"Taray mong bakla ka, haba rin ng hair mo no, imagine si tizer villafuente na pinaka gwapo at sikat na volleyball player sa paaralan na'to ay nag kakagusto sa isang baklang katulad mo?" pang-aasar na sabi ni Tj sakin, close narin kami simula nong magkaibigan sila ni shery at dina, hindi naman sya mahirap kaibiganin dahil makulit at mabait naman sya.
"Una sa lahat wag mo akong tawaging bakla hah, hindi ako bakla tulad mo, pangalawa wala akong pakealam kung nag kakagusto sya sakin, trip nya lang talagang sirain ang araw ko" nag tinginan sila at natawa, sarap nilang pag sasampalin eh.
"Sus, eh alam na ng buong campus na'to na nililigawan ka ni tizer bakla" Nanlake ang mata ko sa sinabi ni dina.
"Ano? sino ang nag sabi nyan? makakalbo ko talaga" wala naman akong matandaan na niligawan ako ni tizer.
"Si tizer mismo ang nag sabi, mag dedeny kapa?" eto na nga ba eh, kahit kailan ay peste talaga yang si tizer sa buhay ko, kaunti nalang talaga at hahampasin ko na sya ng hammer ni thur. humanda yang lalakeng yan.
Tumayo ako at di na nakapag tapos kumain, wala na akong ganang kumain dahil sa inis ko kay tizer, mapapatay ko talaga sya ngayon.
"Oh san ka pupunta liam? dikapa tapos kumain ah" Tanong ni dina.
"Wala, may bubugbugin lang ako saglit" kinuha ko ang bag ko at nag tungo sa court kung saan doon palagi nag papractice mag volleyball sina tizer.
pag dating ko don ay nakita ko si tizer na busy sa pag sasalo ng bola kaya tinawag ko ang pangalan nya, wala akong pakealam kung pinag titinginan ako ng mga tao dito.
"Yup? dinalhan mo ako ng tubig? salamat ah" kumunot ang noo ko.
"nakita mo ba na may dala akong tubig? diba wala, at isa pa wala akong balak na dalhan ka ng tubig, Ever!" diniin ko talaga ang pagkakasabi kong iyon.
"Weh? so ano yang nasa bag mo?" kinuha nya yung tubig ko na nilagay ko sa bulsa ng aking bag. napa nganga ako. Ininom ko yan kanina eww!
"Kadiri ka tizer! nainom ko na yan!" di parin sya tumigil at pagkatapos nyang ubusin lahat ng laman neto ay ibinigay na nya sakin. maski isang patak ng tubig ay wala nalaglag ang panga ko.
"Sweet talaga ng girlfriend ko, salamat ah" nag pigil ako ng galit dahil sa inasta nya, parang sasabog na ako sa galit, kung ako si guko kanina pa ako nag su-supper sayan dahil sa subrang inis.
"Akoy tigilan mo tizer ah nanggigigil ako sayo! pinagkalat mo pang nilagawan mo ako? ang kapal ng mukha mo!" tumawa lang sya.
"ah... Syempre totoo naman talaga eh!" tumawa ulit sya na para bang kiniliti ng demonyo.
Seryoso lang akong naka titig sa kanya habang pinag tatawanan nya ako, sarap nyang batuhin ng bato, kainis talaga grabe, naiinis rin ako sa sarili ko kong bakit hindi ko magawang sapakin sya eh kanina gustong gusto ko syang patayin.
"LIAM!" Napalingon ako sa gulat ng may biglang tumawag sa pangalan ko, kita ko ang papalapit na bola sa mukha ko, hinanda ko na ang aking sarili, jusko help!
Makalipas ang ilang segundo ay wala pang tumamang bola kaya napag desesyonan kong idilat ang aking mata, nakita kong sinalo ito ni tizer, hay muntikan na ako don ah... Wait? si tizer???
Naka titig lang ako sa mukha nya, nag gagwapuhan na ata ako sa kanya, totoo naman kasing gwapo sya pero mayabang nga lang.
"So ganyan kalang? di ka mag t-thankyou?" Nagulat ako at tumingin sa malayo, nakakahiya, napansin nya atang naka titig ako sa kanya.
"A-ah... Salamat ah, aalis na ako" aalis na sana ako ngunit hinawakan nya ang braso ko.
"Ano?"
"Yun lang? walang bang kiss?" umasta pa sya na parang hahalikan ako pero agad kung itinulak ang mukha nya papalayo, rinig ko ang pag tawa ng mga kaibigan nya, nakakahiya, mabuti nalang talaga at kaunti lang ang tao dito ngayon.
binitawan na nya ako at agad naman akong tumakbo patungong room, eto na ata ang pinaka nakakahiyang araw ko sa buong buhay ko.
***
matapos ang buong klase ay sawakas makakauwi narin ako, pinasok ko na ang mga gamit ko sa bag at pagkatapos ay umalis na.
"Liam lim Regardo!" Natigilan ako sa pag lalakad, talaga bang full name ang kailangang itawag sakin? pwede naman apelyedo lang o pangalan.
nilingon ko ito at nang makita ko ang naka busangot na pag mumukha ni Stacy. sya lang naman yung ex ni tizer na iniwan dahil sa kanyang ugali, good for her, desurv.
"Oh?" kunot noo kong tanong.
"Ano itong narinig ko na nilalandi mo yong boyfriend ko?, MR. liam regardo, binabalaan kita ah, bakla kalang babae ako!" diniin pa talaga ng pagkakasabi nya ng 'MR' isa pa itong si stacy eh, sarap din untugin, mag sama silang dalawa ni tizer!.
"Unang una sa lahat, Hindi ako bakla, pangalawa, wala akong planong patulan ang panglalandi ni tizer sakin!" kung di ako makapag pigil susuntukin ko na talaga to, nanggigil ang buong lamang loob ko eh. "Sa pag kakaalam ko, hiniwalayan ka ni tizer dahil sa kalandian mo! kaya wag kang feeling!" dagdag ko at umalis na, rinig ko yung pag sigaw nya sa inis, kung mataray sya pwes mas mataray rin ako, mag papatalo ba ako?.
palabas palang ako ng school gate ng makita ko si tizer na naka ngisi, isa pa'to!
"Hi babe! hatid na kita" aniya pero umiling na ako at nag lakad, mag hahanap nalang ako ng jeep pauwi.
"Liam!" napahinto ako dahil sa lakas ng pagkakahawak ng ni tizer sa braso ko.
"Ano ba!" Maraming estodyante narin ang naka tingin samin, hiyang hiya na talaga ako.
"Ihatid na nga kita"
"Tizer ang tigas rin ng ulo mo! mag j-jeep nalang ako kaya wag na!" pilit kung kumawala sa pagkakahawak nya pero sadyang mas malakas pa sya keysa sakin.
"Wala kanang magagawa ngayon, pag sinabi kong sasama ka sakin, sasama ka" medyo galit narin sya at hinila ako, buong lakas na ata ang ginamit ko para makawala sa kanya pero grabe hindi ko magawang makatakas.
"Aray! teka!" pilit ko pumiglas pero parang wala ito sa kanya.
binuksan nya yung pinto at pinasok ako sa kotse. "Grabe, bali ata lahat ng boto ko sa braso" tiningnan nya ako nang nakakatakot na tingin bago sya pumasok.
"Wag kasi matigas ang ulo mo" sabi nya. wow ako pa talaga yung matigas ang ulo? kapal rin netong si tizer, bahala ka mag maneho.
nag simula na syang mag maneho at di ko lang sya pinapansin, minsan nahuli ko syang tumitingin sakin.
"Saan pala ang bahay nyo?" tanong nya ngunit di parin ako nag salita. ayaw ko ngang sabihin! baka pumunta sya don eh kaya hindi ko 'yun sasabihin!
"Liam" di parin ako nag salita, bahala ka dyan, mapapagod karin at mapilitan kang ibaba ako.
ilang minuto pa ang lumipas ay huminto bigla ang kotse nya, napatingin ako sa labas at kita ang malaki at magandang modernong bahay, grabe ang luxerious naman ng bahay na'to.
"Baba" edi napagod rin, ang importante di nya malaman kong nasaan ako nakatira, kahit ilang linggo pa kami nagkakilala ay kilala ko na sya, di sya basta sumusuko at gagawin nya ang lahat pag may gusto sya, at iiwan naman kapag nag sawa na.
Bumaba na ako at nag lakad, mukhang maliit lang yung mga sasakyang dumadaan dito, paano ako makakahanap ng jeep? kasalanan to lahat ni tizer eh!!!
"Hoy saan ka pupunta?" sigaw ni tizer na inikutan ko lang ng mata, bahala ka dyan tizer umuwi kana sa inyo.
napa hinto na ako sa mahigpit na pagkaka hawak ni tizer sa braso ko, grabe na'tong si tizer, papatayin nya ata ako.
"Plano mo ba akong bali-an ng buto?" tanong ko sa kanya.
"Wag kana kasing maarte babe, hali ka, ipapakilala kita sa mama ko" nanlake ang mata ko sa sinabi nya. mama nya? ibig nyang sabihin....
"Teka sandali lang!" tumigil naman sya.
"Bahay nyo yan?" turo ko sa malaki at magandang mansyon, tumango lang sya bilang sagot.
"Teka, ituturo ko na sa'yo kung nasaan ang bahay namin kaya tara na" pilit kung kumawa pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni tizer sakin.
Napalonok ko ng biglang bumukas yung gate, saka ko lang napansin na may guard pala.
"Manong ipasok nyo po yong kotse ko" ani tizer at hinagis yung susi sa guard. Hindi ko alam kong ano na ang iniisip nila, siguradong nag tataka sila kung bakit hawak hawak ako ni tizer.
"Manang? si mom?" tanong nya sa matandang babae, mukhang kasambahay dito? malamang naka suot ng maid uniform eh.
"Ah sir nasa office nya ata" Tumango naman si tizer at pumasok na kami ng bahay, nakita kong nag taka yong manang kung bakit ako hawak ni tizer.
"Yaya rose?" Sigaw nya at agad naman lumabas ang isa pang kasambahay, siguro nasa 40 ata sya.
"Yes po sir?" tanong neto at tumingin sakin na may halong pag tataka, kaya nang mapansin ito ni tizer ay binitawan nya ako, naka hinga naman ako ng maluwag.
"Tawagin mo si mama, sabihin mong may ipapakilala ako sakanya" mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni tizer, mas malala pa'to sa inaakala ko, dapat pala sinabi ko agad sa kanya kung nasaan ang bahay namin! nakakainis rin!
napatingin ako sa paligid at subra yung pagka mangha ko, ang lake ng loob at marami ring mamahaling gamit, ang gaganda ng vase at mga paintings sa paligid. imagine nyo? sa yaman ni tizer eh mas pinili pa talaga nyang pumasok sa isang public school kesa private, marami pa namang magagandang school dito sa maynila.
napatingin ako sa mga old pics na nasa gilid, may dalawang bata na naka sakay ng kabayo, hula ko sa isa si tizer kasi kamukhang kamukha nya eto. wala paring kupas ang kagwapuhan nya, mas gumwapo pa nga sya ngayon. napa tingin naman ako sa isang bata na kasing edad rin ni tizer, mukhang magkaibigan sila at gwapo rin ito pero mas gwapo pa si tizer.
"Oh tizer?" Sa subrang gulat ko ay napatayo ako. napa lunok ako ng makita ang isang babae na nasa 50 ata yung edad base sa looks nya pero maganda parin ito, at ang puti pa.
lupa palamon dali!