bc

The CEO's Seductive Driver

book_age16+
12.0K
FOLLOW
82.9K
READ
possessive
opposites attract
playboy
CEO
boss
drama
comedy
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Kahit kailan hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya 'Lo. Never!" dinig na dinig ang tinig ng lalaki. Napamura siya sa narinig. 'Ipapalamon ko sa'yo ang bawat salitang binitiwan mo!'

WIL LIAM HERBOSA, mayabang, mahangin, ma-ere, maangas at matapang. Ngunit sa kung anong tapang at yabang niya ay may isang bagay itong kinakatakutan iyon ay ang magmaneho.

Mula nang maaksidente sila dahilan ng kamatayan ng mga magulang ay tila nagkaroon ito ng trauma. Mula noon ay hindi na siya nagmaneho pa.

ABBY GAIL GONZALGO, seksi, mabait, matalino. Bihasa sa martial arts at isang karerista. Madalas siyang laman ng mga presento dahil sa drag racing na sinasalihan magkapera lamang. Madalas siyang mapagkamalang tomboy sa kilos at galaw ngunit taliwas kung paano siya magdamit. Dahil lahat ng kalalakihan ay nagsisilingunan kapag siya ay napadaan.

Sa oras ng kanyang kagipitan. Handa ba niyang tanggapin ang alok ni Don Julio na maging driver-bodyguard ng apo nito kapalit ng malaking halaga? Makakaya kaya niyang tagalan ang kayabangan ng apo nito?

Sa karera sa daan ay kayang-kayang makipagpatintero, sa karera ng buhay ay kayang-kayang lagpasan, eh sa karera ng pag-ibig kayang-kaya din kaya niyang manalo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Hoy, Gail may naghahanap sa'yo," malakas na sigaw ng kaibigang si Dinky. "Sino?" malakas ding tugon dito. Pangkaraniwan na ang ganoong usapan sa kanilang lugar. Dikit-dikit ang bahay pero kapag nag-uusap ang magkapitbahay ay dinig hanggang pangalawang kanto sa lakas ng boses. Ganoon ang lugar nila. Maingay, magulo at marumi ngunit masayahin ang mga tao roon sa kabila ng payak na pamumuhay. Kagagaling lang niya sa isang raket niya nang bumabungin siya ni Dinky. "Hoy, Gail magmadali ka at may naghahanap nga sa'yong babae ka," bungad nito sa kanilang pintuhan. Napapitlag siya sa kabiglaan sa biglang pagsulpot nito sa kanilang pintuhan. "Hindi ba pwedeng kumatok muna bago pasok? Papatayin mo ako sa nerbiyos niyan, eh," yamot na wika sa babae. Ngunit tila wala itong narinig at tuloy-tuloy na umupo sa tabi niya habang iniinat ang mga paang nangalay sa suot na anim na pulgadang takong ng sapatos. "Hoy, bakla may naghahanap sa'yo doon sa labasan. 'Di makapasok kasi na tsekot bakla," excited na wika nito. Napakunot-noo siya sa sinabi ng kaibigan. "Ano daw kailangan?" aniya na tila hindi interesado. "Gusto ka daw makausap. Bakla bilisan mo at baka mainip na sa kahihintay. Mukhang maraming datong at ang gara ng tsekot," natitilihang wika pa nito. Natigilan siya sa tinuran ng kaibigan. Mukhang importante ang pakay ng taong iyon sa kanya at nangahas pang pumunta ito sa masukal nilang lugar. Naging interesado siya mula sa mga sinabi ng kaibigan. Kaya kahit pagod ay muling sinuot ang kanyang heels, inayos ang blusa at ang maiksing mini-skirt na suot. Nang makitang maayos ulit ang suot ay agad na tinalunton ang maliit at makipot na pasilyo palabas ng kanilang lugar kung saan naroon umano ang taong naghahanap sa kanya. Agad naman niyang nakita ang mga ito dahil talagang magara ang sasakyang iyon. Itim na BMW. Hindi niya maaninag kung ilan ang nasa loob ng sasakyan. Marami-rami ring kapitbahay at mga taga-roon ang nakikiusyoso kung ano ang ginagawa ng isang magarang sasakyan sa kanilang lugar. Maya-maya pa ay bumaba ang tinted nitong salamin at kinausap ang isang naroroon kung saan nakitang tinuro siya nito. Doon ay lumingon sa kanya ang lalaki saka may kinausap sa tabi nito. Ilang saglit pa ay may dalawang lalaking lumabas buhat sa backseat ng sasakyan at isang matandang lalaki na may tungkod na tantiya niya nasa late 60's. Napangisi ang dalawang lalaki nang makita siya ng mga ito. Doon ay nagngalit ang bagang niya. Sininyasan siyang lumapit ng isa sa mga ito. Agad na lumapit dito nang bigla siya nitong aatakihin ng suntok. Agad siyang umilag saka pinatid ang paa nito. Pagtayo niya ay siyang tumba ng isang lalaki. Naghiyawan ang mga taong naroroon sa nakitang pagtumba sa malaking lalaking katunggali. Doon ay ang isang lalaki naman ang sumugod sa kanya. Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito sa kanya ngunit hinuli niya ang paa nito sabay hawak at padarag na binaliktad ang lalaki dahilan upang mapasigaw ito sa sakit. Matapos patumbahin ang dalawang lalaki ay isang malakas na palakpak buhat sa mayamang matanda ang kanyang narinig. "Magaling! Magaling! Mahusay ka," anito na 'di natigil sa kapapalakpak nito. "Tama nga ang sabi ni Carlito, mahusay ka at kahit sino kaya mong ipagtanggol," dugtong pa nito. Doon ay nakabawi na ang dalawang lalaki sa pagkakatumba. Bodyguard pala ng matanda ang mga ito. "Hinahanap niyo daw ako?" matigas na saad sa matanda. "Oo, Iha, anyways ako pala si Don Julio Herbosa," pakilala nito sa kanya. 'Don Julio Herbosa,' ulit sa isip. "Alam kong hindi mo pa ako kilala, Iha. Naririto ako upang alukin ka ng trabaho," deretsahang wika nito. Umugong ang sinabi nito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang naging interesado pa sa sasabihin nito. "Nalaman ko kay Carlito na magaling kang karerista kaya alam kong mahusay ka sa pagmamaneho," aniya pa. "Ano pong trabaho 'yan, Don Julio?" tanong niya. Mahirap na baka naman illegal. Hindi pa naman siya ganoon kadesperado para pumatol sa ganoong trabaho. "Driver-bodyguard," ikling sagot nito. Napatawa si Gail sa sinabi ng matanda. "Naku! Tatlo na po ang bodyguard niyo, kulang pa po ba?" "Hindi para sa akin. Para sa apo," sabad namang sagot. "Ah! Yaya pala," aniya ulit. Doon naman napatawa ang Don. "Biente otso na ang apo ko, Iha kaya hindi na alagahin. Iyon lang tupakin," natatawa pa ring wika ng matanda. Napangiti si Gail sa tawa ng matanda. "Naku, paano po iyan? Tupakin din po ako," balik-biro sa matanda. "Okay lang at least may katapat na apo ko," pagpapatol naman nito sa kanyang sinabi. Tuwang-tuwa siya sa pakikipag-usap sa Don. Nang bigla itong magseryoso at muling magsalita. "Isang milyon para sa tatlong buwang serbisyo," wika nito. Napaawang ang bibig niya sa laki ng halagang sinabi ng Don. Halos hindi siya makapaniwala at agad na kinalkula sa isip. Kahit kumayod siya nang kumayod ng doble sa edad ay hindi pa rin kikitahin ang ganoong kalaking pera. Nang makita ng Don na tila nagliwanag ang mukha ng babae sa sinabi ay agad na humingi sa bodyguard niya ng calling card upang inabot dito. "I know, my offer is tempting. If you decide na tanggapin ang trabaho. Just call me," anito matapos iabot sa kanya. "Okay po," mahinang tugon naman dito. "Asahan ko, Iha. Sana ay makapagpasya ka sa lalong madaling panahon," anito saka tuluyang lumulan sa magara nitong sasakyan. Samantala, malalim na ang gabi ngunit tila nagsisimula pa lamang para kay Liam na tuwang-tuwa habang nakaakbay ito sa girlfriend na si Lindsey. Sino ba namang kasing lalaki ang hindi matutuwa kong maganda na seksi pa ang iyong girlfriend bonus pa ang pagiging palaban nito sa kama. Panay ang pulupot ni Lindsey sa kanya sabayan pa ang mga himas nitong bumubuhay sa kanyang p*********i. Sa gitna ng dance floor ng disco bar na iyon ay hindi nila mapigilang maghalikan. Kasabay ng pag-indayog ng mga taong nakapaligid sa kanila ay ang pagkiskis ng kanilang nga katawan. "Can we go now," napang-akit na bulong nito sa kanya. Mabilis nilang nilisan ang lugar na iyon at nakarating sa condo ng lalaki. Hindi pa man sila ganap na nakakapasok sa unit nito ay magkalapat na ang kanilang mga labi maging ang kanilang mga katawan ay magkadikit na rin. Nang ganap na makapasok ay mabilis na hinubaran ni Liam ang babae at pinagsawa ang dalang bundok nito. Pumalahaw ang mga daing nito sa buong unit niya. Mga daing na mas lalo pang nagpapainit sa kanya. Mapanglaro ang mga kamay na humahaplos sa buong kabuuhan ng babae hanggang marating ang mamasa-masang hiyas nito. At nang ganap na maihanda ito ay saka isinakatuparan ang pagsalakay rito. Tatlong katok na malalakas ang gumising kay Liam kinabukasan. Nasapo pa niya ang ulo dahil sa hang-over. "Holy cow!" bulalas niya nang mapagtantong maaaring ang lolo niya ang nasa pintuhan ng condo niya. Agad na ginising si Lindsey sa kanyang tabi. "Babe, nandiyan ang Lolo ko," yugyog sa babaeng tila nahihimbing pa sa pagtulog. Nang marinig ang sinabi ay bigla ring napabangon ang babae. "Bakit 'di mo sinabing darating ang Lolo mo?" inis na wika. Mabilis siyang kumuha ng boxer short niya sa kanyang closet saka lumabas ng kuwarto niya pero laking gulat niya ng makitang nakaupo na ang Lolo niya sa kaniyang sala na printeng naghihintay sa kanya. Mas lalo pa siyang nagulat nang makita ang mga damit na nakapatong sa center table kung nasaan ang lolo niya. Batid niyang sesermunan na naman siya nito. "Sinong babae na naman ang dinala mo rito sa bahay mong bata ka?!" galit na turan nito. "How many times that I will told you, na hindi laruan ang mga babae. For Pete's sake Liam, not Lindsey," muli ay malutong na saad nito. Napalunok na lang si Liam sa sinabi ng lolo niya. Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw ng lolo niya kay Lindsey at kung tutuusin ay maayos sana dahil anak ito ng kanilang kasosyo at kapatid ng kanyang best friend. "Mag-ayos ka at may pupuntahan tayo," anito saka tumayo. "Hihintayin kita sa baba," dagdag nito saka lumabas. Napangiti siya nang mawala sa harapan ang lolo niya. Saka kinuha ang damit na pinulot nito mula sa sahig. Nagkalat kasi ang mga pinaghubaran nila kagabi. Nabaghan si Liam kung saan sila pupunta ng kaniyang lolo. May pagtataka man ay hindi niya magawang tanungin ang lolo niya. Kaya tinikom na lang ang bibig at nagmasid sa nadadaanan. Matapos ang kulang-kulang tatlong oras na biyahe ay nakarating din sila. Napakunot-noo siya nang tuluyang makita ang lugar na kinalalagyan. 'Fruit farm,' basa ng isip sa nakasulat sa isang arko. Nababaghan man siya kung bakit naroroon sila sa isang fruit farm ay nagpatianud na lang siya. Bumababa ang tiyuhin at ang dalawang bodyguard nila buhat sa sasakyan at nakitang nakipagkamay ang lolo niya sa lalaking nagbukas ng malaking gate ng fruit farm. Sumenyas ang lolo niya na bumaba siya kaya agad na tumalima. Sumakay sila ng isang maliit na sasakyan papasok pa sa looban ng fruit farm na iyon ngunit laking pagtataka niya ng makitang hindi prutas ang makikita kundi ang mga humaharurot na mga sasakyan. Kasabay ng nahihiyawang mga tao. "Yes panalo na si Gail," sigaw ng isang nanonood. Napangisi siya sa lolo niya. Kailan pa nagsimulang pumunta sa ganitong lugar ang lolo niya. Ito na ba ang bago nitong kinahuhumalingang bisyo ang illegal na drag racing. Matamang nakatunghay sa gitgitan ng mga karerista na nasa field. Nang biglang maghiyawan at magtayuan ang mga nanood kasabay nang malakas na pagkalimbang ng kung anong mabigat na bagay. "Gail!" sigaw ng isang babae. "Diyos ko!" dagdag pa nito na halata ang pag-aalala sa tinig nito. Napuno ng kuryusidad sa nangyayari sa kanyang paligid kaya minabuting makiusyoso rin. Doon ay nakita ang nakabulagtang sasakyan at ang isa naman ay nakatagilid dahilan upang ang dalawang kanang gulong na lang ang nakalapat sa lupa. Tila parehong hilo pa ang dalang karerista dahil ni isa ay wala pang palatandaan na lalabas ang mga ito sa kani-kanilang sasakyan. Ngunit lahat ay muling napasigaw ng paandaring muli ng driver ng sasakyang nakatagilid. Halos lahat na naroroon ay namangha sa pinamalas na galing ng karerista dahilan para tuluyang matapos ang race na iyon. Tuluyan nang naagaw ng kareristang iyon ng kanyang pansin. Napahanga siya nito sa galing at diskarte kaya tuon ang mata sa pagbukas ng sasakyan nito at niluwa ang isang babaeng naka-maiksing mini-skirt at high heels. Napalunok ng sunod-sunod si Liam nang makita ang kabuuan ng babae. 's**t! Kinabog niya ang katawan ni Angel Locsin,' aniya sa isip. Talagang mas lalo siyang humanga rito nang humarap ito sa gawi niya ay napangiwi siya. 'Sayang,' hiyaw nang isipan niya. Mukha kasing bakla ang babaeng kanina ay pinagnanasahan niya sa ganda ng hubog ng katawan. Nang lingunin ang lolo niya ay napapitlag siya nang makitang kasama na nito ang babaeng karerista at matamang nakatingin din ang babae sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

The Young Master's Maid

read
749.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.3K
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook