EPISODE 2: Past Betrayal

948 Words
Nagpunta kinabukasan si Gizelle at Abi sa IBE Publishing Co. Pagkapasok nila sa building, sinabi nalang ni Giz kay Abi na magtanong sa front desk kung saan ang HR at hihintayin nalang daw niya sa lobby si Abi. Tumango si Abi at lumapit na sa front desk kung saan may lalaking nakatayo doon at may kumakausap sakanya na babae. “Hello po. Goodmorning.” Napatingin ang front desk officer sakanya at pati ang babae. “Good Morning Ma'am. How can I help you?” “Ahm...saan po dito yung HR?” Napabalik ang tingin ng babae kay Abi at siya ang nagtanong dito bago pa nakapagsalita ang front desk officer. “Ahm hello Goodmorning. Applicant?” Nakangiti nitong tanong kay Abi. “Yes po.” “Okay. I’m Kyla Suarez, the CEO’s secretary. Can I see your resume?” ibinigay ni Abi ang envelope kung nasaan ang documents niya. Tinignan yun ng babae at may kinuha na papel. “Paki fill up na muna itong form. Then bigay mo lang ulit sakin. I will assist you to our HR.” Tumango-tango si Abi at inabot ang form. “Okay po. Thank you po.” At finill-up an na ni Abi ang form. Tinuloy kausapin ng babae ang officer at may binibilin. Pagkatapos sagutan ni Abi ang form ay ibinalik na niya iyon sa babae. Tinignan ito ng babae at itinabi na. “Okay. Tara. Follow me.” At naglakad na ang babae at sumunod siya dito. Dinala siya ng babae sa parang isang testing room. Marami siyang kasabay. Nakita niya ang isang vacant seat at umupo siya dun. Nang mapalingon siya sa gilid niya, napatigil siya ng mamukhaan niya ang katabi niya. Napatingin din ang katabi niya sakanya at nagulat. “Abi...” “Nicole...” ---FLASHBACK--- 5 years ago… SCHOOL Matalik na magkaibigan si Abi at Nicole. Lagi silang magkasama kahit saan, kahit kailan. Isang araw habang naglalakad silang dalawa at nag-uusap habang may dalang inumin, may nakabangga si Abi kaya naman natapunan sila pareho ng iniinom niya. “Ay sorry. Sorry.” Napa-angat ang tingin ni Abi sa natapunan niya at nanlaki ang mata niya ng makilala ito. Napanganga naman si Beverly, ang natapunan ni Abi, at pati ang mga kasama nito na si Jolina at Erika. Napakuyom ng kamao si Beverly dahil sa inis. “Sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Sorry.” mangiyak-ngiyak na paumanhin ni Abi dito. “Sa tingin mo ba may magagawa yang sorry mo?!” inis na sagot ni Bevs sakanya. “Pasensya na. Pasensya na talaga.” Tumingin naman si Beverly kay Nicole na kasama ni Abi. Tinaasan niya ito ng kilay na para bang sign iyon at alam na ni Nicole ang gagawin niya. Kaya humarap si Nicole kay Abi. “Ano ba naman kasi yan Abi! Ba't hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!” Nagtataka na tinignan siya ni Abi. “Nicole...anong pinagsasabi mo?” “Slow ka talaga eh noh? Ang sabi ko ang tanga tanga mo! Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa magtiis na makasama ka eh!” Mas lalong kumunot ang noo ni Abi sa pagtataka sa mga sinasabi ni Nicole. “Nicole...” hinawakan ni Abi ang braso ni Nicole at napapikit naman si Nicole at tila pinipigil na maiyak at maawa. “Anong pinagsasabi mo? Bakit nagkakaganyan ka? Nicole...ako to. Si Abi. Yung kaibigan mo---" Pabalang na inalis ni Nicole ang pagkakahawak ni Abi sa braso niya na kinagulat nito. “Kaibigan?” napangisi si Nicole na para bang isang biro lang ang sinabi ni Abi. “Sa tingin mo ba talaga tinuring kitang kaibigan? Pinagtiisan lang kita dahil yun ang hiningi sakin nila Bevs. Kaya wag kang umasa na magkaibigan tayo.” Hindi makapagsalita si Abi dahil sa gulat sa mga nangyayari. Lumapit si Nicole kila Beverly at napasunod siya ng tingin dito. Unti-unting napalitan ng galit ang nagtatakang mukha ni Abi habang nakatingin kay Nicole. “Bakit? Bakit Nicole?! Bakit mo ginawa to?! Akala ko ba magkaibigan tayo? Sabi mo diba strong tayo?! Dahil tayo ang totoong magkaibigan?” naiiyak na sigaw ni Abi dito dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagtatraydor ni Nicole sakanya. Tinatagan ni Nicole ang sarili niya at lumapit kay Abi at nakipagtitigan dito. “I'm sorry kung naniwala ka sa lahat ng yun. Yun lang ang masasabi ko sayo Abi.” At natigilan saglit si Abi at napatango-tango. “O sige. Salamat ah? Salamat sa fake friendship. Naging masaya ako sa mga panahon na yun.” tumingin siya kila Bevs na nasa likod ni Nicole na malalaki ang ngisi sa mga mukha nila. “Kayo? Nag-enjoy ba kayong paglaruan ako?” “Oo naman. Salamat sa pagiging laruan namin ah.” sabi ni Jolina. “We appreciated it so much.” sabi naman ni Erika. Ngumisi naman si Abi sa mga ito bago nagsalita. “Salamat din ah? Dahil pinatunayan nyo sakin na mga isip bata padin kayo na mahilig maglaro.” Napalis ang ngisi ng tatlo at si Bevs naman ay hinila si Nicole palikod para siya ang maging kaharap ni Abi. “Anong sinabi mo? Ulitin mo nga.” hamon ni Bevs kay Abi. “Ang sabi ko...mga isip bata kayo.” “Aba't---" Sasampalin sana ni Bevs si Abi ng may pumigil sa kamay niya. Sabay sabay na napalingon ang mga babae sa taong yun. Nanlaki ang mata ni Abi ng makilala iyon. “Wag na wag niyo siyang sasaktan.” mahina ngunit madiin na may pagbabanta sa tono nitong sabi. Pabalang na binitiwan niya ang kamay ni Bevs na hindi makapagsalita. “Kuya...” tanging nasambit ni Abi habang nakatingin sa lalaking tumulong sakanya. ------------------------------------------------------------EPISODE 2: PAST BETRAYAL------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD