Chapter 3

1575 Words
THREE PRISTINE Dad pulled a seat for me. Nakaupo kami malapit sa tables nina Alpha Xander. Nang makita ako ni Zydler ay ngumisi kaagad ito saka kumaway. I smiled at him then waved back. We were friends since gradeschool. He has this bad boy awra just like his father but we still clicked as friends. May kahabaan ang buhok niyang bumabagsak sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at bahagyang natatakpan ang kanyang kaliwang mata ngunit napakalinis pa ring tignan. Crayson pulled a seat for Nick. Nang makaupo na ang kapatid niya ay nagpaalam din siya kaagad sa amin. Nicky is wearing her favorite red dress. Wala siyang make up pero naka-waterfall braid ang kanyang buhok. "Ate Ris, kuya Zyd's gonna sing for ate Sorchia tonight. I think he likes her." Chismis nito sa akin. Napangisi ako. Sinulyapan ko si Zydler na abalang magtono ng gitara kasama ang kanyang ama. "I bet he is. He likes innocent ones like his dad." I chuckled softly. Natawa si Nicky. "I'm sure ate Sorchia won't like him. Iba ang type ni ate Sorchia." Kumunot ang aking noo. Itong batang ito talaga ang dami nang alam sa ganitong bagay. "How'd you know?" Kunot-noo kong tanong. She pulled me closer to whisper in my ear. "Kasi ate Sorchia likes kuya Chad." Awtomatikong nabaling ang aking tingin sa pangatlong mesa mula sa aking pwesto. Natigilan ako nang makita ang taong nakatingin sa amin ni Nicky habang may hawak na baso ng wine. He c****d his brow at me as if he knows what Nicky and I were talking about. Iniwas ko kaagad ang aking tingin. I'm really not comfortable with that guy. Napaka-dominante ng kanyang itsura. Tila ba lahat ng sasabihin niya ay dapat mong sundin kung ayaw mong mabalian ng buto. I forced a smile at Nicky. "Well then good for her if she'll end up with Chadler. I heard he's doing great at school like how his Dad used to." "Yeah! Plus he's the captain of their Nexus team. And he's good at painting and he's a--" "What did you say? He's good at what?" My brows furrowed. Nagsalubong din ang kilay ni Nicky. "He's really good at breaking hearts. He doesn't care if he'll break his?" Tumawa si Nicky. Napangisi na lamang ako habang umiiling. "Baliw ka talagang bata ka." "No, seriously. I heard he change girlfriends as if he's changing clothes." Bulong niya saka nangingiting pinagdikit ang mga labi. Napairap ako sa kawalan habang nakangisi. Muli kong sinulyapan ang pwesto ng taong pinag-uusapan namin ngunit wala na siya roon. Tanging si Yesha na lamang at ang mga magulang niya. I can't help but be in awe when I saw Luna Meiko. She's always been the stunning one. Para bang hindi kumukupas ang ganda niya. Maybe that's why Alpha Pearce is still that deeply in love with her. She maintained her beauty. Para bang nasa late twenty's pa rin ang kanyang itsura habang ang kanyang asawa ay tila kasing tikas ng kanilang panganay. Matangkad at maganda ang hubog ng katawan gaya ni Daddy. Halos lahat naman silang lima. Whenever the five Alphas circle together to talk about Remorse, they always call attention. They are all drop-dead gorgeous leaders. No wonder why many women still drool over them. The lights went dim and the spotlight focused on the mini stage. A sweet song placed in the background as Sorchia walked with her Dad, Alpha Layco. Her hair is as black as her Mom's but her eyes, she got Alpha Layco's. Para siyang manika sa kanyang pink ball gown. May maliit siyang korona at lace na gwantes. She really is the Magnison's princess. Alpha Layco is wearing black tux with gold cufflings. Nang maihatid niya na si Sorchia sa stage ay tinawag niya ang kanyang asawa para maipakilala ang kanilang anak. Alpha Layco held Luna Savanah on her waist as he delivered his speech. Lahat kami ay nakatutok lamang sa kanya habang nagsasalita siya. Matapos pormal na naipakilala si Sorchia, sinayaw siya ni Alpha Layco. Mayamaya'y tumayo na si Zydler at lumapit sa kanila para hilinging maisayaw si Sorchia. I saw how Alpha Layco and Alpha Jace threw glances at each other. Nang maipasa na ni Alpha Layco si Sorchia kay Zydler ay sinenyasan niya si Alpha Jace. "Xander, papipirmahin ko ng kontrata 'yang anak mo. Kapag umiyak 'yang anak ko pupulbusin ko 'yang city mo." Banta ni Alpha Layco. Ngumisi si Alpha Xander. "Mabait 'yang anak ko mana sa'kin 'yan." "Aba't!" Humarap muli si Alpha Layco kina Sorchia. "Zyd, bitiwan mo muna 'yang anak ko. Bumalik ka kapag sa nanay mo na namana ang buong pagkatao mo." Nagtawanan ang lahat sa narinig. Kukunin sana muli ni Alpha Layco si Sorchia ngunit lumapit na si Alpha Xander at inakbayan siya. Si tito Draco rin ay lumapit sa kanya at inabutan siya ng wine glass. "Let them be. They won't be kids forever." Ani tito Draco. Wala nang nagawa si Alpha Layco nang hatakin na siya ng dalawa palayo. Si Sorchia naman ay panay ang hingi ng tawad kay Zydler. Nagsimula nang magpunta ang iba sa dance floor. Cray took Yesha and danced with her while Grayson danced with his cousin, Phyam. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ko. Nang makita ko si Knight na nakatayo sa gilid kasama si Chadler ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso. He was laughing with Chad. Mayamaya'y nabaling ang tingin ko kay Chadler. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang hawak ng kabila ang kanyang wine glass. His set of perfect white teeth are in display. Tila ba bawat ngisi at halakhak niya o kahit pa matipid lamang na ngiti, lumalabas na ang dimple sa kanyang pisngi. It was so effortless. Like a magnet calling for every girl's attention. Nang mabaling sa aking direksyon ang kanyang tingin ay mabilis akong bumaling sa ibang direksyon. Pinanood ko kung papaanong isinayaw ng Alphas ang kanilang mga asawa. Hindi ko maiwasang mapangiti. They are so in love with each other. Parang wala silang kapagurang mahalin ang isa't-isa. Masyado silang hulog sa pag-ibig nila na hindi na nila ginugustong umahon pa. Naagaw ang atensyon kong nasa aking mga magulang nang biglang may naglapag ng wine glass sa mesa saka hinila ang upuan sa aking tabi. Napalunok ako nang masalubong ang seryosong tingin ni Chadler. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin. "Why are you stealing glances, Grimmerson?" He mumbled. Parang biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Napaiwas ako ng tingin saka humalukipkip. "H-Hindi ah." Mahina siyang natawang tila nainsulto sa naging tugon ko. Hinawakan niya ang kanyang panga saka niya inipit ng mga daliri ang ibaba niyang labi habang nakatitig pa rin sa akin. "I'm a lycan? I can tell when you're lying?" Tunog sarkastiko niyang sabi. Sinimangutan ko siya. "Hindi ba pwedeng nagkataon lang na napadaanan ka ng tingin ko? Hindi lang naman ikaw ang tao rito." Prente siyang sumandal sa back rest ng silya saka niya ipinatong ang kanang braso niya sa mesa. "Like I said, I'm a lycan. I can tell when you're lying." I rolled my eyes in frustration. "Whatever you wanna say to make your ego feel better, Rickfort." Ngumisi siya. "I charge girls whenever they steal glances at me, you know." Umawang ang aking bibig, hindi makapaniwala sa narinig. "Wow." I sarcastically said. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Really? And what do you want from me, asshole?" Ngumisi siya. "Madali lang." Bahagya siyang yumuko at ipinatong ang magkabilang  siko sa kanyang mga tuhod. I hate how he c***s his brow at me and how his freaking lips curve that way. Parang wala siyang matinong gagawin. "Call me by my first name." He mumbled. Nagsalubong ang aking mga kilay. "A-Ano?" Lumapit siyang lalo hanggang sa halos isang dangkal na lamang ang layo ng aking mukha sa kanya. Napalunok ako nang makitang napunta ang tingin niya sa aking mga labi. "I said, call me by my first name." Naikuyom ko ang aking mga kamay habang nakahawak sa tela ng aking dress. "C-Chad..." I stuttered. Mahina niyang iniling ang kanyang ulo. Nakatitig pa rin siya sa aking mga labi. "The whole thing, babe." He murmured. "C-Chadler...L-Luke C-Chad-ler." I mumbled. His face went a little closer. "Again..." "Luke Chadler." Mahina kong sambit. Kitang-kita ko kung papaanong kumurba ang kanyang mga labi. Muling bumalik sa aking mga mata ang kanyang tingin. I wanted to look away. The intensity of his gaze suffocates me as if he's taking my breath away intentionally. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang hawiin niya ang ilang hibla ng aking buhok saka niya pinadausdos ang kanyang mga daliri patungo sa aking baba. Pilit niyang ibinaling sa kanya ang aking tingin. "Next time, never change my first name, babe. My name is too cool just to be replaced with a shitty word." He mumbled. Tumayo siya at tinulak paatras ang upuan. Nanatiling magkatinginan ang aming mga mata hanggang sa tuluyan niyang binitiwan ang aking baba. "Did I make myself clear, Grimmerson?" Tumaas ang kilay niya. Lumunok ako saka mahinang tumango. "Y-Yes." Kumurba ang sulok ng kanyang labi. "Good girl." He murmured before turning his back on me. Nasapo ko ang aking dibdib nang tuluyan siyang nawala sa aking paningin. What the hell was that? Napasunod ako ng mayabang na iyon sa gusto niya? I can't believe you, self. Really... Naputol ang panunumbat ko nang lumapit sa akin ang pamilyar na bulto habang nakangiti. Knight offered his hand at me with a sweet smile written on his lips. "Sayaw tayo, Ris?" He mumbled. My jaw dropped and my heartbeat suddenly increased. Good karma ba ito? Kung ganoon kahit araw-araw na akong bwisitin ni Chadler. Okay, I was just kidding. I don't want to see Chad's face anymore...ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD