TUMINGALA si Riza sa kalangitan. The sky was clear and it looked peaceful. Napakaganda ng panahon nang hapong iyon. Perpekto ang maaliwalas na langit para sa sandaling iyon. “Marc! Marc! Marc!” “Oh, God, Marc!” “Mi amor, you’re back!” Iilan lang iyon sa mga hiyawan at sigawan na pumupuno sa paligid nang lumabas na sina Marc at ang iba pang riders sa likod ng entablado at puntahan ang kanya-kanyang motorsiklo. Nakasuot si Marc ng racing suit, ang helmet ay kilik nito sa tagiliran. Nakapaskil sa mga labi ni Marc ang pamosong ngiting iyon habang kumakaway sa mga fans. The Smiling Assassin is back, she thought. “They’re cheering for Papa, Mama,” bulong sa kanya ni Victoria. “Oo, anak. Na-miss kasi nila si Papa sa racetrack.” Inilibot ni Riza ang paningin sa mga taong dumagsa sa Alabang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


