EPISODE 3: One Step Closer

557 Words
---BACK TO PRESENT--- Umiwas nalang ng tingin si Abi kay Nicole at tumingin nalang sa harap. Hindi nadin siya nakausap ni Nicole dahil nag start na ang paper and pencil tests nila. Pagkatapos sumagot ay pinapa proceed sila sa waiting area for interview. By two's ang nakikita niyang pumapasok for interview. Nang matawag na siya, ay natawag din ang pangalan ni Nicole kaya sabay silang pumasok at umupo sa harap ng HR head. -------------------- “Okay. So just wait for our call for the date of your final interview. Okay?” sabi ni Ms. Pau, HR Head ng IBE Publishing Co., sakanilang dalawa pagkatapos ng interview. Tumango naman ang dalawa. “Okay. Thank you.” pahabol pa ni Ms. Pau. “Thank you.” sabay na sagot ng dalawa. Lumabas na sila sa room na yun at aalis na sana ng magsalita si Nicole. “Abi...” napatigil sa paglalakad si Abi pero hindi siya humarap kay Nicole. “I'm sorry.” Napapikit si Abi at napakagat sa labi niya para pigilang maluha. “Okay.” cold lang nitong sinagot dito at naglakad na ulit at hindi na nilingon si Nicole. -------------------- Habang nasa kwarto niya si Abi, kausap niya through phone si Gizelle. “Yep Giz. Napasa ko ang initial interview. Hindi ko lang alam niyan sa final interview.” [Ano ka ba. Wag ka ngang nega. Mapapasa mo yan. May tiwala ako sayo noh.] “Sana nga Giz. Anyway pala, alam mo ba nakita ko si Nicole dun?” [Nicole? As in yung Nicole na trumaydor sayo noon?] “Oo. Hay. She said sorry. Pero hindi ko alam ang ire-react talaga kaya nag-okay nalang ako.” [Hmm...well. Masakit naman talaga ang ginawa niya kaya reasonable naman ang naging act mo. Wag mo isipin yun. Mag focus ka muna sa interview mo. Bawal stress baka ma blanko. Wag mo sayangin yung opportunity.] “Opooooo” Natatawa nitong sagot dito. [Osige na. Pahinga ka na. And wag mo i-silent ang phone mo malay mo mag call agad yung IBE. Okay? Sige na. Antok na talaga ako eh. Byeeee.] “Hahaha. O sige sige. Byeeeee” At ibinaba na ni Abi ang phone. Nilagay na niya sa tabi ng unan niya ang phone niya at humiga. Matutulog na sana siya ng mag ring ang phone niya. Tinignan niya iyon at nakita niyang tumatawag ang kuya niya. Kaya agad siyang napa upo at sinagot ang tawag. “Hello kuya?” [Hello Abi. Sorry kung late na tumawag pa ko. Just want to ask if nakahanap ka na ba ng new company to apply to?] “Ahm...nag-try ako sa IBE kuya. Nakapasa na ko sa initial interview pero hindi ko pa alam sa final interview. Wish me luck.” [I know you can do it. I know you have the potential. Trust yourself princess cause I trust you. Okay?] “Okay kuyaaaaa. Thank you for always supporting me.” [No worries princess. O sige na. Sleep ka na. Gabi na. Goodnight. Loveyou.] “Okieeee kuya. Love you always too. Goodnight.” At ibinaba na ni Abi ang phone at natulog na. KINAUMAGAHAN Nagising si Abi ng mga past 8am na. Nag-unat unat siya at tinignan ang phone niya. Agad siyang napabangon ng makitang may text ang IBE company sakanya. At nagmadali siyang tumayo at mag-ayos. ----------------------------------------------------------EPISODE 3: ONE STEP CLOSER----------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD