Chapter One: The Fortune Teller
“Kapag nakita mo na ang the one mo... huwag na huwag mo nang pakawalan pa.”
Sabi nila, kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi dapat iikot sa kaniya ang buong mundo mo. Huwag mo rin daw ibibigay ang lahat sa taong 'yon, para kapag nasaktan ka, hindi mo raw gaanong mararamdaman yung sakit. Yung tipong parang balewala na lang lahat habang tumatagal ang panahon. For the longest time kasi, for sure, marami kang maaaring ma-realize.
Pwede ka raw humiling sa wishing well para lahat ng wishes mo matupad.
How ironic life is?
Minsan ka na nga lang maging masaya tapos iiwan ka pa? Napaka-unfair naman kasi talaga ni kupido na kung sino pa ang gusto mo ay hindi mo makuha nang buo. Hindi ko tuloy malaman kung bulag ba talaga ang love kasi kung totoo man 'yon, eh, malamang sa malamang ay marami nang tao ang patay ngayon.
Grabe 'no?
Why do people often say na nakakatanga ang magmahal, eh, kung sila rin naman ang nagde-desisyon sa buhay nila? Bakit may mga taong pinipilit ang sarili nila sa mga taong ayaw naman pala sa kanila?
BAKIT?!
Isinulat ko ang lahat ng definition ng LOVE sa kapirasong pilas ng sterling notebook ko at akmang ipapasa 'yon kay Ms. Reyes na kanina pa pala nakatayo sa harap ko. Nakapameywang na ito gaya ng kadalasan niyang ginagawa.
"Making love during class hours?" salubong ang kilay niyang ani sa aming dalawa ng mokong na freak na ka-seatmate ko sa subject. Nakangiti na naman ito nang malawak habang ako naman ay halos umusok na ang ilong dahil sa inis.
Paano ba naman kasi, kaninang umaga pa lang ay siya at siya na ang nakikita ko. Hindi ko nga alam kung anong trip niya sa buhay. Hindi ko rin alam kung bakit halos araw-araw kaming nagkakasalubong sa daan, sa hallway at sa kamalas-malasan ay naging kaklase ko pa siya
Hays.
Napalingon ako nang marinig ko ang lagabog ng nahulog niyang books sa floor.
Tapos ngayong nanahimik ako rito ay guguluhin niya ako? Ang bipolar lang.
Hindi na naging okay ang araw ko sa school dahil sa presensya niya. Tama talaga ang sabi ng manghuhula sa Quiapo noong isang araw.
Ganito kasi ang sabi ng manghuhula...
"Malas! Malas ka sa pag-ibig!" mariin nitong sabi habang dinuduro-duro pa ako sa mukha ko. Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang palad ko.
"P-po? Bakit naman po?" nagtataka kong tanong sa ale habang napapataas ang kilay ko nang pansamantala.
"Malas ka dahil may nalabag kang rule!" sambit muli nito.
"Basta sa nakikita ko sa guhit ng kapalaran mo, eh, may makikilala kang lalaki. At iyong lalaking ‘yon ang swerte mo." Nakapikit lang ito habang hawak ang baraha na kanya namang inilapag sa mesa pagkatapos.
"P-po? Naka-drugs po ba kayo? Eh, napaka-imposible naman po yata ng mga sinasabi ninyo..." naiiling kong sabi sa kaniya. Unti-unti kong hinihila ang kamay ko mula sa kaniya ngunit hinigpitan lamang niya ang hawak noon.
"Base ulit sa palad mo… nababasa ko na malapit na kayong magkakilala. At hulaan mo kung ano ang pangalan niya."
Bigla naman akong nakaramdam ng excitement sa huling sinabi niya.
"Starts with letter?" tanong ko kay madam habang nakangiti at halos mapatalon na sa upuan.
"Wait lang! Huwag kang masyadong excited, hija. Relax ka lang diyan,” sita niya sa akin saka muling ipinikit ang mata.
“Okay, nagsisimula ang pangalan niya s a letrang R."
“R?” nakakunot ang noong tanong ko.
“Oo, R as in Marian…”
“Madam, M po ang Marian.”
“Hindi pa kasi ako tapos. Marian Rivera. Idol ko kasi iyon. Iyong Rivera, iyon ang R. Sabi ko sa iyo huwag kang excited masyado, eh!”
Napanganga na lang ako sa sinabi ni Madam. Iniisip ko kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Sa huli ay pinili kong palagpasin na lang iyon. Tutal, weird naman talaga itong manghuhula na ito kaya ano pa bang i-e-expect ko?
"Pero... Madam, wait lang, ah? Ano naman po ba iyong rule na nalabag ko? Sa pagkakaalam ko po ay parang wala naman akong nilalabag na..." Halos mapatalon ako nang hindi pa tapos ang sinasabi ko ay bigla na lang itong bumulalas
.
"Iyan ang akala mo! Hindi ba’t marami ka nang pinaiyak na lalaki at manliligaw mo?”
“Po?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
“Huwag mo nang ipagkaila. Alam ko! Alam ko dahil nakikita ko sa mga mata mo!" giit pa nito.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw, Madam, ah? Showbiz ka na. Fake news po ‘yon!" sabi ko sa kaniya.
Manliligaw? Pinaiyak? Eh, wala naman ako noon. Bakit ba kasi niya pinagpipilitan.
"Ah, sige po, Madam. Aalis na po ako. Salamat po sa hula ninyo..." naiilang kong pagpapaalam sa kaniya. Tatayo na sana ako at aalis na sa lugar na iyon nang bigla niyang hablutin muli ang aking braso.
“Sandali!” anito at saka bigla na namang pumikit. Wala na lang akong nagawa dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ako magtatagumpay sa manghuhulang ito.
"Pagsapit ng alas dose ng hatinggabi... dapat ay nasa loob ka na ng bahay. Tandaan mo. Dahil kapag sinuway mo ito ay may mga mangyayaring hindi mo inaasahan. At, hija, mag-iingat ka kapag nakilala mo na ang lalaking tinutukoy ko."
“Ah,,, eh,,, ganoon po ba?” naiilang ko pa ring sabi saka agad nang binawi ang braso ko nang maramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak niya.
“Salamat po uli. Aalis na po ako.”
Hahakbang na sana ako nang bigla na naman niyang hawakan ang braso ko. Nakakunot ang noo ko nang lingunin ko siya. Ano na naman kayang problema?
“May sasabihin pa po ba kayo?” medyo mataray kong tanong sa kaniya.
"Muntik ko nang makalimutan. Iyong bayad mo pala, hija, Wala nang libre ngayon, eh. Magde-date pa kasi kami ng boypren ko,” nakangiting sabi nito.
Napatawa naman ako dahil doon. Oo nga, dahil sa sobrang weird niya, muntik ko na rin makalimutan iyon. Agad kong ibinigay sa kaniya ang bayad at saka nakangiting nagpaalam muli sa kaniya.
"Sige po, Madam! Mauna na po ako, ah?"
Nakakatuwa ‘yong sinabi niya kanina at ang cute lang dahil bihira akong makakita ng mga ganitong tao. Pambihira, ah? Dinaig pa yata ako nitong si Madam.
“Balik ka, hija, ha? Ang mga bilin ko,” pahabol pa nito nang makuha na nito ang perang inabot ko.
Tumango lang ako saka dali-dali na akong tumakbo paalis doon. Mahirap na ‘no? Baka makita pa ako ng parents ko. Patay talaga ako kung nagkataon.
-------
"Where have you been? Uwi ba ito ng matinong high school student, Kaethlyn?" Dad’s voice echoed inside the house.
Obvious na galit na galit si Dad sa akin dahil past twelve na nang madaling araw ako nakauwi sa bahay. Masyado yata akong naging kampante na nakatulog na silang lahat kaya wala akong magiging problema.
But I was so wrong. I shouldn’t have underestimated them. Wala rin palang effect ang plano kong dahan-dahang pagpasok sa loob para sana hindi sila magising dahil hinintay nila akong makauwi.
I'm doomed.
"Kaethlyn MIchelle, I said where have you been?" muling tanong ni Dad sa mas malakas at mariin na boses. Hindi kasi ako agad nakasagot kay Dad. Nanatili akong walang imik habang nakayuko. Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso. Ayokong salubungin ang galit niya dahil alam ko kung paano maubos ang pasensya niya. At hindi ko talaga gugustuhing umabot pa sa puntong iyon. Kilala ko si Dad at kapag binigkas niya ang buong pangalan ko… ibig sabihin ay galit na talaga siya.
"Dad, galing ako kila Christine. It’s her birthday celebration," I managed to say. I tried my best to make my response casual just to hide my nervousness. I even looked directly into his eyes.
Hindi agad na sumagot si Dad. Napansin kong minamatyagan niya ako nang maigi. Mukhang inoobserbahan niya ang hitsura ko ngayon, maging ang aking ikinikilos.
My Dad has always been a keen observant. Walang nakakaligtas na detalye sa mga mata at logics niya.
Nararamdaman ko ang pagtagaktak ng pawis ko sa sobrang kaba. Maya’t maya rin ang pagkagat ko sa loob ng aking labi. Hindi ko talaga mapigilang hindi kabahan. Why? Of course, hindi naman kasi totoong sa birthday ng Christine na iyon ako pumunta. Why would I even do that when she’s been my mortal enemy. I don’t like Christine dahil sa halos lahat na yata ng bagay ay naging magkaagaw kami. And I’m pretty sure that she doesn’t like me too.
Since the beginning, I hate every guts of Christine. Masyado siyang bilib sa sarili. Gandang-ganda rin siya sa sarili niya na akala mo naman ay diyosa na siya sa lagay na iyon. She's so full of confidence na akala niya, lahat na lang ng bagay ay abot kamay na niya at pwedeng pwede niya lang makuha.
Hindi ko nga alam kung bakit sa dami ng tao sa mundo ay siya pa ang naisip kong idahilan ko kay Dad. When in fact… our friendship was already over. O kung friendship nga bang matatawag iyon.
"Wait, what? Did you really go to Christine? As in Christine, your ex-best friend?” hindi makapaniwalang sabi ni Dad. O mas tamang sabihin na puno ng pagdududa ang tanong niyang iyon sa akin.
“Oo nga, Ate!” pagsang-ayon naman ng kapatid kong si Aesha na kanina lang ay tahimik na nakikinig habang nakahiga sa isang bahagi ng sofa. As usual, kahit late na ay gising pa rin siya.
“Eh, akala ko ba, you've been avoiding her since you both have a fight?" Aesha is my youngest sibling. Kasalukuyan din siyang naglalaro ng paborito niyang brick game.
Hindi ko nagawang makasagot sa mga tanong nila. Kahit ako naman kasi, hindi mapaniwalaan ang mga sinabi ko. So, anong gagawin ko? Napabuntong-hininga na lang ako. Ayoko talaga kapag nag-iisip ako. I don't like thinking too much because I also hate being stressed.
Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang biglang magsalita uli si Dad.
"So, what about this? Can you explain this to me, Kaethlyn?"
Napapikit ako at napamura sa isipan nang makita kung ano ang hawak niya ngayon. He’s holding my class card. Nako naman. Akala ko tapos na, eh. Pero bakit naman ganoon? Mukhang wala na talaga akong kawala ngayong gabi. May sumpa yata talaga sa buhay ko iyang Christine na iyan, eh.
Paniguradong puro mababang grades na naman ang naroon sa card ko kaya ganiyan na lang kung makaakto si Dad. For sure ay nakita na niya iyon. Dahil kung hindi, hindi naman magagalit nang ganiyan si Dad. Ang gusto niya na lang mangyari ay ako na mismo ang umamin kung bakit ganoon ang resulta ng aking pag-aaral.
Napailing-iling na lang ako saka dire-diretsong humakbang paakyat sa kwarto ko. I don't feel like defending myself right now.
"Whatever," mahina kong sabi.
Hindi ko alam kung narinig iyon ni Dad pero wala na akong oras para alalahanin iyon. I just wanted to sleep now and rest peacefully. I just missed my bed so much that I wanted to feel it’s softness in my whole body. It’s been a long day for me, after all.
Pagkapasok ko sa room ay kaagad kong isinara ang pinto saka humiga sa malambot kong kama. Gusto ko munang mapag-isa ngayong gabi. Gusto ko munang makapag-isip-isip pa.
Unti-unting nag-flashback sa akin ‘yong sinabi ng matandang manghuhula sa Quiapo kanina. Isang lalaki raw ang makikilala ko na magiging tagapagmana ng isang bigating kompanya at nakikita niya raw na nalalapit nang sumapit ang araw na itinakda.
Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya pero posible nga na magkatotoo ‘yon. Who knows, right? This world is full of countless possibilities. Wala naman kasing imposible basta itinakda ng universe. If it's meant to happen, the stars will align and thing would just fit together magically. isa pa, wala rin naman kasing masama kung susundin ko iyong mga sinabi niya at maniniwala na lang ako, hindi ba?
Sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa ba ay hindi ko napansing bumagsak na pala ang mga mata ko at nakatulog na ako nang mahimbing.
-------
"Kaeth!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng university.
"Oh?" Masungit akong humarap sa kaniya.
"Ang ganda mo ngayon," simpleng sabi nito at saka lumapit pa siya nang bahagya sa akin para bumulong.
Talagang nag-effort pa siya para lang sabihin sa akin yan? Natatawa na lang ako sa naiisip. But, yeah, kidding aside, alam ko naman din kasi sa sarili ko na maganda ako. Hindi ko na kailangang marinig pa iyon sa ibang tao. Especially when it’s coming from him.
"And so?" mataray kong tanong sa kaniya.
Duhh? I don't have any time para sa mga pambobola niya. Hindi niya ko madadala sa mga paganyan-ganyan niya. Alam na alam ko naman na ang lahat ng tungkol sa kaniya. At hindi ba, boys will always be boys! At sa case niya, ayaw ko na basta boys lang. Ang gusto ko, eh, ‘yong totoong lalaki. Iyong kaya talagang magpakalalaki.
Ang taas ng standards ko ‘no? Well, dapat lang naman talagang mataas ang standards. Isa pa, iniingatan ko lang talaga ang puso ko.
"Sungit naman nito," pabulong pa niyang sinabi sa lahat ng students na naglalakad din sa hallway. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ‘yun o hindi.
"Kaethlyn Michelle! Wait for me!" Hingal na hingal na lumapit sa amin si Ysa. Siya lang naman ang best friend ko sa school. Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil talagang mukhang nag-marathon pa siya para lang maabutan kami rito. Nakakapit pa siya sa dibdib niya habang hinahabol ang hininga.
"Omg, I need water, please. It’s so mainit talaga here!" narinig ko pang pagreklamo niya.
Natawa ako kasi hindi ko alam kung totoong nauuhaw siya. Paano akong maniniwala kung ‘yong pagkasabi niya ng mainit, eh, nakatingin siya sa direction ni Enzo na sabi pa nito at ultimate heartthrob daw ng university.
"Sobrang init 'no?" pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Oo, sis, sobrang hot!" sagot naman nito na tutok na tutok pa rin ang tingin sa lalaki.
Natawa na talaga ako this time kasi alam kong alam niya na kung anong pinupunto ko.
"Iyong weather ba o si Enzo?" makahulugan ko pang tanong muli sa kaniya dahilan para mamula pa lalo ang pisngi niya.
“Che!”
Hinampas niya ako sa balika saka muling bumalik sa paglalakad namin. Nang makarating kami sa makarating kami sa tapat ng room namin ay nagmadali kaming pumasok doon at kumuha ng kaniya-kaniyang upuan. Napansin kong nawala si Ysa sa paningin ko kaya agad ko siyang hinanap at hindi nga akong nagkamali nang akala.
Ang magaling na babae ay todo ang ngiti ngayon habang nakikipag-usap sa pantasya niyang si Enzo. Napapailing na lang ako sa kalandian ng kaibigan ko. Nang mapansin niyang nakatitig ako ay parang nataranta naman ito at nagmadali nang bumalik sa desk namin.
"Kumpleto na ang araw ko! I'm so kilig!" hindi mapakaling sabi nito pagkaupo dahil nginitian pa ito ni Enzo na nasa kabilang row.
"Huh? Teka nga, kumalma ka nga at wala akong na-gets sa mga pinagsasabi mo," saad ko pa sa kanya saka marahang binuka ang bibig ko.
"Slowly..." Talagang in-emphasize ko ang word para matigilan siya sa kahibangan niya. Mukha na siyang nasisiraan ngayon sa ikinikilos niya kaya binatukan ko na para magising at bumalik siya sa reyalidad.
"Arouch!" daing naman nito nang batukan ko. Napakamot pa siya sa ulo niya bago ako binigyan ng masamang tingin.
"Sana happy ka lang."
Nanlisik na ang mata niya kaya naman nag-peace sign na lang ako out of nowhere habang nakangiti pa rin.
"Galit yarn, siswa?" pang-aasar ko pa lalo pero napatigil siya sa pangungurot sa akin nang dumating na ang teacher namin.
Sabay-sabay kaming bumati sa kaniya. Ako naman ay hindi makapag-concentrate. All this time na nagkaklase na ay parang wala ako sa sarili. Heto at nakatulala ako ngayon sa tapat ng bintana at inalala ang nangyari kahapon dahil fresh pa rin sa isip ko kung ano yung naging hula sa akin nong matanda sa Quiapo.
"I am Mr. Raul Ramirez and I'll be your subject teacher for today. Please introduce yourselves in front so we could get to know each other well."
Marami sa mga classmates namin ang napahanga dahil sa husay niyang magsalita. Samantalang ako, eh, hindi ko alam kung ano ang dapat kong ikilos.
Namilog ang mga mata ko na parang nagulat kasi bigla kong naalala lahat. Parang nag-flashback sa akin. Huminto bigla ang lahat ng tao sa paligid.
Pero laking pagtataka ko nang naikikilos ko ang buong katawan ko. Sinubukan ko pang kumurap-kurap pero totoo lahat ng mga nangyayari ngayon.
"Malas! Malas ka sa pag-ibig!" Dali-dali nitong duro sa mukha ko nang hawakan niya ang palad ko.
Nasapo ko ang sarili kong mukha sa sobrang pag-iisip. Hindi puwede 'to. Sinubukan kong kalabitin si Ysa pero hindi ito kumikibo.
"Malas ka dahil may nalabag kang rule!"
Wala naman akong matandaang rule na nalabag ko pero kung ito man ang parusa ko... huwag naman sana sa ganitong pagkakataon.
Bukod sa hindi pa ko handa, eh, marami pa akong pangarap sa buhay. Ni hindi ko pa nga ma-gets kung ano ‘yong sinabi sa akin ng manghuhula.
“Basta sa nakikita ko sa guhit ng kapalaran mo, eh, may makikilala kang lalaki. At iyong lalaking ‘yon ang swerte mo."
Bakit pakiramdam ko binabalik ako ng panahon sa araw na ‘yon. Huwag mong sabihing ito na ang araw na tinutukoy ng manghuhula?
Oh, no! I'm doomed! Anong gagawin ko?
Ano bang dapat kong gawin?
May kailangan ba kong gawin?
Naghalo-halo na tuloy lahat ng naiisip ko. mas lalong naging worse. kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nagpahula pa. Nakaka-stress!
"Base ulit sa palad mo… nababasa ko na malapit na kayong magkakilala. At hulaan mo kung ano ang pangalan niya."
Wala talaga akong matandaang pangalan. Dahil ang dami kong nakilala ngayong school year. imposible namang manghula ako. Basta ang binigay lang na palatandaan sa akin ay lalaki raw ang makikilala ko, hindi nga kasi eksakto kung sino. Binata pa nga. Ang deep at ang creepy ni lola at the same time.
"Miss, ayos ka lang?"
Nang may marinig akong boses ay parang natauhan ako. Boses iyon ng isang lalaki. Titingnan ko palang sana siya pero pagkaangat ng ulo ko ay kaagad namang lumabo ang paningin ko. Hindi ko alam pero… hindi ko siya maaninag.
Ano ba talagang nangyayari sa akin?...