THREE

3441 Words
Kinabukasan, nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata. Bumangon ako at kinusot ang mata. Dumapo ang tingin ko sa katabi kong mahimbing na natutulog at agad nangunot ang noo ko. Nang marealize kung bakit katabi ko si Maci ay agad kong hinagilap ang orasan sa side table at nakitang alas syete na at alas otso imedya ay dapat nandoon na kami. Agad kong niyugyog si Maci pero hindi ko sya magising kaya wala akong ibang choice kundi sampalin sya ng sobrang lakas. "What the hell Ryleigh!" Inis nyang sigaw nang mapabangon sa sampal ko. "Shut up and take a bath malelate na tayo" seryoso kong sabi habang bumababa sa kama. "What...... Oh my gosh" sabi nya at natatarantang bumaba sa kama at dumiretso sa cr. Ako naman ay lumabas ng kwarto at pumunta sa dinning. "Magandang umaga Miss Ryleigh nakahanda napo ang umagahan" salubong saakin ni Ate Rosie. "Goodmorning Ate Rosie. Kakain na ako habang naliligo si Maci paki akyat sa kwarto ko yung pinalabhan ko kahapon" sabi ko habang kumukuha ng fried rice at bacon. "Yes Miss" sagot nya bago tumalikod at umalis para sundin ang inuutos ko. Patapos na akong kumain nang lumabas si Maci na may towel pa sa ulo. "Hindi moko hinintay" nag iinarte nyang sabi saka padabog na umupo sa mesa. "Para makatipid tayo sa oras at wag mokong artehan baka sipain kita jan" sabi ko na inirapan lang nya at nagsimula na syang kumain. Lumabas ako ng dinning area at dumiretso sa kwarto ko. Naabutan kopa ang denim jacket at white fitted croptop shirt sa kama ko. Dumiretso ako sa cr at nagtoothbrush bago naligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng naka bathrobe at naabutan ko si Maci na nagsusuklay ng waist length straight and brown hair. She's now wearing a black spaghetti strap romper short and white denim jacket paired with Nike Airforce 1 Jester XX and white high cut socks. Lumapit ako sakanya at kinuha ang hair dryer saka binlowdry ang buhok ko. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay kinuha ko ang damit na susuotin ko mula sa kama at iniwan syang nagmemake up. Pumasok ako sa walk in closet at nagsimulang magbihis ng light blue highwaist skinny jeans at sinuot ang white fitted crop top shirt saka ang light blue denim jacket na binili ko kahapon. Nagsuot din ako ng white studded leather high top sneakers. Lumabas ako at inabutan si Maci na nakaupo sa kama. Hinagod nya ako ng tingin mula hanggang paa. "Woah gucci payaman" pang aasar nya referring to my shoes. Inirapan ko sya at dumiretso sa harap ng salamin. "Let me do your make up" she said kaya nangunot ang noo ko. "I don't wear make up" I said habang naglalagay ng moisturizer. "Okay then let me do your hair" she said at bago pa ako makapag protesta ay sinusuklay na nya ang buhok ko. Hindi ko nalang sya pinansin at naglagay na ng tinted sunblock then maroon tinted lip gloss. Maci put my hair into a half bun, upper part lang ng buhok ang naka bun then yung lower part naka bagsak lang. "Yan perfect!" She exclaimed then clap her hands naiiling ko syang pinagmasdan bago kami bumaba at dumiretso sa garahe. My phone rang so I picked it up, it's Jai. "Goodmorning" bati nya mula sa kabilang linya. "Goodmorning" bati ko pabalik nang makapag seatbelt na ako. "Nasan na kayo? We just departed" he said on the other line. Dinig ko ang ingay ng mga kasama nya sa loob ng sasakyan. "Papunta na kami." Sagot ko kaya napahinga sya ng maluwag. "Okay okay be safe" he said habang kinukulit sya ng mga kagrupo nya. "Yeah yeah" sagot ko before ending the call. "Sana all tinatawagan ako tinext lang ng walang hiya" pagmamaktol ni Maci pero alam kong drama lang nya kase ayaw naman nya ng taong clingy. Nang makarating kami sa parking lot ay maraming sasakyan, mukhang maraming tao ngayon kahit walang pasok para makapanuod ng game. "Let's go and find handsome fishes" Maci said giggling and I glared at her. "Chill I'm just kidding" she said chuckling. Kinuha ko ang sling bag ko at diretsong lumabas ng sasakyan kasabay ni Maci. Sabay din kaming humarap sa guard at pinakita ang school ID namin saka pinapirma sa log book. Inililibot ko ang mata ko sa buong paligid hanggang sa mabunggo ako dahil syempre sa sarili kong katangahan. "I'm sorry" natataranta kong sabi sa lalaking nabunggo ko. Lumingon ito saakin, he's wearing black and gold jersey, MND! "Oh" sabay sabay na sabi ng mga kasama nyang lalaki na sa tantya ko'y 9 at pang sampu sya. "Hi Miss transferee ba kayo?" Tanong ng isang lalaki na gwapo, well lahat sila gwapo. Pero iba yata itong nakabungguan ko, tao paba 'to? At sila ang makakalaban nila Jai? College palang ba ang mga 'to? Bakit ang lalaki ng mga katawan. "Uh no. We're here for the practice game" I said at nakita ko ang pagka mangha sa kanilang mga mata. "Woah ganda ng accent" namamanghang sabi ng isang lalaki na may cross na piercing sa kanang tainga. He's giving me the Levi Ackerman vibe because of his chinito eyes and hairstyle, but opposite personality. Mukhang hindi gagawa ng matino ang isang 'to e. "Papunta kami ng gym sumabay na kayo" aya ng isang lalaki na mukhang inosente at maputi. "Su-" "Ryleigh!" "Maci!" Hindi naituloy ni Maci ang pag sang ayon nya nang napalingon kami sa sabay na pagtawag ni Jai at Hendrix samin, maging ang mga lalaki ay napalingon din. Diretsong naglakad si Jai patungo saakin habang nakamasid naman ang mga lalaking naka black and gold na jersey. Nang makalapit ay pinasadahan ako ng tingin ni Jai mula ulo hanggang paa. "Change your clothes" he said in a deep voice. "Ha?" Nagtataka kong sabi. Wala akong dalang pampalit! "Hakdog" tatawa tawang sagot ni Maci kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Chill. Jai my friend okay na yan wala rin namang pamalit si Ry" natatawang sabi ni Maci bago nila kami tinalikuran at magkabuhol na naglakad palayo ang dalawang uod. "I have spare clothes in my car" he said at hahatakin na sana ako palayo pero sya ang hinitak ko. Lumingon sya sakin na naka kunot ang noo pero ang mata ko ay dumapo sa susi ng sasakyan sakanyang kamay. "Your what?" Tanong ko habang pinaliliitan sya ng mata. Hindi ba at sa van sya naka sakay? Bakit nandito ang sasakyan nya? Tinitigan nya ako then he chuckle. "Chill, dinala ni Kuya Ryan dito. Sakin ka sasabay pag uwi. Let's go" he said saka ako hinatak muli. I just groaned before obeying what he wants me to do. "Why are you talking to them?" he asked nang makalapit kami sa sasakyan nya. "I bumped into one of them while looking for the gym, they offer to escort us all the way to the gym and then you and Hendrix came" paliwanag ko na tinanguan naman nya habang kinukuha ang isang maliit na paper bag. "Here" inabot nya saakin ang paper bag. Sinilip ko ang laman non at isa itong jersey baka extra nya. Kinuha ko iyon at iniladlad. It's a jersey with the same color and print as what Jai's wearing, white and blue. Meron ding naka embroid na "Fuentes" sa likod and number 4 same din ng jersey number ni Jai, but what's not usual is the size, masyado itong maliit para sakanya at medyo maluwag saakin. "Kanino 'to?" I asked kase obvious naman na hindi sakanya 'to. "Yours. Pinasadya ko" nakangisi nyang sabi kaya natawa ako. Hinubad ko ang jacket na suot ko at ipinatong sa top ang jersey na ibinigay ni Jai, I tucked it in my pants bago ako humarap sakanya. "Is it okay?" I asked habang inaayos ang pagkakatuck in ng jersey. "Turn around" he said kaya sinunod ko. Buong akala ko ay titignan nya kung bagay sakin pero naramdaman ko ang braso nya sa bewang ko hugging me from the back. "Damn I love seeing you wearing a jersey with my surname" he said then kiss my neck. Kinuha ko lang ang kamay nya at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Marry me, Ryleigh" he whisper right on my ears. "We're still studying Jai" natatawa kong sabi that made him groan. "Then we'll study while we're married" he insisted while burying his face on my neck. Natatawa kong kinalas ang braso nya at humarap sakanya. Nalaglagang panga ko nang makita ang hawak nyang singsing na may medyo malaking diamond. "Please" he said, eyes begging. "Let's get married after graduating" I said smiling from ear to ear. "Really?" He said with eyes full of hope. I nodded. "Then wear this please" he said habang nakayuko ang ulo. Nakangiti kong inilahad sakanya ang kanang kamay ko. Umangat ang tingin nya sakin na nanlalaki ng mga mata. I smiled at him sweetly. Inilgay na sa palasingsingan ko ang singsing saka ako hinigit at niyakap. "Damn I'm so happy" he whisper with so much amusement in his voice. I chuckle. "Now let's go to the gym, baka magstart na" I said at hihitakin kona sana sya pero hinitak nya ako palapit sakanya. He cupped my face with his soft gentle hands. After looking intently at my eyes, I felt his warm lips devouring mine. It's movements are shallow and gentle. I mimicked his lips' movements at makalipas ang ilang sandali ay bumitaw na kami at sabay naghabol ng hininga. "Sweetest energizer" he said chuckling kaya hinampas ko sya. Hinuli nya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin saka ako hinitak pabalik sa gym. Mula sa parking lot hanggang sa makapasok kami sa gym na puno ng tao ay nakangisi lang si Jai. "Fuentes nakikinig kaba?" Iritadong singhal ng coach nila kay Jai. "Yes coach" he said at medyo nagseryoso pero halata parin sa mukha nya ang saya. "Anong nangyari sa parking lot? Bakit parang maganda mood ng lalaki na yan?" Pang aasar ni Maci habang sinusundot sundot ako sa tagiliran. "It's because of the jersey" I said not minding her malicious stare. "Sabi mo e" she said na tila ba hindi naniniwala sa sagot ko. Natapos ang first quarter ay mukhang lumulutang si Jai, maging hanggang ngayon na nagsisimula na ang second quarter. "Jairus gago ka umayos ka nga!" Sigaw ni Hendrix mula sa bleacher. Pinagpahinga muna sya dahil halos sya lang ang gumagalaw. Nagtawag ng time out ang coach ng kabilang team kaya nagsilapitan sila Jai sa coach nila. Pinapagalitan sya ng coach nila pero tumatawa lang sya. "Hoy Jairus hihiwalayan ka daw ni Ryleigh kapag natalo kayo dito!" Sigaw ni Maci kaya napalingon saamin si Jai pati ang ibang miyembro ng team nila, maging ang mga taong nanunuod pati ang kabilang team ay nakatingin saamin. Tumawa si Jai ng medyo malakas kaya gulat na napatingin sakanya ang mga kateam. Si Jai kase ang uri ng tao na hindi madaling mapatawa, masyado syang seryoso sa buhay at nakakatakot kausapin. "Don't fool me Maci we're engaged come on we're getting married!" He shouted. My iilan sa audience na nagsitilian at ang mga kateam mate ni Jai ay nagsipulan, lumingon si Maci sakin na nakalaglag ang panga pero ang naka kuha ng atensyon ko ay ang mga kabilang grupo na nagsi-"Oh" at tinapik ang balikat ng lalaking nabunggo ko kanina. Tumatawa lang sya saka tumalikod sa gawi ko kaya nakita ko ang nakasulat na apelyido sa jersey nya, Menaide. Napabaling lang ang tingin ko kay Maci nang hawakan nya ang kamay ko at tinignang mabuti ang singsing. "OMG! s**t Ry kinikilig ako" tili nya at parang bulati na binudburan ng asin. "Hoy Hendrix tayo? Kailan tayo ikakasal gago ka!" Sigaw ni Maci kaya napalingon sakanya si Hendrix na naka kunot ang noo. Humagalpak sa tawa ang mga nakakarinig maging ang mga ka team mate nila. "Walang balak si Hendrix, Maci! Mabunganga ka kase!" Sigaw ng isa sa mga kateam nila Jai. Agad namang umangat sa ere ang middle finger ni Maci. Tumayo sya at nagpapadyak. Nakakahiya talaga ang isang 'to. "Maci maupo ka nga nakakahiya ka shet" bulong ko habang hinihitak sya pero hinahampas lang nya ang kamay ko. "Break na tayo Hendrix!" Sigaw nya kaya namilog ang mata ni Hendrix pero agad ding napalitan ng hagalpak na tawa. "Tumatawa kapang gago ka!" Sigaw ulit ni Maci. Gosh ako na ang nahihiya para sakanya. "Oo magpapakasal tayo nasa bahay yung singsing tangina ka kase Jairus inunahan pako" natatawang sabi ni Hendrix. Magrereklamo pa sana si Maci pero hinitak ko na sya paupo at magsisimula na ulit ang game. Kung kanina ay si Hendrix ang seryoso at si Jai ang wala sa sarili, ngayon ay parehas na silang lutang. "Anak ng tokwa Fuentes! Villegas! Ano na!?" Iritdong sigaw ng coach nila nang wala maambag sila Jai sa team. Sa sobrang irita ng coach nila ay nagtawag na ito ng time out. Gigil itong nag sermon sakanila habang tawa naman nang tawa si Jai at Hendrix. "Agreste! Valdemar!" namilog ang mata ko nang tawagin ng coach nila ang surname namin ni Maci ng pagka lakas lakas na halos kalapit na audience at kabilang team ay napatingin saamin. "Come here and tell your soon to be husband to focus or else I'll kick his ass out of my team" tawag ng coach nila. Walang pag aalinlangang tumayo si Maci at hinitak din ako patayo at naglakad palapit kila Jai. Todo ngisi naman si Jai nang makalapit kami, agad nyang ipinalupot ang braso sa bewang ko. "What are you doing?" Madiin kong tanong sakanya but he just chuckled at isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Jai you're sweaty" reklamo ko nang maramdaman ang lagkit ng pawis nya. Pero kahit pawisan ay sobrang bango parin nya. Pilit kong kinakalas ang braso nya pero lalo lang nyang hinihigpitan. "Jairus!" Dahil sa pagkaasar ay napalakas ang boses ko kaya napatingin saamin ang mga nasa kabilang team, nagtama din ang tingin namin ng lalaking nakabungguan ko kanina. Hindi pinansin ni Jairus ang galit ko, he even kissed my neck. "Alexander!" Inis na sigaw ko kaya tuluyan na syang bumitaw at tumatawang lumayo saakin habang nakataas ang dalawang kamay. "Chill commander" tatawa tawa nyang sabi bago lumapit ulit saakin at hinalikan ako sa noo. May narinig pa akong impit na tilian mula sa audience. "Aayusin kona sorry" tatawa tawa nyang sabi bago ako tinalikuran at bumalik sa coach nila. Agad hinanap ng mata ko si Maci para ayain na syang makabalik sa pwesto namin kanina. "Ry dito" napalingon ako sa bleachers kung nasaan sya at kumakaway. Agad akong lumapit at naupo sa katabi nyang bangko. "Kayo nako...... PDA" tatawa tawa nyang sabi sabay sundot sa tagiliran ko habang tumatawa. "Oh come on, you know Jai right?" naiiling kong sagot na tinawanan lang ni Maci. Kilalang kilala na nya si Jai, sa sobrang tagal na naming magkakasama ay kabisado na namin ang ugali ng isa't isa. Maci knows that when I call Jai on his second name, hindi nako natutuwa. It's either he's whispering something I don't like or he's doing something that makes me uncomfortable. We've been together for years but nothing happened between me and Jai. Hindi naman namin yon problema dahil naiintindihan naman ni Jai 'yon and I know that he's willing to wait. Madalas lang talaga nya akong inaasar or tinutukso. Matapos kaming ipatawag ng coach nila Jai ay umayos na sila sa pag lalaro at medyo nahahabol na nila ang puntos hanggang sa matapos ang 2nd quarter at pantay na ang score. Nanatili kami sa bench habang nanunuod ng basketball hanggang sa matapos ito at, well, talo kami pero hindi naman nalalayo ang puntos. Lamang ng 5 puntos ang kabilang team, kung sanang nagseryoso lang sina Jai umpisa palang baka may pag asa pa. Pero hindi ko maitatanggi na talagang magagaling ang kalaban nilang team. Lalong lalo na yung Team Captain nila na mukhang inosente. "Babe" boses ni Jai ang nagpalingon saakin. "Why?" I asked as I laid my eyes on his handsome face. "I'll introduce you to them" nakangiti nyang sabi habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Inabot ko ang kamay nya kahit hindi ko alam kung sinong tinutukoy nya. Nang tignan ko kung saan kami papunta ay namilog ang mata ko. We're heading to the other team. Bakit nya ako ipapakilala sa kalaban nilang team? Kaibigan ba nya sila? "Jai" tawag ko sakanya sabay hitak sa kamay nya kaya nahinto sya sa paglalakad at humarap saakin. Tinignan ko naman sya ng nagtatakang tingin. Mukhang nakuha nya ang ibig kong sabihin kaya bumuntong hininga sya saka lumapit saakin at inakbayan ako. "Babe, we're rivals inside the court but we're friends after the game" paliwanag nya na nagpakunot ng noo ko. "How did you meet them?" I asked confused. Wala akong maalala na may iba pa syang kaibigan maliban kay Hendrix. "Actually hindi talaga ako ang kaibigan nila. Naging ka close ko lang sila kase halos buong team namin ka close sila" paliwanag nya na ikinatango ko. Ngayon lang ako nakapunta dito sa MND kase ngayon lang ito napasok sa district namin. Dati nabibilang ang paaralang ito sa kabilang distrito kaya ngayon lang din nakalaban nila Jai itong mga 'to. "Guys" tawag ni Jai sa atensyon ng mga nandoon kaya napatingin ang mga iyon saamin, maging ang lalaking nakabunggo ko kanina. Siyam silang nandito at pang sampu ang Team Captain siguro at absent ang dalawa. "This is my fiancé, Ryleigh" pagpapakilala saakin ni Jai. "Ryleigh Valeria Agreste" nakangiti kong saad sakanila. "Levi.... Austin Levi Menaide" nakangiting wika ng lalaking may piercing na cross na kinumpara ko kay Levi from AOT kanina, mayroon din syang dimples sa ilalim ng side ng kanyang labi, both sides. Inilahad nito ang kamay nya pero tinitigan ko lang sya habang nakanganga. "Babe?" Tawag sakin ni Jai kaya napatingin ako sakanya. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Levi na ngayon ay nakangisi na. "Sorry. I'm just shocked, you look like Levi Ackerman and your name is Levi. That's...." Natatawa kong saad saka tinanggap ang kamay nya. Nanindig ang balahibo ko nang maramdamang mayroong mariin na nakatitig saakin. "Who's Levi Ackerman?" Tanong ni Jai nang bitawan ko ang kamay ni Levi. "It's an anime character" sagot ko kaya tumango sya. "Eli.... Julian Elijah Menaide" iyong lalaking brown at medyo kulot ang buhok na mukhang hindi nasusuklay. "Onyx Simeon Menaide" iyong lalaking naka eyeglass at maayos ang pagkaka gupit ng buhok. Mukhang matalino at maayos sa buhay 'to. "Adam.... Cole Adam Menaide" iyong lalaking kaparehas ng buhok ni Eli pero black version naman. "Gideon Kaden Menaide" iyong lalaking brown at may kakaibang hairstyle. Mayroon kasing dalawang line sa taas ng kanang tainga nya. "Noah Gael Menaide" iyong lalaking may malalim na dimples sa ilalim ng sides ng kanyang labi, just like Levi.. "Odin Sydney Menaide" iyong lalaki na mukhang suplado. Magka mukha sila ng buhok ni Levi pero mas mahaba ang buhok nito kaya naka pusod. Sya yung nabunggo ko kanina. Mas gwapo pala sya kapag ganito kalapit. "Zaiden Beau Miller" iyong lalaki na medyo moreno. "Hayes Silas Milan" iyong lalaki na gray ang buhok. Nginitian ko silang lahat. Isa lang ang nakikita ko sa mga Menaide, at iyon ay mukha silang mga inosente. Lahat sila ay may matatangos at perpektong ilong, maninipis at mapupulang labi, makakapal at napaka ayos na mga kilay, mapuputing mga balat, magagandang pangangatawan, in short lahat sila gwapo. Mayroon lang isang pagkakaiba, well maliban sa hairstyle, at iyon ay ang kulay ng kanilang mga mata. Sina Levi, Cole at Noah ay puro gray ang mga mata habang berde naman ang kina Odin, Kade, Onyx, at Eli. "Nice game Fuentes, Villegas" napalingon kami sa lalaking nagsalita at nakitang iyon ang Captain ng kabilang team. He has the most beautiful eyes among them, his eyes are deep blue, super deep. In fact, it looks blue green. "Uriel Khalil Cesaire" pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay saakin. "Ryleigh Valeria Agreste" sagot ko at inabot ang kamay nya na nakalahad. "Sa'yo din Casaire" sagot ni Jai at tinapik ang balikat nito. Ngumiti lang ito at tumalikod paalis, mukhang hindi nya ka close ang mga Menaide. Napakaganda ng mga mata nya. Iyong mga matang katatakutan mo, at mapuputi na ang mga Menaide pero mas maputi ang isang 'to. Naka pusod din ang buhok niya at mukhang mahaba talaga. Hindi inaasahan lahat ng nakikita ko dito. Kaya siguro nauubusan ng estudyante ang kabilang paaralan dahil sa ganitong view, puro gwapo. Pero ang alam ko hindi talaga dito nag aaral ang mga Manaide, ang sabi sabi ay nakick out daw sila sa dati nilang paaralan kaya napilitang lumipat dito sa MND na pagmamay-ari ng tita nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD