EIGHT
PRISTINE
Chad and I stared at the night sky. Lumipas ang ilang sandaling halos walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa kunin niya sa akin ang portrait saka siya naglakad para ipasok itong muli sa loob ng sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. "Hala binawi agad." Sumimangot ako.
Ngumisi siya saka umiling. "I'll give it to you later." Untag niya saka siya bumalik sa hood ng sasakyan.
Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan siyang nahiga rito. Inunanan niya ang kanyang mga braso at dahil doon ay nadepina ang muscles sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.
"Why don't you lie, too? Mas masarap tignan ang langit kapag nakahiga." Untag niya. Mas malumanay na ngayon ang kanyang pananalita hindi katulad dati na laging seryoso.
Mahina akong tumango saka ako nahiga sa hood ng kotse. There's enough space between us but I still felt too close to him. Para bang natatakot akong dikitan siya dahil baka kung ano lamang ang isipin niya.
Huminga na lamang ako ng malalim saka ko ibinalik ang tingin ko sa langit. I tried to connect some of the stars to form shapes and weird figures. Nang mapansin niya ang ginagawa ko ay bigla niyang iniangat ang kanyang isang kamay at may itinuro.
"You see that? The one near the three bigger stars?" He mumbled.
"The blue one?" I asked.
"Uh-huh." He murmured before putting down his hand. "Let's name it Hope."
Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa narinig. Lumunok ako at pilit na itinago ang pamumula ng aking mukha.
"B-Bakit naman?" I mumbled softly.
Tinagilid niya ang kanyang ulo para tignan ako. Nang lingunin ko siya ay tila biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Tinitigan ako ng mapupungay at seryoso niyang mga mata. "The color and sparkle reminds me of your eyes." He muttered.
I gulped and tried to force a smile. "I-I wasn't the only one with blue eyes, you know."
He slightly smiled. "But yours is the most mesmerizing..." He murmured before looking at the star again. "Like that one up there..."
Umawang ang aking bibig ngunit hindi ko nagawang magsalita. Tila umurong ang dila ko sa mga narinig mula kay Chad.
Is it true? Chadler Rickfort finds my eyes mesmerizing? Ang hirap paniwalaan.
I cleared my throat and looked at the stars again. I placed my hands on my stomach then took a deep breath. "Nagbago yata ang ihip ng hangin. Bumait ka yata, Rickfort." I mumbled.
He chuckled softly. Lalo lang kumalabog ang dibdib ko dahil sa kanyang tawa. Para bang musika sa tenga ang tunog na iyon.
"Gano'n ba kasama ang tingin mo sa'kin, Grimmerson?" Untag niya.
I pressed my lips together to keep my smile. "Ewan. I heard a lot of bad things about you. Hindi mo ako masisisi."
Bumaling muli sa akin ang kanyang tingin. "Really, huh? Tulad ng?"
"Mmm," tinapat ko ang hintuturo ko sa aking baba. "masungit ka raw. Pilyo minsan. Babaero. Supla--"
"Wait." He cut me off. Nabaling sa kanya ang aking tingin. "Babaero?" Kunot-noo niyang tanong. "Saan naman nanggaling 'yon?"
Nagkibit-balikat ako. "Those are rumors about you. Sabi ay para ka raw si Luna Meiko noon. You change girlfriends as if you are just changing clothes."
He released a sharp sigh. "Dalawa pa lang ang naging ex-girfriend ko, Hope. Paano naging babaero 'yon." Bakas ang pagkadismaya sa kanyang boses.
"Hayaan mo na kung hindi naman totoo. Ikaw lang naman ang nakakakilala ng lubos sa sarili mo." Untag ko.
"Ikaw?" He reached for my chin and made me face him. Seryoso ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata niya pero may tila pangambang mababakas sa kanyang mga mata. "Naniniwala ka ba do'n?"
Hindi ako nakasagot. Ang totoo, hindi ko alam. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o hindi.
"H-Hindi ko alam, Chad." I mumbled softly.
He forced a smile at me. Binitiwan niya ang baba ko at ibinalik niya ang tingin sa kalangitan saka siya nagpakawala ng dismayadong buntong hininga.
"'Wag kang maniwala do'n. Hindi ako naglalaro pagdating sa relasyon." Malumanay niyang sabi.
Napatitig ako sa kanya dahil sa narinig. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay muli niya akong nilingon ng may kunot sa kanyang noo. "Why?"
Mahina akong umiling. "Why are you saying that to me?" Wala sa sarili kong naitanong.
Pumungay ang kanyang mga mata. "Hindi ko rin alam..." Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok. "I just felt the need to let you know the truth about me."
"Ah." Mahina kong tugon saka muling pinagmasdan ang kalangitan.
"So." He cleared his throat. "Kailan ang flight mo?"
"The day after tomorrow. Why?" Tanong ko.
"Tuloy na tuloy na 'yan?" Untag niya.
Tumango ako. "Oo. May assessment pa kasi eh. Sana nga makapasa ako."
"Sana hindi." He murmured.
Kumunot ang aking noo. "Ano?"
"Wala. I said goodluck." Walang gana niyang tugon.
I nodded, trying to believe that's what I really heard...kahit alam kong hindi iyon ang sinabi niya kanina.
Huminga siya ng malalim saka ito marahas na pinakawalan. "Two years pala bago ka uuwi niyan?" Tanong niya.
"Yeah. Ang tagal ano?" I chuckled softly.
"Mabuti at alam mo?" Tila may bahid ng inis niyang sagot.
Sumimangot ako. "Sumusungit ka na naman." Bumangon ako at naghikab. "Hindi bale, mabilis na lang 'yon. Pag-aaral naman ang aatupagin ko sigurado magiging busy na ako at hindi na mapapansin ang panahon."
"Mag-aral ka lang huwag kang mag-boyfriend. Bata ka pa." Paalala niya.
Napangisi ako. "Lagot ako kay Daddy kapag nag-boyfriend ako, ano." Nilingon ko siya.
Kumurba ang sulok ng kanyang labi. "Mabuti naman."
Sumimangot ako. "KJ talaga kayong mga lalake, 'no? Gusto niyo kayo lang ang nag-eenjoy sa pagkabata." Komento ko.
"Nah. Hindi gano'n 'yon." He mumbled. Bumangon siya dahilan para bahagyang maglapit ang aming mga mukha. "Ayaw lang ng Daddy mong may makasakit sayo."
"Sabi ni Mum part ng relasyon 'yon. You won't be strong without pain." I mumbled.
Pumungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin kasabay ng pagguhit ng mapaklang ngiti sa kanyang labi. "I remember your seventh birthday. Nadapa ka at umiyak ng malakas dahil nasugat ang tuhod mo."
Kumunot ang noo ko sa narinig. "B-Bakit alam mo 'yan?"
Kumurbang lalo ang labi niya. "I was there. Ako 'yong nagsakay sayo sa likod ko no'ng umiiyak ka na. I was wearing the same costume as Knight's. When I left to get you some band aids, lumapit si Knight sayo. Akala mo siya 'yon."
Umawang ang bibig ko sa narinig. "H-Hala. A-Akala ko--"
"I stopped attending parties since then." He murmured, a hint of pain in his voice. "And I started hating you, too for hurting my feelings that time."
Pakiramdam ko may sumaksak sa dibdib ko dahil sa narinig. "I-I'm sorry. I swear hindi ko alam."
A broken smile made its way to his lips. "It's fine. That pain made me stronger, anyway."
"P-Pero--"
"Knight and I are still bestfriends, Hope. Kung 'yon ang pinag-aalala mo ayos lang 'yon." He mumbled.
Lumunok ako saka ko ipinatong sa kanyang balikat ang isa kong kamay. "I know it's already too late...but thank you for that day..."
Muling tumingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata, sa pagkakataong ito, napawi na ang tila galit na nakaguhit sa mga ito.
He held my hand and gave it a little squeeze. Napalunok ako nang madama ang kuryenteng pumaso sa akin nang mahawakan niya ang kamay ko.
"Balik ka agad. May utang ka pa." Ngumisi siya.
Mahina akong natawa. "May katapusan pa ba 'yang mga pagkakautang ko?"
He chuckled softly. Hinagod niya ang likod ko saka aiya nagpakawala ng malalim na hininga. "Basta bumalik ka kaagad."
I forced a smile. "Bakit? Hihintayin mo ba ako, Chad?"
Ilang sandaling tumitig sa aking mga mata ang mga mata niya. Mayamaya'y hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok saka niya hinaplos ng kanyang hinlalaki ang aking pisngi.
Gumuhit ang isang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. "Hihintayin kita. Mag-uusap tayo pagbalik mo."
He gave my hand a little squeeze before he released a deep sigh.
"Basta hihintayin kita..."