Chapter Three

1694 Words
Para nang sasabog yong puso ko sa subrang kaba. kaharap ko ngayon yong nanay ni tizer, sa subrang hiya ko ay gusto ko nang mag palamon ng lupa. "Oh nak, di mo pala sinabi sakin na may bisita ka ngayon?" naka ngiting sabi ng mama ni tizer. masasabing magkahawig sila pag ngumiti. "Mom, si liam, future bo-" "Kaibigan po ako ni tizer maam" putol ko sa sinabi nya, nako baka kung ano pa ang isipin ng mama nya. "Well hello liam, call me tita grace okay? nice to meet you" naka ngiti parin sya, ba't ganon? ang ganda nya pag ngumiti? ang unfair ng mundo! "Sige po, t-tita grace" medyo nahiya pa ako, mukhang mabait naman ang mommy ni tizer kaya wala na dapat akong ipag-alala. "Yaya, paki kuha nga kami ng maiinom" sabi ni tita sa kasambahay nila. "So tizer, ngayon kalang ulit nag dala ng kaibigan ah? i'm so glad na ipinakilala mo sya sakin" sabi ni tita grace kay tizer na naka ngiti, grabe ang pantay ng ngipin nya, samantalang sakin ang kumawala sa line ang pangil ko. "Syempre special sya sakin eh" nanlake ang mata ko sa sinabi ni tizer. "A-ah, ang ibig po nyang sabihin bestfriend na po ako kaya special!" nagulat naman si tizer sa sinabi ko. "Really? Kong ganon welcome na welcome ka sabahay anytime, simula ngayon ay pwede kang bumisita dito" tiningnan ko si tizer na naka ngiti, ngumiti nalang din ako kay tita. jusko ang hirap itago ang tunay kung kulay. Nag kwentohan lang kami ni tita grace at kalaunan ay magkasundo na kami, para rin syang 18 kung makapag salita eh, at ang saya nyang kausap, sinabi ko nga kong paano kakulit itong si tizer at ayon tawa kami ng tawa. "So pano napo tita grace, uwi napo ako, medyo gabi narin at baka nag alala na sakin ang mama ko ngayon" "Ok sige, basta balik ka dito ulit nak ah, sige tizer ihatid mo na sya" sabi ni tita at ayon sumakay na ako sa kotse ni tizer. "Nak" bulong nya at tumawa. Baliw naba to? "Deretso nalang tayo ng mental hospital" sabi ko sa kanaya, napatingin naman ito sakin. "anong gagawin mo don?" takang tanong nya. "Mukhang nasisiraan kana kasi ng utak, tumawa man daw mag-isa?" tumawa ulit sya, baliw na talaga to. "Hindi, naiisip ko lang yong tinawag ka ni momy ng nak" nanlake ang mata ko sa sinabi nya. "Sinabi nya yon? diko narinig ah?" yun pala ang dahilan kung bakit tawa ng tawa itong si tizer. "Oo, at subrang saya ko na naging close na kayo. Pakasal na kaya tayo?" Sinapak ko yong balikat nya, kung ano ang pinag sasabi eh. "di panga naging tayo pakasal agad?" napatakip ako ng bibig sa sinabi ko, kung no na ata ang pinag sasabi ko. "Edi liligawan kita?" umiling ako, ano kaya ang nakain ng isang to. "Ano bayang mga pinagsasabi mo tizer? di na nakakatuwa ah" yan lang ang nasabi ko kasi sa totoo lang wala na akong masabi sa kanya. "Sagutin mo na kasi ako" di ko na alam kong ano ang sasabihin ko, naubusan na ako ng salita. "saan nga pala yong bahay nyo?" tanong nya kaya wala akong magawa kundi ituro kong nasaan ang bahay namin. pagkarating namin ng bahay ay bumaba na ako, nakita ko si nanay na naka tayo habang naka kibitbalikat, patay ako neto, ramdam ko ang galit ni mama. "Ah sige tizer, salamat ah" nag wave na ako para di sya pumasok ng bahay namin pero bumaba yung p!ta, binalaan ko sya pero hindi nakinig ang mokong, nakoo masama to! "Di mo man lang ako papasukin?" nag aalanganin pa ako sa isasagot ko pero biglang nag salita si nanay. "Bakit ngayon ka lang?" kinabahan ako sa tono ng boses ni nanay, humarap ako at nag pa cute look para di sya magalit. tumingin sya sa likuran ko at nag iba yung reaksyon ni nanay. "Ah kaibigan mo nak?" tanong ni nanay, tumingin ako kay tizer na naka ngiti lang kaya tumango nalang ako. "Nako nak di mo naman sinabing may bisita ka ngayon, sigi tuloy ka hijo" di maipinta yung mukha ko sa sinabi ni mama, anyari don? pumasok na kami sa bahay at agad umopo si tizer sa sofa. "Ipag umanhin mo'tong bahay namin ah, medyo maliit, kuha ko muna kayo ng makakain" "Sige po tita" tiningnan ko sya ng masama, ang kapal ng lalakeng to. nag lakad ako papuntang kwarto, magpapalamig muna ako, sa dami ba namang nangyari sakin ngayon araw na to. "Oh san ka pupunta babe?" sinamaan ko ng tingin si tizer. "Tumahimik ka nga at baka marinig tayo ni mama, bweset ka" tumawa lang sya, di ko nalang siya pinansin at nag pumasok na ng kwarto. kumuha lang ako ng tuwalya saka lumabas ulit ng kwarto para mag tungo ng banyo, pinangliitan ko ng mata si tizer na naka titig lang sakin habang naka ngisi. matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo na naka tapis lang ng tuwalya. narinig kong nag uusap sila ni nanay at kinabahan ako bigla, baka kung ano yung sabihin nya? yan na nga ba ang kina tatakutan ko eh, alam ko yang bibig ni tizer! di nila ako napansin kaya pumasok na ako ng kwarto, rinig ko ang lakas na pag tawa ni mama, jusko nakakahiya yung tawa ni mama, natawa narin si tizer. naiinis ako kay tizer! close na ata sila. naka short at naka over sized T-shirt lang ako, lumabas na ako at pumwesto para makakain. di ko sila pinansin at kumuha nalang ng pinggan at nag simula nalang kumain. nahuli ko rin na naka titig si tizer sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin. Matapos naming kumain ay napag desesyonan kong iligpit lahat ng pinagkainan namin, naiilang narin ako kay tizer kasi kanina pa sya naka titig sakin, nainis narin ako sa kakatitig nya. "Ah tizer? dikapa ba uuwi? gabing gabi na?" Mahinahon kung tanong kay tizer pero sa totoo lang gusto ko syang kaladkarin palabas eh ayaw ko namang magalit si nanay sakin. "Hindi pa eh bakit?" ngumiti sya nang nakakaloko na para bang nangiinis. "Pero gabi na, marami pa namang mga basag ulo dyan sa kanto" sabi ko neto pero di sya nag patinag at humiga pa talaga sa sofa. "So nag alala ka sakin?" nag tagpo ang kilay ko. "Hindi! pinaalis lang kita" sa subrang galit ko ay gusto ko syang batuhin ng pinggan, nakakagigil eh. "Ang sweet mo talaga, pa kiss" di kona napigilan ang sarili ko kaya kumuha ako ng sponge at binato sa kanya. "Sa susunod na inisin mo ako hindi na yan ang ibabato ko sayo" tumawa lang sya ng nakakaloko, umuusok na 'yung ilong ko sa inis. mabuti at nasa kwarto si mama at di nya narinig na nag babangayan kami dito ni tizer. huhugasan ko na sana yung mga pinggan ng mapansing wala ang sponge, kainis. lumapit ako kay tizer at hinanap yong sponge. "Oh ano?" Naka ngisi nyang tanong. "Ohm, nasaan yong sponge?" tanong ko kay tizer. "Ewan" mas lalong nag tagpo ang kilay ko. "Ibibigay mo sakin O babatuhin kita ng pinggan?" seryosong tanong ko. tumayo sya bitbit yong sponge, kukunin ko sana ito ngunit bigla nya itong itinaas, matangkad ako pero mas matangkad si tizer. "Tizer! nakakainis kana ah!" pilit kung abutin yung sponge ngunit mas lalo nya itong itinaas kaya ang ginawa ko ay tumalon kaya pareho kaming napa higa sa sofa. napatingin ako sa mata nya, ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng mata nya, kulay brown, mula sa matangos nyang ilong at saka kissable lips, randam ko rin ang tigas ng katawan nya at... tumayo ako at sinapak sya, namumula ako. pano kase, maynaramdaman akong ibang tumigas, mas matigas pa sa dibdib nya. tiningnan ko sya ng masama at tawa lang sya ng tawa, kinuha ko yong sponge at nag hugas nalang ng pinggan, namumula parin yong pisngi ko sa tuwing naalala ito. Nang matapos na ako mag hugas ay napag desesyonan narin ni tizer na umuwi na, mabuti naman yun at para wala ng mangungulit sakin. *** Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa ingay ng boses ni mama. nang bumaba ako sa kwarto ay nanlake ang mata ko, pormang porma si tizer na para bang may date, ayos na ayos rin yung buhok nya, at bagong ligo, mas lalong gumwapo ito. "Liam, good morning" bati ni tizer sakin. "T-tizer? May naka nalimutan kaba kagabi? napa aga ka ata?" tanong ko. "Oo, yung puso ko" mahinang bulong neto. "May sinasabi ka?" tanong ko ngunit umiling lang sya. "So bakit ka nangdito?" tanong ko. "Sigi nak mag usap muna kayo, maghahanda lang ako ng breakfast para makakin narin kayo" ang laki ng ngiti ni nanay habang nag lakad patungong kusina, nag taka naman ako. "Ah wala, naisipan ko lang kasi na sabay nalang tayo?" tumaas ang kilay ko. "Ang lapit lang ng bahay nyo sa school tapos pumonta ka pa talaga dito? nasaan mo nilagay ang utak mo?" tumawa lang sya. "Whoa? Esay easy... ang aga mo naman nagka PMS" sinamaan ko lang sya ng tingin at nag tungo nalang ng banyo. Ang aga aga ay benubweset na naman nya ako, haaay! nag sisisi na akong sabihin kong nasaan ang bahay ko. matapos akong maligo ay dali dali akong pumasok ng kwarto para makapag bihis. naka fit jeans lang ako saka naka nike na Tshirt at black shoes lang, simple but adorable, char.... tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamit at nag suklay, inayos ko yong buhok at pagkatapos kinagat kagat yung labi para mamula naman kahit papano. palabas na sana ako ng marealize ko kung bakit ganito ako ka excited ngayon? kung bakit ganito ang ayos ko? di naman ako ganito dati? hays bahala na. lumabas na ako at kumuha ng makakain, tiningnan ko si tizer na seryosong naka tingin sakin kaya tiningnan ko rin sya, ayan na naman yong manyak mode nya. Ilang segundo kaming nag tinginan nang di ko na kaya ay sumuko na ako. "Ang sama mo maka tingin sakin ah? may kasalanan ba akong nagawa?" tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang sya. "Can i court you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD