Chapter 5

1366 Words
FIVE CHADLER I took a glimpse on my watch. Paulit-ulit kong ibinabato sa ere ang bola ng baseball na hawak ko habang nakaupo sa hood ni Rosa. It's already two in the afternoon. Where is she? Itiniklop ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko nang matanaw ang babaeng nakabisikleta at patungo sa direksyon ko. Hinahangin ang brown at hanggang baywang niyang buhok habang nakatingin siya sa akin. She's wearing a jumper jeans matched with a button down baby blue long sleeves with round neck and a pair of white sneakers. Napangisi ako. Bata pa talaga... Hininto niya ang bike niya isang metro ang layo mula sa kotse ko saka niya pinunasan ng likod ng palad niya ang namuong pawis sa kanyang noo. "Uhm, I'm late, aren't I?" He smiled nervously. Mahina akong tumango. "Yeah. An hour and a half. It's fine. I am just in the middle of nowhere, waiting for a child in bike." Seryoso kong sagot. Napayuko siya at napakamot ng ulo. "Sorry. Hindi kasi ako marunong magmaneho. Ayaw akong turuan ni Daddy. Bikes lang kaya ko." "Sana tumakbo ka na lang. Anak ka ng Alpha dapat mabilis ka." Komento ko. Umiling siya. "Mamamaho ako." Mahina akong tumango. Girls. Very typical of them. "May utang ka na naman." Ngumisi ako. Napailing siya habang umiirap. "Nick was right. You negotiate like your Mom. Doble ka nga lang." "It's cute to know you're aware who you're dealing with." I mumbled. Tumayo ako at dumiretso sa shotgun seat. Tumingin ako ulit sa kanya saka ko isinenyas ang ulo ko. "Tara. I'll bring you somewhere." Kumunot ang noo niya. "Akala ko dito lang?" "Nasaan ba tayo?" I c****d my brow. Bahagya siyang ngumuso. "N-Nasa border ng Astrid." "Pwede ka bang magpinta sa gitna ng daan?" I mumbled. Sumimangot siya lalo. "Paano 'tong bike ko?" "Iwan mo na diyan. Balikan mo mamaya." Simple kong sagot. "Baka hindi mo ako ihatid ah." Untag niya. Humalukipkip ako. "I wasn't raised an irresponsible one, Grimmerson." Napabuntong hininga siya. Wala rin siyang nagawa kun'di iwan sa may gilid ng daan ang bike niyang kulay pink. Umihip ang hangin at nilipad ang buhok niya. Bigla akong nakaamoy ng kakaibang bango. My eyes turned gold as I gaze at her. I felt my wolf furred as if it's trying to tell me something. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit binalik sa normal nitong kulay. Si Ris ay kunot-noong napatingin sa akin. Bahagyang umawang ang bibig niya pero hindi niya nagawang magsalita. Iniwas ko na lang ang tingin ko. "Tara." Naging tahimik lang siya habang nasa byahe kami papunta ng Galum. Nakatanaw siya sa labas ng sasakyan at mukhang naiilang pa rin sa akin. Mayamaya'y nag-play sa FM ang isang pambabaeng kanta. Bigla siyang mahinang nag-hum na tila sumasabay sa kanta. Mama said there'd be boys like you, tearing my heart in two. Doing what you do best. Taking me for ride, telling me pretty little lies but with you, I can't resist... Napapasulyap ako sa kanya sa tuwing mahina niyang kinakanta ang ilang parte ng kanta. "So when you hold my hand, do you wanna hold my heart?" She sang. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay nahihiya siyang ngumiti at lumabas ang dimple sa kaliwang pisngi niya. "Sorry, maingay ba ako? Favorite song ko kasi. Ang ganda 'no?" Nakangiti niyang sabi. She's trying to lighten up the mood, I can tell. Halata namang ilag pa rin siya sa akin pero pinipilit niyang itago. Napangisi na lang ako at napailing. Napaka-girly talaga. Malayo kay Mom. Nang hindi ako kumibo, bumuntong hininga na lang siya at tumahimik ulit. Hindi na siya sumabay sa kahit na anong kanta. Minsan ay binubugahan niya ng hininga ang salaming bintana saka niya isusulat ang palayaw niya sa loob ng hugis puso. Hindi ko na siya pinansin. Binalik ko ang atensyon ko sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami ng Galum. It's already five when we reached the central park. Nakauwi na ang mga batang naglalaro kaya wala nang gaanong tao sa bahaging gusto kong puntahan. Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot saka ako lumabas para kunin sa compartment ang mga gamit ko sa pagpinta. Pinasadahan ni Ris ng tingin ang buong paligid. Halatang nagustuhan niya ang lugar dahil may matipid na kurba sa labi niya. Humawak siya sa strap ng jumper jeans niya saka siya tumingin sa akin. "Saan tayo?" I pointed my paint brush on the swing area. "There." Tumango siya at nauna nang naglakad patungo sa sinabi kong lugar. Naupo siya sa gitnang swing saka ito mahinang pinaandar habang pinagmamasdan niya pa rin ang paligid. I set up my things a a couple of meters away from her. Nang maiayos ko na lahat ng gamit ko ay tinignan ko siya. Nang mapansin niyang nakatingin ako, huminto siya sa pagduduyan saka hinawi ang buhok niya papunta sa likod niya. "Game na ba?" Humalukipkip ako. "Bakit pumayag ka? Akala ko inis ka sa'kin?" "Uhm," nagkamot siya ng pisngi. "First time kasing may nag-alok na gawin akong subject. Dati ko pa kasi gusto." Mahina na lang akong tumango saka ko dinampot ang lapis. At hinawakan ang canvass. "Mababaw pala ang kaligayahan mo." Hindi na siya kumibo. Nanahimik na lang siya habang nakatingin sa akin. Sinusulyapan ko siya habang ginagawa ko ang sketch. Sa tuwing iihip ang hangin, nililipad ang buhok niya lumalantad ang kanyang leeg. Napapalunok ako kapag nararamdaman ko ang kakaibang apoy sa loob ko. Something wants me to put my pencil down, go to her and bite that flawless skin on her neck. Huminga ako ng malalim at hinilot ang bridge ng ilong ko. What the hell was I thinking? She's just a kid. "Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang tono. Bumaling ako sa kanya saka ako mahinang tumango. "I'm fine." Huminga na lang ako ng malalim at itutuloy na sana ang sketch nang mapansin ko ang nagawa ko na. Naiguhit ko na ang mukha at balikat niya pero nakalislis ang damit sa kanang balikat niya at may marka ng kagat sa pagitan ng balikat at leeg niya. "What the hell, Chadler..." I cursed to myself. Dinampot ko ang pintura at binuhos sa canvass saka ko hinilamos ang palad ko sa aking mukha. "Sure ka okay ka lang?" Tanong niya ulit. Nabaling sa kanya ang tingin ko. Bumuga ako ng hangin saka ako tumango. "I guess it's better if we'll just continue this some other time." Untag ko saka ako pumunta sa katabing swing. "Okay." Mahina niyang sagot saka niya ibwinelo ang swing. Hinayaan ko lang siya. Pinanood ko kung papaano siyang naglarong parang bata sa swing. So carefree. Handa na ba talaga 'tong pumunta ng ibang lugar? Parang hindi pa niya kaya ang sarili niya. "Sila Sorchia at Zydler na pala, ano? Akala ko ikaw ang gusto ni Sorch eh." Malumanay niyang sabi. "Malas niya. Tarantado si Zyd." Sagot ko. Ngumuso siya. "Hindi naman. Kaibigan ko 'yon mabait 'yon." Depensa niya. Napailing ako. "Lahat naman yata mabait para sayo." Ngumisi siya sa narinig. Nilakasan niya pa ang pagduduyan at hinayaan na lang ako sa sinabi ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, huminto siya at ngumisi sa akin. "Hindi ka naman nagduduyan itulak mo na lang ako. Napakamot ako ng batok. Tumayo ako at inayos ang laylayan ng damit ko saka ako pumwesto sa likod niya. Hinawakan ko ang bakal na tali saka ko hinila paatras. I gave her a push. Nasa likod niya lang ako habang tinutulak ko siya pero sa tuwing sumasayaw ang buhok niya sa hangin, lumalantad ang maputi niyang leeg. My eyes turned golden yellow. Sinubukan kong kontrolin pero nahihirapan na ako. Nang bumalik siya sa direksyon ko, bigla kong naihawak ang mga kamay ko sa baywang niya. My face went close to her neck. The tip of my nose brushed against her skin. I felt comfort when I inhaled her sweet scent. Sumara ang mga mata ko at lumalim ang aking mga paghinga. Ihinarap niya sa akin ang mukha niya. "Chad? Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. Pinilit long kontrolin ang paghinga ko. Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ang asul niyang mga mata. Bakas ang pag-aalala sa mga itong nakatitig sa akin pabalik. No. She can't be...we can't be. Lumunok ako at iniwas ang tingin. Binitiwan ko ang baywang niya saka ako tumalikod. "Mabuti pa iuwi na kita." Seryoso kong sagot saka ko mabilis na niligpit ang lahat ng gamit ko. ------ Song: Boys Like You by Anna Clandenning
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD