SIX
PRISTINE
Hinawi ko ang aking buhok papunta sa likod saka ako bumaba ng sasakyan ni Chadler. Madilim na ang langit at kitang-kita na ang mga bituin sa langit. The moon is almost on its full form that made the night a bit brighter.
Sinara ko ang pinto saka ako kumaway sa may bintana. "Sige ha! Uwi na ako."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Tumakbo ako sa pinag-iwanan ko ng bike ko. Tinulak ko ang bisikleta patungo sa aspaltong daan saka ito sinakyan.
Sinimulan ko ang pagpadyak ngunit nang mapansing nakabuntot sa akin si Chad ay muli ko itong ihininto.
Lumingon ako sa kanya saka siya kunot-noong tinignan. His face was serious as he gaze back at me.
"Okay na ako rito pwede ka nang umuwi." Untag ko.
Tinango niya ang ulo niya. "Go ahead. Bubuntot lang ako hanggang sa makauwi ka." Seryoso niyang tugon.
Umiling ako saka ko sinulyapan ang aking asul na wrist watch. "Anong oras na baka gabihin ka kung bubuntot ka hanggang sa makauwi ako." I mumbled. Bumalik ang aking tingin sa kanya.
"Don't mind me. Ihahatid kita hanggang bungad ng Astrid." Tugon niya.
"Pero--"
"I said don't mind me." He cut me off.
Bahagya akong sumimangot. Nagkibit-balikat na lamang ako saka mahinang tumango. "Ikaw ang bahala."
Hindi na siya sumagot. Muli ko na lamang sinimulan ang pagpepedal. Siya naman ay mabagal na pinatakbo ang sasakyan niya habang nakasunod sa akin.
It felt awkward but at the same time, I felt a little special. Nobody had ever done this to me. Siguro ay masyado talagang takot sa tatay ko ang mga binata sa Astrid. Si Chad lang ang may lakas ng loob na gawin ang ganitong bagay.
Tahimik kong pinepedal ang bike ko habang pinagmamasdan ko ang buwan. It's always been beautiful in my eyes. Mum said the Moon Goddess decides for the lycans' destiny. She's the one who ties the knot of two people, making them soulmates or destined to be together forever.
My Mum and Dad are soulmates. They feel when the other is in pain. They share the same emotions. Their hearts beat as one.
I have always been fascinated with their lovestory. I envy Mum for having a guy like Dad as her mate. Not everyone can endure the way Dad did just to have Mum back to his life. Dumating na siya sa puntong pati ang buhay niya ay isinangkalan niya para kay Mum.
I wonder...would the Moon Goddess give me the same kind of man? Someone who'll be willing to wait for me that long if ever I'll forget about him? Someone who will do everything to win me back if he's lose me? Someone who'd love me the way Dad loves Mum?
How I wish she would.
Nang marating ko ang bungad ng Astrid ay sinalubong ako ng ilang Deltas. Beta Baron's brows furrowed when he saw me. Binitiwan niya ang hawak niyang kahon saka siya lumapit sa akin.
"Ris, it's already late. Anong ginagawa mo rito?" Kunot-noo niyang tanong. Nabaling kaagad ang tingin niya sa sasakyang nakabuntot sa akin. "Chadler?"
"Uhm, uncle Baron pauwi na po ako." Malumanay kong sabi saka ko sinulyapan si Chad na bumaba ng kanyang sasakyan.
"Beta, hinatid ko lang. Sorry if it's already late." Ani Chad.
Mahinang tumango si Beta. "Sige. Ako na ang bahala kay Ris. Umuwi ka na gabi na."
Chad flashed an apologetic smile to Beta Baron before he gazed at me. Hindi siya nagsalita ngunit ilang segundo niya akong tinitigan bago siya humakbang pabalik ng kanyang sasakyan.
Bwinelta ni Chad ang kanyang kotse saka sumenyas paalis. Nang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang pulang sasakyan ay muli akong bumaling kay Beta Baron. Bumaba ako ng bike ko saka ito itinulak habang naglalakad kaming dalawa.
"Iwan mo na 'yang bike mo ipapahatid ko na lang kay Casidy mamaya. Ihahatid na kita." Untag niya.
Mahina na lamang akong tumango. Kinuha ni Delta Ace ang aking bike saka ako pinagbuksan ni Beta ng pinto sa shotgun seat ng kanyang kotse. Nang makapasok na ako ay isinara niya ang pinto saka siya umikot papunta sa driver's seat.
Beta Baron brought me home. Good thing wala pa si Daddy. Si Mum ay nagtanong lamang ng kaunti dahil abala rin siyang makipag-usap kay Tita Tina.
I went straight to my room to take a bath. Nang katukin ako ng maids para sa dinner ay bumaba ako kaagad. Naroon na si Dad sa dining hall nang bumaba ako. Lumapit ako sa kanya saka humalik sa kanyang pisngi bago ako naupo sa silyang katabi ni Mum.
Dad and Mum talked about random things about Astrid and the company. Mayamaya'y napunta ang usapan sa pack ng Galum.
"I heard Pearce will turn over Galum to Chadler next month." Mum mumbled.
Tumango si Dad. "Nasa tamang edad na si Chadler. Isa pa matalino siyang bata. Hindi ko lang gusto ang mga nababalitaan ko tungkol sa pagiging babaero ng batang 'yon. Reminds me of Meiko during her younger years. Before Pearce happened to her life."
Napailing si Mum. "Ano ka ba, luv. Lahat naman ng kabataan nagdadaan sa panahong gusto nilang subukan at enjoyin ang buhay nila."
"Not me, luv. Hindi naman ako umabot sa puntong napunta sa ibang babae ang atensyon ko. I've been yours since the very beginning." Dad held Mum's hand and gently squeezed it.
Mum smiled slightly. "That's because you gave me your mark early."
Napangisi si Daddy. "Maaga, late, pareho lang 'yon. Akin ka pa rin, Tracy."
Napailing na lamang si Mum. Halatang kinikilig pa rin siya sa tuwing ganoon ang mga sinasabi ni Daddy. The sparkle in her eyes never changed. Mararamdaman mong mahal na mahal pa rin talaga nila ang isa't-isa kahit na ilang taon na silang magkasama.
I put my spoon down. "Dad?" Mahina kong tawag.
Nabaling ang tingin nila sa akin. "Yes, honey?"
I gulped. "H-How did you know that it w-was Mum? You know, your mate?" Nag-aalangan kong tanong.
Nagkatinginan silang dalawa dahil sa aking tanong. Uminom sandali si Dad ng tubig saka niya pinunasan ang basa sa gilid ng kanyang labi.
"Well, hindi ako, Ris. It was my wolf that felt the bond. It was the one who knew that it's your Mum that's destined for me." Tugon niya.
Mahina akong napatango. "Paano niya po nalaman? I mean, what are the signs?"
"It just felt it. Tracy's scent is the most fragrant scent for my wolf. Parang may invisible string na nagdudugtong sa amin, something is dragging it that made it hard for my wolf to resist her." Sagot ni Dad.
Mum wiped her lips. "Why, Ris. Have you found your mate?"
Nanlaki ang aking mga mata. Bigla kong naalala kung gaano kabango si Chadler sa pang-amoy ko at kung papaanong biglang umibabaw ang aking wolf nang makaramdam ako ng kakaiba kanina.
Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. "H-Hindi pa po." Nahihiya kong sagot.
"Good." Dad murmured. "Because I wasn't ready to see my girl with a mark. Not just yet...and I don't think I will ever be ready for that."
Mahinang hinaplos ni Mum ang braso ni Dad. "Luv, hindi nati mapipigilan 'yan."
"I know, luv pero utang na loob. I'd trade whatever the Moon Goddess would ask me to just to make my little girl more years mateless." Frustration is written on Dad's face.
Napailing si Mum habang hindi maitago ang ngiti. "Look who's paranoid now..."
Naihilamos ni Dad ang kanyang palad sa kanyang mukha. "I'm not paranoid. I'm just...I can't imagine my little girl being taken away from me, Tracy. Hindi ka ba natatakot na baka kung sinong tarantado lang ang mapunta sa anak ko?"
"Hindi naman bibigyan ng Moon Goddess si Pristine ng kung sino lang, Levi. Siguradong bibigyan niya rin ang anak mo ng taong nararapat sa kanya." Ani Mum.
"Sana nga dahil kung hindi, I swear I'd s*******r her mate." Pagbabanta ni Daddy.
"Levi!" Suway ni Mum.
Dad sighed. "Sorry, luv."
After dinner, pumanhik ako ng kwarto at kinuha ang laptop ko sa drawer. Dumapa ako sa kama at binuksan ang social media accounts ko.
Nick chatted with me, telling me random stuffs...again. May future talaga sa pagiging showbiz reporter ang isang ito. Parang lahat yata ay nalalaman niya.
"I heard kuya Knight is courting someone." Ani Nick.
I gulped. Parang nanlamig ang mga kamay ko sa nabasa.
"Really? Sino daw?" Halos nanginginig ang kamay ko nang pindutin ko ang send button.
It took seconds before I saw her typing. Hinintay ko ang sagot ni Nicky ngunit nang biglang magpop-up ang isang mensahe ay napunta roon ang aking atensyon.
My brows furrowed when I saw the sender's name.
Chadler Rickfort.
Binuksan ko ang kanyang mensahe.
"You got home safe?"
Hindi ko alam kung bakit ako napangiti sa simpleng tanong na iyon. I've been asked several times by several people the same question but I never felt this way before.
Nakalimutan ko na ang sinabi ni Nicky dahil sa chat na iyon. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinitipa ang reply ko kay Chad.
"Yeah. Uncle Baron took me home. Kakauwi mo lang?" I asked.
"Oo." Matipid niyang sagot.
"Ah." I replyed.
Natagpuan ko ang sarili kog nakatitig sa display picture niya habang hinihintay na magpop-up muli ang reply niya pero ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin.
He's wearing a red v-neck plain shirt and black jeans while he's sitting on his car's hood. Seryoso ang kanyang mukha pero nadepinang mabuti ang kanyang panga na nagpalakas ng dating niya. His eyes were effortlessly fierce and his brows were so manly.
Napabuga ako ng hangin nang halos limang minuto na ay wala pa rin akong natatanggap na reply. Binuksan ko na lamang ang mensahe ni Nicky.
"I heard it's Bianca..."
Hindi na ako nagtipa ng reply. Parang wala rin sa akin ang nabasa ko. Tila biglang lumipad sa kung saan ang aking isip na hindi ko man lang nabigyan ng pansin ang babaemg tinutukoy ni Nicky.
Nahiga ako sa tabi ng laptop at tinitigan ang puting kisame. Isasara ko na sana ang mga mata ko nang biglang tumunog ang laptop senyales na may nagmessage.
Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang pangalan ni Chad. Para akong nabuhayan ng dugo. Agad kong binuksan ang mensahe niya. I frozed the moment I read his chat.
"I want to see you again, Hope."