bc

My Smiling Assassin (Completed)

book_age0+
5.3K
FOLLOW
48.3K
READ
second chance
arrogant
CEO
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

This is A Marc Marquez Fanfiction

Marc Marquez ---the reigning MotoGP champion. Tagged as The Smiling Assassin. Marc was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman's heart. Walang sinong babae yata ang hindi naaapektuhan ng ngiti nito. Kaya naman sa unang pagkakataon na masilayan ni Riza ang ngiting nito-kahit sa TV lang-ay naging instant die-hard fan siya nito.

Kahit imposible, nangarap pa rin si Riza ng isang happy-ever-after sa piling ni Marc. At marahil ay naawa sa kanya ang tadhana dahil nag-krus ang landas nila ni Marc. Maawa rin kaya sa kanya si Kupido at tuparin nito ang hiling niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Six years earlier   PATAY kang bata, ka. Nasiraan pa yata… nanghihinang sabi ni Riza sa sarili nang pumugak-pugak ang makina ng tricycle na kanyang sinasakyan. Napaungol siya nang tuluyang tumigil iyon. Kung kailan naghahabol ng oras ay saka naman nagkakaroon ng aberya. “Naku, Mareng Riza, nasiraan pa yata tayo,” anang kanyang kumpare. “Mag-aabang na lang ako ng masasakyan, pare.” Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Riza. Agad siyang bumaba ng tricycle. “Pakisabi na lang uli kay Mareng Ika na happy trip.” Galing siya ng bahay ng mag-asawa dahil nagpadespedida party ang kanyang kumare na mag-a-abroad. “Makakarating. Pasensiya ka na, ha. Naabala ka pa tuloy.” Pilit ngumiti si Riza. “`Kuu, wala iyon. Siya, sige. Lalakarin ko na hanggang sa may labasan at doon na ako mag-aabang ng tricycle.” Halos takbuhin na ni Riza ang paglabas sa highway. Naghintay siya ng ibang sasakyan. Subalit sadya yatang minamalas siya dahil walang mamataan na tricycle. Panay ang tapik ng kanyang mga daliri sa hawak na strap ng shoulder bag at halos manghaba ang leeg sa pagtanaw sa dulo ng kalsada sa pag-aabang ng panibagong tricycle. May mga dumaraang sasakyan ngunit pulos private. “Oh, great! Nagkaisa ba ang mga tricycle driver na huwag bumiyahe ngayon?” palatak ni Riza. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang sumulyap sa suot na relo. Oh, well, dinagdagan niya iyon ng isa pa, at hindi siya sigurado kung iyon na ba ang huli. Pasado alas-dos na ng hapon. Ibig sabihin ay kanina pa nagsimula ang event na ikamamatay niya kung hindi mapapanood. Damn! The event was very important! Namamawis na ang kanyang mga kamay sa antisipasyon. Iyon na nga ba ang pinangangambahan niya kaya nagdalawang-isip siya sa pagpunta sa bahay ng kanyang kumare. Kaya lang ay nakatango na siya at na kakompromiso na kaya napilitan siyang um-attend sa despedida. Dapat kasi, dinala na lang niya ang kanyang scooter. Oh, she was conscious of the time. Iyon nga lang, hindi siya pinakawalan ng kanyang kumare. At hindi siya pakakawalan ng kumare kung hindi siya nagpumilit na may kakompromiso pa siyang ibang tao at kailangan na talaga niyang umalis. “Oh, thank God!” bulalas ni Riza nang mamataan ang isang motorsiklong paparating. Agad niyang nakilala ang nagmamaneho niyon, ang kababata at kaibigan niyang si William. “Riza! Nag-aabang ka ba ng masasakyan? Naku, eh, may meeting ngayon ang TODA kaya wala kang masasakyan. Halina at ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo,” nakangiting sabi ni William nang tumigil ang motorsiklo sa kanyang harap.  “Ganoon ba? Naku, kung ganoon, hindi ako tatanggi sa alok mo. Kailangan kong makarating agad sa JeRi, eh.” Agad na siyang sumampa sa likuran ng motorsiklo. “Ah, sige, ako’ng bahala.” Ang JeRi na kanyang sinasabi ay ang snack bar na pag-aari na matatagpuan sa kabayanan. Kasosyo niya sa negosyong iyon ang ang kaibigang si Kaycee. Ang ‘Je’ sa JeRi ay kuha mula sa pangalan ng kababata ni Kaycee habang ‘Ri’ ay mula sa kanyang pangalan. They served pasta dishes, pizzas, fried chicken, and coffee. May free Wi-Fi sila kaya malakas ang panghatak ng snack house sa kabataan. And that Wi-Fi and her laptop were all that she needed right now. Mabilis ang pagmamaneho ni William kaya hindi naglaon ay nasa harap na sila ng JeRi. Mabilis na nagpasalamat si Riza sa kaibigan pagkatapos ay halos takbuhin niya ang pagpasok sa loob ng snack house. “Ngarag na ngarag ka, ha?” nakangising bati sa kanya ni Kaycee. Iningusan ni Riza ang kaibigan. Alam naman ni Kaycee kung bakit siya nagkakaganoon. Tuloy-tuloy na tinungo niya ang pinakaopisina nila. “Don’t worry. Inihanda ko na,” sabi pa ng kaibigan. “Thanks!” aniya bago pumasok sa opisina. Bigla rin naman siyang lumabas at isinabit ang “Do not Disturb” sign sa doorknob, making Kaycee laugh out loud. Huminga nang malalim si Riza bago umupo sa harap ng laptop. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang pindutin niya ang link kung saan mapapanood ng live ang MotoGP, the premier class of Grand Prix motorcycle racing kung saan kalahok at first seed ang kasintahan niyang si Marc Marquez. Oh, well, hindi pa pala alam ni Marc na magkasintahan sila. She just claimed it. “Damn,” mahinang bulalas niya nang pagbukas ng link ay nakitang nagsisimula na ang karera, hindi niya alam kung pang-ilang lap na iyon. Agad niyang itinutok ang mga mata sa mga rider at hinahanap ang partikular na numerong “93” na magsasabing iyon si Marc Marquez. Napangiti naman siya nang mamataan iyon. Ikinabit niya ang headset at ilang sandali pa ay tutok na ang kanyang mga mata sa panonood. “Kailangan mo lang maka-fourth place para maging champion, mi amor,” ani Riza. Ang MotoGP ay binubuo ng isang season bawat taon. This year’s season was composed of eighteen rounds. Ginaganap iyon sa iba’t ibang bansa. Bawat round ay magkakaroon ng katumbas na scores ang mga kalahok o rider depende sa kanilang finish position. The rider with the most points at the end of the season will be declared champion. At impressive ang performance ni Marc sa taon na iyon. He finished first in six of the fifteen rounds, finished second in six and finished third in three.There was one round where he did not win anything and another round where he was disqualified due to a technicality. Despite the loss and disqualificaion, Marc was still leading in the score sheet. At ngayong huling round nga ay kailangan lang ni Marc na maka-fourth place para ideklarang champion ng season na iyon. So far, everything was on the right track. Nahigit ni Riza ang hininga nang tumagilid ang sinasakyang motorsiklo ni Marc habang mabilis pa rin ang takbo. Tila ba matutumba na ang binata sa sobrang pagkaka-slant ng motorsiklo habang lumiliban sa isang kurba. Pakiramdam tuloy niya ay nakabitin ang kanyang buhay nang sandaling iyon. “Oh, there it is again. The Smiling Assassin’s aggressive riding style. Bike tilted and elbow scraping the tarmac! What a daring maneuver!” narinig ni Riza na sabi ng emcee. “Smiling Assassin…” nakangiting pag-ulit niya sa bansag ng motorcycling world kay Marc. Her heart leapt. He was tagged as the “Smiling Assassin,” because apparently, Marc was always smiling. At ang “assassin” ay patungkol sa galing ni Marc sa larangan ng pagmomotorsiklo at kung paano ina-outsmart ng binata ang mga kalaban sa mga daring moves nito. It appeared that Marc was pretty aggressive on the race track. Hindi lamang yata ngumingiti ang binata kapag nasa race track na as if he was thinking of the word “murder.” He looked fierce and focused. Ngunit sa oras na matapos ang karera ay nakapaskil na sa mga labi ng binata ang isang ngiti. Outside the race track and outside his camp, Marc gave the impression that he was happy-go-lucky. Idagdag pa ang talento at ang pisikal nitong katangian. Walang duda, isa na nga itong celebrity at marami itong fans—kabilang siya. “Oh, God…” makapigil-hiningang bulalas ni Riza nang nasa ikatlong posisyon na si Marc. “Ganyan nga, mi amor, ganyan nga… Huwag mo nang hangarin na maka-first place. Kailangan mo lang naman na at least maka-fourth place…” aniya, habang sumasabay ang kanyang katawan sa paggiwang ng motorsiklo ng binata. No crash, oh, Lord, no crash for my love! piping panalangin niya. Ang madisgrasya at mag-crash na lang ang magiging hadlang kay Marc para hindi maging champion. Mas mabilis pa yata ang t***k ng kanyang puso kaysa sa mga nagkakarera. “And that’s it! Marc finishes third but that’s more than enough for the Smiling Assassin to officially bag the championship title! Oh, my God! What a terrific season for Marc Marquez!” Napapalakpak pa si Riza kasabay ng isang pagkalakas-lakas na tili. “Yes, yes, yes! Wuhoooo!” “Guys, it’s okay, nasisiraan lang ng ulo ang kaibigan ko,” narinig niyang wika ni Kaycee na marahil ay para sa mga customer na nabulabog sa malakas niyang tili. Ang sunod na nakita niya ay ang pagtalon ni Marc mula sa motorsiklo. Mabilis na tinanggal ng binata ang helmet at nang i-zoom ang camera sa mukha nito, presto! Naroon na agad sa mga labi ng binata ang pamoso nitong ngiti. Natunaw ang puso ni Riza sa ngiting iyon. “Oh, my love. Mi amor…” Marc joined his adoring fans. Pagkuwa’y umakyat na sa podium, nakipagkamay sa second at third finisher, at nagsimula na ang awarding. Ginawa ni Marc ang tradisyon: kinalog-kalog ng binata ang champagne bottle na ibinigay ng isang crew saka binuksan. Dahil sa ginawang pag-alog ay sumirit ang mabulang laman ng champagne nang buksan ang bote ng alak. He showered the bursting champagne to his screaming fans and then he drank some of it. “Let us all congratulate the MotoGP champion, the Smiling Assassin, Marc Marquez! What a season for this amazing rider. Way to go, Marc! History has been rewritten as he has broken so many records! The Smiling Assassin never fails to surprise us.” Hinaplos ni Riza ang monitor nang muling i-focus ang nakangiting mukha ng binata. “Te amo, Marc.” “PAANO kung isang araw ay nasa harap mo si Marc?” nanunudyong tanong ni Kaycee kay Riza. Nagsasara na sila noon ng JeRi. Bukas ay Lunes at iyon ang pinaka-day off nila. Kapag Linggo kasi ay dagsa ang tao sa bayan kaya inilipat na lang nila ng Lunes ang kanilang day off. Two-year course lang ang kinuha ni Riza sa college kaya eighteen lang siya nang makapagtapos ng pag-aaral. She worked in an advertising firm for two years. Na-bore siya sa trabaho kaya nag-resign. Noon siya kinumbinsi ni Kaycee na magsosyo na lang sila sa isang negosyo. Isa kasi itong freelance computer programmer kaya hawak din ng kaibigan ang oras. Napahinuhod naman siya at napagkasunduan nila, base na rin sa isinagawa nilang feasibility study, na snack house ang magandang itayo sa kanilang bayan. It was doing well so far. Nakaisang taon na sila at maganda ang pasok ng pera kaya hindi na sila naging interesado na maghanap pa ng trabaho. Itinaob ni Riza ang huling piraso ng silya sa ibabaw ng mesa. Kapagkuwa’y malawak na nginitian ang kaibigan. “I’m telling you, hahagkan ko siya… sa mga labi.” Malakas ang tawang pinakawalan ni Kaycee. “Weh? Kaya mong gawin `yon?” “Of course! May karapatan naman ako, `no. Ako ang girlfriend niya,” nagmamalaking wika niya. Tinungo niya ang kusina para tingnan kung nakasarang mabuti ang mga tangke ng gas. Of course, ginawa na iyon ng mga staff nila ngunit sinisiguro niya na i-check iyon for safety reasons. “Alam mo, palala nang palala `yang obsession mo kay Marc,” ani Kaycee nang makalabas si Riza mula sa kusina. “Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend, eh! Ni wala ka pa ngang first real kiss! Napansin mo `yong diin ko sa pagkakabigkas ng ‘real’?” nakataas ang isang kilay na gagad ni Kaycee. Malakas na natawa si Riza. Of course alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan. Madalas kasi siyang mahuli ni Kaycee na hinahagkan ang larawan ni Marc. Paano pa kaya kung malaman nito na maging sa kanyang pangarap at panaginip ay hinahagkan niya ang binata? “Eh, kasi nga, naka-reserve na para kay Marc ang first real kiss ko. Sinasabi ko sa `yo, hindi maglalaon at papalitan ni mi amor Marc ang apelyido ko. Mula Riza Pabelonia ay magiging Riza Marquez ako, Mrs. Marc Marquez!” deklara niya na punong-puno ng pag-asam ang puso habang sa balintataw ay gumigitaw ang nakangiting mukha ng guwapong binata. “`Ne, balik din sa reality kapag may oras, ha?” buska naman ni Kaycee sa kanya. “Sige ka. Mamalayan mo niyan, bilanggo ka na ng pantasya. Mahirap lumabas doon. Tandaan, huwag lilipad nang mataas kung ayaw mong maging lagapak ang pagbagsak mo. Isa pa, para namang hindi ka aware sa balitang playboy `yang si Marc. Bukod doon, bali-balita rin na may nobya na `yan.” Iningusan ni Riza ang kaibigan. Hindi naman siya bulag o bingi. Alam niya ang issue na dakilang playboy raw diumano si Marc. Kung totoo man iyon ay hindi niya masisisi ang binata. For all she knew, ang mga babae mismo ang nag-aalok ng mga sarili kay Marc. Marc was pretty famous. Guwapo, mayaman, at nagtataglay ng wika nga, “makalaglag panty na ngiti.” Sino ba naman ang hindi magpapantasya sa binata? Siya man ay aminado na pinagpapantasyahan si Marc. “Para namang hindi mo alam na may nakaraan kami ni Marc.” “Yeah, right. At kailan nga uli iyon? Seventeen years ago? You were barely four years old back then. I bet kahit na anong halukay ang gawin mo sa isip mo ay hindi mo mare-recall ang memory na iyon. You were too young to remember!” Filipino-Spanish si Marc. Filipina ang ina at Spanish naman ang ama. Ang totoo niyan ay dating tagaroon sa kanilang lugar ang binata. They were quite well-off. Pag-aari ng pamilya nito ang isang malawak na rest house sa Ibayo. At sa rest house nagtrabaho bilang caretaker ang nanay ni Riza. At dahil single mother ang kanyang ina, kinailangan siyang isama ng kanyang nanay sa pagtatrabaho sa rest house. Ang kuwento ng kanyang nanay ay giliw na giliw raw sa kanya noon si Marc. He was three years her senior. Apat na taon na siya at pito naman si Marc nang magpasya diumano ang pamilya Marquez na mag-migrate sa Espanya. Ipinagbili ang rest house sa isang kamag-anak na sa Maynila naman nakabase, bagaman hanggang ngayon ay ang nanay pa rin ni Riza ang caretaker. Katulad nga ng sinabi ni Kaycee, napakabata pa ni Riza para maalala ang partikular na pangyayaring iyon sa kanyang buhay. Bumabase na lang siya sa mga kuwento ng kanyang ina. At malaking tulong ang mga kuwentong iyon sa kanyang kabaliwan sa binata. “Alam mo kontrabida ka! Pero hindi mo masisira ang araw ko. Champion si Marc. Yuhooo!” Miyembro si Riza ng mga fan page ni Marc. Bagaman hindi siya nagko-comment ay updated naman siya sa mga posting doon. Salamat sa Google translator na siyang inaasahan niya sa pagta-translate ng mga Spanish posting. Iyon nga lang, madalas ay sablay si Pareng Google. Hindi credible ang mga translation. “Sige, i-push mo `yan.” “Talaga.” Idinaan ni Riza sa pagsasayaw ang  pagbubunyi. Tawa naman nang tawa ang kanyang kaibigan.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

Payment of Debt

read
87.9K
bc

The Young Master's Maid

read
749.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.5K
bc

A Night With My Professor

read
496.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook