapit ang kanyang mukha. Lumalim ang aking mga paghinga at sumara ang aking mga mata nang tumama ang dulo ng kanyang ilong sa aking pisngi.
"Say it, babe...tell me that you are mine and mine alone..." He kissed my lips. "Say it..." He said huskily.
Umawang ang aking bibig at bumukas ang namumungay kong mga mata. "I am yours...Chadler Rickfor--"
He cut me off by claiming my lips once more in a passionate kiss I know I will never ever forget.