Chapter 2

2991 Words
“MARC, darling…” anang tinig na nagpagising sa kanya. Umungol si Marc bilang sagot. Dumapa siya, walang pakialam sa kahubdan. Nagmulat siya ng mga mata at nakita ang babaeng naging kaulayaw nang nagdaang gabi. Isang babae na ni hindi niya matandaan kung ano ang pangalan. She was just one of his fans who were dying to jump in his bed and have a night with him. She had nice curves, flawless skin, enticing legs, and a pretty face. Pasok ang babae sa kanyang panlasa. Isa pa, alam at naiintindihan nito ang salitang “no strings attached” katulad ng mga babaeng dumaan sa kanyang buhay. “I have to go…” bulong ng babae sa kanya. She kissed his head while running her fingers along his naked back. “Call me, Marc, anytime.” He gave her a vague smile. “Okay.” Umalis na ang babae at lumabas. He sighed. Ang paglabas nito ng pintuang iyon ay katumbas na rin ng pag-alis ng kanyang buhay. Hindi kailanman siya tumawag o naghabol sa isang babae. He was Marc Marquez, the modern definition of Prince Charming. Siya ang hinahabol ng mga babae. Marc reached for the television’s remote control. Binuksan niya ang TV. Napangiti siya nang makita ang balita tungkol sa kanya. Pakiramdam niya ay nasa alapaap pa rin siya kahit dalawang buwan na ang nakararaan mula nang manalo siya. Marc let himself walk down memory lane. He was Filipino-Spanish. Ang kanyang ama ang Spanish at ang kanyang ina ang Pinay. He was born in the Philippines and lived the first seven years of his life there. Bata pa lang siya ay hilig na niya ang mga bikes at motorsiklo. Sinuportahan naman siya ng kanyang pamilya. Pitong taong gulang si Marc nang mag-migrate sila sa Spain dahil sa kanyang pangarap. Sa murang edad ay nagsimula siyang sumali sa mga motorcycle racing competition. And that was when former 125cc world champion Alzamora spotted his talent. Ang lalaki ang naging manager at mentor niya. With his hard training, discipline, dedication, and raw talent, he made his debut at the age of 15. Naging maganda ang performance ni Marc with impressive podium finishes and victories. Hanggang sa maging tuloy-tuloy na ang pagguhit ng kanyang pangalan sa karerang iyon. Naging champion din siya sa kategoryang 250cc bago lumipat sa prestihiyosong MotoGP. And he was now a MotoGP champion. Ano pa ba ang mahihiling niya? He was already at the top. All he had to do now was stay on top. Ah, he just love the craft so much. It was not always about winning, it was the passion and the fulfillment that he liked the most. Para bang hindi kompleto ang buhay niya kung hindi sasakay ng bikes at motorcycles. Ang tunog ng telepono ang nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni Marc sa kasalukuyan. Bumangon siya at tinanggap ang tawag. It was his father. “`Pa?” “Marc, your last media commitment starts in an hour, right?” Oo nga pala. Mamaya na nga pala ang last media commitment niya. Isa iyong video interview. Pagkatapos niyon ay magkakaroon siya ng tatlong linggong bakasyon bago magsimula uli ang training at paghahanda para sa susunod na season ng MotoGP.  “Si, Papa. Why?” “Can you go home as soon as it ends?” Naalarma si Marc. “Is there a problem, `Pa? Puwede na akong umuwi ngayon din.” His father was pure Spanish. Pero dahil sa kanyang ina ay nag-aral ang ama ng Tagalog. Nagsasalita at nakakaintindi niyon ang ama. Kaya kahit bata pa siya nang lumipat sila sa Espanya ay matatas pa rin siyang managalog. Iyon nga lang may accent na siya. His father sighed. “Well, son, kailangan na nating tuparin ang napagkasunduan...”     “MARC! Marc!” “Te amo, Marc! I love you!” “Marry me, Marc!” Ilan lang iyon sa mga sigaw na malinaw na naririnig ni Marc nang bumaba siya ng black sedan sa harap ng isang hotel sa Catalonia, Spain. Malakas ang tilian habang isinisigaw ang kanyang pangalan. Nilingon niya ang pinagmumulan ng ingay. Naroon siya sa hotel para sa isang interview at hindi niya inaasahan na may mga fans na naghihintay sa kanya roon. Maluwang na nginitian niya ang mga ito, kinawayan, at binigyan ng flying kiss. The crowd went wild. Mabuti na lang at may mga guwardiyang kumokontrol sa mga ito. Kabi-kabila rin ang mga flashes ng camera. Bagaman nakangiti ay okupado naman ang isip ni Marc sa tawag ng ama. “Well, son, kailangan na nating tuparin ang napagkasunduan…” Nagpakawala siya ng buntong-hininga. He shrugged off the thought kahit pa nga ba malabong magawa niya iyon. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa hotel. “Mahal kita, Marc!” Napahinto sa paglalakad si Marc. Kung sino man ang sumigaw na iyon, isa itong Pilipino, isang kababayan. He grinned. Lumingon siya. “Mahal din kita!” aniya. Muli siyang kumaway at ngumiti sa mga fans bago tuluyang pumasok sa hotel. The interviewer and his crew warmly welcomed him. Ilang sandali pa at sinasagot na niya ang mga tanong ng interviewer. “Your father bought you a motorized bike when you were four years old, correct?” Napangiti si Marc sa alaalang hatid ng kauna-unahan niyang bike. “Ah, yes. We were still living in the Philippines back then. And that bike sparked my passion for this career. My family supported me all the way, which was why, we needed to migrate to Spain for my career.” “And now you are a MotoGP champion.” He nodded with humility. “Yeah. That’s why I always thank my family a lot. I am blessed because I have a family and a team that creates a good atmosphere around me. They’re the best support system.” “Judging from your performance, nine-time world champion Valentino Rossi believes that you could be the greatest rider. What can you say?” Nanlaki ang mga mata ni Marc. “Are you kidding me? He really said that?” hindi makapaniwalang tanong niya. Natawa ang staff sa kanyang naging reaksiyon. Who can blame him? Valentino Rossi was his idol. Isa ang lalaki sa mga successful rider na tinitingala niya nang husto. Kinumpirma ng interviewer na sinabi nga iyon ng kanyang idolo. “Really? Wow! I’m… I’m speechless. I mean, having my idol say that is like Christmas! I have so much respect for him and everybody knows Rossi is my idol.” “Do you realize that your smile isn’t only popular here in Spain, but across the globe?” Natawa si Marc. Sa hindi malamang dahilan ay tuluyang nawala ang bigat ng dibdib at alalahanin na dulot ng pagtawag ng kanyang ama. “Eh…well I do not know what to say. They call me the ‘smiling assassin,’ eh. To me, it’s all about work whenever I am on the racetrack. But after the race, after the competition, we are all friends.” Yet he was aware that his happy-go-lucky demeanor helped to mask the raw aggression he showed on the tracks. “Half an hour ago, you shouted something to a fan outside the hotel. What was that?” “Ah, that? Eh, I said: ‘Mahal din kita’. It’s Filipino. In English it means ‘I love you, too.’” “Oh. She got your attention because she’s…” “Filipina,” nakangiting sambit ni Marc sa interviewer nang hagilapin nito ang salita. “My mother is a Filipina. And I am half Filipino. I haven’t able to go back to the Philippines for the past seventeen years so I kind of missed them, my kababayan.” “You still know how to speak Tagalog? And I learned that you also know how to speak Italian.” “Ah, yes. At home we still speak Tagalog, even my dad and my brother Alex who was born here also speaks Tagalog. Eh, I learned Italian because we have Italians in our team, though, inside the paddocks English is our common language.” Ganoon pa man, mas nangingibabaw na ang Spanish accent niya. At ang “eh” ay hindi na nawawala. “So now, you’re on a break. Have you decided what you will do on your vacation?” tanong ng interviewer pagkaraang magtanong ng mga nangyari tungkol sa nakaraang season at sa paghahandang ginagawa ng team nila para naman sa susunod na season. “Well, I guess it’s time for me to unwind a bit.” Beach, beach, and beach. Iyon ang plano ni Marc sa kanyang bakasyon. “Can you tell us where you’re planning to go?” “Ah. No, no. Sorry,” tumatawang pagtanggi ni Marc. Dahil sa pagtawag ng ama, duda siya kung makakapag-enjoy pa nga ba siya nang husto. There might be some changes to his plans.   ANG TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Riza. Nakapikit na hinagilap niya iyon at pinatay. The first thing that came to her mind was Marc’s smiling face. Napangiti siya. Sapat na iyon para gumanda ang kanyang gising at ang buong araw niya. Without opening her eyes, she turned to the left side of her bed kung saan naroon ang bedside table. Hinagilap niya ang kanyang pinaka-most prized possession, itinapat iyon sa kanyang mukha bago dahan-dahang nagmulat ng mga mata. There. Sumalubong sa kanyang paningin ang nakangiting litrato ni Marc. Well, a six year-old Marc for that matter. Nakasuot ang batang Marc ng pambatang racing suit, kilik ang maliit na helmet sa tagiliran habang nakasandal sa isang maliit ding motorsiklo. May cap sa ulo ng batang Marc. At siyempre, ang pamosong ngiti na iyon na nagbibigay ningning sa mga mata ng binata. And it was a genuine picture. Patunay roon ang handwriting na nasa likod ng larawan. “Good morning, amor mio,” paos ang boses na wika ni Riza sa larawan. Naupo siya sa kama. Tinanggal niya sa frame ang litrato at binasa ang mga letrang memoryado na niya. Riza, I wish you can come with me to Spain. But your mother won’t let you come with me. She said I am too young to take care of you. When I grow up, I’ll see you again, I promise. Te amo, baby. -Marc Para kay Riza talaga ang larawan. At ang kuwento sa likod ng larawan na iyon? Well, ayon sa kanyang nanay, dahil nga raw kinagiliwan siya ng batang Marc ay ginusto nito na isama siya sa Spain nang mag-migrate na ang pamilya Marquez. Her mother even said na “hiningi” diumano siya ni Marc sa kanyang nanay. Siyempre ay hindi pumayag ang kanyang ina. Excited diumano ang batang Marc na umalis para sa pangarap and at the same time ay nalulungkot na hindi siya maisasama. She read the handwritten dedication once again. Perpekto na sana iyon kung hindi lamang sa isang salita—ang “Kuya” na binura lang ni Riza ng liquid paper. The dedication really said “Kuya Marc.” Yeah. Umaasa si Riza na isang araw ay darating si Marc para sa kanya, katulad ng ipinangako ng binata. “But what are the odds that you’ll keep your word, champion? Dumaan na ang maraming taon na wala akong naririnig mula sa `yo.” Marahil ay tama nga si Kaycee. Baka nabubuhay na lang siya sa pantasya. “Kunsabagay, sino nga ba naman ako? Kinagiliwan mo lang naman ako dahil naghahanap ka ng isang kapatid.” Oh, for so many years Riza really had no idea who Marc Marquez was. Not until she was nineteen. Nasa Maynila sila noon ng kanyang nanay para magbakasyon sa isang kamag-anak. May cable ang mga kamag-anak nila. At ang pinsan niya ay nagkataong fan pala ng motorcycle racing. Naabutan nila ang kanyang pinsan na nanonood ng 125cc motorcycle racing. Nang ianunsiyo kung sino ang nanalo, her mother shrieked upon hearing the name Marc Marquez. Habang siya ay tila naengkanto naman sa nakangiting mukha ng binata na naka-focus sa screen ng TV. Doon na nagsimula ang pagkukuwento ng ina ng tungkol sa binata. Luckily, naitago ng ina ang picture na ibinigay diumano sa kanya ng batang Marc. Noon naging tagahanga ng binata si Riza. She surfed the Internet, Googled his name, watched his YouTube videos, and many more. And the rest as they say was history.   Ibinalik na ni Riza ang litrato sa frame. Maingat na inilagay sa bedside table ang litrato bago tumayo. Enough of Marc and his smile. Maaga siyang gumising dahil gusto niyang maligo sa lawa sa Ibayo. Matagal-tagal na rin siyang hindi nagagawi roon. She terribly missed swimming in the fresh water. Bukod sa paglalangoy ay balak din niyang kumuha ng ilang litrato.       BUMABA si Riza ng sinasakyang scooter nang marating ang hanging bridge na patungo sa Ibayo. Binuksan niya ang dalang backpack. Mula sa bag ay inilabas niya ang isang DSLR camera. She clicked it open. Umatras siya ng ilang hakbang bago itinutok sa mga mata ang camera. She was aiming to capture the picturesque bridge on film. Ilang anggulo ang kanyang ginawa bago sumampa sa hanging bridge at tinanaw ang ibaba niyon. Mahigit apatnapung talampakan yata ang lalim niyon. And what was down below never failed to fascinate her, kahit pa nga ba tagaroon naman siya at madalas niya iyong nakikita. May munting creek doon na inaagusan ng malinaw na tubig. There were stones of different sizes. Nakakatuwa ring pagmasdan ang mga ligaw na bulaklak at orkidyas na kumakapit sa magkabilang gilid ng bangin. It looked so green and luscious. Natural na likha ng kalikasan. Ilang sandali pa at sunod-sunod na click na ang kanyang naririnig. As far as Riza could remember, mahilig na siya sa pagkuha ng mga larawan noon pa. Polaroid ang unang naging camera niya, hanggang sa ma-upgrade iyon sa digital cameras. Her latest camera was a DSLR. Pangarap naman niya na magkaroon ng professional camera. Ang sabi ng kaibigan niyang si Kaycee ay may potential daw siya sa larangan ng photography. May mata raw kasi siya para sa magagandang tanawin. Ayon pa sa kaibigan ay talento ang tawag doon. So at the age of eighteen, Kaycee had finally convinced her to try her luck at photography. Nag-submit siya ng ilang sample sa isang magazine. Sa kanyang pagkamangha ay natanggap ang mga larawan na kanyang isinumite. Isinabit na ni Riza ang camera sa leeg bago binalikan ang kanyang scooter. Pagbaba niya ng hanging bridge ay kumanan siya. Patungo talaga siya sa rest house ng mga Marquez—ang dating pag-aari nina Marc na ipinagbili sa kamag-anak kung saan nananatiling caretaker pa rin ang kanyang ina. Sa pagkakaalam niya, ang lupa pagbaba palang ng hanging bridge ay sakop na ng lupain ng mga Marquez. Bagaman nagsisimula ang bakod na barbed wire kalahating kilometro pa mula roon. Mga puno ng lanzones at rambutan ang naroon. Napangiti si Riza nang maalala na Agosto na nga pala. Panahon ng pamumunga ng lanzones at rambutan. Ilang sandali pa at tinitingala na niya ang mga puno ng lanzones na hitik sa bunga. A few more weeks at aanihin na ang mga iyon bagaman marami na ang hinog. Kukuha siya mamaya sa kanyang pag-uwi.   NATATANAW na ni Riza ang rest house. Isang palapag lang iyon ngunit mahaba at malaki. Yari ang rest house sa magagandang uri ng kahoy at kawayan. Maraming halaman sa harap na karamihan ay mga orkidyas na nakadikit sa mga tuod. Ilang metro mula roon ay ang lawa. There was actually a landscaped pathway from the house to the coast. Ang pinakagusto ni Riza sa lahat ay ang mahabang tulay na nasa lawa. Sa dulo ng tulay ay may malawak na platform. Muli ay kinuhanan niya ng litrato ang lugar. Ang alam niya ay hindi lang ang rest house ang pag-aari ng mga Marquez kundi pati na rin ang maliit na lawang iyon. Iniwan ni Riza sa balkonahe ng rest house ang kanyang backpack at scooter. Ang talagang pakay niya ay ang lawa. She wanted to swim. Hindi agad siya lumusong sa dagat. Naglakad-lakad pa muna siya sa baybayin. Nang marating niya ang malalaking bato ay naupo muna siya roon. After a few minutes, she finally decided to swim. Ilang sandali pa at tutok na siya sa paglangoy. “Okay, free style naman…” sabi ni Riza sa sarili makaraang magawa ng ilang beses ang butterfly at breaststroke. “One, two—” Natigilan siya. Namimintig ang isang binti niya! Tumigil siya sa paglangoy, pilit pinapayapa ang sarili. She floated. Ang naninigas na kalamnan ng kanyang binti ay pilit na inire-relax. Subalit tumuloy na iyon sa pulikat. “Tulong!” sigaw niya. Alam ni Riza ang panganib ng pulikat. Unti-unti siyang hihilahin niyon pailalim hanggang sa malunod siya. “Tulong! Tulong!” patuloy na pagsigaw niya. Natatakot na siya at humahalo na sa tubig ang kanyang mga luha. Lulubog-lilitaw na ang kanyang ulo. Pilit na pinaglalabanan ni Riza ang puwersa subalit hindi niya magawa. Hinihigop siya niyon pailalim at hindi na niya maiwasang makainom ng tubig. “Tulong!” desperadong sigaw niya. Subalit sino ba ang makakarinig sa kanya gayong nag-iisa lang siya roon? “`Nay!” O, Diyos ko! Tulungan N’yo po ako! piping panalangin niya. Pagod na siya at hindi na kayang palutangin ang sarili. Wala nang nagawa si Riza nang tuluyang lumubog ang kanyang katawan sa ilalim ng tubig. Tila puputok na ang kanyang dibdib sa kakulangan ng hangin kaya ibinuka niya ang kanyang bibig. Subalit hindi hangin ang pumasok kundi mga tubig. Nalulunod na siya. Bago tuluyang panawan ng ulirat si Riza ay nakita pa niya ang tila imahen na nasa kanyang harap. God! Maybe she was on the verge of having a hallucination. Isang bagay na nangyayari kapag nasa bingit na ng kamatayan ang isang tao.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD