FOUR
CHADLER
I parked my car next to Knight's. Naupo kami sa hood ng mga sasakyan namin habang pinapanood kung papaanong mag-training ang mga pinsan niya.
"Have you heard? Sorchia already said yes to Zyd." He mumbled.
Tiniklop ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. "That's not good. Sorchia is too innocent for Zydler."
Ngumisi siya. "Oh, yeah? And Pristine is not innocent enough for you, Chadler?"
Umismid ako. "I don't know what you're talking about, man."
Napailing siya. Binaliktad niya ang kanyang sumbrero saka niya nilabas ang phone niya. Sandali niya itong kinalikot saka niya tinapat sa akin ang screen.
"Nick sent this to me. This was taken a year ago, hindi ko lang pinapansin.Sa party ni Sorchia ito, hindi ba?" Untag niya.
Walang gana kong tinignan sandali ang litrato saka ko muling binalik ang atensyon ko kay Crayson at Grayson.
"That was when I confronted her, that's all." I muttered.
Ngumisi ang gago saka naupo sa tabi ko at tinapik ang aking balikat. "Ris likes me. Alam ko 'yon noon pa."
"'Yon naman pala. Bakit hindi mo pa ligawan mga gano'n naman ang tipo mo. Mga patay na patay sayo." Komento ko.
Knight chuckled softly. "You know me, man. I don't date kids."
Napangisi ako. "She's already eighteen, Venzon."
"And we're twenty two, Chad. Mapapatay lang ako ng tatay niya." He mumbled.
Umiling ako habang nakangisi. "Mas lalo ako. We both know my Dad and her Dad's history."
"Nah. That was just bromantic shits. Isa pa, babalik na ako ng Rosset next week. I'll start my serious training with my Dad. Malapit nang malipat sa akin ang Aslaine." Untag niya saka humalukipkip.
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. "Me, too. Last week pa ko nagsimula. My Dad suddenly turned into a freaking terror commander."
Napahalakhak siya. "I heard he's the most ruthless among the six Alphas."
I smirked. "Yeah. Pero takot pa rin siya kay Mom. One glare. Just one glare, titiklop na siya."
"Reminds me of my folks. Crazies." He chuckled. Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. "How I wish I'd find someone like my Mom."
"I don't want someone like my Mom. Bossy masyado. Under si Dad. Ayoko ng gano'n." Untag ko.
Umismid si Knight. "Kapag tinamaan ka na biglang maglalaho lahat 'yang standards mo, Chad. Pustahan pa tayo."
Hindi ako umimik. I highly doubt that. Hindi mo naman kailangang ibaba ang standards mo para lang pumasa ang taong gusto mo. They should exert effort to fit with your standards hindi iyong ikaw lang ang mag-a-adjust.
"Oo nga pala," tumayo siya at inayos ang jacket. "Tara sa Astrid. Despedida ni Ris mamaya."
Kumunot ang noo ko. "Despedida?"
"Oo. Unfortunately, she decided to give way to Reighver. Ayaw niyang sundin ang tradition na kapag babaeng anak ng alpha, dapat magpakasal sa alpha. She wanted to pursue her film-making dream. She's flying to States next week to stay with her uncle Rouge and study abroad." May bahid ng lungkot niyang sabi.
Lumunok ako at binalik ang tingin sa kambal. Bakit ako malulungkot sa balitang 'yon? She's nothing but an aquaintance. Not a friend nor someone special. Who cares if she'll leave Remorse?
Bumuga ako ng hangin nang pumasok na kami ni Knight sa mga sasakyan namin. Nang maibwelta na ang mga kotse, sumenyas ang gago para sa isang karera.
My lips curved. "As you wished."
Inapakan ko ang gas at binarurot si Rosa, ang pinakamamahal na kotse ni Mom. My car now.
Sumipol ako nang maunahan ko si Knight. Humalakhak ako at sinenyasan siya. "Transfer my money tonight!"
Napailing na lamang siya habang nakangisi. Alam naman niyang hindi siya mananalo sa akin. I am Meiko Elaine's son. The best racer in Remorse. Racing with me automatically means transfering money on my account.
I slowed down when we reached Astrid's border. Huminto lang kami sandali ni Knight sa checkpoint saka kami nagpatuloy sa pagbaybay sa daan.
Pinauna ko na siya. Nakabuntot lang ako sa kanya hanggang sa marating namin ang bahay ng mga Grimmerson.
It's way bigger than ours. Talagang mayaman ang pamilya nina Alpha Levi pero bakas pa rin ang kababaan ng loob nila sa disenyo ng bahay. Walang magarbong entrance, gintong mga mwebles, at kung ano-ano pa. There's a touch of Luna Tracy's simplicity in every corner of their place.
Pinarada namin ang sasakyan saka kami bumaba. Nakasunod lang ako kay Knight habang papunta kami sa garden kung nasaan si Ris at mga kaibigan niya.
There are a dozen of round tables set in the area. May mga nakahandang pagkain at halayang eksklusibo para lang sa mga kaedaran at kaibigan niya ang party.
I scanned the people sitting on the other tables. May ilang kilala ko may ilang ngayon ko lang nakita. Nang mapako ang tingin ko kay Ris na nakikipagtawanan sa mga kabigan niya, sandali akong napatitig.
Just a year had passed and what the hell happened? Parang biglang nagmature ang itsura niya. Nagkalaman niya hindi gaya noong huli ko siyang nakita. Patpatin at isang pitik lang tutumba na. Ngayon, nagkaroon ng kurba ang katawan niya.
Mayamaya'y biglang tinaas ni Knight ang kamay niya at tinawag si Ris. Sandaling tinignan ni Ris si Knight pero nang makita niya ako, unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi niya.
Bumaling siya sa mga kaibigan niya at tila nagpaalam saka siya lumapit sa amin.
"U-Uy. Buti nakapunta kayo." She awkwardly said. Halos hindi siya makatingin sa akin habang nakatitig ako sa kanya.
Knight stood up and pulled a seat for her. Nang makaupo na si Ris ay umayos ng tindig si Knight. "Kuha lang akong pagkain, Ris gutom na ko eh."
"P-Pero Knight--" Natatarantang tawag ni Ris pero tinalikuran na kami ni Knight.
Napabuntong hininga siya. Muli siyang umayos ng upo at sinubukan akong tapunan ng tingin. "S-Salamat sa pagpun--"
"Aalis ka?" I cut her off.
She nodded. "Oo. Sabi ni tito Rouge maraming magandang school sa States."
I pressed my lips together. "Malayo 'yon. Mahirap na kapag tatanga-tanga."
Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Hindi ako tanga, Rickfort."
My lips curved and my brow c****d. "Really? I don't think so. You look fragile, you know? Malakas ang hangin do'n baka liparin ka patpatin ka pa naman."
Nagngitngit ang mga ngipin niya sa inis. "Sinabing hindi. Anak ako ng Alpha. I am strong."
Lalong lumawak ang ngisi ko. "Then prove it."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "What do you mean?"
Tumayo ako at nagpamulsa saka ko sinenyas ang kakahuyan sa likod ng kanilang mansyon. "Let's go for a run. You beat me, I'll stop calling you that way. Well ofcourse if you admit that you really are--"
Hinampas niya ang mesa saka padabog na tumayo lumapit siya sa akin ng nanlilisik ang mga gintong mga mata at nakaigting ang panga. "Fine." She smirked. "Let's go for a run."
Tinulak niya ang dibdib ko saka siya nagsimulang maglakad papunta sa kakahuyan.
Nakangisi lamang ako habang humahakbang patungo roon. Nang makarating siya sa kakahuyan ay tuluyan siyang tumakbo.
Pinatunog ko ang leeg ko saka ako nagsimulang tumakbo hanggang sa maabutan ko siya. Magkatapat na kaming dalawa. Tumatalon siya sa mga puno na parang sanay na sanay siya. I have to admit. Hindi ko inakalang maliksi pala siya.
Halos hindi na namin napansing masyado na kaming napunta sa malayong banda ng kakahuyan. Panay ang pagsulyap namin sa isa't-isa. Walang handang magpatalo. Minsan nauuna ako minsan naman ay siya. Kumikislap ang ginto naming mga mata sa tuwing nagbabatuhan kami ng tingin.
Ris jumped on a branch. Nang mag-c***k ang natapakan niya ay muntik na siyang mahulog.
I ran as fast as I could towards her direction. Sinalo ko siya at sabay kaming bumagsak sa tuyong mga dahon. Sandali kaming nagpagulong-gulong hanggang sa tuluyang huminto. She's lying under me, breathing heavily, staring at me with her innocent blue pools.
I gulped when I felt something. Like a knot being tied as we share the same air. My eyes went down to her half open mouth. Her lips are as pinkish and a little shiny. May mabango itong amoy na mukhang dahil sa inilagay niya sa kanyang mga labi.
I don't know what got in my head. Bumaba ang aking mukha hanggang sa tuluyang lumapat ang mga labi ko sa kanyang mga labi.
Volts of electricity run through my viens the moment I felt her tender lips. It's so soft that I want to chew it, suck it, brand it as mine.
My hand clutched on her hair as I gently brushed my lips against hers. When I felt her slowly responding to my kisses my eyes slowly shut.
Her arms curled on my neck, making me feel dizzy, like a drunk man drowning with the sensation.
I sucked her lower lip and enjoyed the cherry flavor of her lip balm. Halos panggigilan ko ang napakalambot niyang mga labi.
Nang kapusin kami sa hangin ay doon lamang naputol ang halik. We stared at each other blankly, like we have no idea what the hell did just happened. Her lips remained parted and her minty hot breath fanned my face.
"T-That..." She breathed sharply. "That was m-my first time..." Tila wala sa sarili niyang sabi.
Hindi ako nakasagot. Tumayo ako saka ko siya inalalayan pataas. Nang makatayo na siya ay nagkatinginan kami ulit na parang wala pa rin sa mga sarili.
Napaiwas siya ng tingin saka ako tinalikuran. Inangat niya ang isa niyang kamay at hinaplos ang kanyang labi.
"That was my first kiss..." She murmured.
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Humugot ako ng malalim na hininga saka ito marahas na pinakawalan.
"I'm sorry." I mumbled.
Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Muli na lang akong napabuntong hininga. I suddenly felt guilty. I lost control. I took advantage of her innocence.
Hindi na lang muna ako nagsalita. Lumapit ako sa isang puno at doon sumandal. Hinayaan ko muna siyang manahimik pero nang ilang minuto na ang lumipas at tahimik pa rin siya hindi na ako nakatiis.
"So, abroad? Kelan balik mo?" I asked casually.
Binaba niya ang kamay niya saka siya huminga ng malalim. "After two? Four years? I honestly don't know." Mahina niyang tugon.
I felt a sudden tug in my chest. Lumunok ako at binaon ang mga palad sa bulsa. "That long?"
Mahina siyang tumango. "Yeah. Sila Daddy na lang daw ang dadalaw sa akin."
"Paano na ang mga maiiwan mo rito?" I mumbled.
Humarap siya sa akin ng may mapaklang ngiti. "Wala naman akong iniiwan. Babalik pa naman ako matatagalan nga lang."
Hindi ako kumibo. Nanatiling nakatitig sa mga mata niya ang tingin ko. I took in a sharp breath then released it.
"I'm sorry for stealing your first kiss. I'll pay you back." I muttered.
Kumunot ang kanyang noo. "Nababayaran ba 'yon, Rickfort?"
I flashed a half smile. "I'll give you a parting gift."
"Ano naman?" She asked.
Umayos ako ng tindig.
"I'll paint you..."