Chapter 7

1887 Words
SEVEN PRISTINE It was a sunny afternoon but the wind blows stronger than the passed days. Sumasayaw ang buhok ko sa bawat ihip ng hangin habang sakay ako ng bike ko patungo sa border ng Astrid. I got to the meeting place early. Naka-braid ang kalahati ng aking buhok habang nakalugay ang baba. Bumagay ito sa cream floral jumpshort na suot kong pinatungan ng denim jacket at tinernuhan ng paborito kong puting sneakers. I parked my bike beside a tree then patiently waited for Chad. Hindi ko alam kung bakit napakabilis niya akong napapayag na makipag-kitang muli sa kanya. Para bang hindi ko magawang hindian kapag siya na ang nagsabi. Chadler Rickfort was once a stranger to me. Hindi ko siya kilala noon hanggang sa magkita kami sa Nexus game isang taon na ang nakararaan. Hindi rin siya imbitado sa debut ko dahil hindi rin naman daw siya mahilig pumunta sa mga ganoong salo-salo. But now, I accept his invitation as if I know him that well. Mula noong sabihin niyang ipipinta niya ako ay bahagyang gumaan ang loob ko sa kanya. He's still that serious grown up-looking guy I feared a year ago...but part of me craves for a sight of him. Para bang nakakaagaan ng loob na makita ang seryoso niyang mukha kahit na nangangatog ang mga tuhod ko sa tuwing sinusungitan niya ako. I took a glance at my watch. Ten minutes na ako rito. Hindi kaya masyado akong maaga? Sumandal ako sa puno at tahimik na naghum ng paborito kong kanta. I played with my hair then when I got bored with it, I traced the embroided name of mine on my watch. Pristine Hope Grimmerson. I smiled slightly when I remember what he called me the other night. Sa unang pagkakataon, tinawag niya ako sa aking pangalan. I was so used on hearing him say my surname instead of Ris or Pristine. Hindi rin ako madalas tawagin ng mga tao sa ikalawa kong pangalan at tanging siya lang ang pumiling tawagin akong Hope. Nagpatuloy ang malakas na ihip ng hangin at ang mabilis na paglipas ng oras. Nang lumampas na sa sinabi niyang oras ng pagdating niya at wala pa rin siya, naghintay pa akong muli ng higit tatlompung minuto ngunit wala talagang Chad na dumating. I felt something heavy on my chest the moment I rode my bike to go back to Astrid. Bawat pedal ko ay ang sama ng loob ko at kung sinomang makakakita sa akin ngayon siguradong tutuksuhin akong para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakainis. It took me a couple of hours to pick the right attire. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko iyon ginawa para lang sa isang taong wala namang ibang ginawa kung hindi amg sungitan ako. I wasted time and effort. Sa isang araw ay aalis na ako papunta kay Tito Rouge. Dapat sana ginugol ko na lang ang oras ko kasama ang pamilya at mga kaibigan ko hindi itong sinayang ko lang kakahintay. Dumiretso ako ng kwarto pagkarating ko ng bahay. Ang bigat ng bawat hakbang ko habang paakyat sa marmol na hagdan ay umaalingawngaw sa malawak na sala ng mansyon ngunit wala na akong pakialam. Napapatingin ang mga maids sa akin dahil sa kinikilos ko ngunit hindi ko na lamang sila pinansin. Nang marating ko ang kwarto ay kaagad akong dumapa sa kama at pinanggigilan ang aking unan. What was that? Pinagtripan ba ako ng taong iyon? Pwes hindi nakakatuwa ha! Ang sama pala talaga ng ugali niya. Sa susunod ay hindi ko na siya sisiputin kahit na manghingi siya ng tawad. I removed my shoes then buried my face on my pillow. Pinilit kong kontrolin ang inis ko kahit na gusto ko nang gutay-gutayin ang aking unan habang iniisip na pagmumukha ng Rickfort na iyon ang sinisira ko. I heard my phone beeped a couple of times. Hindi ko iyon pinansin. Pakiramdam ko nawalan ng lakas ang katawan ko dahil sa inis ko. I ended up hiding under my sheets. Pinilit ko na lamang itulog ang inis ko kahit na gigil na gigil ako sa taong iyon. Naalimpungatan lamang ako nang marinig ang sunod-sunodna katok sa aking pinto na sinasabayan ng matinis na boses ni Nick. "Ateeee! Ate Riiiis! Giseeeeng!" Paulit-ulit niyang tawag. Sinilip ko ang bintana. It was already dark and the stars are already lighting up the night sky. Ano namang ginagawa ng babaeng ito rito ng ganitong oras? Pilit akong bumangon saka ko tinungo ang pinto para pagbuksan siya. Nick grabbed my hand the moment I opened the door. "Halika may pupuntahan tayo!" Untag niya. "Hala sandali! Naka-slippers lang ako!" Protesta ko ngunit hindi siya tumigil sa paghila sa akin. Dire-diretso siya pababa. Ang kapatid kong si Reighver ay nasa sala at abalang makipaglaro ng xbox sa magkapatid na Cray at Gray. Ni hindi man lang nila kami tinapunan ng tingin nang bumaba kami ni Nick sa sala. "Reigh, nasaan sila Mum?" Tanong ko habang kinakaladkad ako ni Nicky. He kept on pointing his rifle on the TV screen. "On a date! They'd be home late!" Sigaw niya. "Yes!" He cheered. Nakipag-apir ito sa kambal na tila wala ring pakeelam kahit kinakaladkad ako ng magaling nilang kapatid. Nick and I went outside. Nagtaka ako nang makita ang isang cab na naghihintay sa labas ng aming gate. Pinagbuksan ako ng Nicky ng pinto saka niya ako halos itulak papasok. "Teka Nicky saan ba tayo pupunta?" Kunot-noo kong tanong. "Basta." She grinned then handed the cab driver a bill. "Manong take us to the west border. Keep the change for keeping a secret." Lalong nagsalubong ang aking kilay. "West border? Doon walang gaanong bantay anong gagawin natin do'n?" "Basta nga!" Nakangisi niyang sabi bago dinukot ang pera sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang simulan niyang humalakhak at paghahalikan ang perang hawak niya. "Mabibili ko na 'yong limited edition na collection sa mall." Nakangisi niyang sabi habang pinapaypay sa sarili ang pera. "Saan mo nakuha 'yan?" Nagtataka kong tanong. Tiniklop niya ang pera saka ito binulsang muli. "Nagtrabaho ako. I accepted a job offer." "Job offer ka diyan eh ilang taon ka pa lang." Untag ko. "Eh basta may nag-offer ng trabaho tinggap ko. Ayan, may pera ako." Nagtaas baba ang mga kilay niya. "Ewan ko sayo, Nicky kapag tayo napahamak sa pinaggagagawa mo naku isusumbong kita." Pagbabanta ko. Sumimangot siya. "Uy wag ah. Sayang ang pera tsaka safe naman tayo I mean ikaw lang pala. Sigurado naman ako harmless siya." Lalong nangunot ang aking noo. "Sino? Sinong nag-utos sayo?" "Mmm." She touched her chin then looked outside the cab. Nang maiparada na ng driver ang cab sa tapat ng border ay itinuro ni Nicky ang pulang kotse ilang metro ang layo mula sa amin. "Siya." Sinundan ko ang direksyong itinuro niya. Nang makita ko ang taong nakaupo at seryosong nakapamulsa habang nakatingin sa amin ay bigla akong napasimangot. Umiling ako. "Ayaw kong makita iyan. Umuwi na tayo." "Hindi pwede." Protesta niya saka niya ako pinagtulakan palabas saka niya binuksan ang pinto sa gawi ko dahilan para malaglag ako palabas. Nicky shut the door immediately. "Manong tara bilis!" Humahagikgik niyang utos sa driver. Nanlaki ang mga mata ko nang patakbuhin ng driver ang sasakyan paalis. "Hoy, Nicky!" Napasabunot ako sa aking buhok nang tuluyan silang nakalayo. Bumagsak ang aking mga balikat at wala akong nagawa kung hindi balingan ang taong nasa pulang kotse. Sumimangot ako sa kanya saka ko tiniklop ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdob. "You paid her to do that to me?" May bahid ng inis kong tanong. Hindi siya kumibo. Tumayo siya at nagsimulang humakbang palapit sa akin nang hindi man lang pinuputol ang seryosong pagkakatitig sa aking mga mata. I tried to fight his gaze but I ended up turning my head on a different direction. Napapaso ako sa tindi ng kanyang titig at pakiramdam ko kaunti pa ay tuluyang manlalambot ang aking mga tuhod. He stopped half a meter away from me. Nanatili akong nakatingin sa mga puno ngunit nang hawakan niya ang aking baba para iharap ang aking mukha sa kanya ay parang nawalan ako ng lakas. "Hindi ko sinadyang hindi ka siputin kaya 'wag mo akong simangutan." Seryoso niyang sabi. Napairap ako sa narinig. "Ikaw na itong hindi sumipot ikaw pa itong may ganang magsalita ng ganyan." Inis kong asik. He let out a heavy sigh then grabbed my wrist. Nang magsimula siyang humakbang pabalik sa kanyang sasakyan ay para akong timang na nagpatianod sa malalaki niyang hakbang. I felt my cheeks staining red when I stared at his hand on my wrist. Kung hawakan niya ako ay para akong makakawala. Binitiwan lamang niya ako nang makarating kami sa tapat ng kotse niya. Dumiretso siya sa backseat at kinuha roon ang isang parihabang bagay na may balot na brown na papel. Naupo siya sa hood ng kanyang sasakyan saka niya iniabot sa akin ang bagay na iyon habang nakatitig sa akin ang mga mata niya. "I tried to finish it hindi ko na napansin ang oras." Seryoso niyang sabi. Napalunok ako bigla. Nanlalamig ang mga kamay ko nang tanggapin ko ang bagay na iyon. I glanced at him with my mouth half open, unable to say anything to keep myself mad at him. He patted the space beside him before he folded his arms in front of his chest. "You may sit here." Hindi na ako sumagot. Naupo ako sa kanyang tabi saka ko sinimulang punitin ang papel na bumabalot sa bagay na iyon. Nang tuluyan ko itong maalis ay tuluyang nalaglag ang aking panga. Ang painting... He painted my face with blue and green neon colors kaya naman lumitaw ang imahe sa dilim. Ang mga mata ko ay asul na adul at ang aking mga labi ay bahagyang nakaawang. Tila nililipad ng hangin ang aking buhok at may kakaibang awra ang pagkakapinta sa larawan. "A-Ang g-ganda..." I muttered. My lips still in awe. Ngayon ko napatunayang napakagaling nga talaga niya. "Did you like it?" He mumbled. Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Are you kidding me?" Tumingin ako sa kanya. "Ang ganda-ganda nito!" Matipid siyang ngumiti saka mahinang tumango. "Buti naman nagustuhan mo. Kulang pa ang bayad niyan. Mahal ang talent fee ko." Untag niya. Bahagyang nagsalubong ang aking kilay. "Magkano ba?" He pouted. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tenga saka siya matipid na ngumisi. "Nah, babe. I'm not talking about money." Nakagat ko ang ibaba kong labi nang madama ang pag-init ng aking pisngi. "K-Kung gano'n, a-ano pala?" He smirked then pointed his right cheek. "Give me a goodbye kiss." Napalunok ako sa narinig. Hindi ako nakakibo at nanatili lamang na nakatitig sa kanya. Nang mapansin niya ang reaksyon ko ay bigla siyang mahinang tumawa. "I was just kidding, Hope. Don't take it--" He was cut-off with his words when I leaned closer to press my lips on his. My eyes shut when I felt his soft lips touched mine. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa ang alam ko lang, may nagtulak sa akin para dampian ng halik ang kanyang mga labi. I didn't move...so did he. Para bang kinabigla rin niya ang ginawa ko kaya nang humiwalay ako sa kanya at muling bumukas ang mga mata ko, umawang ang bibig niya at pareho kaming natulala sa isa't-isa. "T-Thank you." He stuttered. Hindi ako nakapagsalita ngunit nang makita ko ang pagguhit ng matipid ngunit matamis na ngiti sa mga labi niya, pakiramdam ko may kung anong kakaibang sayang bumalot sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD