Chapter 2

1435 Words
TWO PRISTINE "There, honey. Fixed." Mum smiled as she stared at me in the mirror. Nakahawak ang mga kamay niya sa aking mga balikat. Pinagmasdan ko ang pagkaka-pusod ng aking buhok. It's a messy bun than made my features more define. Bumagay ito sa silver pixie gown na ipinagawa namin para sa party. Humarap ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Thank you, Mum." Hinaplos niya ang aking pisngi. "You're always welcome, honey." Sabay kaming lumingon ni Mum sa pinto ng aking kwarto nang pumasok si Dad. He's wearing his favorite white tux paired with a black polo and black jeans. Nakabaon ang isa niyang palad sa kanyang bulsa at may nakaguhit na matipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Done fixing the little lady, luv?" He mumbled. Humakbang si Dad papasok at lumapit sa amin. Tumayo naman ako at ipinakita sa kanya ang aking itsura. Dad scanned me from head to foot. Nang makita niya ang disenyo ng dress ko ay bahagyang kumunot ang kanyang noo. Naglakad siya patungo sa aking closet saka kumuha ng jacket bago siya bumalik sa amin. "Here. I don't like boys to stare at my little girl's body." He murmured like a usual over-protective father he's always been. I rolled my eyes in frustration. "Mum! Si Dad oh!" Mum giggled. Kinuha niya ang jacket mula kay Dad saka ito ihinagis sa ibabaw ng aking kama. Muli siyang humarap kay Dad at inayos ang bow tie nito. I watched how Dad put his hands on Mum's waist while he's staring at her as if it's always his first time to see her...so inlove. There's this sparkle in his eyes I only see in him. Pinagpag ni Mum ang balikat ni Dad. "You, mister, will not ruin my little girl's night. Do you understand?" "I just don't want boys to stare at her. You know, she's too pretty just like her Mum." He grinned. Mum smiled but rolled her eyes. "Seventeen years mo na akong binobola, Levi. Gasgas na ang linya mo. Wala na bang bago?" Tumaas ang kilay ni Mum. Dad pressed his lips together. "Meron. How 'bout I'll say it on Saturday, on a dinner for two, what do you say, luv?" Mum giggled softly. Inipit niya ang ilong ni Dad saka ito dinampian ng halik sa labi. I looked away. "Ew!" Dad chuckled. "No kissing for you, little lady. Kami lang ng Mum mo ang pwede so no boyfriends and no suitors." "Levi..." Suway ni Mum. "Luv, I'm just trying to protect her." Dad mumbled. Mum sighed. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Hindi kita pagbabawalan. You're a teenager but you should know that not all boys are like your Daddy. Some will just want you for fun, for a challenge, or maybe just to have a so-called trophy girlfriend that will boost their ego. You should let not just your heart to decide. You have to use this, too." Mum pointed my temple. "Hindi palaging tama ang puso." I smiled at her then nodded. "Yes, Mommy." "So," pinagsalikop ni Dad ang mga kamay niya. "shall we?" Mum nodded. "Let's go. Nakakahiya kung mahuhuli tayo." "Where's your son, Levi?" Tanong ni Mum habang pababa kami ng hagdan. Nakayakap ang mga braso namin ni Mum sa magkabilang braso ni Dad. "In the car. Too excited to go." Simpleng tugon ni Dad. "Please tell me you didn't let him play with the car stereo again?" May bahid ng pagkawalang-pag-asang tanong ni Mum. "Uhm..." Dad smiled nervously. Napairap si Mum. Bumitaw siya kay Dad saka nauna nang bumaba para puntahan ang pasaway kong kapatid. "Reighver Grimmerson, for heaven's sake stop pretending to be a disc jockey, son!" Nagpipigil ng galit na tawag ni Mum. Mahinang natawa si Daddy saka niya ako inakbayan. "Your brother reminds me of your Mum. Kailangan siya ang nasusunod noon. Look at them? Palagi tuloy silang nagtatalong dalawa." I giggled. "Nagmana ako sayo, Dad?" Ngumisi siya. "I beg to disagree, little lady. Parang awa mo na huwag sana." Kumunot ang aking noo. "Bakit po?" Dad flashed a half smile. "Because I don't want to see you doing the things I did for your Mum." Lalo akong binalot ng pagtataka. "Don't you want me to find a love like yours? Your love story is worth telling, Dad." Huminto si Dad sa paglalakad saka niya hinaplos ang aking pisngi. "I don't want to see you being in the same pain. It almost killed me, honey and I'd die if I'll see my little girl enduring the same pain." Napangiti ako sa narinig. Yumapos ako kay Daddy at ganoon din naman siya. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang tuktok ng aking ulo saka siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "If I could only stop time so you won't grow up, Pristine." Mahina akong natawa. "Daddy naman." Hinagod niya ang aking likod. "Halika na bago pa magtransform ang nanay mo. Trust me. You won't like that." He winked. Pagharap namin sa pinto ay nakapamewang na si Mum at nakataas ang kilay kay Daddy. "I heard that." Mataray niyang ani kay Dad. Tumatawa akong iniwan si Dad doon para pumunta ng sasakyan. I heard Dad trying to deny what he just said before I shut the door. Naupo ako sa backseat. Kaagad naman akong sinilip ng kapatid kong nakaupo sa shotgun seat. His blue eyes crossed as he tried to annoy me...again. I rolled my eyes. Inabot ko siya para halikan sa pisngi. He hates it whenever I kiss him. Pakiramdam niya binata na siya. He always end up being the one getting annoyed at the end. "Ew!" Reklamo niya at paulit-ulit na pinunasan ang kanyang pisngi. "Muuuum!" Bumukas ang pinto at pumasok si Mum at Dad. Si Daddy ang nagmaneho ay si Mum ay nasa aking tabi. "Enough." Suway ni Mum. Sumimangot si Reighver. "Si ate kasi. Rapist." Natawa ako. "Feeling ka naman." "Oo pati si kuya Knight baka ninanakawan niya ng halik. Nye!" Pang-aasar niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy!" Kumunot kaagad ang noo ni Daddy. "Knight? Knight Venzon?" "T-That's nothing, Daddy." Protesta ko. "Good." Untag niya. Napabuga na lamang ako ng hangin nang hindi na muling nagtanong si Dad. Naging tahimik na pamang kami hanggang sa marating namin ang bayan ng Brenther. Tonight is Sorchia's sixteenth birthday. I heard almost all of the pack leader's family will be here...even Aslaine's ruling family. Pagka-park ni Dad sa kotse, kaagad na bumaba si Reighver dahilan para mapababa rin kaagad si Mum. Napailing na lamang ako. Ang kulit talaga ng isang iyon. Tatanda kaagad ang parents ko dahil sa katigasan ng ulo niya. Hinabol nila Mum si Reighver dahilan para maiwan ako sa tapat ng sasakyan. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Napakaraming sasakyan senyales na marami nga talagang bisita ngayong gabi. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang malamig na hangin. Bigla tuloy akong nagsising hindi ko dinala iyong jacket na kinuha ni Daddy. Backless ang aking damit at may maliit na manggas na bumagsak sa gilid ng balikat. Manipis din ang tela kaya naman tumatagos ang lamig na dala ng hangin. Sinubukan kong maglakad kahit na nilalamig ako ngunit nawalan ako ng balanse nang may mga dumaang ilang bata. Napaatras ako at natanggal ang isa kong sapatos. Dadamputin ko na sana ang heels ko nang isang pares ng sapatos na panlalake ang tumapat sa aking harap. Yumuko ang taong iyon saka tumalungko para damputin ang aking sapatos. Napalunok ako nang maamoy ang pamilyar na pabago. He's wearing a black with silver lining tux paired with white jeans. His hair was fixed in a manly, very intimidating manner as if he's a some model in a catalogue magazine. He patted his left shoulder. "Humawak ka." He mumbled. Napalunok ako sa narinig. Nang hindi ko siya sinunod kaagad ay kinuba niya ang aking kamay saka ito ipinatong sa aking balikat. Pakiramdam ko nakuryente ako bigla nang magdikit ang aming mga palad. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang iangat niya ang aking paa saka niya isinuot ang aking sapatos doon. Nang maiayos na niya ang pagkakasuot ay muli siyang tumayo at inayos ang kanyang tuxedo habang nakatingin sa akin ng seryoso. "Next time, wear something with a strap. There's no such thing as a real-life Cinderella story, Grimmerson." Seryoso niyang sabi saka niya ibinulsa ang kanyang mga palad. Napalunok ako sa hiya. Napakasungit talaga ng taong ito. Parang kasalanang maging matinong kausap. Tatalikod na sana siya nang magsalita ako. "P-Pristine." Huminto siya at muli akong nilingon. His eyes stared at me blankly as if I just said something stupid. Humigpit ang hawak ko sa aking bag. "Pristine ang pangalan ko." "I know...Grimmerson." Walang gana niyang tugon saka ako tinalikuran. I sighed in frustration. "Would you stop calling me by my last name? Sabing Pristine ang pangalan ko." He continued walking, with his hands in his pockets. "Bye...Grimmerson." He softly chuckled. Naningkit ang aking mga mata. "Asshole, Rickfort..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD